Hawak Kamay "Oh saan pala kayo galing dalawa?" Bati ni Tiyang sa amin nung nadatnan niya kaming papasok ng gate. Nagmano muna ako dito pati narin si David ay nagmano sa kanya. "Galing po kaming Cebu, Tiyang. May pinuntahan lang naman po," ani ko sabay kagat ng labi. "Bakasyon ano? Naku! Kamusta doon? Ilang taon na ba ang nakalipas nung huli akong pumunta doon?" Ani nito habang nag-iisip. "Mukhang pansin ko na palagian kayong magkasama tapos kayo lang dalawa nagbakasyon ngayon?" Tanong nito habang nanghihinalang tumingin sa akin. "Ahh Haha!" Natatawa kong sagot. "Hindi po. Kasama din po namin ang kaklase namin," napakagat ako sa aking labi sabay baling kay David. "Naku! Itong pamangkin niyo po sukang-suka sa barko. Parang hindi pa nasanay," biro naman ni David. "Ay hijo! Hindi pa iyan

