Madaling araw ng dumating sila ni Alfred. Wala siyang sinayang na oras, agad siyang umuwi. Inatasan niya nalang si Alfred na ito ang humarap sa press. Kasabay nilang dumating sa bansa ang mga labi ng mga OFW na nasawi sa trahedya. Alam niyang makakatikim na naman siya ng sandamakmak na sermon mula sa kaibigan na si Felicity. But who cares anyway, ang importante sa kanya ngayon ay ang asawa niya. Marahas siyang bumuntong hininga. "Robert wala na bang ibibilis 'to?" Tukoy niya sa takbo ng sasakyan. "Sir, baka ma over-speeding po tayo," "Fvcked, who cares? Bilisan mo, walang traffic 'o" singhal niya sa driver. Sa sobrang inis niya ay tila gusto niyang agawin mula dito ang manibela at paliparin ang sasakyan ng makarating agad siya ng bahay. "Itabi mo Robert," aniya. "'Ho, sir?" "Di mo

