TAHIMIK na kumain si Suzie. Hindi na rin naman nagsalita pa si Luis pero hindi talaga niya maiwasang sulyap-sulyapan ito. Napangiti siya nang makitang kinagat-kagat nito ang straw ng juice nito.
May kasabihang magaling daw humalik ang mga taong kinakagat ang straw nila.
“What?”
“Ha?” Namula ang buong pisngi niya dahil sa pinag-iisip niya at nahuli pa talaga siya nitong nakatingin dito. “W-Wala. May naisip lang ako.”
Tumaas ang isang kilay nito. “Habang nakatingin sa akin?”
“Hindi ah!” Mariing tanggi niya. Nunca aamin siya na ito nga ang iniisip niya lalo na ang mga labi nitong mukhang kay tamis.
Ngumiti ito. Iyong ngiti na may halong kapilyuhan. Napalunok siya pero hindi naman ito nagsalita pa. Sa halip ay ito naman ang tumitig sa kanya habang kumakain siya. Medyo nailang tuloy siyang sumubo.
“Don’t you know it’s rude to stare at someone while they’re eating?” tila nagtataray niyang tanong rito.
He smirked. “Ah, so kapag ako ang tumitig bawal, pero kapag ikaw ay hindi.”
Napatanga siya sa sinabi nito. Ilang segundo rin ang dumaan bago siya nakabawi. “Aba’t! Hoy, kailan kita tinitigan?”
“May sinabi ba akong ako ang tinitigan mo?” nakataas ang isang kilay na tanong nito, but he was smiling,
Namula ang kanyang pisngi. Napaamin tuloy siya ng wala sa oras na palagi niya itong tinititigan. Nag-iwas siya ng tingin dahil sa hiya at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala ng nagsalita sa kanila hanggang sa matapos siyang kumain.
“Halika na. Hatid na kita.”
Tumayo ito at pumunta sa likuran niya at iniusog ang silya na inuupuan niya para makatayo siya. Namula ang mga pisngi niya nang mapansing pinagtitinginan sila ng mga estudyante roon.
Bakit ba nagpapaka-gentleman ito? Eh, hindi na naman uso ang maghila ng upuan para sa babae.
Ganoon na lang ang lakas ng t***k ng puso niya nang hawakan nito ang kamay niya at hinila siya papuntang parking lot. Lahat ng estudyanteng madaanan niya ay napapatingin sa kanila at sa magkahugpong na mga kamay nila.
Sinubukan pa nga niyang bawiin ang kamay niya na bihag nito pero hindi siya pinakawalan nito bagkus ay mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kamay niya.
“Oh, Luis. Puwedeng ang puso ko na lang ang bihagin mo, `wag na lang ang kamay ko.” piping usal niya.
Nang makarating sila sa parking lot ay halos lumuwa ang mga mata niya dahil huminto sila sa tapat ng isang Audi R8. Alam niya ang sasakyang iyon dahil mahilig sa mga kotse ang kapatid niya kahit walong taong gulang palang ito at marami itong picture ng iba’t-ibang sasakyan.
Pinagbuksan siya ni Luis ng pinto. Aligagang pumasok siya sa loob at namamanghang iginala ang tingin sa loob. Ang a familiar scent caught her nostrils. Iyon ang bango ni Luis.
Nang pumasok na si Luis sa loob ng sasakyan ay hindi niya mapiglang magtanong. “Sa iyo talaga ang sasakyang ito?”
“Yup.” He said and started the car’s engine.
“Walang halong biro?” pangungulit niya rito.
Alam niyang mayaman ito, ang pamilya nito pero hindi pa rin niya maiwasang hindi mamangha sa previlage na tinatamo nito sa edad nito ngayon. It was like wishful thinking of her status.
Bahagyang natawa si Luis sa itinuran niya. “Yup. Walang halong biro.”
“Ang yaman mo pala talaga, `no?”
“Ang mga magulang ko ang mayaman. Hindi ako.” sabi nito at bahagyang nag-iba ang tono ng boses kaya naman nilingon niya ito pero pormal na ang mukha nito.
Wala siyang mabasang emosyon dito. Ano naman kaya ang sinabi niyang mali? Was he having a hard time with his family? Bigla na lang kasi ang sungit ng awra nito.
“We’re here.”
Napalingon siya sa labas nang mapuna na nasa harap na sila ng bahay niya.
Ilang segundo niyang tinitigan ang bahay nila ng hindi nagsasalita. Bakit parang ang bilis ng biyahe. At saka…
Nilingon niya si Luis. “Ah, paano mo nalaman ang address ko?”
He threw her a sideway glance. “I have my source, Suzie.”
Napalunok siya. The way he said it held so much promise. And she can feel her heart beating so wild. Hindi na nga niya namalayan na nakalabas na pala ito ng sasakyan hanggang sa pagbuksan siya nito ng pinto.
Is he normally like this? Napaka-gentleman? Hindi kasi siya sanay kaya medyo naa-awkward-an siya. At saka hindi na siya nakakakita ng mga lalaking gumawa ng ganoong mga gestures.
“Ahm...thanks.”
Halos isang minuto rin silang nakatayo lang sa gilid ng sasakyan nito. Walang nagsasalita sa kanila at para bang ayaw nilang mawalay sa isa’t-isa. O baka naman siya lang ang nag-iisip niyon?
Hindi na tama ito, kung anu-ano na ang naiisip niya.
“I...ahm...” sambit niya pero hindi rin naman niya magawang dugtungan dahil hindi niya alam ang sasabihin. Sa pagiging madaldal niya, kay Luis lang ang nakakapagpatahimik sa kanya.
“Ate!”
Napakislot siya nang marinig ang boses ni Gelo. Nilingon niya ito. Nasa pintuan ito at may hawak na sandok habang nakapamaywang. Naka-apron din ito. Ang cute tingnan.
Natawa siya ng mahina sa itsura ng kapatid. Para kasi itong isang nanay.
Nakasimangot na tiningnan siya nito. “Huwag mo akong pagtawanan.” Tinignan nito si Luis sa tabi niya na tahimik lang na nagmamasid sa kanilang magkapatid. “Hindi mo sinabing may bisita ka.” tila istriktong tatay na sabi nito.
Natawa na naman siya pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Bago pa siya makasagot ay naunahan na siya nitong magsalita.
“Papasukin mo sa loob ang bisita mo. Hindi iyong pinapatayo mo lang sa labas ng bahay.” Hinarap naman nito si Luis. “At ikaw lalaki, sa loob ng bahay nanliligaw, hindi sa labas.”
Matapos sabihin iyon ay iniwan na sila nito at bumalik na sa loob ng bahay.
Nalaglag ang panga niya dahil sa tinuran ng kapatid. Hindi niya akalaing makakapagsalita ito ng ganoon. Sa murang edad nito ay hindi talaga pumasok sa isip niya na aakto itong “tatay” sa harap ng manliligaw niya. Ang ipinagkaiba lang ay hindi naman niya manliligaw si Luis.
“Ahm.. Kapatid ko nga pala `yon,” medyo nahihiya pa niyang pakilala.
Hindi naman siya nahihiya sa kapatid niya kundi sa sinabi nito. Gusto tuloy niyang bumuka ang lupa para lamunin siya niyon,
“Ilang taon na kamo ang kapatid mo?” wala sa loob na tanong ni Luis. Nakatitig pa rin ito sa pinto ng bahay niya. Maski ito ay nagulat sa inasal ng kapatid niya.
“Ahm... Eight?” Maski siya ay hindi sigurado sa edad ng kapatid dahil sa sinabi nito.
She heard Luis chuckle. “Ang mabuti pa ay pumasok na tayo. Baka habulin na ako ng itak ng kapatid mo.”