CHAPTER 1.

1503 Words
"This is bullshit!" Malakas na sigaw ni Drake at napahampas pa ito sa ibabaw ng mesa kaharap ang kanilang family Atty. "Dude relax!" Awat sa kanya ng kaibigang si Dexter. " This is not the right time para magwala ka! Calm down and think kung ano ang dapat gawin," pag papa-kalma sa kanya ni Dexter. "Im sorry, Mr De Luna yan po ang nakasaad sa last will ng Lolo mo it's either you like it or not wala na tayong magagawa." sabay tayo ang family Atty. " I will talk to Althea to para ipaalam sa kanya ang huling habilin ng Lolo mo." sabi pa nito bago tuluyang umalis. It's been a week ng matapos ang pagluluksa ng pamilya De Luna. Nag iisang tagapagmana si Drake sa lahat ng ari-arian ng De Luna dahil siya lang naman ang nag iisang Apo ni Alfredo De Luna. Namatay ang mga magulang ni Drake ng siya ay sampung taong gulang palamang dahil sa isang car crash accident, lumaki ito sa pangangalaga ng kapatid ng ina sa America. At ng makapagtapos doon ay bumalik sa Pilipinas upang pamahalaan ang De Luna Group Companies. At sa kasamaang palad binawian ng buhay ang matandang De Luna dahil sa sakit sa puso. At sa pagkamatay nito. Niyanig ang kanyang mundo pagkatapos e' anunsyo ng kanilang Family Atty. Ang last will ng kanyang Lolo. 'Yon ay ang pakasalan ang babaeng nag ngangalang Althea Marasigan bago ilipat sa kanya ang lahat ng ari-arian ng De Luna. Maliban sa hacienda na mapunta kay, Althea. Ang babaeng naging mahalaga sa buhay ng kanyang yumaong Lolo, ang babaeng inaruga at pinaaral nito. Sakaling ayaw naman siyang pakasalan ni Althea, ay mapupunta kay Drake ang Hacienda at pwedeng gawin nito ang lahat ng gusto sa hacienda, kahit ang pagbebenta dito. "I don't understand why he has to do this" frustrated niyang nasa-bunutan ang sariling buhok. "Marrying someone I don't know is big bullshit. Fvcking bullshit." "Well, you don't have any choice dude, puntahan mo siya sa hacienda and talk to her." "At anong sasabihin ko sa Kanya ha? Hey! Miss Marasigan, will you be my wife? katarantaduhan" binagsak ni Drake ang katawan sa sofa at nagpahilot sa kanyang sentido. " And if you marry her, what will happen to Andrea?" tukoy ni Dexter sa nobya nitong modelo na kasalukuyang nasa France. "Damn it! Fvck" Marahas itong tumayo sabay kuha ng susi ng kanyang kotse. "Where are you going?" ani Dexter "Let's get wasted " mariing sabi niya. PAGKATAPOS ilibing ang matandang De Luna ay agad bumalik ng hacienda De Luna si Althea. Pakiramdam niya sa oras na iyon ay namatay din kasama ng matandang De Luna ang kanyang puso. Masakit para sa kanya ang pagkawala nito, dahil ito na ang tumayong ama niya simula ng mamatay ang kanyang ina. Ito ang nag paaral sa kanya nag bigay ng mga pangangailangan niya material man at financial pati na ang masisilungan na ni minsan ay hindi nagawa ng kanyang tunay na ama, na ewan n'ya kung buhay pa ba ito, dahil simulat sapul ay hindi niya ito nakita at ngayon pakiramdam niya ay tuluyan na siyang ulila dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang nawalan ng ama. Marahan siyang bumuntong hininga sabay libot ng paningin sa malaking mansion. Nakakabingi ang katahimikan ng paligid, marahan niyang pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mga mata at muling bumuntong hininga. "Althea?" tawag sa kanya ni Maya isa sa katulong dito sa mansion. Marahan n'ya nilingon ito at nginitian "Bakit Maya?" "Tawag po galing manila! Atty Alfred Vargas daw po." sagot ni Maya sabay bigay ng telepono. "Salamat Maya." sabay kuha ng telepono mula dito. Kinakabahan man ay pilit na nagpapatatag ni Althea ang sarili, takot ang namayani sa kanyang puso dahil may pakiramdam siya na may hindi magandang mangyayari ngayong wala na si Don Alfredo De Luna. Lalo pa at apo na nito ang mama-mahala sa buong hacienda at tagapagmana sa lahat ng ari arian ng mga De Luna. Marahang inilipat ni Althea ang telepono sa punong tenga at sinagot ang tawag ni Atty. Vargas. "Hello! This is Althea Marasigan. What can I do for you?" " This is Atty. Vargas. Miss Marasigan. Can we meet in Manila this coming weekend? We have an important matter to discuss." "May I know what it is all about Sir?" "About Don Alfredo's last will Miss Marasigan." Biglang bundol ng kaba sa kanyang puso at nasapo ng palad ang dibdib sa sobrang lakas ng t***k nito. "Miss Marasigan? Are you still there?" takang tanong ng Atty. mula sa kabilang linya. "Ye..Yes sir" kandautal nitong sagot. "I'll be there this coming weekend." Pagkatapos maka usap ang family Atty. ng mga De Luna ay parang nanlalambot ang tuhod ni Althea at napaupo sa sofa. Ano ang gagawin niya ngayon? Paano kung ibenta ng apo ni Don Alfredo ang hacienda? Paano ang mga taong nagtatrabaho dito na tanging sa hacienda lang umaasa! Paano siya na sobrang napamahal sa lugar na ito? Napamahal sa mga taong nakapaligid dito! Hindi pwede! Hindi pwedeng hayaan niya na lang mangyari ang lahat ng naisip, kung kailangan niyang mag makaawa dito ay gagawin niya, manatili lang ang lahat sa kung ano ito ngayon, kung kailangan niyang magpa alipin sa apo ng Don ay gagawin niya alang alang sa mga taong umaasa sa haciendang ito. Araw ng Sabado maagang gumayak si Althea dahil ngayong araw ang napag usapan nila ng family Atty. ng mga De Luna, kailangan niya ng bumiyahe ng maaga dahil may kalayuan ang hacienda sa Maynila. Pagsapit ng Alas Diyes ng umaga ng dumating si Althea sa manila. Agad s'yang dumiretso sa restaurant kung saan sila magkikita ng family Atty. ng mga De Luna. Kinakabahan man ay pilit pinapa-tatag ni Althea ang sarili, alang alang sa mga taong umaasa sa hacienda De Luna. Alang alang sa alaala ng yumaong Don Alfredo De Luna. Laking gulat n'ya ng makita ang lalaking naka formal suit sa loob ng isang private room kung saan s'ya dinala ng isang waitress dahil ang buong akala n'ya ay isang matanda na ang abogadong si Atty. Vargas, ngunit sa hinuha niya ay mukha itong nasa mid 30's pa. Tumayo ito at nakipag kamay sa kanya. "Good morning! Miss Marasigan. Im Atty. Alfred Vargas." "Good Morning! Atty. Vargas, it's nice meeting you" sabay silay ng matamis na ngiti sa labi. "Thank you." ani Althea ng pinaghila s'ya ni Atty. Vargas ng upuan. "Your welcome Miss Marasigan, anyway, you look more beautiful in person!" pag puri nito sa kanya. Isang matamis na ngiti ang itinugon ni Althea sa papuring iyon ng abogado. "Here." Sabay bigay sa kanya ng isang dokumento na naglalaman ng Titulo ng buong Hacienda " The Hacienda is all yours Miss Marasigan. But." tumigil ito sa pagsasalita sabay taas ng taas na may kape sabay sipsip nito bago ulit magsalita. "In one condition." Kinuha ulit nito ang isang papel at binigay ito sa kanya para basahin. "Read it, Miss Marasigan that is Don Alfredo's last will." Natutop ni Althea ang sariling bibig at hindi makapaniwala sa kanyang nabasa, nakasaad sa last will ng Don na kailangan niyang pakasalan ang apo nito bago tuluyang mapa sa kanya ang buong hacienda. Sunod sunod na paglunok ang ginawa ni Althea sabay kuha ng tubig na nasa kanyang harapan at uminom. Dahil pakiramdam n'ya sa oras na iyon ay may bumara na kung ano sa kanyang lalamunan. Para siyang panangko sa kanyang kina-uupuan di alam ang sasabihin sa kausap. "Don't worry too much Miss Marasigan, dahil hindi lang ikaw ang nalilito, maging si Drake ay ganun din. I think two of you must talk I should go now marami pa akong kliyente na naghihintay just give me a call kapag nakapag desisyon na kayo ni Drake and I will prepare all the necessary documents sa pag transfer ng mga ari-arian ni Don Alfredo I give the two of you two weeks to decide." sabay tayo ito. "I leave for now, Miss Marasigan have a nice day ahead." Umalis ang abogado ng hindi man lang siya makapagsalita sa sobrang gulat at pag kalito. Ano ang gagawin niya ngayon? Paano niya ito haharapin? Siya mag papakasal sa apo ng Don? Ni hindi niya nga ito magawang lapitan noong panahon ng pagluluksa! Hindi alam ni Althea kung gaano siya katagal sa loob ng private room na i'yon sa subrang pagkalito. Paano niya haharapin ang lahat ng ito? Umalis siya ng Restaurant na i'yon na magulo ang pag iisip, hanggang sa makauwi ng hacienda. Hindi s'ya tumuloy ng mansion sa halip ay sa tubuhan ito dumiretso. Ipinarada n'ya ang kanyang sasakyan sa di kalayuan habang tinatanaw ang masayang pag ani ng tubo ng mga tauhan ng hacienda. Ito ang ikinabubuhay nila, dito sila kumukuha ng kanilang source of income para sa kanilang pamilya, kung mawawala ito sa Kanila paano? Paano magsisimula ang mga ito? Isan malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Althea. Mula sa kanyang kinatatayuan kitang kita niya ang pag hinto ng isang puting pick up. Bumaba mula dito ang isang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD