NASA study room sina Luis at ang Tita Maya niya sa Alvarez Mansion. Ipinatawag siya kanina ng kanyang ama dahil may importante raw itong sasabihin sa kanya pero ang Tita niya ang nadatnan niya. At hindi maganda ang pakiramdam niya sa “meeting” na ito.
“Tita, I’ll get you straight to the point. Sana po ay huwag na ninyo akong pakialaman. I’ll choose the girl I want to marry and live my life the way I want it for the rest of my life.”
Since he was a kid, he’s already aware that his family doesn’t marry to ‘commoners.’ Isa iyon sa mga dahilan ng pag-alis niya sa mansion. Kilala ang pamilya niya na isa sa mga pinakamayaman dito sa Pilipinas at maging sa America. They’re not allowed to interact with ‘poor’ people. Much more have a relationship with one.
He was very against it kaya malayo na talaga ang loob niya sa mga tiyahin o sa sarili niyang pamilya mismo.
At kung hindi siya nagkakamali, iyon ang pakay ng tiyahin niya kaya inunahan na niya ito.
“But she’s a gold digger.”
Naikuyom niya ang kamao. “What do you know about her? You don’t even talk to her personally and then you’ll judge her? Mas malala pa kayo sa iniisip ko.”
Tumaas ang kilay nito. “Naging bastos ka na simula nang makilala mo siya.”
“Ikaw ang nagturo sa `kin nito,” sagot niya.
Hindi naman kasi niya ito sasagutin kung hindi nito pinapakialaman ang pribadong buhay niya. Isa pa, matagal na niyang pinutol ang koneksyon niya sa Alvarez. Simula noong umalis siya sa poder ng mga magulang niya.
Namula ang mukha nito sa galit. “Malay mong ginagamit ka lang niya para umangat siya sa buhay.”
“Stoppit, Tita!” sigaw na niya na ikinaatras nito. “I love her and you can do nothing about it. Now, go!”
Itinuro niya ang pinto sa study room.
Ilang minuto na nang makaalis ang Tita niya pero hindi pa rin humuhupa ang galit niya. With his hand on his waist, he combed his hair. Napatingin siya sa bintana. Nakita niya na sinundo ng isang babae ang Tita niya.
He uttered the girl’s name angrily.
Kinagabihan, nakitulog siya sa bahay ni Keith. Nandoon din pala sina Dave at Lance. Nang pumasok siya sa kuwarto ni Keith, nakita niyang nakahiga ito sa kama samantalang nakaunan naman si Lance sa tiyan nito. Si Dave ay nakatayo sa balcony, patagilid sa kanya.
Hindi siya pinansin ng tatlo kaya sumampa siya sa study table ni Keith at doon nag-eskwat.
“Mukhang frustrated ka?” tanong ni Dave kahit hindi pa siya nililingon nito.
Sa tagal na pagkakaibigan nila, kilala na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa kahit nakapikit pa kaya hindi na siya nagulat sa tanong nito.
“Alam ko na kung sino ang nagre-report kay Tita ng mga nangyayari.”
“Sino?” tanong ni Lance.
“Si Carla.”
“Sinong Carla?” tanong ulit ni Lance.
“Carla Alvarez,” sagot ni Keith.
Akala niya ay natutulog ito kasi hindi ito gumagalaw at nakapikit. Gising pala ang kumag.
* * * * *
“PAMBIHIRA, saan naman tayo kukuha ng pera n’yan?” nakasimangot na tanong ni Suzie. “Kung makapagpagawa naman ng project `tong si Ma’am, wagas.”
Ngumiti si Angela. “Ano ka ba naman, ako na lang ang bahala sa gastusin.”
Pumalatak siya. “Ayoko nga. Baka mamaya niyan sabihin ni Ma’am na tumatanggap ako ng malinis.” At siguradong pagtsitsismisan na naman siya ng mga kaklase niyang mababa ang tingin sa kanya.
“Ikaw. Ano’ng balak mo?”
Nag-isip muna siya. “Alam ko na! What if we go caroling?”
Tutal malapit na rin naman ang pasko, why not, `di ba?
Napalingon si Angela sa kanya. “Caroling? What do you mean?”
Ngumisi siya.
Hinila niya si Angela. Namumula ito dahil hindi sanay na makihalubilo sa mga tao kaya tutulungan niya ito sa pamamagitan ng pangangaroling.
Nagpunta sila sa Amber Café na nasa rooftop. Nakita nila roon si Dave, nakapangalumbaba ito habang binabasa ang notebook nito. Spotted ang first target nila.
“Halika!” hinila niya si Angela.
Lumapit sila sa binata. “Hello, Dave!” nakangiting bati niya.
Ginantihan siya nito ng ngiti. “Maupo muna kayo. Ano ang maipaglilingkod ko sa magagandang dilag?”
“Bakit masama yata ang pakiramdam ko d’yan sa mga lumalabas sa bibig mo?” tanong niya.
Napakamot sa ulo si Dave.
“Ano `yang sinusulat mo?” pag-uusisa niya. “Matalino ka na nga nag-aaral ka pa. Share your blessings naman.”
“Kung gusto mo, I can tutor you.”
“Huwag na. Alam mo kung paano mag-share ng blessings? Ganito lang `yan.” Nilingon niya si Angela. “Ready?”
Angela nodded hesitantly.
“We wish you a merry Christmas,” pasimula niya sa pagkanta. Habang kumakanta siya ay pumapalakpak siya na isinusunod sa tono ng kanta. Si Angela naman ay nagta-tamburine lang.
Dave smiled, chuckled and laughed.
Huminto siya sa pagkanta, tumaas ang kilay at namaywang. “Ano ang nakakatawa?”
“Wala naman. Ang ganda mong kumanta,” nakangiting sabi nito.
Ngumiti lang din si Angela.
“Kayong dalawa! Nakakainis kayo. Pinagtatawanan ninyo ako. Ang hirap kayang kumanta baka akala ninyo.”
“Merry Christmas, Dave!” sa halip ay sabi ni Angela.
“Merry Christmas, Dave. May God bless you.” sabi na rin niya.
Nakangiting nailing si Dave saka inabutan sila ng pera.
“Thank you, thank you, ang bait-bait mo, thank you!”
Dave just chuckled.
Nang makalayo na sila ay binulungan ni Suzie si Angela. “Napansin mo? Parang masaya ngayon si Dave.”
“Pansin ko nga rin,” segunda ni Angela.
* * * * *
LIHIM na tinitingnan ni Charmien si Dave. Mukhang masaya ang binata dahil maaliwalas ang mukha nito. Ano kaya ang nangyari rito?
Kanina pa siya naroon sa Amber Café nang dumating ito. Isang mesa lang ang pagitan nila. Mukha namang hindi siya napansin nito.
Uminit ang ulo niya nang dumating sina Suzie at Angela pero napatawa ng dalawa ang binata. Dave laughed and it was because of them. Yes, Dave always smile but it has been a long time since he last laugh.
Hindi pa rin sila nagkakabati noong huling away nila sa ilog. Si Suzie ang sanhi niyon. Iyon ang panahon na nagsabunutan sila ni Suzie sa ilog.
“Dave…”
“Charmien!”
Muntik na niyang mabitiwan ang baso ng juice niya dahil sa nagsalitang iyon.
“What?!” naaasar na nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. “Suzie? Ano’ng ginagawa mo rito?”
Bakit siya nilalapitan ng bruhang ito? Hindi sila close.
“Mamamasko lang kami,” nakangiting sabi nito. Bago pa siya makahindi ay nagsimula na itong kumanta. “Pasko na naman, o kay tuling ng araw…”
Nagdalawang-isip siya kung magbibigay ba siya ng pera o hindi pero sa huli ay nagbigay na lang siya. Student Council President siya at pinagtitinginan sila ng ibang estudyante sa cafe.
“Thank you, Charmien!” sabay na pasasalamat nito at ni Angela.
Inirapan lang niya ang dalawa.