CHAPTER 2.

1503 Words
DALAWANG araw bago ang takdang pagpunta ni Drake sa hacienda ay inatasan na nito ang kaibigang si Dexter na imbestigahan si, Althea Marasigan. He needs more information about her, ng sa gayon ay hindi siya mahirapan na kausapin at kumbinsihin ito kung sakali. Kailangan mapapayag niya itong magpakasal sa kanya by hook or by crooked. Isang katok sa pinto ang pumukaw sa pag-iisip ni Drake. "Come in." aniya. "Good morning, Mr De Luna!" Isang nakakalokang ngiti ang sumilay sa labi ni Dexter " Are you ready to meet your future wife?" "Shut the fvcked up. Nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?" Tukoy niya sa pag papa-imbestiga nito kay Althea. "Everything is done." Humugot ito ng malalim na buntong hininga at tumitig sa kanya. "Why don't you break up with Andrea first Drake? Before getting married." "What the hell are you talking about Dude? You know how much I love her! Tapos sabihan mo akong makipag hiwalay! No fvcking way!" Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip ng kaibigan bakit iyon sinasabi sa kanya. Sa nakikita niya ngayon sa mukha ng kaibigan siguradong may natuklasan ito sa pagkatao ni Althea na gumugulo sa pag iisip nito. "Give me those files in your hand, Dexter" Mariin niyang sabi sa kaibigan. "Before I give these files to you, let me give you a piece of advice! Broke up with Andrea Drake." Napahilamos siya sa kanyang mukha dahil sa kakulitan ng kaibigan. "What the hell is happening to you Dexter? Why do you keep on insisting on that idea?" Frustrated niyang tanong kay Dexter. "Althea is such a kind woman Drake, and on top of that, she is beautiful. Hindi kaba nababahala na baka mahulog ang loob mo sa kanya? At kung sakali mangyari man i'yon, Paano si Andrea?" Malakas na halakhak ang lumukob sa loob ng opisina ni Drake. "Damn it, man! Akala ko ano ang sasabihin mo! You scare the hell out of me." "Im damn serious here Drake. Di mo ba naisip na baka pagdating ng panahon di mo na kayang bitawan ang isa sa kanila? Tapos ano mamangka ka sa dalawang ilog?" "Drake buddy! I already have a plan. So give me that fvcking files on your hand. Damn it, man the clock is ticking! I only Have two weeks left." Sabi niya dito sabay hablot ng folder na hawak nito. "Well don't blame me. I already warned you! Drake de Luna." Sabay tayo. " I have to go, and whatever plans you have in mind I hope it won't hurt those two women." tukoy nito kay Althea at Andrea. Nakaalis na si Dexter ngunit nanatiling nakatitig parin si Drake sa brown envelope na nakalapag sa kanyang harap. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago kinuha ang envelope at binuksan. Unang bumulaga sa kanya ang close-up picture ni Althea na half body. Dexter is right maganda nga si Althea hindi siya kaputian, taglay nito ang kutis ng isang totoong Pilipina, dahil kayumanggi ang kulay ng kanyang balat. Her brown eyes na parang sumasabay sa pagngiti ng kanyang labi, malantik na pilikmata na ewan niya kung totoo ba iyon o baka extension lang, and her thin red kissable lips! Ngayon alam niya na kung bakit parang nagdadalawang isip ang kaibigan sa ginagawa niya. Alam nyang mahal niya ang kanyang girlfriend na si Andrea hindi sila tatagal ng tatlong taon kung hindi niya ito mahal. Nagkataon lang na lagi silang magka layo dahil sa nature ng trabaho nito na isang modelo. Okay lang naman kay Andrea ang set-up nila, he can have s*x with any woman he likes, basta wag niya lang daw itong buntisin. Hindi niya alam kung pag mamahal pa bang matatawag 'yon basta ang alam niya kuntento s'ya sa set-up nilang iyong nobya. Sa ngayon ay dapat mapapa-payag n'ya si Althea sa kasal. Saka n'ya na iisipin ang mga susunod pang mangyayari. Isang Ulila si Althea. Anak ito ng isang katulong ng kanyang lolo sa mansion, hindi alam kung sino ang ama. Kinupkop sila ng yumaong Alfredo de Luna sa mga panahong nasa America na siya. Nag aral ito ng Agriculture at kasalukuyang namamahala sa buong hacienda. No doubt kung bakit ito napamahal sa kanyang Lolo dahil pareho silang mahilig sa pananim. Drake heaved out a deep sigh. Kailangan niyang kumilos. Kailangan n'ya nang makausap si Althea at mapapayag ito sa pinaplano niya. Ayaw niya ng ibang tao ang makikinabang sa pinaghirapan ng kanyang pamilya. Pumasok siya sa loob ng kanyang private room sa opisina at nag bihis. Isang dark blue faded jeans at brown V-Neck na T-shirt ang napiling isuot. Kumuha din ito ng ilang pirasong damit, underwear at ilang personal hygiene stuff. Pagkatapos ilagay ang mga gamit sa kanyang back bags ay agad siyang lumabas ng opisina. "Katrina? Cancel all my appointment within two weeks." aniya sa kanyang Secretary. "But! sir you have an important meeting--" "No more but Katrina! Just do what I say" he interjected. "Ok, sir." Mabilis niyang nilisan ang opisina at tumungo sa express elevator na exclusive lang para sa kanya bilang CEO at kay Dexter na President ng kompanya. Mabilis ang bawat hakbang na pumasok sa elevator at pinindot ang negative one na number sa elevator, na diretso sa car park. Napili niyang gamitin ang white land cruiser na pick-up. Labag man sa loob ang pag tungo sa hacienda ay wala na siyang magagawa. Muli niyang makikita ang lugar kung saan binawian ng buhay ang kanyang mga magulang. NAKASANDAL si Althea sa kanyang sasakyan habang tinatanaw ang mga taong nag ha-harvest ng tubo sa oras na iyon. Puno ng pag aalala ang kanyang puso para sa mga tauhan ng hacienda. Paano na ang mga ito sakaling hindi niya magagawa ang habilin ng yumaong, Don Alfredo. Marahan siyang napa buntong hininga. Mula sa kanyang kinatatayuan kitang kita niya ang pag hinto ng isang puting pick up. Bumaba mula dito ang isang lalaki. Ngunit nawala sa isip ang nakitang lalaki ng biglang marinig ang matinis na sigaw ng batang si Bert na anak ng kanilang kusinera sa mansion. "Ate, Althea!" tawag nito sa kanya kasabay ng malapad na ngiti. "Uuwi po ba kayo sa mansion?" "Oo bert" sabay yukod para mag pantay sila ng batang si bert "Bakit?" tanong niya dito sabay gulo ng buhok ni bert. "Makisakay po sana ako ate Althea. Masarap kasi sumakay sa kotse mo, pupuntahan ko po si Nanay sa mansion." "Oh siya sige. Tara na." Mabilis ang bawat kilos ng bata at agad itong sumakay ng mapag buksan n'ya ng pinto ng sasakyan. "Ang sarap talaga sumakay sa kotse mo ate Althea. Paglaki ko bibili din po ako ng kotse tapos kayo nanaman ang pasakayin ko." Natawa siya sa sinabi ng batang si Bert, habang diretso sa daan ang kanyang paningin. "Mag aaral po ako mabuti ate Althea, kagaya mo po." ani ulit ni Bert. "Dapat lang Bert. Para maging proud ang nanay at tatay mo." "Pati din ikaw po ate Althea." Marahan niyang pinisil ang pisngi ni Bert. "Kaya nga love na love ka ni ate eh." Ngumiti lang sa kanya ang batang si Bert. Ito yung mga bagay na lagi niyang iniisip. Mga pangarap ng mga anak ng trabahador ng hacienda. Paano matustusan ng mga ito ang pag papa-aral sa kanilang mga anak kung mapupunta ang hacienda sa taong hindi marunong magpahalaga ng mga tauhan ng hacienda. Knowing Don Alfredo's grandson! Lumaki ito sa states at sigurado s'yang wala itong kaalam alam sa pagpapatakbo ng hacienda and worst baka ibenta lang ito sa maling tao. Paano ang mga trabahador dito? Na tanging sa hacienda lang umaasa. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Althea saka tumigil sa harap ng mansion. Dalawang beses na busina ang kanyang ginawa bago bumukas ang malaking bakal na gate ng mansion. "Magandang tanghali Althea" Bati sa kanya ng matandang katiwala. "Magandang tanghali din manang." Sabay taas ng kanyang braso at yumakap sa matanda. "Pumasok kana at mananghalian." "Busog pa po ako manang. Aakyat muna ako sa silid maligo at magpahinga." "Ay ang batang to! Hindi pwede kumain ka muna." "Manang sige na po! Hmm,?" muli niya itong niyakap ng mahigpit. "Sige na nga! Magpahinga ka na. Nakahanda na ang bathtub mo, pagkagising mo tawagin mo na lang si Maya at magpahanda ng pagkain, at ako'y pupunta mamaya ng bayan para mamalengke." ani manang. Agad umakyat si Althea sa ikatlong palapag ng mansion kung saan naroon ang kanyang silid. Agad binagsak ang pagod na katawan sa kanyang malambot na kama, dahil sa matinding pagod ng katawan at isip. Ilang minuto siya na nakatitig sa kisame bago maisipang mag babad sa bathtub. Mabilis siyang tumayo at naghubad, walang tinira na saplot sa katawan at naglalakad papuntang banyo. MABILIS na pinagbuksan ng gate si Drake ng dumating siya sa mansion. Halata ang gulat sa mga mukha ng mga kasambahay ngunit hindi si Manang Alice, niyakap siya nito ng mahigpit at mangiyak ngiyak ng makita siya. Nag-usap sila saglit ng matanda bago siya nito dinala sa kanyang silid. Ang kanyang dating silid,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD