CHAPTER 6

3000 Words
Gender Orientation "Tapos ka na Janny?" Sigaw nito. "May thirty minutes nalang." "Don't pressure us Lai," reklamo ng iba. "Okay ka lang?" Tapik nito sa aking balikat. "Mabuti pa ay lumipat ka ng upoan kasi pinagpapawisan ka dito." Napansin niya ang gabutil kong mga pawis na kaagad ko namang pinunasan. Nasaan na ba si David? Hindi niya ba nakita ito nung papunta iya dito. Tinutok ko nalang ang atensyon ko para matapos na ito. Nauna na ding lumabas si Laiceia at nagpaalam na ito sa akin. Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi pa tumatayo ang iba. Tapos na ako sa aking ginagawa kaya makakahabol pa ako. Tumayo ako at nag-unat. "Mabuti nalang at tapos na ako," ani ko. "Tumahimik ka Jan," sigaw ng kaklase ko. Natigil ako pagkatalikod ko sapagkat bakit nandito pa ang lalaking ito. Mabuti nalang at hindi siya napansin ni Laiceia? Bakit ba ako nagwoworry kung makita man siya? Dahil ayaw kong tuksuhin niya ako? Damn Janiel! "Janiel," tawag nito sa akin sabay bumaling sa akin. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo nung bigkasin niya ang aking pangalan. Hindi man ito ang unang pagkakataon para sabihin niya ang pangalan ko ngunit parang naiiba ngayon. Ang baritono kasing boses nito habang binubulong niya ang aking pangalan ay nagbibigay sa akin ng bolta-boltaheng kilig sa aking katawan. Dama kong para akong nasapian at gusto kong mangisay. Natigil ako sa pag-iisip nung napatingin lahat ng kaklase ko sa akin. Tumikhim ako sabay lapit kay David. "Bakit?" Ani ko ng nakatingin lamang sa kanyang laptop. Dama ko ang mga matang nakatingin sa amin. Ibinaling ko ang mga mata ko sa mga kaklase at hindi talaga nila ako tinantanan. "Tingnan mo," ani ni David. Inilapit ko pa ang aking mukha sa kanyang laptop hanggang sa matakpan ng plywood ito. Napakagat ako sa aking labi sapagkat kay tatalas ng kanilang mga mata. Wari mga kutsilyo na nanunusok. Gumagawa siya ng isang introduction video ng kanilang section at may parody din siyang sinali doon. Nakakatawa mang tingnan ngunit hindi maipagkaila ang husay niya sa pag-eedit nito. "Galing mo," ani ko sabay tingin dito. "Aray," napahawak ako sa aking leeg. Bumaling kasi ako sa kanya habang nahihirapan ako. Natatakot kasi akong makita nila ang reaksyon ko. Umayos ako sa pag-upo at tyaka pasimpleng tumingin sa mga kaklase. Mabuti nalang at abala na sila sa kanilang ginagawa. Tumikhim ako. "Mauuna na ako kailangan ko pa itong i-submit kay Sir Aldren," paalam ko. "Teka," pigil nito sabay lagay nito ng laptop sa kanyang bag. "Sasama ako sa iyo. Kailangan ko kasing ipasa din kay Sir Aldrin itong video na gawa ko." "Ahh," napatango ako sabay tingin sa mga kaklase kong nakatingin ulit sa akin. "T-Tara?" "Naku Janny!" Sigaw ng isang kaklase namin. "Baka-" hindi nito tinuloy ang kanyang sinabi ngunit nagtawan ang iilan sa aking kaklase. Alam kong biro lang naman ito at malalaki na din naman kami para dibdibin ang mga maliliit na bagay na ito. Ngunit, sa tuwing napag-uusapan kasi ito ay malaking issue na ito para sa akin. The past lives in the past but my past always live with me until my present. Naalala ko nung nasa elementarya pa ako ay puno ako ng pambubully. Dahil sa malambot kong galaw at sa mahinhin kong boses kaya tinatawag nila akong bakla. Ngunit, totoo naman sapagkat hindi ako nagkakagusto sa babae. Pero, sobra na kasi ang pambubully nila. Sa tuwing napapadaan ako sa mga bahay ng aking kaklase patungong eskwelahan ay palagi nila akong tinutukso. Tinatawag ako tapos sinisigawan ng bakla. Dahil dito, natatakot na akong dumaan dito kapag nandiyan sila. Nung tumungtong na ako ng sekondarya ay mas lalo pang lumala ang pambubully. Ilan sa mga ito ay marahas nilang pagkurot sa aking dibdib at paghimas ng aking pwet na ikinatutol ko. But, I didn't let it get me down again. Nagpursigi ako sa pag-aaral hanggang sa nailipat ako sa first section nung sophomore na ako. Hindi narin masama na nailipat ako sapagkat hindi na ako nakadanas ng pambubully hanggang sa natapos ang junior years ko. Ngunit, nung nagsenior high ako ay naging kaklase ko ulit ang iilan sa mga lalaking nambully sa akin noon. Ngunit, ngayon ay dahil nagtanda narin siguro kami ay hindi na sila ganoon sa akin. Pero, hindi parin naman maiiwasang maingal ako sa tuwing napag-uusapan ang tungkol sa sekswalidad at LGBTQIA. "Tara?" Pukaw sa akin ni David. Kanina pa siguro ako nakatunganga dito at hindi humahakbang. Tinanguan ko ito at tyaka nagsimula ng maglakad. Kaya minsan, I am trying to conceal my soft side. Nakakatrauma din kasi minsan kapag nakukutya ka kasi dahil lang sa orientation mo. Even sa trabaho, may trust issues kung magagawa mo ito kapag nakita nilang lampa ka. "You okay?" Tanong nito sabay akbay sa akin. Agad ko namang inalis ang kamay niya at tumingin sa buong corridor kung may mga tao. Napabuntong nalang ako ng hininga sapagkat inaatake na naman ako ng insecurities ko. This is the problem when I tried to get along with them dahil madidinig ko na naman ang salitang bakla. Tanggap ko naman ito ngunit sa nangyari noon. Natrauma na talaga ako. Hindi naman ako nahihirapan sapagkat lahat ng mga kaklase ko ay hindi ako masyadong kilala. Kaya hindi nila ako tinutukso sa pagiging mahinhin ko minsan pero that makes me look like cool sometimes. I think so? Minsan nga natatawa ako sa impression nila tuwing sinasabi nila ito sa akin. Iba ay nasusungitan sa akin dahil snob pero sa iba naman, they find it cool daw. Pero sa totoo naman ay hindi lang ako ganoong masyadong makihalubilo sa mga tao. Maybe, sa takot ko narin. "Nandito na tayo," ani ni David. Ako na ang nagbukas ng pintuan at napatingin sa harapan kung saan may klaseng nagaganap. Maingat akong naglakad sa likuran ng silid kung saan natatakpan ang mga professor ng architecture department ng mga nagtataasang cabinet. Ito kasing CAD/computer room ang nagsisilbi din nilang opisina. Binati ko ang iilan sa mga propesor kong kakilala at kaagad nagtungo kay Sir Aldrin para ipasa ang plates. "May magpapasa pa ba?" Tanong nito sa akin. "Mayroon pa sir," sagot ko naman dito. "May twenty minutes pa naman ngunit maaga kasi akong uuwi ngayon. Kaya, pakisabi nalang sa kaklase mo na aalis ako ng alas sais sengkwenta," ani nito na ikinatango ko. Tinawag na niya si David kaya nagpaalam na ako dito. Hindi na ako nagpaalam kay David at nauna ng lumabas. Tinakbo ko ang pagitan ng aming classroom at ng CAD room para ianunsyo ang sinabi ni Sir Aldrin. Mabuti naman at malapit na silang matapos at isa-isa na silang nagsitayuan. Palabas na ako ng classroom nung natigil ako sa paglalakad. Kasama na naman niya ang babaeng kausap niya sa harap ng classroom nila. Maganda ito at bagay na bagay silang dalawa. Dumaan lamang sila habang ako ay natutulala. Napailing na lamang ako at nagsimula ulit maglakad. Lumiko ako at dumaan sa kaliwang daanan kung saan hindi ko sila makasabayan. Mukhang girlfriend niya iyon kasi inakbayan niya pa ito. Napakagat ako sa aking labi sapagkat nagpapadala na naman ako sa aking nararamdaman. Araw ng sabado ngayon, ngunit kailangan parin namin pumunta sa paaralan dahil may ROTC kami. Tuwing sabado lang talaga ako nagigising ng maaga sapagkat natatakot kami sa punishment ng mga officers namin. Pagdating namin sa eskwelahan ay mag-uunahan kami sa pagsakay ng mga sasakyang inarkila dahil hindi kami dito magtitraining. Pupunta kami sa extension nitong main campus kung saan gaganapin ang ROTC. Para sa akin nakakatuwang experience ito dahil nag-uunahan talaga kami. May tulakang magaganap para lang makauna. Iyong iba naman ay sa bintana nalang talaga dadaan para makauna sa pag-upo. Dito mo talaga maipapakita ang diskarte mo para makapunta ng maaga sa field. Mahigit dalawampong minuto rin kaming nakasakay sa multicab bago marating ang sinasabing paaralan. Pagkarating namin ay kaagad na kaming pumupunta sa linya habang inaantay ang pagsisimula ng flag ceremony. Nabilang ako sa draftsmen kaya pagkatapos ng flag ceremony kaya deretso kami kaagad sa isang silid. Actually, halos lahat ng draftsmen ay architecture at industrial design students. Kaya, dito na kami nagkita-kita sa mga kaklase namin kaysa magkita kami sa main campus baga matagalan kami. "Pasensya na kahapon Jan kung nauna na ako sa iyo," ani ni Laiceia habang papalabas kami para bibili ng meryenda. Siksikan ang mga tao sa tindahan para makabili ng mga pagkain at tubig. Nakauniporme kaming lahat habang naka-tuck-in ito sa itim na pajama. May mga cup na din at belt kaming binili na may tatak galing sa ROTC. "Okay lang Lai. Naiintindihan ko naman. Six-thirty ka na nga nakalabas. Buti hindi ka pinagalitan pag-uwi mo?" "Hindi naman. Sa unahan na lang tayo bibili ng pagkain? Daming tao dito," ani nito. Naglakad kami patungo sa unahan kung saan may tindahan pa. May mga estudyante din dito ngunit may mga bakante pang mga upoan. Hindi pa naman kakain ng pananghalian pero mabuti narin dito para makaupo kami. "Tingnan mo nga iyang baklang iyan, ang aga pa pero kung makalandi parang gabi na," dinig kong sabi kaya napatingin ako sa aking likuran. "Pustahan tayo, magsasama iyan pagkatapos nito." "Half day pa naman tayo ngayon. Panigurado iyan," sang-ayon ng babae. Napatingin ulit ako sa pinag-usapan nila. Wala namang mali sa nakikita ko sapagkat nagkatuwaan lamang sila. Ngunit, mali kapag binibigyan nila ito ng malisya. Hindi naman dapat hinuhusgahan lahat pero dahil narin siguro sa mga iilan na ganyan ang mga gawain ay nahuhusgahan ang iilan. Kaya nga iniiwasan ko talaga ang mga ganyan. Natatakot akong makarinig ng pangalan ko na sangkot sa mga ganyang issue. Mabuti naman at si Laiceia lang ang nakakakilala ng lubos sa akin maliban sa mga kakilala ko na noon na dito rin nag-aaral. "Huwag mo ng pakinggan sila," bulong ni Laiceia sa akin. Tinanguan ko ito. Malungkot man sapagkat hindi ko nagawang ipagtanggol ang kanilang kinukutya ngunit ako man din ay natatakot na agawin ang atensyon. Na baka ako na naman ang magiging dahilan ng kanilang libangan. Biglang may bumangga ng aking balikat kaya napabaling ako sa tagiliran ko na may malaki pang espasyo. Tumingala ako para tingnan kung sino ito at si David na naman ito. Gusto ko mang-inisan ito ngunit minabuti ko nalang na umusog para bigyan ito ng daan para makabili ng pagkain. May mga marites pa sa tabi kapag hindi ako mag-iingat. Tumikhim si Laiceia na ikinatingin ko. Alam ko na ang nangungusap niyang mata na palipat-lipat sa aming dalawa ni David. Ngunit, hindi na ako nagsalita pa. "Libre mo nga ako," dinig kong boses ng tae na ikinatingin ko kay David. Ito iyong kasama niyang babae kahapon. Ang ganda niya lalo sa malapitan. Kumpirmado nga itong girlfriend niya kasi komportable na sila sa isa't-isa. "U-Upo muna ako," paalam ko kay Laiceia. Tinawag niya pa ako ngunit kaagad na ako nagtungo sa malayong upoan kung saan ang bakante. Tiningnan ko na lamang ang aking cellphone habang inaantay si Laiceia. "Ganda nung girlfriend niya ano?" Bati sa akin ni Laiceia sabay bigay nung binili ko. "Oo bagay nga sila," wala sa isip kong sang-ayon dito. "Kaya ka nagwalk-out kanina," ani nito. Hindi man ako sumagot ngunit tinanguan ko ito bilang pagsang-ayon. "Hindi! I mean, maganda naman talaga hindi ba? Sino ba ang tinutukoy mo?" "Ito oh," sabay pakita ng kanyang cellphone kung saan makikita ang sikat na couple. "Kumpirmado nga," ani nito. "Huh? Anong kumpirmado?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Tingnan mo nga iyon?" Nakanguso niyang sabi kaya tumingin na din ako. Kaagad kong iniwas ang aking mukha nung nakatingin na pala si David dito habang nagsasalita ang girlfriend niya. Si Laiceia naman ngayon ang napapailing nung makita ang aking reaksyon. "Pero hinay-hinay lang tayo Janny ha? Sa tingin ko kasi straight siya? Dunno." Nagkibit siya ng balikat. "Alam ko naman-" "Hindi naman sa kj ako pero concern lang ako. Don't let your heart rule over you mind. Kaya nga nasa baba ang puso, hindi ba? Kasi mas nauuna ang utak kaysa sa puso, ika nga nila," ani nitong ikinatango. "Ang lalim naman. Ikaw? Kamusta kayo ni Kenneth?" "Well, hindi ako makapag-antay na magbabakasyon na kasi magkikita na kami ulit," kinikilig nitong sabi. "Sus! Huwag masyadong excited baka madali pa iyan," bara ko dito. "Bitter mo! Alam mo napapansin ko iyang mga titig mo sa kanya," ani nito. Naibato na naman sa akin ang topic. "Ewan ko sa iyo Lai. Balik na tayo baka malate pa tayo," ani ko dito. Agad na akong tumayo at hindi na nakinig sa mga pahabol niya. Tungkol lang naman ito sa panunukso niya tungkol sa kay David. Siya pa itong nagbibigay ng advices pero tinutulak naman ako. Minsan talaga itong mga kaibigan natin, sila na nga itong pinagkatiwalaan natin sa mga sekreto, sila pa talaga ang magbubunyag. Since half day lang naman kami ngayon, hindi nagtagal ang oras at makakuwi na nga kami. Nagtatakbuhan na ng ibang estudyante palabas ng campus para makipag-unahan sa mga sasakyan. Buti pa ang iba ay may motor o hindi kaya ay sinusundo sila ng kanilang mga magulang. Ang gagara pa ng mga sasakyan kapag sinusundo. "Tara?" Anyaya sa akin ni Laiceia kaya kaagad na akong nagtungo dito. Mahaba-habang lakaran din bago marating ang highway. Dito narin naman kami mag-aantay sa mga sasakyang susundo sa amin. Mainam na ito kaysa papasukin pa namin ang sasakyan papasok sa campus. Pumwesto na kami sa manggahan kung saan kami palaging nag-aantay ng sasakyan. Medyo marami-rami din kaming nag-antay dito. Siguro eksaktong isang jeep kami kakasya lahat. Ibat-ibang trip ang ginagawa namin para lang libangin ang aming sarili. Kami naman ni Laiceia ay nakikinig na lamang sa paborito aming banda at nagshishare nadin kami ng headset. Ilang minuto ang lumipas at nadinig na namin ang busina ng sasakayan. Kaagad kaming nagsitayuan galing sa pagkakaupo sa damuhan. Nagtakbuhan kami papunta sa sasakyan. Syempre, gusto ko sa harap kaya binilisan ko talaga para hindi ako maunahan. Ngunit, huli na ata nung may naunang nakabukas ng pintuan kaysa sa akin. Natigilan ako nung bumaling ito sa akin at si David pala ito. Kaagad akong umatras para sa likuran nalang umupo. "Sorry, we're packed!" Sigaw ni Laiceia. Hindi pwede! Napatingin ako sa aking likuran ngunit ako na lamang ang matitira dito at wala ng estudyante para ihatid nila. Magpapaspecial pa ba ako? "Aangkas nalang ako kuya!" Sigaw ko. "Hindi pwede hijo, may checkpoint sa daan." Sigaw naman nito. "Baka pwede pong sa harapan nalang po siya? Hindi naman siya malaki, sakto lang." Ani ni Laiceia sabay kindat. "Naku manong! Baka sa susunod nalang siguro ako na sasakyan?" Sa wakas ay bumaling na si David sa akin. "I don't mind sharing my seat," ani nito. "Iyon naman pala? Sakay na Janiel," pagtutulak nito sa akin. Tang-ina! Hindi ako makatanggi baka ano pa sabihin nila. Tapos, kung makatingin pa sa akin ang estudyante sa akin, minamadali talaga ako. Wala akong choice kung hindi sa front seat umupo kasama si David. "Hali ka hijo," tawag ulit ni manong driver sa akin. Binuksan naman ito ni David tyaka umusog siya papalapit sa driver para bigyan ako ng malaking espasyo. "Salamat," ani ko dito saka tumingin sa harap. Kaagad naman umandar ang sasakyan paalis. Tutok ang araw kaya naiinitan ang mga suot na unipormeng pajama. Napansin siguro niya kasi nilagay niya ang kaninang suot na jacket at itinakip sa mga binti namin. "Okay lang ako," ani ko dito. "Mainit ba?" Sabat naman ng driver kaya doon na siya tumingin. "Ganyan dapat, nagtutulongan. Magkaibigan kayo o magka-ibigan?" Biro nito sa amin. "Magkaibigan/Magkakakilala po," sabay naming sabi. Syempre magkakakilala ang sabi ko. Wala naman sigurong nangyari nung nakaraan para sabihin kaibigan na kaming dalawa hindi ba? At tyaka, baka sabihin pa niyang assuming ako kapag sinabi kong magkaibigan na kami. Umiwas nalang ako ng tingin at hinayaan ang pag-uusap nilang dalawa. Habang tumatagal ay mas lalong sumisikip na siyang dahilan para mas madama ko ang pagtatama ng aming katawan. Natatamaan ng siko ang kanyang tiyan. At sa tuwing nadadama ko ito ay inaalis ko ito sapagkat dama ko ang abs nito. Sa tagiliran naman tumatama ang kanyang siko kaya minsan nakikiliti ako. Nilagay niya ang kamay sa headboard ko, siguro pansin niyang palagi akong napapaatras sa kiliti. Ngunit, imbes na magbigay ito ng espasyo ay mas nagiging problema ito. Mas binibigyan niya ako ng espasyo upang isandal ko ang aking katawan. Hindi ko din kontrolado sapagkat masikip at sa tuwing may pagkakataong humihinto ang sasakyan ay napapasandal ang buong likod ko sa kanyang katawan. "Okay ka lang? Ang tahimik mo," bulong niya malapit sa aking tainga nung naisandal ko ang aking katawan. Kaagad naman akong umabante sa pagkakaupo. "Oo okay lang," sagot ko dito. Nakakahiya! Baka mapansin niyang mamula ang aking tainga? Kaya, hindi ko talaga mapigilang abutin ito at kalmutin ito ng mahina para hindi halatang natural na namula iyon. "Namumula tainga mo, huwag mo ng kalmutin," bulong nitong sabi. Para ulit akong nakuryente sa sinabi niya. Nagsitayuan ang aking mga balhabo dahil sa haplos ng kanynag hininga aking batok. Itinigil ko naman abg pagkalmot nito. That way hindi niya masabing namula ako kasi nagreact ang body ko. "Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo? Nga pala ang ganda niya." Compliment ko sa girlfriend niya. Bumaling man ako ngunit dahil sa hiya ay sa drayber lang napupunta ang titig ko. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa harapan habang inaantay ang matagal niyang pagsagot. Dinig ko ang mahina niyang paghahalakhak. "Bakit bro? Aagawin mo ba?" Ani nito. Ewan ko ba pero para akong nandiri sa sinabi niya sa akin. Anong 'bro'? Gusto ko siyang murahin ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Why does he need to address me that way? "Saan mo na naman nasagap iyan? Baka kapatid ko ang tinutukoy mo? Iyon bang kasama ko kanina nung bumili ako? Tapos hindi mo pa ako pinansin kanina" Ani nito. Para naman akong tutang tumango. Kinagat ko ang aking labi upang pigilan ang pagngisi. Bumaling ako sa bintana at sinalubong ang sariwang hangin. Napahawak ako ng malakas a aking binti upang mas pigilan pa ang pagngito ng aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD