Walang pagsidlan ang tuwa na kanyang nararamdaman. He became a father and they will become a complete family. Mula sa pagyuko ay inangat niya ang kanyang mukha at tumitig sa screen ng laptop, mukha ni Dexter ang sumalubong sa kanya. "Congratulations, asshole," ani nito kasabay ng ngiti. "Will you please let me see my wife, dude?" Pakiusap niya "Gusto mo bang masigawan ako? Damn man, your wife is freaking mad," ani Dexter. He laughed. Kita sa mukha ni Dexter ang matinding pag aalinlangan at takot na baka masinghalan ito ng asawa niya. "Pasilip lang ako, dude. Kahit konting silip lang," muli niyang paki-usap. Akmang buhatin ni Dexter ang laptop ngunit bigla nito iyon muling nabitawan. "Damn, man, she is coming," tarantang sabi nito. Tahimik na ang asawa niya. Hindi niya na naririnig a

