Yumuyogyog ang kanyang balikat kasabay ng mahinang paghikbi. Yakap siya ng asawa niya ng mahigpit habang panay ang halik nito sa tuktok ng kanyang ulo. "Babe, I promise to fix things as soon as possible upang makabalik agad ako, so please babe, stop crying," ani nito habang hinahaplos nito ang kanyang buhok. "Pasensya na hindi ko lang mapigilan," kumalas siya sa pagyakap sa asawa niya sabay pahid ng kanyang mga luha. "Sige na, umalis kana," ani niya sabay ngiti. "Ingat ka dun ha?" Ang bigat bigat ng dibdib niya, parang may malaking bato na nakadagan sa loob ng kanyang dibdib. Nakatayo lang sa harap niya si Drake habang hawak siya nito sa magkabilang balikat. Umaabot sa kanyang pandinig ang mabibigat na paghinga nito. Alam niyang kagaya niya ay nahihirapan din ito, ngunit walang ibang ch

