CHAPTER 4

3000 Words
Ambitious Gulat man sa sinabi ni Mama ay bigla ding nagkailaw ang madilim naming bahay. Napatingin ako sa pintuan kung saan dinig ko ang masasayang tawanan ng aking mga pamangkin. Kasabay na pumasok sa kanila ay ang nakakatanda kong babaeng kapatid. "Ate? Napadalaw po kayo?" Ani ko at nagmano. "Namiss ko po kayo tito," sabay namang bigkas ng kambal. "Punta ka po ulit sa bahay. Please?" Pangungumbinsi nila sa akin." "Sige ba! Pero miss na miss ko na din kayo. Hali nga kayo," ani ko at kinarga ko sila. "Ang bibigat niyo na." "Maraming salamat, Liz. Mabuti nalang at napadalaw ka dito. Alam mo namang wala ng mahahanap na trabaho itong Papa mo dahil sa arthritis niya. Kulang na din ang pera na kinikita ko sa paglalaba para sa pantustus ng pang-araw-araw na pangangailangan namin." Malungkot na sabi ni Mama. Napatikom ako ng aking bibig sa sinabi ni Mama. Inilapag ko ang kambal sa mataas na upoan at tyaka pumasok muna sa aking kwarto para makapagbihis na. Inilapag ko ang aking bag sa lamesa tyaka naupo sa isang silya. Napabuntong ako ng malalim na hininga. Simula noong nag-aaral pa ako sa mataas na paaralan ay palaging bukambibig ni Mama ang tungkol sa kakapusan ng aming pera. Hindi naman sa nagrereklamo ako ngunit kahit na wala akong baon ay pumapasok ako sa paaralan. Naglalakad na lang rin ako patungo sa paaralan. Alam kong iba na ang usaping bayarin kapag nakatungtong ka ng kolehiyo sapagkat mas magastos ito. Ngunit, kapag nakapagtapos ka ng kolehiyo ay may tyansa kang makakakuha ng mataas na posisyon sa aaplyan mong trabaho. Sa pamamagitan nito ay nasusuklian mo ang iyong mga magulang sa mga hirap nilang dinanas para makapagtapos ka. Pero sa sitwasyon ko ngayon, sa sinabi ni Mama na papatigilin muna ako sa aking pag-aaral. Mukhang titigil narin siguro nga ako. Nakatungtong na naman ako ng kolehiyo baka may iilan ding mga oppurtinidad akong makukuha. "Ang laki na pala ng utang natin kay Tiyang, Ma?" Dinig kong tanong ni ate kay Mama. "Ilang buwan narin. Mabuti nalang at nakapunta ako ngayon." "May pambayad naman sana ako ngunit kinakailangan kasi ng kapatid mo. Kaya inutang ko na muna ang kuryenteng pambayad kay Tiyang." "Magkano po ba ang kinailangan ni Janiel at hanggang ngayon hindi pa kayo nakakapagbayad?" "Tatlong libo," ani ni Mama. Dinig kong napaubo si Ate sa kanyang narinig. Napakagat ako sa aking labi sapagkat bumigat ang aking dibdib. Minabuti ko nalang na tumayo para makapagbihis kaysa makonsensya ako ng walang ginagawa. "Anak? Kumain na tayo," anyaya ng aking ama. Kaagad naman akong nagtungo ng hapag kung saan naghahanda na sila. Tumulong narin ako sa paglalagay ng mga plato at kubyertos. Masaya namang naglalaro ang mga bata sa lamesa habang inaantay ang mga pagkain. "Janiel?" Tawag sa akin ni Ate kaya napabaling ako dito. "Bakit ate?" Lumapit ako dito at kinuha ang sinabaw na baboy na kanyang inihain. "Kamusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong nitong ikinakaba ko. "O-Okay naman po ate. Finals na namin sa susunod na araw," bigkas ko sabay ngiti dito. "Mabuti naman. Hindi ka ba nahihiraoan diyan sa kurso mo?" Tanong nitong ikinatigil ko. Pilit naman akong ngumiti. "Hindi naman po. Kinakaya ko naman po." "Kasi sila Mama at Papa na ang nahihirapan." "Liz," ani ni Papa. "Pwede ka namang magturo nalang? Bakit hindi education ang kinuha mo? Hindi pa magastos. Ang ambisyuso mo naman alam mo namang wala tayong sapat na pera para sa kursong gusto mo." Para akong napipi at nasaktan sa sinabi ng aking kapatid. Nagkukumahog ako sa pag-aayos ng mga kubyertos sa paglalagay nito sa plato ngunit nagawa kong tumawa parin. "Sayang naman po kasi ang talento ko ate. At tyaka, ito talagang kurso na ito ang aking gusto. Mahihirapan din naman ako kapag maging guro ako dahil mababa lang ag pasensya ko." "Pero-" "Pero huwag ka po mag-aalala ate, pinagsabihan na ako ni Mama kanina. Baka magtatrabaho na muna ako pagkatapos ko sa semester na ito. Sayang naman po kung hindi ko tatapusin. Binilhan pa naman ako ni nanay nung mamahaling tech pen," ani ko sabay ngiti. Napatango nalang si Ate tyaka tinawag ang mga bata. Mabigat man sa aking dibdib ngunit kailangan ko itong gawin. Pampalubag-loob ko narin sa kanila at tyaka napatingin ako sa aking mga magulang. Kanina pa ako nakahiga dito habang tutok ang aking mga mata sa kisame. Marami akong dapat gawin ngunit niisa ay tinatamad ako. Para akong nawalan ng lakas para gawin lahat ng ito. Ang mga review at plates na kailangan kong gawin ay naapektuhan dahil sa mga nangyayari. Humugot ako ng malalim na hininga ngunit hindi nakaligtas ang isang luha. Hanggang sa sabay-sabay na itong naglandas sa aking pisngi. Hinayaan ko lamang ito hanggang sa gumaan ang naninikip kong dibdib. Masakit man ngunit kailangan kong tanggapin ito. Pareho ng senior citizen na ang aking mga magulang habang ang ate ko naman ay may sarili na ding pamilya. Nahihirapan din siya kaya hindi na ako humihingi ng tulong sa kanya pantustos ng aking pag-aaral. Wala na akong mahihingian pa ng tulong kaya alam ko na kung saan patungo lahat ng ito. Napabaling ako sa lamesa at dingding ko na punong-puno ng mga nakabitin na mga kartolina. Ibat-ibang mga linya ang makikita dito at iilan din dito ay ang mga notes na idinikit ko tuwing mag-aaral ako. Napatingin ako sa isang tracing paper na puno ng elevation na ginawa ko. Hindi sa magmamayabang ngunit sa tuwing tinitingnan ko ito ay nagagandahan ako. Gusto ko talaga kasi ang magdesinyo at mas naipapalabas ko ang pagiging malikhain ko tuwing mag-eelevate na ako ng bahay. Napapikit ako sabay hugot ulit ng hininga. Susuko na muna ako ngayon ngunit sisigiraduhin kong babalikan ko ang aking kurso. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong inaantok kakaiyak hanggang dama ko na ang malayang pagtaas-baba ng aking dibdib. Nagising ako kinaumagahan sa ingay ng aking pamangkin. Napatingin ako sa orasan at mag-aalas sais na. Napatingin ako ulit sa kisame at naalala ang nangyari kagabi. Inabot ko ang aking malamig na pisngi kung saan natuyo ang mga luha kagabi. Malakas na tumitilaok ang tandang na gumising sa aking diwa. Napangiti ako sapagkat kay ganda ng umaga para maging malungkot ako. Pumasok narin ang sinag ng araw sa aking kwarto. Agad akong tumayo para maligo ngunit mabigat ang aking mga hakbang. Wala din akong lakas para pagbuksan ang pintuan ng banyo. "Mauuna na po ako sa inyo ate," paalam ko dito. "Ma, Pa?" Baling ko din sa aking magulang. "Kiss muna Tito," ani ng kambal sa akin kaya pinagbigyan ko na ang mga ito. Patakbo akong nagtungo papuntang kalsada. Napatingin ako sa oras ng aking cellphone at mag-aalas syete pa. Simula ngayon, kailangan maaga na akong aalis ng bahay sapagkat sapat lang ang pera ko. Hindi na muna ako nanghingi kay Mama baka may mas kakailanganin pa ako kaysa ibayad papuntang terminal. Marami ng sasakayan ang dumadaan pagdating ko ng terminal. Mabuti nalang at hindi pa puno ang sasakyan kaya tumakbo ako papunta dito baka maunahan ako ay maunahan. Naghanap ako kaagad ng mauupoan at mabuti naman ay may bakante. Agad na umandar ang sasakyan nung napuno na ito ng mga tao. Siksikan ulit ngunit wala ako sa aking sarili ngayon. Nakatanaw lamang ako sa labas habang bumalik-balik ang mga nangyari kagabi. Naalala ko parin ang sinabi sa akin ng aking kapatid. Masakit talaga kapag sasampalin ka na ng katotohanan. Ambisyuso man ako ngunit ginagawa ko naman ito para sa kanila. Tumapat ang sasakyan sa kolehiyong pinag-aaralan ko. Kaagad na akong bumaba dito at mabuti nalang ay bukas pa ang tarangkahan. Tinakbo ko ito at ilang minuto nalang ay magsasara na ito para sa flag ceremony. Mabuti nalang at nakapasok na ako nung tumugtog ang hymn. Tumigil ako sa paglalakad at tumabi na muna. Ganoon din ang ginawa ng iba nung naabutan ng kanta. May tumabi sa akin kaya napatingin ako dito. Muntik ko ng mabitawan ang dala kong tracing tube. Mabuti nalang at may lubid ito. "Okay ka lang?" Tanong nito sa akin. "Mabuti at nakaabot pa ako," nakangiti nitong sabi. Napalunok ako ng laway ko nung nasilayan ko ang pagngiti ng kanyang labi. Manipis at malarosas ang labi nito. Ang ngipin din niya ay mahahalintulad sa isang puting papel. Bigla niyang dinilaan ang kanyang labi kaya napakurap ako. "O-Oo," tanging nasagot ko sabay iwas ng tingin dito. Dama ko ang pag-init ng aking katawan. Bigla ding bumilis ang t***k ng aking puso sa kaba. Inabot ko ang aking noo kung saan may butil ng pawis na ang naroroon. "ID mo?" Tanong nito nung natapos ang unang hymno. "H-Huh?" Tanong ko sabay tingin sa aking dibdib. "Bakit?" "Pinaalala ko lang baka kasi naiwala mo na naman," sabay halakhak nito. "Inaasar mo ba ako?" Ani ko sabay tingin sa kanya. Imbes na mainis ako ay biglang naglaho ito nung nakita ko ang pagliit ng kanyang mata. Chinito ang kanyang mata habang ang makakapal nitong kilay ay nakakunot. Malapad din ang kanyang ngiti habang nagpipigil ng tawa. Iniwas ko na naman ulit ang aking mukha. Get yourself together, Niel! Napatingin ako sa mga dala kong gamit na nanginginig. Napapikit ako sabay huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Malapit narin namang matapos mga hymno kaya mauuna na ako baka mapansin niya na ang pamumula ko. Inihanda ko na ang aking sarili ngunit nabigla ako nung biglang may bumangga sa akin. Lumandas ang kamay sa aking baywang habang ang isa naman niyang kamay ay napayakap sa akin. Gulat man ngunit nagawa kong manigas sa aking kinatatayuan. Nakatingin lamang ako sa lalaking humingi ng patawad habang dali-dali itong umalis. Dama ko ang t***k sa ing dibdib kaya napatingin ako sa yumakap sa akin. My eyes went directly his adam's apple na napalunok ng laway then to his eyes. I felt his manhood poking against mine. Nanlaki ang aking mga mata at nanigas sapagkat, mine reacted too. Agad ko siyang tinulak at mabilis na tumakbo. Dinig ko ang pagdaing niya kaya napatigil ako sa paglakad para tingnan ito. Nakakunot lamang ang noo nito habang nakatingin sa akin. Parang okay naman siya kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Dahil narin sa hiya kaya nagawa ko siyang iwan at hindi na tumulong pa. Hingal kong narating ang panghuling linya ng aming seksyon. Mabuti nalang at naabutan ko pa ang attendance. Kaagad kong nilagay ang aking pangalan at nagpirma dito. Nakatingin lamang si Laiceia habang naningkit ang mga mata. "Okay ka lang? Ang pula ng tainga mo Jan! May allergy ka?" Ani niya. "Wala iyan," ani ko dito. "Tang-ina! Anong nangyari sa iyo pre?" Dinig kong sabi ng kalalakihan sa aking likuran. "Napano ka?" "Kunting aberya lang kanina. Tinulak kasi ako nung lalaking may dalang tracing tube," Ani nitong ikinalaki ng aking mata. Unti-unti akong bumaling para tingnan ito. Siya nga ito! Siya iyong lalaki kanina na tinigasan. Biglang nagsitayuan ang aking balahibo nung naalala ko ang nangyari kanina. Pinagpag nito ang likuran niyang may dumi. "Baka crush ka nun?" Biro ng kanyang mga kaklase. Muntik na akong mabilaukan doon. Teka? Bakit nandito siya nakalinya sa CEA? Tapos namumukhaan kong mga civil engineers ito. "Hindi. May nagmamadali kasi hindi ko sadyang nayakap siya," paliwanag nito. "Kaya pala," sabay na sabi naman ng mga lalaki. Biglang napatingin ito sa akin kaya kaagad akong bumaling sa harapan. Mas ikinabigla ko nung nakita ko si Laiceia na nakatingin na pala sa akin. Palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa lalaking nagpapagpag. "Teka!" Dinig kong sabi sa aking likuran. "Huy! Ikaw iyon hindi ba?" Boses pa lang niya ay natakot na ako. Nakatingin lang sa akin si Laiceia na para bang binabasa ang aking mukha. "Tinatawag ka." "Excuse me," ani nito. Ngunit, bago pa niya ako makita ay kaagad na akong umalis dito. Umatras narin ang nauna sa akin sapagkat tapos ng ang seremonya galing sa SAO adviser. Pinigilan ako ni Laiceia kaya pinandilatan ako nito ng mata. Napatingin ulit ako sa aking likuran. "Ikaw nga!" Ani nito na natatawa. Kahit ilang metro na ang layo namin ay takot parin akong maabutan niya. Kaya, nagpumiglas akong bitawan ni Laiceia. Mabuti nalang at pinakawalan niya ako kaya tumakbo na ako. Ngunit, natigil ako sa kanyang sinabi. "You'll pay for what you did! See you again," sigaw nung lalaki. Napailing ako at tyaka nagpatuloy sa aking pagtakbo. Kahit hingal na ako ay tinakbo ko parin ang hangdanan ng ikatlong palapag ng building baka maabutan ako. Humingi narin ako sa mga estudyanteng nababangga ko. Nasa tapat na ako ng aming classroom nung nakita ko si Laiceia. Agad na nagkatagpo ang aming mga mata. Isang malapad na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi. "Sa tingin ko kailangan kong maki-marites ngayon? Anyare nga ba talaga?" Tanong nito sa akin. Bumuntong ako ng hininga. Inilagay ko ang aking mga braso sa riles kung saan tanaw ko ang baba. Maraming mga estudyante pa sa baba at iilan ay patungo sa canteen. Ganoon din ang ginawa ni Laiceia. "Ganito kasi iyon. Naabutan ako ng flag ceremony diyan sa may canteen banda," turo ko. "Tapos, tumabi siya sa akin. Nagkausap lang ng kaunti. Tapos, nung papunta na ako ng linya ay bigla niya akong niyakap-" "Ano?" Biglang sabat nito. Ang lakas ng tinig niya kaya napatingin ang iilan sa amin. Pinandilatan ko naman siya kaya natigil siya. "May bumangga kasi sa kanya dahil sa pagmamadali din kaya siya napayakap sa akin. Dahil doon," natigil ako sa pagsasalita. "Dahil?" Dugtong niya. Napapikit ako nung naalala ko ito kanina. Dama ko ulit ang kanyang p*********i na ikinasinghap ko. "T-Tinulak ko siya sa gulat ko," dagdag ko. "Valid naman pala ang rason mo. Syempre, magugulat ka talaga. At tyaka, kung hindi mo ginawa iyon baka isipin niyang nasasarapan ka," pabulong nitong sabi sabay kagat ng labi. "Maghunos-dili ka nga Lai!" "Totoo naman! Maliban sa akin, sino pa ang nakakaalam na malambot ang puso mo? Kung hindi kita kilala baka nagkagusto na ako sa iyo. Gwapo pa." Napailing na lamang ako. "Ewan ko lang sa iyo Lai." "Paano ba iyan? Pagbabayaran mo raw ang ginawa mo? May pa 'see you again' pa siya," ani nito sabay hagikhik. "Kung magkikita pa kami," sabay nagkibit ako ng balikat. "Teka! Bakit sa engineering siya nakapila kanina? Hindi ba sabi mo social studies kinuha nun?" "Hindi din ako sigurado," nahiya niyang sabi. "Tiningnan ko lang kasi ang uniporme niya. Pero, baka nagpunta lang sa mga kaibigan niya? Baka kaibigan niya iyong nasa engineering?" Nagkibit ulit ako ng balikat. "Baka nga! Pero, hindi na kami magkikita nuh. Asa siya sa 'see you again' niya." "In fairness, hindi mo mapagkakaila na gwapo siya." "Ano naman ngayon?" Ani ko. "Inaamin mo?" Natawa niyang sabi. "A-Ano? Ibig kong sabihin, attitude matters most," depensa ko naman. Ngunit, hindi ko maiwasang hindi maisip ang makita ng malapitan ang mukha niya kanina. From his brows down to his Adam's apple. Napalunok ako ng wala sa oras. "Uy! Daydreaming!" Tukso nito sa akin. "Hindi kaya," ani ko tyaka pumasok nalang sa loob ng classroom baka mas tuksuhin ako ni Laiceia. Wala kaming bakante ngayon sapagkat nagsit-in lahat ng subject para magbigay ng pasulit bilang review. Hindi na ako natukso ni Laiceia sapagkat abala na kaming lahat. Dumagdag pa ang mga final project para sa semester na ito. Nandito na naman ang mga minor subject na major kung makapagbigay ng mga gagawin. Ang major subject na nga ata ang nag-aadjust at hindi na muna nagbigay. Pero panigurado, mas dadami pa ito. "Hindi ko na alam kung aklnong gagawin ko Jan," naiiyak na sabi ni Laiceia. "Halos lahat magkakasabay ang deadline." "Huwag mo ng isipin iyan Lai! Punta na tayo kay Kuya Kwek-Kwek!" Maligaya ko pang sabi ngunit natigilan ako. "Teka," sabay naming sabi dalawa. "Ikaw na mauna," ani ko sa kanya. Kailangan ko na palang magtipid ng pera. Baka kung mas gagastos ako baka wala na talaga akong pampamasahe. "Kukunin kasi ako ni Mama ngayon, Jan. Baka muuna na ako sa iyo. Pasensya na. Hindi kita masasamahan ngayon." Malungkot nitong sabi. "Okay lang Lai," sagot ko naman. "Ikaw? Ano nga ang sasabihin mo?" "Wala hihi. Sige, sa susunod nalang?" May pag-aalinlangan kong sabi. "Oo naman. Pasensya na Jan ngunit muuna na ako sa iyo," ani nito. Napatingin ako sa kanyang lamesa at malinis na ito. Wala ng mga papel at lapis ang nakakalat dito. Mukhang nagmamadali talaga ito "Sige Lai. Ingat ka," paalam ko sa kanya. "Ikaw ang mag-ingat baka magkita kayo?" Tukso ulit nito. "Naalala mo na naman? Malabong magkita," tikas ng aking kilay. "Hindi natin alam," sabay kibit ng balikat. "Sige na! Mauuna na ako," at patakbong umalis. Tinanguan ko lang ito habang tinatanaw na papalayo. Nag-alisan narin ang iilan sa mga kaklase namin kaya hinarap ko nalang ang aking lamesa. Niligpit ko kaagad ang aking mga gamit para makauwi narin. Nakalabas na ako ng silid nung bumukas ang pintuan ng kasunod na classroom. Patuloy lamang ako sa paglalakad ngunit natigil ako nung nakita ko kung sino ito. Huli na para ako ay tumalikod sapagkat nakangisi na ito. "Now, we see each other again." Ani nito at tyaka hinarangan ako. "Excuse me, nagkakamali ka lang siguro." Ani ko sabay nag-iwas ng tingin. I tried my best ngunit hindi niya talaga ako pinapadaan. Pinagtitinginan na kami ng iba pag estudyante. Ano ba ang kailangan nito. "I'm not. It's our fourth time and there's more. Paano kita makakalimutan?" Ani nito tyaka lumapit sa akin. Napaatras naman ako. "You poked me back," bulong nito sa akin. Kaagad ko siyang tinulak ngunit hindi ako nagtagumpay. Nahawakan niya ang aking mga kamay. Ang mga dala ko namang gamit ay nagkalaglagan sa sahig kaya hindi na ako nakapagprotesta kaagad. Agad akong kumalas sa kanyang pagkakahawak at pinulot ang mga gamit. Napakamalas ko! Siguro narinig ng mga encanto ang sinabi ni Laiceia kanina. Napatingin din ako sa harap kung saan tinutulungan niya ako. "Ako na," bawi ko sa aking tracing tube ngunit tinaas niya ang kanyang kamay. Tumayo ako para abutin ito ngunit hindi siya nagpatalo. Tumayo din siya at nagtaas ng kamay. Bumuntong-hininga ako at tyaka inis na tumingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD