WM43-1
Year 2017
Indigo POV
“Indi!!!”
My mother shrieked. Ang matinis na boses ng aking ina ay siyang dahilan kung bakit napaigtad ako mula sa aking kama. Tumayo ako at lumabas na sa silid para harapin ang Mama Vera.
“Mama! Is there anything bothering you today?” Halos mabulol ako sa sinabi kong iyon. Bawal managalog sa aming bahay. Kapag narinig kasi ako ng mga magulang ko ay tiyak na kaparusahan na naman ang matatanggap ko. Hindi basta bastang parusa. May nakahandang buntot ng pagi na siyang nagsisilbing latigo sa bawat katagang Filipino na babanggitin, sa harapan ng mga kawaksi! Ganoon kaistrikto ang mga magulang ko.
Letseng buhay ito! Lalayas na ako sa pamamahay na ito! Bago pa ako maubusan ng Ingles at maubusan ng dugo. Aba! Filipino naman kami pero feeling pamangkin ni Uncle Sam ang mga magulang at mga kapatid ko!
“What’s this again?”
Hinampas ni Mama sa aking mukha ang peryodiko kung saan naka-frontpage ako, si Indigo Magtanggol na nakikipagharutan sa isang may edad ng biyuda na socialite, si Beatrice Tan.
“What's wrong with that Mama? She needed company because she is lonely. And I gladly obliged to accompany her for the night!” katwiran ko sa aking ina.
Kahit ang aming pananalita ay dapat pormal. Ultimo ang pagbigkas ng mga salita ay dapat tugma. Bawal ang conversational sa amin. Kaya minsan gusto ko na lang magbaon ng makinilya habang sinesermunan ng aking ina.
“Que barbaridad, que horror! And now that old woman is burning the telephone lines asking about you like a smitten high school girl!” Namula ang aking ina sa pagkadismaya sa akin na bunsong anak niya.
Hindi ito ang pinangarap niya sa para akin bilang anak. She wants me to follow the footsteps of my dad, Malakas Magtanggol, to be a seasoned criminal lawyer. All of the cases he handled, he was victorious. We have several affluent families as their retainers.
“It’s just a phone call. It's not as if I slept with the woman.” I blurted out of frustration and rolled my eyes. My ever snob Mom has very high regards with etiquette. Hindi niya mawaglit sa sistema ang kaisipan na may koneksyon siya sa mga dugong bughaw sa Espanya.
“Indigo Magtanggol!”
I ran away from my mother. I am sure that the lashing in front of the household help will soon follow. Kapag binuo na kasi niya ang aking pangalan ay hagupit ng latigo na ang kasunod. Sa edad na animnaputlima ay malakas pang humagupit ng latigo ang aking ina. Animo isa akong kabayo na may dalang karwahe na kailangan na tumakbo sa pinakamabilis na paraan.
Tumakbo ako papunta sa garahe kung saan nakaabang na ang tatlo kong alipores na sina Gardo, Gener, at Gomer. Ang triplets na kung tawagin ko ay 3G.
“Bilis!” utos ko sa panganay na si Gardo. Hinagis ko ang susi sa ere at nasalo ito ng bunsong si Gomer. Siya talaga ang nakatokang magmaneho kapag tumataas na ang boses ng aking ina. Si Gener ay kumaripas ng takbo at binuksan na ang gate.
Nang nakasakay na kaming lahat sa aking sportscar, kaagad pinaharurot ni Gomer ang sasakyan. Dinig ko pa ang matinis na sigaw ng aking ina pero bingi na ako sa pagtawag niya sa akin. Kailangan ko munang tumakas at magpalamig.
Huminto kami sa unahan para isakay si Gener. Buti na lang at tiyempo na breaktime ng gwardya, kundi ay nagkaproblema sana kami.
“Saan tayo bossing?” tanong ni Gomer sa akin. Medyo nagmenor ang andar ng aking sasakyan dahil nakalabas na kami sa exclusive village na iyon.
“Doon tayo sa Fantasy Bar. Doon maraming pwedeng madali na mayamang chika babes.” Napahawak ako sa aking baba. Doon ko nakilala si Beatrice at tiyak merong maraming katulad niya ang naroon ngayon. Mga mayayamang may edad na babae na walang magawa kundi maglustay ng pera. Mga babaeng kulang sa pansin, bored richman’s wives na kung hindi masyadong busy sa trabaho at negosyo ay may mga kabit.
“Bossing, halatang mahilig ka sa sinigang at paksiw,” hirit ni Gomer sa akin.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ano?”
Kita ko kung paano binatukan ni Gardo ang bunso sa biro nito sa akin. “Sabi nitong pilyo kong kapatid, mahilig po kayo sa mga may edad na po.”
“Paanong nadamay ang mga pagkain?” nagugulahan pa rin ako sa pakiwari niya.
“Ay si bossing tanga! Maasim kasi ang mga matrona katulad ng sinigang at paksiw!” Bumunghalit siya ng tawa pero kaagad nahinto ng tiningnan ng masama ng panganay niyang kapatid.
Napatango ako. Tama nga naman ang mga kaibigan ko. “Hayaan mo na mga kapatid mo, Gardo. Para ka namang iba. Kapatid na ang turing ko sa inyo. Kung sakali ba na lumayas ako sa poder ng mga magulang ko ay sasama kayo sa akin?”
“Sama!” sabay-sabay na bigkas ng tatlo. At saka hagalpakan kaming apat ng tawa.
Simple lang naman sana ang gusto ko. Ang hayaan ako ng mga magulang na malayang makapili ng kursong naisin ko. Makailang beses na akong nag-attempt na magpa-enroll ng kursong BS Psychology. Pero sa tuwina ay hinaharangan ng aking ama ang enrollment ko. Nagugulat na lang ako na kanselado na ang aking kinuhang mga units. Malawak ang koneksyon ng aking ama at isang pitik lang niya ay nakukuha na ang gusto.
May nabuo na akong plano. Sawa na ako na sa edad na bente singko ay ayaw pa rin akong pakawalan ng mga magulang. Patakaran ng mga magulang ko, hindi ka makakaalis sa poder nila kung hindi ka mag-aasawa. Pero ako? Married or not, aalis ako!
Trenta minutos lang naroon na kami sa bar. Kaagad sumalubong sa amin ang malamyos na jazz music na karaniwang tinutugtog doon. Mayroong entablado kung saan kumakanta ang isang singer na nakasuot pa ng costume na pang 1960’s. Napailing ako sa gimik ng bar.
As usual, nakasunod ang tatlong kaibigan ko. Mga gwapo ang mga ito; kahit Pinoy na pinoy ang mga mukha. Para silang si Gardo Versoza noong kabataan nito. Identical twins ang mga ito na halos kung hindi mo susuriin ay maipagpapalit mo sila.
Lumapit ako sa bar counter at umorder ng inumin. Lumapit ang isang waiter at binigyan ako nito ng aking paborito. Mukhang namukhaan ako nito at awtomatikong binigyan ako nito ng inumin. Sinusuri ko kung sino ang pwedeng maging prospect ngayong gabi. Kahit naman matrona ang madalas niyang mabudol ay may taste ako.
Kinindatan ko ang babaeng nakasuot ng kulay Lilac na velvet mini-dress. Halata na ang edad sa itsura nito pero panalo pa rin sa pigura. Pwede ng pagtiyagaan, ang saad ko sa sarili. Sumenyas na ako sa tatlo na magiging look out ko. Minsan kasi ay may mga bodyguard ang mga ito. Madalas ay asawa ng pulitiko o di kaya ay mga biyudang negosyante.
Napatingin sa akin ang mga naroong mga babae. May mangilan-ngilan na bata pa. May ibang nakasuot pa ng mga corporate uniforms na mahilig sa sosyaling lugar.
“Hey, sexy!” Yumuko ako para marahang samyuin ang amoy ng babae. Marahan kong hinipan ang punong tainga niya at awtomatikong napangiti. “Can I join you?”
“Sure!” Halatang excited ang babae at halos tumili ito nang abutin ko ang kamay niya para halikan.
“Hi, I'm Indi. And you a-”
“Matilda Lee.”