CHAPTER 5

3000 Words
My Name "Ano bang kailangan mo? Kailangan ko ng umuwi kaya ibigay mo na sa akin iyan." Tumingin ito sa kanyang relo. "Lagpas alas sais pa naman. Hindi ba umuuwi din kayo ng alas syete ng gabi?" "A-Ano? Paano mo nalaman?" Nagtataka kong sabi habang nanlaki ang mata. "Teka! Stalker ka ba?" Kinilabutan ako sa sinabi ko. "Stalker kaagad? May kakilala ako sa architecture," ani nito. Imbes na sumang-ayon ako ay kumunot ang aking noo. Pinagningkitan ko ito ng mata sapagkat bakit kailangan pa niyang umabot sa ganito. "Gusto mo ba ng pampalipas oras? I'm sorry ngunit mas may kailangan akong gawin kaysa aksayahin ang oras ko sa mga bagay na ganito." "Exactly! Pampalipas oras nga! Pero hindi kita ginagamit para pampalipas oras. You need to pay for what you did this morning. Pinrotektahan na nga kita tapos nagawa mo pa akong itulak," pagmamaktol nito "It's because your," hindi ko matuloy-tuloy ang aking sasabihin habang napapatingin sa baba nito. "Kaya nga ilibre mo nalang ako and we're done," ani nito. Napabuntong na naman ako ng hininga. Upang matapos na ito kailangan ko siyang ilibre ngunit saan naman. Wala pa naman akong sapat na pera para ipanglibre. Hindi ko na nga binibilhan ang sarili ko ng pagkain para makapagtipid ako tapos gagastos pa ako para sa kanya. Napakagat ako sa aking labi. "Pasensya na ngunit hindi kita maililibre, sa ngayon?" Nahihiya kong sabi sabay iwas ng tingin dito Nadinig ko ang pagbuntong ng kanyang hininga kaya napatingin ako. "Sige. Samahan mo nalang ako bilang kapalit," napakamot ito sa kanyang bagang na parang naiinis. "Bakit parang naiinis ka?" Tanong ko sa kanya. "Tara na nga! Ayaw mo ba makuha ito? Tingnan mo?" Sabay tingin niya sa labas. "Mas lumalalim ang gabi," ani nito at nagsimula ng maglakad. Napailing nalang ako at sumunod sa kanya. Wala naring gaanong estudyante noong bumaba na kami ngunit may iilan pang may klase sa engineering. Pagkalabas namin ay tumawid kami sa harapan kung saan makikita ang isang milktea shop. Gusto niya lang pala kumain tapos magpapasama pa siya sa akin. Napatingin ako sa mga presyo nito at ang mamahal naman. Kung ililibre ko siya baka ubos na talaga ang pera ko. "Pili ka," ani nito sa kin. "Hindi pa naman ako gutom. Hindi ba sasamahan lang kita?" "Ang sungit nito. Ang sama ko naman kung ako lang ang kakain," ani nito at tumingin sa cashier. "Order for two, T2. Salamat po," ani nito at tyaka nagbayad. Lumapit ako ng bahagya sa kanya. "Hindi ba sabi ko huwag nalang?" Nahihiya kong bulong sa kanya. Lumapit din siya sa akin. "Kung nahihiya ka then take the order for me. Uupo na ako doon," sabay nguso sa bakanteng lamesa. "Akin na ito," tyaka kinuha nito ang iba ko pang dala. Hindi na ako nakaangal pa sapagkat kinuha na niya ito kaagad. Napatingin naman ako sa cashier nung naihanda na nito ang iilan sa mga inorder nito. Imbes na balingan ito ay inasikaso ko nalang ang mga order. Bitbit ko na ito habang papatalikod na ako. Tumingin ako kung nasaan ito nakaupo ngunit nabigla ako sapagkat tinitingnan na niya pala ang laman ng aking tracing tube. Dali-dali akong nagtungo dito at nilapag ang order. Mabuti nalang at walang nalaglag doon. "Akin na iyan. Pangit hindi ba? Akin na," hingi ko nito. Ngunit, tinalikuran niya lamang ako. Ibinuklat niya pa ang mga nasa likuran ng aking mga gawa sa tracing paper. "Sige kunin mo pa para mapunit ito ng tuluyan," ani nitong ikinatigil ko. Napatingin naman ako sa ibang customer na nakatingin na din sa amin. Ang hilig niyang mang-asar at ako pa talaga. Napatingin ako sa lubas kung saan mas dumidilim na ang paligid. Dinig ko ang pagsara ng aking tracing tube kaya bumaling na ako dito. "Ang galing mo pala," panimula nito. "Sige, ito na nga. Hindi bagay sa iyo ang nakasimangot." Ani nito at nilantakan ang pagkain. Nakatanaw lamang ako sa kanya habang kumakain na ito. Nawalan narin naman ako ng gana at tyaka nahihiya akong kumain sa inilibre niya. Baka sabihin pa niyang kawawa ako kasi hindi ako makakabili. "Ano? Tutunganga ka lang ba diyan?" "Hindi ba sabi ko sa iyo huwag mo na akong ilibre?" "Sus! Ikaw na nga itong may atraso. Tapos, libre ko naman hindi ba? Hindi naman kita sisingilin ng bayad. Nadumihan mo pa ang uniporme ko," pagmamaktol niya sabay tingin ng kanyang pwetan. Dahil narin sa nakonsensya ako ay kinuha ko ang pagkain sa harapan. Sa totoo lang ngayon pa ako nakapasok dito kahit na mag-iisang taon na ako dito. Mukhang mamahalin kasi ang store na ito kaya hindi ko na pinapasukan. Ngayon ko lang din matitikman kung gaano ba kasarap ang milktea dito. "Hmm," hindi ko mapigilang masarapan sa milktea dito. "Masarap ba?" Nakangiti niyang sabi. "Oo," sang-ayon ko sa kanya. "First time mo dito?" Tanong niya. Muntik na akong sumang-ayon ngunit inirapan ko lamang siya. Tumawa lang naman ito at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi ko mapigilan ang aking sarili sa panggigil na kainin ang fries at burger. Napatingin ako sa kanya. Sumasama ako dito ngunit nalimutan ko ang pangalan niya. Hindi naman siguro importante na alam ko ang pangalan niya basta kilala ko siya. Pero, paano nalang kung magkita kami ulit? Ano namang itatawag ko sa kanya. Wow! Inaasahan ko talagang magkikita pa kami? "Ano?" Panimula ko. "Hmm?" Tumaas ang kilay nito habang sumisipsip ng milktea. "Ano nga pala ulit ang pangalan mo?" Tanong ko na ikinaubo niya. Kaagad naman akong napatayo para tulungan ito. Ngunit, tumanggi ito at natatawang bumaling sa akin. "Anong sabi mo?" Tapos naubo ulit. "Sumasama ka sa akin tapos hindi mo pala alam ang pangalan ko?" "Napilitan lang naman ako na sumama sa iyo," bulong ko sabay iwas ng tingin. Natawa ito. "David," ani nito at inabot ang kamay. "David Dukeson." Inabot ko naman ang kamay nito. "Jan-" "Janiel Sammers," ani nito sa akin. "Ba't alam mo? Stalker ka ba?" Kinakabahan kong sabi sabay kuha ng kamay ko. "Nakasulat pangalan sa tracing paper mo. Pang-ilang akusa mo na ba sa akin iyan?" Tanong nitong ikinatigil ko. "Nakakatakot lang kasi parang may alam ka sa akin. It's kind of weird," ani ko dito. "Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan. Huwag mong kalimutan ang pangalan ko ha?" "Siya nga pala, bakit nasa building ka namin? Hindi ba sa education ka dapat? Tapos top ka daw sa batch?" "Huh? Stalker ka ba?" "A-Ano? H-Hindi kaya! Nadinig ko lang," sabay iwas ko ng tingin. "Well, hindi ka nga stalker. Saan mo ba nakuha iyan at lahat iyan hindi totoo?" Iling nito. "I am a civil engineering student, tulad mo first year din ako. Top sa batch? Hindi naman. To answer kung bakit nasa building niyo ako kasi doon naman din ang engineering. Weird nga kasi mag-iisang taon na ngunit ngayon lang tayo nagkita." "Dami mong sinasabi-" "Totoo naman! Kung hindi lang siguro tayo nagsama sa bus baka hindi tayo nagkakakilala. Taga saan ka ba?" "M-Manga," pagsisinungaling ko. "Ikaw ba? Taga saan ka ba?" "Maribojoc. Layo nuh?" Ani nitong ikinatango ko. "Nakapunta na ako diyan! Pero, sa Mayacabac iyon kasi immersion namin." "Ahh iyong farm na nagpoproduce ng livestock at products organically?" "Oo! Ang ganda nga doon kasi naka-isang buwan kami doon. Presko ang hangin tapos payapa pa." "Sayang kasi malayo bahay namin doon," ani nito. "H-Huh?" Natigilan ako sa sinabi niya. Mukhang napakwento ako ng marami sa kanya. Kulang nalang sabihin ko na ang buhay ko. Napatingin ako sa fries at burger tapos na pala. At ang milktea ko naman ay ubos na rin. "Hindi ba kapag sinamahan kita, we're done?" "Oo iyong kasal-anan mo sa pagtulak mo sa akin. Bakit? May iba pa ba?" Sabay inom ng milktea. Napaiwas na lang ako ng tingin dito at tyaka umirap. "Well, this will be our last." Ani ko sabay tumayo. "Maraming salamat sa libre." Tapos narin naman akong kumain at nasamahan ko na siya kaya pwede na akong umalis. Lumabas na ako at tumawid na sa kabila para makapag-antay. Ngunit, nakasunod na pala sya sa akin. "Ano na naman?" Masungit kong sabi. "Babalik na ako sa loob. Bakit ang sungit mo ulit sa akin. Kwento ka pa nga kung ano pa nangyari sa immersion niyo." Sabay tawa nito sa akin. "Tantanan mo na nga ako," pagmamakaawa ko sa kanya. "Papasok na nga ako. Baka sabihin mo na naman na stalker ako?" "Hindi ko alam baka?" Ani ko sabay tingin ng mga dumadaang sasakyan. "Praning mo. Mag-ingat ka pauwi," bulong nitong sabi na ikinakilabot ko. Bumaling ako sa kanya ngunit mabilis itong tumakbo papasok ulit sa loob ng paaralan. "Sheez," bulalas ko sapagkat kinilabutan ako sa ibinulong niya kanina. He's really weird. Isang simpleng mamamayan lang naman ako pero parang naiisip ko na iniistalk na nga niya ako. Hindi kaya ipapatay niya ako. Mabilis kong niyakap ang aking sarili. Nahihibang na ata ako ngunit nakakatakot talaga siya. Isang busina ng sasakyan ang nagpagising sa aking imahenasyon. Kaagad akong sumakay dito at tumingin ulit sa loob ng paaralan. Pero, impossible naman kasi sa gwapo niyang iyon magiging stalker? Napailing ako sabay natawa. Tama nga siguro siya napapraning lang ako. Tapos tumawa ako ulit ngunit napatikim ako ng bibig nung napansin kong nakatingin na ang ibang pasahero sa akin. Baka mapagkamalan pa nila akong may sayad sa utak. Dumating na nga ang panghuling pasulit ng mga minor subjects namin. Hindi pa nagbigay ng dates ang aming major subject kasi pinauna muna ang mga minor. Mag-iisang buwan na naman itong examination namin tulad noon. "Kamusta Janny? Pasado ba? Kasi kinakabahan ako sa magiging resulta." Tanong ni Laiceia nung panghuling pasulit na namin ngayon araw na ito. "Sus! Ikaw pa. Malabong makakakuha ka ng mababa. Sa tingin ko din naman, may naisagot naman ako sa mga pinag-aralan ko. Kaya hindi ako masyadong kinabahan." "By the way, kamusta kahapon? kwek-kwek alone?" Tanong nitong ikinatigil ko. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Napailing ako sapagkat ito din ang dahilan kung bakit matagal akong nakatulog kagabi. Imbes na mag-aral ako ay hindi ako makapagconcentrate. "Mukhang nakakabahala nga Lai ang magiging resulta nitong finals natin," sagot ko. "Ano? Bakit mo nasabi? Akala ko ba nakapag-aral ka? At tyaka, iba ang tanong ko Janny bakit iyan ang sagot mo?" "Nag-aral ako pero nung nagising na ako. Hindi kasi ako makapagconcentrate sa pag-aaral kagabi. At tyaka, dalawang subject lang naman ang pasulit ngayon kaya kampante ako pero hindi sigurado," natawa kong sabi. "Bakit hindi ka makapagconcentrate? Dahil din ba sa mga projects natin? Ako din Janny. Iyan din ang dahilan kaya hindi ako masyadong makapagconcentrate sa pag-aaral." "Hindi," basag ko sa kanya. "Huh? Eh ano?" Naguguluhan niyang sabi. "Nagkita kami ulit kahapon. Ayon, inaya niya akong magmilktea. Bayad na daw sa pagtulak ko sa kanya," ani ko at tumikhim. "A-Ano? Totoo?" Hindi siya makapaniwala. "So? Parangdate niyo iyon?" "OA naman nung date. Nagpasama lang siya sa akin kasi nga kabayaran ko sa pagtulak ko." "Tapos ano pang ginawa niyo dalawa? Alam mo! Para kayong nasa BL stories. Inaya kang magmilktea tapos nagkahawak kamay. Nagkatitigan tapos unti-unting lumapit ang mukha sa isa't-isa. Tapos-" nakanguso na ang kanyang labi para sa susunod na sasabihin ngunit inunahan ko na ito. "Hindi ganyan ang nangyari. Hindi ko din siya hahayaan ano," pagtataray ko. "Pero eventually, bibigay ka din kapag lubos mo ng makilala?" "Anong pinagsasabi mo? Pareho kaming lalaki nuh! Malabong magkagusto iyon sa akin." "Pero ikaw! Nagustuhan mo na? Anong lalaki ka diyan?" "Ang daldal mo Lai! Wala akong sinabing ganyan. Imahinasyon mo lang iyan. At tyaka, nagkausap lang naman kami tapos uwi na ganoon lang." "Sus! Sinasabi mo iyan pero alam kong there's more. Wala bang mga behind the scenes?" "Tigil-tigilan mo na ang panonood mo niyang BL series. Hindi maganda para sa iyo." "Pero ikaw? Hilig mo din kaya." "Alam mo bang civil engineering siya?" "Ano? Kadept natin?" Tinanguan ko ito. "Hindi ba sabi mo social studies siya? Napahiya pa tuloy ako. Nagmukha akong stalker but ended up having the wrong infos." "Bakit may tshirt siya nung social studies? Teka! Baka bigay ng girlfriend niya?" Ani niyang ikinatigil ko. Napakagat ako sa aking labi tyaka napatingin sa kanya. Hindi naman siguro malabong magkagirlfriend siya. Gwapo naman siya tapos lalaki pa. Mukha namang hindi siya bisexual? "Bakit napailing ka diyan? siguro hindi mo matanggap na may jowa siya ano? Sa bagay, gwapo naman talaga siya. Baka hindi mo mapakawalan.kasi nagayuma ka sa milktea niya," ani nito sabay halakhak. 'Ano? Milktea niya?' Napailing na lamang ako sapagkat ano-ano nalang ang sinasabi nitong babaeng ito. Kahit gwapo siya alam ko namang lumugar. Hindi naman ako iyong tipo na nahuhulog nalang sa kung sino-sino. At tyaka, imposibleng magkakagusto iyon sa kapwa lalaki. "Janny? Partner tayo ha?" Anang Laiceia pagkatapos ng pasulit namin. Mag-aalas tres pa naman at habang may oras pa ay napagkasunduan ng seksyon namin na ilaan ang oras na ito para sa P.E. namin. Folk dance kasi ang final project namin sa subject na ito. Sang-ayon naman ang lahat kaya nandito kami ngayon sa likod ng building namin kung saan matatagpuan ang malaking stage. "Sino pa bang iba?" Ani ko at lumapit dito. Mabuti nalang at partner ko si Laiceia kasi hindi na ako mahihirapan. Bukod sa magaling siya ay siya narin ang magtuturo ng stepping. Iyon nga lang, mauuna din kami sa linya. Habang nagpapractice kami ay napabaling kami sa mga paparating na estudyante. Ang iingay kasi nila at ang lalakas ng mga boses. Puro kalalakihan ang mga ito at suot nito ang kanilang laboratory shirt na may nakalagay na engineering. Iiwas na sana ako ng tingin nung natuon ang pansin ko sa isang lalaki. Hapit na hapit ang suot niyang damit sa katawan. Nakakasikip man tingnan ngunit parang eksakto lamang ito para sa kanya. Mas napapatuon nito ang makisig at hulmado niyang katawan. Ang kanyang malapad na dibdib at ang kanyang maliit na tiyan na sa tingin ko ay may abs. "You're drooling," bulong ni Laiceia. "Pakipunasan." Dahil sa sinabi nito ay napaiwas ako ng tingin dito. Napatikhim ako at sumunod sa steps nung nagsayaw kami ulit. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na dadaan sila malapit sa amin. Tumigil ito sa likuran ni Laiceia na ikinatingin ko. Ngumiti ito at tyaka ginaya niya ang stepping ni Laiceia na parang partner ko na din. Nangatog man ang mga binti ngunit pinilit kong isayaw ang aking mga paa. Natawa ito. Tinawag siya ng kanyang mga kasamahan kaya tumakbo na siya papunta doon. Mabuti nalang at umalis na ito kasi kapag hindi baka nalagutan na ako ng hininga. Napabuntong ako ng hininga tapos napatingin kay Laiceia na nakatingin na pala sa akin. "Bakit?" Tanong ko dito. "Ang landi mo," bulong ko. "Anong malandi ang pinagsasabi mo?" "Kulang nalang lumuwa ang mata mo sa kakatitig mo sa kanya. Mukhang lubos niyo ng kilala ng isa't-isa hah?" "Kasi sumayaw si David sa likuran mo," depensa ko. "Ngayon, kilala mo na siya?" "Malamang kasi nagkausap kami kagabi." "Mukhang may behind the scenes nga ang naganap kagabi," tukso niya sa akin. "Guys? Ngayon daw ipapasa iyong Gothic lettering ni Sir Aldrin. Mamayang seven ang deadline," ani nung presidente ng klase. "Sige iyon na lang muna. Bukas nalang ulit tayo magpapraktis," ani ni Laiceia sa grupo. Sumang-ayon kami at kaagad silang nagtakbuhan papuntang itaas. Nung lunes kasi ibinigay ni sir ang plate sa graphics at akala namin sa susunod na lunes ipapasa ngayon palang biyernes. Hindi ko pa naman ginawa kasi plano kong sa sabado ko nalang simulan. "Natapos mo na ba ang sa iyo?" Tanong ni Laiceia sa akin nung pabalik na kami sa building. "Hindi ko pa nga nasimulan." "Mabuti nalang at nasimulan ko na nung Martes." "Mabuti ka pa," sagot ko. Umakyat na kami sa hagdanan kung saan madadaanan namin ang palapag kung saan ang engineering naroroon. Nakita ko si David na may kinakausap na babae nung tingnan ko ang corridor ng palapag na iyon. Maganda ang babae at magkasingtangkad lang din kami. Siguro mataas lang ng ilang sentimetro si David. Nag-iwas nalang ako ng tingin baka makita pa ako no Laiceia at ano pang sabihin niya. Pagdating ay tahimik ang silid sapagkat abala ang lahat sa ginagawang plates sa graphics. Ang iilan naman ay tinatalhan pa ang kanilang lapis na gagamitin sa paglelettering. Hindi madali ito sapagkat kailangan naming talhan ang lapis na nakaflat at tagilid ang dulo nito. Agad na kaming nagtungo ni Laiceia sa favorite spot kung saan may isolated area. Pinapalibutan kasi ito ng plywood kaya gusto namin dito kasi hindi kami madidisturbo. Isa-isa ng nagsitayuan ang iba nung natapos na nila ito. Napatingin ako sa orasan at mag-aalas sais na ng gabi. Nasa kalahati pa ako ng aking ginagawa ngunit kinakabahan na ako sapagkat marami-rami din silang natapos pati si Laiceia. "Jan? Mauuna na ako sa iyo ha?"Dinig kong sabi ni Laiceia kaya tumango lang ako dito. Hindi na ako nag-abala pang balingan ito sapagkat kailangan ko na ding matapos itong ginagawa ko. Abala ako nung naramdaman kong may tao sa aking likuran ngunit hinayaan ko lamang ito. May kamay na tumuko sa gilid ng aking lamesa kaya napatingin ako dito. "Galing mo ah?" Ani ni David. "Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong sabi. "Umalis ka nga," sabay tulak ko sa kanya. "Sige ka! Matatagalan ka talaga niyan." "Ikaw kasi. Bakit ka ba nandito? Huwag mo ng tingnan kasi pangit." "Sungit mo sa akin," nagtatampo niyang sabi. "Sumusulpot ka kasi ng bigla. Kaya sino ba ang hindi maiinis?" "Ikaw lang naman. Bakit ka ba naiinis sa akin? Wala naman akong ginagawa sa iyo?" Tantanan mo na ako, David. Walangya! Baka namula na naman ang mukha ko ngayon. Napatingin siya sa aking tainga. "Luh! Okay ka lang? Namula tainga mo," turo niya dito. "W-Wala," nauutal kong sabi. "Mainit kasi." Tas tingin ako sa sirang electric fan. "Sige na alis ka na," ani ko at tumalikod para iwasan ito. Huminga ako ng malalim sabay hawak sa dibdib kong kinakabahan. Pinunasan ko din ang noo kong namawis na din pala. Biglang dumating si Laiceia at tinawag niya ako. "s**t!" Bulalas ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD