CHAPTER 7

3000 Words
Trabaho Mabilis na lumipas ang isang buwan at natapos na lahat ng aming final examination at mga projects na kailangan naming i-comply. Sa ngayon, inaantay namin ang magiging resulta kung pumasa kami o ire-retake namin ang exam o ire-redo ang aming projects. "Cheer up, Janiel! Siguro kung hindi ko lang alam ang rason kung bakit ang seryoso ng mukha mo ngayon? Naku! Baka iniisip mo na naman ang lalaking iyon? Ilang araw na ba? Thirty days, five weeks, 1 month? Namiss mo na?" Napailing ako sabay tawa. "Wala ka bang nagawa kaya kinukulit mo ako?" "Just want to make sure na okay ka lang. Baka kasi nabaliw ka na kakaisip sa kanya." "Nah! I'm worried about the results. Well, nag-anticipate naman ako na baka may ire-retake ako na test o ire-redo kasi I didn't do well," malungkot kong sabi. "Pansin ko nga! Nakangiti ka pa nung last formation natin sa ROTC tapos simula nun parang may something? Na fell ka na ba friend?" Biro nito. Napailing ako ulit. "Titigil muna ako sa pag-aaral, Lai." Ani ko sabay nag-iwas ng tingin. Nakaupo kami ngayon sa hagdanan habang nakasandal sa malaking salamin na bintana. Makikita dito ang katabing building na tinatrabaho pa. Sabi nila, lilipat daw lahat ng CEA doon kapag na turn-over na ito. Gustuhin ko man ngunit malabong maabot ko ito dahil titigil naa ako sa pag-aaral. "Nagbibiro ka lang eh," ani nito. "Sayang naman Janny," hindi makapaniwalang sabi nito. Binalingan ko ito. "Alam mo naman hindi ba Lai na matatanda na ang mga magulang ko. Sila na lang ang nagsusuporta sa akin. Ngunit, ilang taon pa ba na kailangan nilang magsakripisyo para makapagtapos ako? May natitira pa taong apat na taon at dalawang apprentice, pero hindi na nila kaya. May arthritis na si Papa tapos si Mama naman paglalabada na lang ang pinagkukunan niya ng kita. Sasapat ba ang limang daang peso para sa isang linggo, Lai?" Napatikom ng bibig si Laiceia habang ang naawa nitong mga mata ay nakatitig sa akin. Nginitian ko ito. "Pasensya na kung nadala ako, pati problema ko dinala ko pa dito." "If only I could help Jan," malungkot nitong sabi. "Nah! Okay lang ako. Don't stress yourself out. Kapag nakapag-ipon ako babalik naman ako sa pag-aaral," ani ko dito. Biglang lumiwanag ang kanyang mukha sa sinabi ko. "Pangako mo iyan hah?" Ani nito. Tinanguan ko ito. "Oo naman! I'll miss you." "Naku! Tigil-tigilan mo ako baka mafall ako." "Sus! Bolera," ani ko. "Kindly check your phone, guys. Nasa ISMIS na ang grades natin. Kung wala daw nakalagay na grades meaning nun retake, okay?" Dinig naming anunsyo ng presidente namin. Kaagad kong kinuha ang aking cellphone at tiningnan ang markang nakuha. As expected, there were some fields na blanko. Halos lahat ng minors naipasa ko except sa Analytical Geometry na blanko. At sa major naman, may isang blanko ang History of Architecture. May dalawang Mathematics kami ngayon at ang masasabi ko lang ay mahirap talaga, especially ang geo. Iilan nga lang ang mga nakapasa talaga sa subject na ito at kadalasan ay retake, at kasama na ako doon. Tungkol naman sa History of Architecture, kadalasan kasi ay memorization. Ewan ko ba pero lately ang dali ko na madisturbo. "Anong subject na magreretake ka?" Tanong ni Laiceia sa akin. "History at Geo, ikaw?" Ani ko sabay tumingin sa kanyang grado. "Laki ah?" Ani ko dito. Kadalasan kasi na nakikita ko sa kanya ay puro one point something. Sa akin mayroon naman pero my dos rin. "Laki ka diyan. Sayo?" Ani nito kaya ipinatingin ko na sa kanya ito. "Napakayabang mo! Porket halos magfa-flat one na iyong iba," ani nito at inirapan ako. "Ibig mo bang sabihin ang ROTC at PE?" ani ko at natawa. "Bahala na pero may tres tayo kasi pareho tayo ng ire-retake. Hayst! Nakakastress ang araw na ito. Mabuti pa ay lumabas nalang tayo at kumain," ani nito sabay sabunot ng kanyang buhok. Pagkaraan ng ilang araw ay sabay kaming nagretake ng examination. Mabuti nalang pagkatapos naming magretake ay inilagay kaagad ang grado namin at sa awa ng Diyos, kami ay nakapasa. Napagdesisyunan namin ni Laiceia na kumain sa paborito naming kaninan kung hindi saan pa ay kay Kuya kwek-kwek. "Mabuti at naipasa natin lahat pero mamimiss talaga kita," ani nito sa akin. "Magbabakasyon lang naman hija. Bakit mo naman namimiss kaagad itong kaibigan mo?" Pagtataka ni kuya. Natutop si Laiceia sa pagsasalita. Itinikom niya ng kanyang bibig sabay ngumiti dito. "Titigil na po kasi muna ako sa pag-aaral," ako na ang sumagot. "Tulad niyo po kailangan kong maghanapbuhay para may pantustos sa akong pamilya. Matatanda na kasi ang mga magulang ko kaya ako na muna ang kakayud," ani ko. "Basta huwag mong kalilimutang mag-aral ulit, hijo. Alam mo ba sabi nila kapag nakapagtrabaho ka na ay mahihirapan ka na nito na pabalikin sa pag-aaralan. Ang iilan kasi ay nakokontento na sa mga sweldong natanggap nila o hindi kaya ay dahil tumanda na sila at tinatamaan na ng hiya kaya napagdesisyunang hindi na mag-aaral. Hindi tiyak kung kailan ka babalik hijo. Ngunit, kapag pursigido ka talaga na bumalik? Nandito lang kami at nag-aantay sa iyo. Naku! Mawalan ako ng isang customer. Sayang naman," ani nito. Natawa kami dahil sa pahabol ni kuya. Pero, lahat ng sinabi niya ay totoo. Hindi nga tiyak kung kailan ako makakabalik sapagkat hindi rin tiyak kung makakapag-ipon ako ng pera para sa aking pag-aaral. Kailangan ko ng kumayod sa sarili ko para may pantustos ako sa aking pag-aaral. Wala na akong ibang masandalan pa kung hindi ang sarili ko na lamang. "Kuya! Kumusta ka po?" Sigaw ng lalaki sa malayo na ikinabaling namin. Kaagad ko namang iniwas ang aking paningin sabay kagat ng kwek-kwek na hawak ko. Sa lahat pa ng araw at ngayon pa talaga siya nagpakita? I mean, pwede namang hindi. "Uy! Nahiya siya," bulong ni Laiceia kaya binalingan ko ito. "Hindi kaya. Tara na nga," anyaya ko sa kanya. "Isa po nito, kuya. Uy! Ikaw pala iyan?" Ani ni David na ikinatigil ko sa paghakbang. Binalingan ko ito. "Ikaw pala. Kamusta?" "Hi!" Bumati muna siya kay Laiceia. He let those teeth out when he smiled. It was like the lights reflected back and it made my poor eyes blinded. "Okay lang naman din pero madami pang gagawin. Hindi pa tapos finals namin," ani nito. "Bumibili ka din pala dito?" O baka naman hindi talaga? Napailing ako sa aking sarili sapagkat assuming na ata ako. "Palagi iyan dito. Mas nauuna pa siya kaysa sa inyo kapag bumibili. Ngayon nga lang kayo nagkita nitong isa ko pang suki," ani naman ni Kuya. "Uh-huh! Uhh sige mauuna na muna kami kuya kasi kailangan pa naming, uhh- may gagawin pa pala kami. Hindi ba, Lai?" Baling ko kay Laiceia sabay pinanlakihan ng mata. "Huh? Wala naman siguro?" Ani nito at nagkunwaring walang nangyari habang kinakain ang kwek-kwek. Napasinghap ako sa inis. Minsan talaga kapag gusto natin ng back-up galing sa mga kaibigan natin, hindi umaayon sa gustong mangyari. Gusto talaga nilang ilaglag tayo para may maasar lamang. "Wala naman pala? Samahan mo na muna ako dito. Kakadating ko lang tapos aalis na kayo?" Ani naman ni David. "Ano kasi-" "Hindi mo pa nga ako nilibre sa atraso mo sa akin," sabat nito. Excuses. "Akala ko quits na?" Itong lalaking ito talaga. Namimihasa na sa pag-aasar sa akin. Ano pa ba ang gusto niya. "It was not enough. Nagawa mo pa akong iwan? Anong klaseng kaibigan ka?" Madrama nitong sabi na ikinagulat ko. "Ano?" Napalakas talaga ang boses ko sa gulat na pati si kuya ay nabigla sa aking pagsigaw. "May unfinished business ka pala Janny baka mauuna na ako sa iyo?" Bulong ni Laiceia sa akin. "Bye!" Paalam niya sa aming tatlo at tyaka tumakbo papasok ulit sa loob ng eskwelahan. Iniwan niya pa talaga ako dito at hindi pa nag-abalang isama man lang ako o ipagtanggol ako para makalayo ako dito. Humanda ka sa aking babaeng ka! "Gusto mo?" Bulong ni David sabay nilagay ang kwek-kwek malapit sa bibig. Nilayo ko ang aking sarili. Kinapa ko ang aking bulsa at may iilan pa naman akong barya na pwedeng ilibre ko sa kanya. Mas mabuti na ito para matapos ng lahat ng ito. "Nakakainis ka," bulong ko. "Ano ba bibilhin mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot bagkos ay ngumiti lamang ito sa akin. Na-insecure naman ako kaya napatingin din ako kay kuya para tingnan ang aking mukha. Nagluluto lang naman ito kaya bumaling ako ulit kay David. "May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig parin ito sa akin. "Wala. You're cute," ani nito tyaka iniwas ang tingin sabay kagat ng biniling pagkain. Aba! Pinagkakatuwaan niya lamang ako para gawin niyang libangan. Wala na ba siyang ibang magawa kaya ngayon na nakita niya ako aasarin niya ako? Impossibleng walang magkakagustong makipag-usap sa kanya kaya bakit ako pa ang aasarin niya. "Ito baynte. Iyan lang pera ko," ani ko sabay isinaksak ko sa kanyang dibdib. Ngunit, kay tigas nito kaya ako natigilan. Napatingin si Kuya kwek-kwek sa amin kaya binitawan ko na ito. Nasalo naman niya ang pera kaya kaagad na akong nagwalk-out doon. Dama ko ang pawis at kaba habang papalayo ako. The look in his face when I gave out my money. I don't know pero nakokonsensya ako sa ginawa ko. Tapos sa harapan pa ni Kuyang kwek-kwek baka ano pa sabihin nun. Sana hindi ko na ginawa iyon pero bahala na, nangyari na ang nangyari. Kung hindi lang siguro ako nakalayo doon baka napansin na naman niya ang pamumula ko. Nakakainis siya! Ano bang tingin niya sa akin, laruan? Paglalaruan niya lang ako kung kailan niya lang gusto? Kasal-anan naman niya kung bakit nagawa ko sa kanya iyon. Pwede namang hindi na kami magpansinan kapag nagkita kami. Pero siya kasi ang nauunang pumapansin sa akin. At si ako naman, pinapatulan ko pa. Tapos, ano ba ang nangyayari sa akin? Kunting kibot niya lang naiinis ako. Kapag nandiyan siya kinakabahan ako. Gusto ko siyang mawala kapag lumapit siya sa akin. I must've hated him so much na gusto ko nalang na mawala siya. Siguro. "Kumusta ang unfinished business niyo Jan?" Biro ni Laiceia ung nakarating na ako ng classroom. "Tapos na," nakasimangot kong sagot habang nililigpit ang gamit. Wala narin naman kaming gagawin ngayon kaya uuwi na lamang ako baka magkita pa kami. "Sinabihan mo?" "Binigyan ko ng bente. Iyon lang ang maibibigay ko para sa kasal-anan kong pagtulak sa kanya. At tyaka, hindi ko naman talaga kasal-anan. Siya ang nagsimula kaya deserve niya ring matulak," talak ko. "O siya! Oo na. Huwag ka na magalit diyan. Kulang nalang sumabog iyang pisngi mo," pagsusuko ni Laiceia. Mabilis na nagdaan ang mga araw hanggang nag-iisang buwan na ako sa bahay na walang ginagawa. Naghanap na ako ng pagtatrabahoan ko ngunit niisa sa mga inaaplyan ko hindi man lang ako tinawagan. Ewan ko ba pero nahihiya na ako dito sa bahay kahit na tumutulong naman ako sa gawaing bahay. Malaki na kasi ako tapos hinahayaan ko lang si Mama na magtrabaho para sa amin. Naghahanap naman ako pero wala talagang tumawag sa akin. Kakatapos ko lang sa paghuhugas kaya minabuti kong magpahinga na muna. Tinatanaw ko ang mga niyog na sinasayaw ng hangin habang ang mga paro-paro naman ay masayang naglipat-lipat sa mga bulaklak. Nakakarelax kapag ganito palagi ang nakikita ko tuwing pagod ako. Biglang umilaw ang aking utak sa naiisip ko. Bakit hindi nalang ako maghanap sa f*******:? Matagal narin nung binuksan ko ang account ko. Hindi naman talaga ako masyadong nahilig sa mga ganyan sapagkat wala akong pambili ng load. Tuwing pumupunta lang ako ng eskwelahan nagkakaroon ng pagkakataon para mabuksan ito. Since, nandito na ako sa bahay ay hindi na gaano. Pero ngayon, nakapagload ako kaya let's give it a try baka makahanap ako. Binuksan ko ito kaagad at bumungad sa akin ang maraming mensahe galing kay Laiceia. Panay lamang banggit sa aking pangalan hanggang sa may ipapacheck siya sa aking notification box. Kaagad naman akong nagpunta doon at nakita kong nakamention ako. Siguro, nimention niya ang pangalan ko sa mga trabahong nakita niya sa online kaya pinindut ko ito kaagad. Nanlaki talaga ang mata ko nung biglang nag-appear ang picture ni David. Nakita ko sa ibaba ang pangalan ko na nakamention. He is topless and showing too much of his masculinity. He's not the bulky type but men! I can't hold off myself. His too hot in this photo captured around the turquoise water of the sea. Moreno ang kanyang balat and his got a new haircut. His eyes pierced throughout the camera like he was staring at me. The way he tilted his face with that serious look. Down to his broad chest and very defined stomach down to his v-line and the water covered the rest of his body. I quickly tapped the homepage and stared at my profile picture. Like, why did she do that? Inaasar talaga ako ni Laiceia kahit na bakasyon na ngayon. Gusto ko ng kalimutan ang lalaking iyon dahil magpahanggang ngayon nakokonsensya parin ako. I can't really get him out of my mind dahil din kay Laiceia. Hindi pa ako nakakabawi sa kanya nung iniwan niya ako. Kaagad kong pinindut ang kanyang profile at nagsimulang magtipa ng mensahe para pagsabihan ito. Offline siya kaya hindi na ako nag-expect ng reply galing sa kanya. She must be busy right now with his boyfriend. Nagsearch nalang ako kaagad sa search bar para makaexit na ako dito. Baka makita ko na naman ang hubad na katawan ni David. Hindi pa lang ako nakakalayo ay may nakita na akong hiring at isa itong fast-food chain. Kaagad ko itong ini-screenshot ang larawan kung saan makikita ang mga ipapasa uoang makapag-apply. Nagbrowse pa ako sa baba at may iilan naman kaya sinali ko sapagkat sayang naman. Nakalima ako ang that's enough for now. Gagawa nalang ulit ako ng CV ko at hopefully ay may tatawag sa akin. Nahihiya na talaga ako kina Mama at Papa kapag mas matagalan ako sa paghahanap ng trabaho. Naghome ako kaagad ngunit kinabahan ako ulit nung nag-appear na naman si David sa wall ko. I can't help myself to stop from exiting the app. Napailing ako sapagkat nahihibang na talaga ako. Hindi ko siya gusto at kailanman ay lalaki siya at hindi papatol sa kapwa lalaki kaya inexit ko na ito kaagad. Mabuti nalang at suportado naman ako ni Mama sa pag-aaply ko ng trabaho. Binibigyan niya ako ng pamasahe at baon narin para hindi magutom sa pag-aaply. Naipasa ko na ang ibang CV ko sa inaaplyan ko at ang panghuli ay ang fast-food restaurant. Kaagad ko itong pinasok para ibigay ito sa manager. Abala ang lahat nung pumasok ako ngunit, mabuti nalang at may napadaan na crew kaya tinawag ko ito. Kaagad ko itong sinabihan tungkol sa pag-aaply ko at kanya naman itong kinuha para siya na ang magbigay. Pinaupo niya na muna ako para antayin ang magiging sagot galing sa manager. Nagbalik naman siya kaagad at sinabihan ako na magtetext lamang sila sa akin. Tulad nung una ay umuwi akong nakapalumbaba sapagkat baka wala na naman akong trabahong mapasukan nito. Maghahanap na naman ako tapos mauubos ko na ang pera ni Mama hindi pa ako tinatawagan. "Oh kumusta? Natanggap ka ba?" Tanong ni Mama nung nakauwi na ako. "Hindi pa, Ma. Antay ko nalang daw ang text o tawag galing sa kanila. Pasensya na talaga, Ma." "Okay lang iyan, anak. May tatawag din sa iyo, manalig ka lang," aniya. Biglang tumunog ang aking cellphone kaya tiningnan ko ito. May mensahe galing sa isang unknown number kaya binuksan ko ito kaagad. Nanlaki ang aking mata sapagkat may examination na ako bukas. "Ma? May exam bukas sa inapplyan ko," masaya kong sabi dito. "O hindi ba? Sabi ko naman sa iyo makakatanggap ka rin kaya huwag ka ng malungkot diyan," ani nito at tyaka ako niyakap. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at maaga akong naligo kinabukasan. Hindi na ako nag-almusal baka malate ako sa examination. Eight pa naman magstart at baka matagalan ako sa sasakyan. Mabuti ng mas maaga para mas maging handa ako baka sakali man. Tinawag ako ni Mama nung lumabas ako ng walang almusal ngunit mamaya na ako kakain ng almusal pagkatapos ng exam ko. Alas syete pa lamang ay dumating na ako sa fastfood chain na inaaplyan ko. Sinabihan pa ako ng mga crew na ang aga ko daw. Pero mas mabuti na iyon kaysa magpapaspecial ako kasi nahuli. Tyaka, madami daw kami ngayon kaya paniguradong mauunang matapos ang nauuna. Inabot ako ng gutom nung malapit na mag-alas nuebe ngunit hindi pa nagsisimula ang examination. Sampo kaming nag-aantay dito sa dining area at wala pa ang magcoconduct ng examination namin. "Shall we start?" Napatingin kami sa isang babaeng nakacorporate attire habang may bitbit na mga papel. "Follow me," ani nito. Sinundan namin ito hanggang sa umabot kami sa ikalimang palapag nitong mall. Pumasok kami sa isang opisina kung saan may malaking round table. Dito siguro gaganapin ang examination namin. "Umupo na kayo. Are you okay hijo? Namumutla ka." Tanong ng babae kaya napatingin ako. Nakatingin pala ito sa akin. "Opo ma'am. Okay lang po ako." Sagot ko sabay kagat ng aking labi. "Okay read the instructions properly and follow them. Unable to follow the instructions, the answers will be considered void," ani nito at nagsimula na kaming mag-exam. Dahil sa gutom ko ay mabilis kong tinapos ang examination. Nauna na akong lumabas sa kanila at ako naman ay pinahintulutan pagkatapos naming mag-usap. Nakababa na ako sa ikaapat na palapag ngunit bigla akong nahilo. Kaagad akong nagtungo sa isang haligi para makasandal ako ngunit malayo palang ako nung muntik na ako mabuwal sa kinatatayuan ko. Someone was holding me kaya napatigin ako dito. Umiikot na ang paningin ko and he looked familiar ngunit hindi ko mamukhaan o mapangalanan man lang. I was about to hold him nung tinawag niya ako ngunit nawalan na ako ng lakas. Unti-unti ng pumipikit ang aking mata hanggang sa tuluyan ng nawala ako sa aking ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD