"Uwi na tayo, aayusin ko ang mga gamit na dadalhin mo," ani niya sa nangangatal na boses. Drake just hugged her tight. "No need, babe marami akong gamit kina Mama Claire," hinawakan siya nito sa baywang at bahagyang nilayo sa kanya ang katawan, he then cupped her face. "Don't be sad, I will fix this matter as soon as possible so I can be with you. Hindi ko kayang malayo sayo ng matagal," ani pa nito. Her lips were shaking kinagat niya iyon at yumuko. Ayaw niyang makita ng asawa niya ang lungkot sa kanyang mga mata dahil ayaw niyang dagdagan ang pasanin nito. Gustong gusto niya na itong tanungin kung ano ang problem ngunit mas pinili niyang huwag na lang mag-usisa dahil maging siya sa sarili ay tila natatakot. Inangat niya ang noo at tinaas ang dalawang palad at hinaplos ang pisngi ng as

