NAGTATAKANG nagpalipat-lipat ang tingin ni Luis sa hawak na supot at papalayong pigura ni Dave. Hinalungkat niya ang laman ng supot at mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya nang makitang uniporme iyon ng babae.
“What the heck, Dave?! Ano’ng gagawin ko rito?!” sigaw niya pero wala na ito.
Pinagtinginan naman siya ng mga estudyante na naroroon. Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Mabuti nga at walang naglakas-loob na lumapit sa kanyang babae kundi ay makakatikim ito sa kanya.
Napakamot na lang siya sa ulo. Ano naman kaya ang gagawin nito sa pambabaeng uniporme?
Malakas na ipinilig niya ang ulo bago pa may pumasok na kung anong insekto sa utak niya. Sinunod na lang niya si Dave at inihatid iyon sa archery club.
Papasok na sana siya sa club pero naka-lock iyon. Kumatok siya. Wala namang sumagot. Pero ang sabi ni Dave ay ihatid daw niya sa archery club ang uniporme. Isang beses pa siyang kumatok. Kapag wala pa ring sumagot ay talagang babalik na siya sa SCR-C. Marami pa naman siyang ginagawa ngayon.
“Sandali lang!”
Namilog ang mga mata niya nang marinig ang pambabaeng boses na iyon. What the heck?! May babae si Dave? Oh, no. Paano na si Charmien?
Nang bumukas ang pinto ay nalaglag ang panga niya nang makita kung sino iyon.
“Luis?!”
Nagkatitigan sila ni Suzie. Isa man sa kanila ay walang nagsalita. Parehong gulat ang nakarehistro sa mga mukha nila. Pinasadahan niya ito ng tingin. Basa ang buhok nito, nakapalibot sa katawan nito ang isang puting kumot, at alam niyang wala itong suot ibang sa ilalim ng kumot dahil kitang-kita niya ang balikat nito.
“What is the meaning of this?!”
Siya ang unang nakabawi. Tumikhim siya bago nagsalita. “Ah, ipinapabigay ni Dave.”
Iniabot niya rito ang supot.
Tiningnan nito ang laman ng supot. Crimson spread to her cheeks.
Para siyang natulos sa kinatatayuan dahil hindi siya makagalaw. Nakatayo lang siya sa harap nito habang nakatingin sa namumula nitong pisngi. Nakayuko pa rin ito at hindi alam ang gagawin kaya hinawakan niya ang baba nito at iniangat ang mukha nito.
“You’re beautiful, Suzie. Huwag mong itago.”
“Ah…I—Magbibihis na ako.”
Hindi na siya hinintay pang makasagot nito. Basta na lang nitong sinara ang pinto sa mukha niya. s**t! Ngayon lang may gumawa no’n sa kanya. Pero sa halip na mainsulto ay napangiti pa siya.
*****
MATAGAL ng nakahawak si Suzie sa kanyang dibdib pero hindi pa rin iyon kumakalma. Sa halos isang buwan nilang hindi pagkikita ni Luis ay na-miss talaga niya ito ng sobra. Alam niyang hindi niya dapat nararamdaman iyon pero hindi niya mapigilan ang sarili.
Nahihiya siya kay Luis. Nakita siya nitong nakakumot lang at napagbagsakan pa niya ito ng pinto. Hindi tuloy niya alam kung papaano haharapin si Luis ngayon.
Napakislot siya nang makarinig nang katok sa pinto.
“Suzie, tapos ka na bang magbihis?” boses iyon ni Luis.
“H-Hindi pa.”
Nasapak niya ang sariling ulo dahil nautal pa siya. Nagmamadaling nagbihis siya. Bakit ba kasi ito ang nagdala ng uniporme niya? Nasaan si Dave? Naalala niya si Charmien. Baka pinuntahan nito ang bruhang iyon. Ang bait talaga ni Dave.
Napatigil siya nang mapansing bago pa ang mga uniporme. Nakaplastic pa kasi iyon at sarado talaga, halatang hindi pa iyon nabubuksan. Saan kaya iyon nakuha ni Dave? O ni Luis?
Napataas ang isang kilay niya umakma talaga sa kanya ang uniporme.
Nagmamadaling sinuklay niya ang buhok bago lumabas ng archery club. Napatigil siya nang makita si Luis na nakahilig sa haligi na nasa harap ng pinto ng club. Nakatingala ito habang panay ang galaw ng mga daliri at ulo. Nasa loob ng bulsa nito ang mga hintuturo habang ang apat na daliri ay para bang nagda-drum.
Napakagwapo nitong tingnan. Maaliwalas din ang mukha nito at para bang kay saya.
Nang mapansin marahil nito na tinititigan niya ito ay bumaling ito sa kanya at ngumiti.
“Oh my god!”
Napatanga na lang siya sa ngiti nito. Minsan lang ngumiti si Luis at napakaganda talaga ng ngiti nito. Dagdagan pa na ang puputi ng mga ngipin.
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Na-conscious tuloy siya sa hitsura niya.
“Hmm...mabuti naman at nagkasya sa `yo ang uniform.”
“Ah, yeah. T-Thanks.”
Umayos ito ng tayo. “Nah, si Dave ang bumili niyan.”
Nalaglag ang panga niya. “Bili? Binili niya ito?”
Tumango naman si Luis.
“Oh, no. Wala akong pambayad sa kanya.”
Hinawakan nito ang palapulsuhan niya at hinila siya. Hindi na lang siya nagtanong saan sila pupunta. Nag-aalala pa rin siya kung paano niya mababayaran si Dave. Bakit naman kasi bumili pa ito ng uniform? Pwede namang manghiram na muna siya kung sino ang may extra.
Nagtayuan ang mga balahibo niya nang maramdaman ang mga daliri ni Luis sa baba niya at iniangat nito ang mukha niya. Namalayan na lang niya na nakaupo na pala siya sa loob ng Amber café at may cupcake na sa mesa.
“Huwag mo ng problemhin ang tungkol sa uniform mo. Hindi naman naniningil si Dave.”
“Pero...”
“Shhh... Huwag ka ng mag-alala, okay? Kapag binayaran mo `yan kay Dave, masasaktan ang ego no’n at ayokong makita sa ganoong kalagayan ang kaibigan kong iyon.”
Napatango na lang siya kasabay ng pagsilay ng munting ngiti sa labi niya. Ang corny. Anyways, hindi siya sanay na may utang na loob siya kahit kanino pero hindi naman niya afford na bayaran ang unipormeng iyon dahil nagtitipid siya sa pera.
Napalunok siya nang maramdaman ang mga daliri ni Luis na naglandas mula sa baba niya pababa sa leeg niya. Nakakunot-noo ito habang nakatingin sa leeg niya.
Malaki ang mga matang tinitigan niya ito. “Oh, my! Ano’ng balak mo sa `kin, Luis?!”
Napaigik siya sa sakit ng maglandas ang daliri nito sa nasaktang parte ng leeg niya.
“What happened to your neck?” seryosong tanong niya.
“Huh?”
Pinaglandas niya ang sariling daliri sa bahaging leeg niya na nasaktan nang hawakan nito. Napangiwi siya nang kumirot iyon. Para iyong mahabang gasgas mula sa gilid ng leeg niya papunta sa collar bone niya.
“Ang bruhang iyon,” bulong niya.
“Anong bruha?”
Nagtaas siya ng tingin at nakita niya si Luis na matamang nakatingin sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. His stare was made her spill the truth. “Nakipagsabunutan ako.”
Hinintay niyang magsalita si Luis pero nakalipas na lang ang ilang minuto ay wala pa rin siyang naririnig mula rito kaya naman nag-angat siya ng mukha. Nakita niya ang galit sa mga mata nito sa kabila ng kalmadong ekspresyon ng mukha nito.
“Luis—”
“Sinong gumawa niyan sa `yo?”
“Ahm...”
“Sino?”
“S-Si Charmien.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Ano’ng ginawa niya sa `yo?”
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sinagot ang tanong nito. May posibilidad kasi na baka magkagulo. Pero ayaw naman niyang magsinungaling. “Hanggang ngayon ay nagseselos pa rin si Charmien sa akin kahit na nga halos mag-iisang buwan na tayong hindi nagkikita. She called me names and it got to my nerve kaya nagsabunutan kaming dalawa sa may lawa malapit sa horseback riding club.”
Nakita niyang ikinuyom nito ang mga kamay na nasa ibabaw ng mesa.
“She’s a student council president. Bakit nagawa niya iyon? Hindi ko mapapalagpas `to.”
“Luis, si Dave na ang bahala kay Charmien. Hayaan na lang natin na si Dave ang kumausap sa kanya. Alam kung hindi rin palalampasin ni Dave ang nangyari at may pakiramdam akong kay Dave lang din makikinig si Charmien.”
“Pero...”
“Please? Huwag na lang. Ayoko ng gulo.”
Ang mga gaya ni Charmien ang hindi basta-basta nakikinig sa sasabihin ng ibang tao. At may nararamdaman siyang may something sa pagitan nina Dave at Charmien. Kahit noon pang una niyang makilala ang dalawa. Iba kasi ang paraan ng pagtitig ni Dave sa dalaga.
Narinig niyang napabuntong-hininga si Luis kaya napatingin siya rito.
“Fine. May punto ka rin naman. Kay Dave lang nakikinig si Charmien.”
So tama nga ang hinala niya tungkol sa dalawa.
“Eat up. Ihahatid kita sa trabaho mo pagkatapos nating kumain.”
“Wala akong pasok ngayon dahil nakipagpalit nang schedule `yong katrabaho ko.”
“Okay. Ihahatid na lang kita sa inyo.”