Allergy Mag-aalas dose na nung nagising ako ngunit tulog pa din si David. Lampas hating gabi na kasi kami tumigil sa pag-iinoman tapos ang kulit pa ni David bago kami tuluyang nakatulog. Napatingin ako sa labas na malakas ang sinag ng araw. Napabalik na lamang ang aking paningin sapagkat sumasakit ang ulo ko kapag natatamaan ng ilaw. Sumasakit din siguro ito dahil sa halo-halong alak na nainom ko kagabi. Mabuti na lang at hindi naman masama ang sikmura ko baka nagdighay na ako ngayon. Tatayo na sana ako upang maghilamos na sana nung bigla akong naduwal. Umasim ang aking lalamunan at kaagad na tumakbo papunta sa lababo. Gumaan ang aking pakiramdam pagkatapos kong masuka at ang baho pa nito. Kaagad na akong naghilamos bago pa bumalik sa kama. Kumakalam narin ang aking sikmura ngunit hindi

