CHAPTER 8

3000 Words
Open Up Iminulat ko ang aking inaantok na mata na ang makikita lamang ay ang mga nakapalibot sa akin na puting dingding. Inaantok pa siguro ako sapagkat hindi naman ganito ang bahay namin. Tumagilid ako sabay niyakap ang puting unan. Dama ko din ang malambot na aking hinihigaan kahit na hindi kutson ang aking hinihigaan. Ipinikit kong muli ang aking mga mata sapagkat gusto pa matulog ng aking diwa. Biglang sumagi sa aking isipan ang examination sa inaaplyan kong trabaho kaya napamulat na ako ng tuluyan sa aking mga mata. Nagtataka man ngunit inilibot ko ang aking paningin sa maliit na silid. "Gising ka na pala?" Ani ng lalaking boses kaya ako napabaling dito. Nakasuot ito ng puting uniporme na kadalasang isinusuot ng doctor at nakasabit ang stethoscope nito sa kanyang leeg. "Nasaan po ako?" Tanong ko dito sabay tingin ulit sa paligid. "May nangyari po ba sa akin?" "Actually, nagpassed out ka hijo kaya ka dinala ka dito sa klinik ng mall," sagot nito sa akin. "Sino po ang nagdala sa akin dito?" Tanong ko dito. Naalala kong nauna akong lumabas pagkatapos kong masagutan lahat ng examination. Nagutom ako kaya bumaba ako tapos bigla akong nahilo. Pero bago ako nawalan ng malay may nakita akong pamilyar na mukha. Siya ba ang nagdala sa akin dito? "Doc? Kumusta po siya?" Biglang pumasok si David ng silid. Speaking of him. "Gising ka na pala. How is he doc?" Tanong nito habang ineexamine ako ng doctor. "Everything is fine. Normal naman lahat ng bp niya, heartbeat. Kumain ka ba ng agahan hijo?" Tanong ng doctor sa akin. Inilingan ko ito. "Kakain na po sana ako doc kaso naabutan po ako kaya ako nawalan ng malay." "Kaya pala. It's better to give it a rest first bago kayo umalis. Always bring something that wiill fill your stomach kahit biscuit nalang to prevent accidents like this to happen again," ani naman nitong ikinatango ko. "May aasikasuhin lang ako. Excuse me," paalam nito. Napatingin naman ako kay David na nakatitig na pala sa akin. Iniwas ko kaagad ang aking paningin dito. "Salamat pala. Pasensya na kung naabala kita at ikaw pa talaga ang naghatid sa akin dito." Ani ko ng hindi matingnan ito sa mata. "Walang problema. It just happened na nakita kita habang namamasyal ako. Saan ka ba galing kanina nung nakita kita? Ang putla mo pa kaya kaagad akong lumapit sa iyo," may pag-aalala sa boses nito. "A-Ano. Exam kasi namin kanina sa inaaplyan kong trabaho." "Uh-huh looking for work. Maybe you should bring biscuits kung baka sakali mang matanggap ka niyan. Hindi ka pa natanggap pero nagkaganyan ka na. Anong oras na ba?" Ani nito tyaka tiningnan ang relo niya. "Magtatanghalian na pala. Let's go?" Anyaya nito sa akin. "Huh? Saan tayo pupunta?" Gulat kong taong dito. Hindi niya naman siguro ako aayain ng pananghalian? Nakakahiya naman. Tapos naabala ko na siya tapos aabalahin ko na naman. Baka inutosan ito tapos matagal nakauwi dahil sa akin. "I mean, okay lang ako. Pwede mo na akong iwan. Uuwi na naman din ako," nahihiya kong sabi sabay nag-iwas ng tingin. "Nahihiya ka ba sa akin?" Tanong nitong nagpabaling sa akin. "A-Ano? Hindi-" "Your bad at lying, Janiel. Tara na! Aayaw ka pa? Tingnan mo na nga iyang kalagayan mo, " ani nito tyaka hinawakan niya ng mahigpit ang aking pulso. "You want me to carry you, bro?" Tanong nito habang nakadungaw ito sa akin. Agad kong inalis ang aking kamay sa pagkakahawak niya at napaiwas narin ako ng tingin dito. Labis ang kaba na nararamdaman ko na kinakainis ko sa tuwing ganito ang epekto niya sa akin. Pull yourself, Janiel. Napailing ako sabay tayo. "Kaya mo ba?" Tanong nito sabay lapit sa akin. Pinigilan ko ito. "Kaya ko na," ani ko sabay nakipagtitigan. "T-Tara," nautal kong sabi sabay naunang lumabas. Dinig ko ang pagpapaalam ito sa doctor. Hindi ko man lang nagawang magpasalamat sa doctor. Nakakahiya na talaga ito. Bakit ba ganito nalang ako kung makaasta? Hindi ko naman sinasadyang mainis o hindi kaya ay mahiya sa kanya. "Bro! Wait for me," sigaw nito. Nagsitayuan lahat ng aking balahibo. Anomg tawag niya sa akin? Wala namang masama doon pero I've never benn called bro my whole life. It just creeps me out. Kung alam niya lang na hindi niya ako dapat tawagin niyan. "San mo gusto kumain?" Sabi nito sabay nag-akbay sa akin. "A-Ano. Ikaw? Kung saan mo gustong kumain," ani ko dito sabay nag-iwas ng tingin. "Ano, mabigat." Ani ko sabay kinuha ang kamay niyang nakaakbay sa akin. Pumasok kami sa fast-food restaurant at dahil pananghalian ngayon ay punoan talaga ito ng customer. Ako ang pinahanap niya ng upoan dahil siya nalang daw ang umorder. Pumayag naman ako kaysa bubuntot ako sa kanya palagi. Nalibot ko na ang buong palapag ngunit walang bakanteng lamesa ang pwede naming pagkainan. Napatingin ako sa itaas kung saan may mezzanine. Siguro may lugar pa doon kaya agad akong umakyat dito. Marami ding tao dito pero sa dulo kaunti lamang kaya baka pwede nalang kaming makisabay. Papunta palang ako nung natigilan ako sa paglalakad. Tatalikod na sana ako pero huli na nung nakita ako ni Laiceia. Nanlaki ang kanyang mga mata sabay kumaway ang kanyang kamay. Napakamalas ko talaga ngayon! "Janiel!" Tawag nito sa akin kaya nagtungo na ako doon. Kaagad niya akong niyakap pagkarating ko doon. Tinanguan ko naman ang nakatingin niyang boyfriend. "Siya nga pala, boyfriend ko. Kenneth, si Janiel pala iyong palagi kong ikinikwento ka sa iyo," ani nito. "Huh? Anong kinikwento?" Kinakabahan ako sapagkat baka ano-ano na ang binabanggit nito sa akin sa boyfriend niya. "Kenneth pre," sabay ito nag-abot ng kamay. Nakipagkamayan naman ako dito sabay binanggit ng pangalan. Ngunit, kaagad lang din binuwag ni Laiceia ang aming kamay na ikinakunot ng noo ng kanyang nobyo. "Kung hindi lang siguro sinabi sa akin ni Laiceia na bestfriend lang kayo baka nagseselos na ako. Pero, ngayong nakita na kita mukhang magseselos na talaga ako ng tuluyan. Ang ganda mo palang lalaki," ani nito. Si Kenneth ay isang marine student kaya ang kanyang gupit ay pareho din kapag nag-ROTC kami. Mas mataas ng ilang pulgada sa akin. Maputi ang balat at tyaka matangos ang ilong. Batak din ang katawan nito na hapit na hapit ang suot nitong damit. "Haha," natawa ako. "Hindi naman. Magkaibigan lang talaga kami nitong girlfriend mo." "Upo ka na muna," anyaya ni Kenneth sa akin. "Kasi palagi ka talaga nitong nababanggit kahit na magkatawagan kaming dalawa." "Ano ba sabi niya," tanong ko sabay pinanlakihan ng mata si Laiceia. "Don't worry your secret is safe," sagot naman nito. "Anong secret?" Nanliit ang mata ni David. "Siya nga pala kasama mo girlfriend mo?" Tanong nito sabay uminom ng juice. "Huh-" "Walag girlfriend iyan," kantyaw sa akin ni Laiceia na ikinailing ko. "Sayang naman! Sa gwapo mong iyan wala kang girlfriend? Di ako naniniwala. May pasecret pa nga kayong dalawa. Kasama mo, ano?" "Uhh w-wala," saba tawa ko. "Mag-isa lang ako. Oo. Hindi ba pwedeng kumain na mag-isa lang?" Ani ko na ikinatango nila. "Nandit ka lang pala? Nakahanap ka na ng mauupoan natin? Uy! Ikaw pala," ani ni David na ikinabaling ko. Dinig ko ang pagkaubo ni Kenneth nung nakalapit na sa akin si David. "Pinsan? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni David na ikinabaling namin ni Laiceia. "Magpinsan kayo?" Sabay naming tanong ni Laiceia. Hindi nila kami sinagot bagkos nakipagbesohan sila sa isa't-isa. I didn't expect this. Nasurpresa talaga ako pati si Laiceia. Maybe, hindi pa nakwento ng boyfriend niya ang mga pinsan nito. "Kayo pala ang magkasama? Akala ko wala kang kasama?" Tanong ni Kenneth sa akin. "O-Oo. Ano kasi-" kinakabahan kong sagot dito. "Dinala ko kasi siya kanina sa clinic ng mall," si David na ang sumagot. "Gala lang sana ako tapos nakita ko siyang namumutla. Mabuti nalang nung natumba ko siya ay nahawakan ko. Kung hindi baka napano siya." Paliwanag nito. "Bakit anong nangyari sa iyo, Janiel?" Tanong ni Laiceia. "Hindi ako kumain ng agahan bago ang examination sa inaaplyan kong trabaho. Mabuti nalang talaga at nakita ako ni David," ani ko sabay tingin kay Laiceia. "Ganoon pala. Akala ko kayo talaga ang magkasama." "Hindi," tanggi ko. "Ihahatid lang daw ang order natin," bulong ni David sa akin na ikinatango ko. Napatingin naman ako kay Kenneth para tingnan ang magiging reaksyon nito. May pinag-usapan sila ni Laiceia kaya hindi nakita ni Kenneth ang pagbulong ni David. Umusog ako para makaupo narin ito. "Siya nga pala insan, nakauwi ka na pala? Kailan lang?" Tanong ni David kaya natigil sila sa pag-uusap. Napatingin naman si Laiceia sa akin. Pinanlakihan ko ito ng mata para ipaalala nitong maging maingat. Hindi naman sa may masama kaming ginagawa pero we shouldn't do things that will make his boyfriend curious about. Sa paningin niya lalaki ako tapos magkasama pa kami ng pinsan niya. Kung malaman nito na lalaki pala ang gusto ko baka isipin nitong ganoon din ang kanyang pinsan. "Oo kanina pa. Pero, namiss ko na kasi itong girlfriend ko kaya nakipagdate muna ako. Ikaw? May girlfriend ka narin ba?" Tanong nito kay David. "Focus na muna, insan. Dadating naman tayo diyan at tyaka hindi ako nagmamadali. Sasakit lang ulo ko niyan," sabay natawa. "Siya nga pala, palagi kong nakikita itong girlfriend mo sa campus. Hindi mo man lang ipinakilala sa akin na girlfriend mo pala itong kaibigan ng kaibigan ko," sabay baling sa akin. Shit! Nakakaba kapag ganitong usapin. Ewan ko ba pero natatakot ako baka may maungkat silang hindi dapat. Sa mga tanungan na nakakanyerbos. "Parang kilala mo na naman," ani ni Kenneth. "Sinong hindi, palagi silang kasama nitong si Janiel," ani ni David sabay baling sa akin. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pero ang hirap ngumiti. Bakit palagi akong nadadawit dito. "What do you think about them? Nagseselos na ako nitong si Janiel," ani naman ni Kenneth. "Huh? Hindi talaga," tanggi ko. "Huwag kang mag-aalala. Kilala ko itong si Janiel malabong magkagusto sa bestfriend niya. Hindi ba?" Tanong nito. "Bantay sarado iyang girlfriend mo kaya huwag ka mag-aalala. "Uh oo," sang-ayon ko dito. Ngunit, ang sakit na talaga ng panga ko kakangiti. Tapos dama ko pa ang binti kong nanginging sa kaba. "Siya nga pala," sabat ni Laiceia. "Minention kita. Nakita mo ba?" Tanong nitong ikinakunot ng noo ko. Anong sinasabi nitong babaeng ito. Gusto niya talaga akong pinapahirapan ng ganito. "Anong mention iyang sinasabi mo?" Pinandilatan ko talaga siya ng mata. "Ahh yung profile ko ba?" Sabat naman ni David sabay tingin s akin. Parang gusto ko nalang na lamunin ako ng lupa. Gusto kong mapunta sa ibang dimension at hindi na babalik dito. Bakit alam ni David? Eh? Hindi naman pangalan ko ang iniligay ko doon. Pwera nalang kung inistalk niya ako? Ay hindi? At tyaka, madaming comment doon. Impossibleng mabasa niya iyon sa dami ng mga comment. "Uhh ano-" "Pasensya na nagkamali lang ako ng mention. Inedit ko naman kaagad," bawi naman ni Laiceia. Totoo? Inedit niya? Hindi ko na nakita kasi hindi na ako nagbukas pa ng f*******:. Matingnan mamaya kung totoo ang sinabi niya. Pero, mas mabuti na iyon kaysa naman wala siyang ginagawa. Gustong-gusto niya talaga akong inaasar. "Ito talagang girlfriend mo. Baka gutom lang iyan at iba-iba na ang pinanggagawa at pinagsasabi. Alam mo," ani ko kay Kenneth. Kumunot naman ang noo ni Laiceia. "Nagtapat sa akin si Laiceia na gusto niya ako," seryoso ko talagang sabi dito. Kitang-kita ko ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang boyfriend. Lintik lang ang walang ganti Laiceia. "Iyon nga lang, di daw pwede kasi nga may boyfriend na siya. I'm actually planning to court her pero nung sinabi niya ito I respected her until naging magbestfriend lang talaga kami," litanya ko. "A-Ano? Totoo?" Di makapaniwalang sabi nito. Gusto kong matawa sa reaksyon ni Laiceia. Sino bang hindi magseselos kung hindi alam ng boyfriend niya na hindi ako nagkakagusto sa isang babae. "Kaya pala, banggit ka ng banggit sa pangalan niya kahit na tayo ang nagtatawagan?" Asik nito. "Hindi. Bak-" tinakpan ko kaagad ang bibig ni Laiceia. Sabihin ba naman ang katotohanan baka mawindang talaga sila kapag nalaman nila ang totoo, especially ang boyfriend niya. Natatakot ka pala kaya huwag ka na gumawa ng iba pang gulo diyan. Nakakunot ulit ang noo ni Kenneth habang makikitaan ng pagseselos ang mata nito. Napatingin naman ako kay David na nakatingin lamang sa akin sabay iling na para bang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. "Pasensyahan mo na. Nagbibiruan lang talaga sila. Alam ko ang mga tipo nitong si Janiel," ani ni David sabay tumingin ng makahulugan sa akin. A-Ano? Alam niya siguro kasi hindi man lang siya nagtataka. Pero kung alam niya bakit hindi siya lumalayo sa akin? Bakit siya pa itong lumalapit at nakikipagkaibigan sa akin? Hindi naman sa nagmamayabang ako pero ayaw ko lang makita na pati siya tuksuhin kung malaman nila ang katotohanan. "Nagbibiro lang talaga iyang si Janiel. Namiss lang ako," awkward namang sabi ni Laiceia. "Andyan na pala ang pagkain niyo," ani nito. Walang imikan nung nagsimula ng kumain. Napaka-awkward nga kasi napag-uusapan lamang ang importante tapos kapag wala ng sagot tahimik ulit. Kasal-anan ko naman kung bakit nagkaganito pero nagbibiro lang naman ako. Napatingin ako kina Laiceia at Kenneth na hindi nagkikibuan. Hindi ko na kaya ito baka ako pa ang dahilan ng break-up. "Bakla ako," ani ko na ikinatingin nila. Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Laiceia habang nakakunot ang noo ng dalawang lalaki. It's now or never para matapos na itong nakakabinging katahimikan. Hindi naman madadamay siguro si David kasi ngayon palang niya malalaman. Pero parang may kutob na siya pero atleast si Kenneth hindi pa. Hindi ko paman siya lubos nakilala pero I'm saving their relationship and me, a little bit. "Biro lang lahat ng sinabi ko kanina. Kailanman hindi ako magkakagusto kay Laiceia." "Tapos?" Nag-aantay ito ng karugtong. "A-Ano. Kasi nga hindi ako nagkakagusto sa babae. Bakla ako," pagtatapat ko. Hindi ko na nakita ang naging reaksyon nila. Nakakahiya kung magtatagal pa ako kaya kaagad na akong tumayo. Okay na naman akk at sobra na itong tulong na ibinigay sa akin ni David. "Maraming salamat. Mauuna na ako sa inyo. Pasensya na sa abala," ani ko at kaagad akong umalis. Dali-dali akong bumaba ng hagdanan nung nadinig kong tinawag ako ni Laiceia. Bigla akong napaiyak sa nginig at takot. Kahit na maraming tao ay nakadungo lamang ako para takpan ang luhang lumalandas sa aking pisngi. Kaagad akong lumiko at bumaba papuntang basement kung saan ang pinakamalapit na comfort room. Walang masyadong sasakyan malapit sa comfort room kaya nanaliti lamang ako sa labas. Hindi na ako pumasok pa baka makaabala lang ako kapag may gagamit ng cubicle tapos nasa loob ako umiiyak. Nakakatakot parin talaga kapag sinasabi ko ang katotohanan. Naiisip ko parin ang magiging reaksyon ng mga tao. Lalaitin ka nila hanggang sa kaya nila para lang mawala ka sa buhay nila. Ewan ko ba kung anong nagawa ko at nilalahat nila. The confidence that's within that person? Parang kandika na unti-unting nauubos, natutupok ang ilaw hanggang sa mawala ito. That's the effect of bully na nakuha ko nung bata pa ako. Nawalan ako ng confidence para gawin ang mga bagay na gusto ko. Na malayang nakikihalubilo sa kung sino ngunit dahil sa kasarian ko nasira ito. The image? They were the one who ruined it. It's not me. Nakakaproud nga iyong iba na nasasabi nila kung ano sila. Tanggap sila ng mga taong nakapaligid sa kanila. How I wish na nabuhay ako sa ganoong kalagayan. Kaya hanggang ngayon, I am not free. Hindi ko masasabing malaya ako sapagkat kailangan kong itago ang sarili ko. "Ito," ani ng boses sabay abot ng panyo. Tiningala ko ito at si David ito. Iniwas ko ang aking paningin sabay pinahiran ang mga luha. Hindi ko na tinanggap pa ang panyo niyang nakalahad. Kaagad naman niya itong binawi at tulad ko ay sinanda niya ang katawan sa dingding. "Bakit ka nandito?" Ani ko habang nakatingin sa sasakyang palabas ng parking area. "Iniwan mo kasi ako tapos hindi mo pa naubos ang kinakain mo. Sinayang mo lang pera ko," ani nito. Para naman akong nakonsensya sa sinabi niya. Madami na talaga akong atraso sa kanya. "Iyong pinsan mo? Hindi ka na sana nagpunta dito baka ano ang sabihin nun?" "Ang sama naman ng tingin mo sa pinsan ko at sa boyfriend ng bestfriend mo?" "Hindi naman. Ayaw ko lang na madamay ka dito. You know how society works. Hindi sa jinajudge ko siya pero ayaw ko lang na mahusgahan ka na hindi mo naman deserve." "Hindi naman talaga kailangang sabihin mo sa kanya ang totoo mong kasarian. Hindi naman sila maghihiwalay dahil lang doon. You're partly at fault. Ngayon nga lang sila nagkita ulit tapos humirit ka pa?" "Natatakot lang talaga ako kaya humirit ako para makabawi kay Laiceia. I didn't know na seloso pala si Kenneth." "Anong mali nung nagmention si Laiceia sa profile ko?" "H-Huh? Wala namna siguro pero kailangan bang e mention niya?" Ani ko dito. "Kung wala naman pala edi sana hindi ka na naghigante pa. Hindi mo ba gusto ang profile pic ko?" Hirit niya. "A-Ano-" hindi ko madugtungan ang sasabihin mo dahil sa gulat. "Ikaw? Hindi ka man lang nabigla o nilayuan nung alam mong bakla ako?" "Masama bang maging bakla? Masama kung may ginagawang masama. We are entitled whatever gender we have and that's what we should respect. It's actually the society naming them. Lalaki din naman kayo pero lalaki din ang nagugustuhan niyo. It's not even the problem, it's just how the society sees and their mindset," mahabang paliwanag nito. "Tanggap kita kung ano ka. Kahit hindi tayo kaibigan, I will respect you," dagdag nitong sabi. Tumaba bigla ang aking puso dahil sa kanyang sinabi. I never expected to hear such words coming from a man. A straight man. Maybe, I was just scared and close minded. Hindi naman talaga lahat nag-iisip ng ganyan pero dahil sa takot ko nauunahan na ako. "Tara? Ihahatid na kita sa terminal. Pangit kapag umiiyak," bulong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD