17. Occupying Her Mind

1307 Words
IT WAS their P.E. when Suzie and her classmates enjoyed teasing one another. Gladly, they don’t believe the gossip that was roaming around about her. “Shut-up, Marc!” Erika screamed. “Oy, ang sweet.” Aina teased. “Ano ang sweet doon? Tingnan mo nga at ginulo niya ang buhok ko. Nakakainis talaga.” “Kaya nga sweet eh,” panunukso na rin ni Suzie. “Paano kapag nanligaw sa iyo si Marc, Erika?” Tanong ni Aina. Tiningnan ni Erika si Marc mula ulo hanggang paa. Inirapan nito ang binata. “Hah! Kahit siya na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo, over my dead body.” “Sus! Kahit ikaw na lang din ang nag-iisang babae sa mundo, hindi rin kita liligawan. Ayoko sa mga maiingay.” Inirapan ulit ni Erika ang binata. “Dapat lang talaga na hindi ka magkagusto sa akin dahil napaka-weird n’on, ‘no. Hmp!” Nagtawanan silang apat. Sakto namang dumaan ang crush ni Erika sa harap nila mismo. Napatulala na lang ang dalaga habang sinusundan ng tingin ang irog nito. Kinikilig na niyugyog pa ni Erika si Aina. “Oh, my Renjie.” Napakunot ang noo ni Suzie. Pamilyar sa kanya ang mukha ng binata. “Oh my gosh! Don’t tell me si Renjie Valdez iyon? Iyong sikat na artista?” “Yup!” si Marc na ang sumagot dahil patuloy pa ring niyuyugyog ni Erika si Aina. Sinapak ni Aina si Erika kaya natigil ito. “Ang sakit n’on ah.” reklamo ni Erika. “Ay hindi. Hindi iyon masakit.” Naabutan sila ng kanilang guro na naghaharutan. Agad silang napatayo. “Naku lagot, si Ma’am!” sabi ni Marc. “Bakit nandito pa kayo?” Nagkanya-kanya sila ng takbo. Hinihingal pa si Suzie nang maupo siya sa tabi ni Angela sa gym. Sana hindi sila pagalitan. “Ano ang nangyari sa inyo?” Nag-groupings sila kanina para sa presentation at ngayon na ang presentation nila. Si Angela at Haily ang magkagrupo dahil by four lang ang grupo kaya hindi sila magkasama. “Nakita kami ni Ma’am na nagtsi-tsismisan at naghaharutan.” Nakasimangot na sagot niya. “Teka, nasaan ang presentation natin?” tanong niya sa kagrupo niya. “Ha? Wala sa akin.” sabi ni Aina. “Wala rin sa akin.” sabi ni Marc. “Mas lalong wala sa akin.” sabi ni Erika. Napasapak siya sa noo. “Sigurdong naiwan natin iyon. Ako na lang ang kukuha.” Pagdating niya roon sa pinagtambayan nila ay wala namang cartolina roon. “Nasaan na iyon?” She sighed. Nasa puno lang pala. Sa itaas ng puno! Inilipad siguro ng hangin. “Pambihira.” Agad niyang hinubad ang kanyang rubber shoes saka inakyat ang puno. Wala siyang nararamdamang takot sa pag-akyat dahil sanay naman siya. Humawak siya sa isang sanga para magawa niyang tumayo sa isa pang sanga. She reached out her hand to get the cartolina pero hindi pa rin niya iyon maabot. Kaya naman tumingkayad na lang siya. Sa wakas ay nakuha rin niya pero mali ang naging kalkulasiyon niya sa pagtapak sa sanga kaya nadulas siya. She closed her eyes and hugged herself while waiting to fall to the ground. But instead of falling into a rough and hard ground, she fell into a soft, strong arm. Kahit nakapikit ang mga mata niya ay tumatakbo pa rin ang utak niya. She know someone caught her. Kung hindi ay bali-bali na ang mga buto niya. She opened her eyes and said thank you to the one who saved her life. Ano ba iyan? Nahilo yata siya sa pagkakahulog kaya mukha ni Luis ang nakikita niya. She sighed and close her eyes. Mukhang masama talaga ang naging tama nito sa kanya. Naramdaman na lang niyang nasa lupa na ang mga paa niya. She lowered her face. “Thank you.” “You better be careful next time.” She froze as she heard his voice. Awtomatikong napalingon siya rito pero nakatalikod na ang sumagip sa buhay niya. Kaya inihatid na lamang niya ito ng tingin. “Luis.” * * * * * NAKATINGIN pa rin si Suzie sa papalayong pigura ni Luis. Gusto niya itong habulin pero hindi niya maigalaw ang mga paa niya. Nami-miss na niya ito. Hearing his cold and guarded voice somewhat made her heart ache. “Suzie.” Napakislot siya nang may humawak sa balikat niya. Nilingon niya kung sino iyon. It was Marc. “Tayo na ang magre-report.” Tumango siya saka nilingon ang daang tinahak ni Luis pero wala na ito roon. She felt depress. Si Luis ba ang susundan niya na nagligtas sa buhay niya o si Marc na nakasalalay sa hawak niyang cartolina ang grado nila? She looked at the path Luis took and turned to Marc. “Tanga ka kung siya ang susundan mo. Pag-aaral ang mas mahalaga kaysa sa puso.” Puso? “Ano ka in love?” “Suzie!” “Ha?” “Ms. Cruz, hindi yata normal para sa isang estudyante ang nagsasalita ng mag-isa habang naglalakad.” “Ha?” Itinuro niya ang sarili. “Ako Ma’am? Nagsasalita ng mag-isa habang naglalakad? Naku, hindi po ako iyon, Ma’am.” Tumaas ang isang kilay ng guro nila habang nagtatawanan naman ang mga kaklase nila. “Stop denying, Ms. Cruz.” “I’m not denying, Proff. I—” “Sabi mo pa nga, ‘ano ka in love?’ huwag mo na kasing itanggi.” sabi ng isang babae na kaklase nila, nakangisi ito. Her forehead knotted. “How did you—” Nasapak niya ang noo. Talaga bang nagsasalita siya habang naglalakad? Nakakahiya. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang guro at ang mga kaklase niya. Inihanda na niya ang sarili para sa sermon ng professor nila sa kanya pero hindi pa man ito nakakapagsalita ay may umagaw na agad sa atensiyon nito. Bigla na lang kasing nagsigawan ang mga kaklase niya. Ang iba nga ay patalon-talon pa, ang iba naman ay parang mga kitikiti. “Ang Knights of Love!” Agad siyang napalingon sa direksiyon na tinitingnan ng mga kaklase niya. She saw Luis in his dashing basketball uniform, Alvarez was embroidered into his shirt with a big number eight below. Maglalaro ng basketball ang apat, naka-basketball uniform kasi ang mga ito at ang may hawak ng bola ay si Luis. “My goodness! Ang guguwapo talaga nila.” kinikilig sa nasabi ng kaklase niyang si Anne. “Si Luis at Lance ang mag-partner. Tapos si Dave at Keith.” “Siguradong exciting ito.” Pati Professor nila ay parang baliw na nakiki-cheer. Ayan tuloy, imbes na magklase ay kanya-kanya sila ng puwesto para manood sa gaganaping laban sa pagitan ni Luis at ng mga kaibigan nito. Uupo na rin sana siya sa isa sa mga bleachers doon nang mapansin niyang papaalis si Angela. Sinundan niya ito hanggang sa labasan ng gym. “Angela.” Angela turned to her. “Aren’t you going to watch this?” tanong niya rito. Marahang umiling ito. “Ikaw na lang ang manood.” “Ayaw mong malaman kung sino ang mananalo sa kanila?” tanong pa niya. Lahat kasi ng mga estudyante ay gustung-gusto na panoorin ang laban pero si Angela lang yata ang hindi. Her friend glimpsed at her back. Siguradong si Lance ang tinitignan nito. “Bye.” Inihatid na lang niya ito ng tingin. “What happened to her?” tanong niya sa sarili. She shook her head and went back to inside the gym to watch. Angela might not be interested but she is. Curious siya kung ano ang kalalabasan ng laban lalo pa’t magkakaibigan ang mga ito. Pero hindi kaya nagpapalipas lang ng oras ang mga ito? Dinig na dinig ang sigawan ng mga estudyante sa loob ng gym kaya tumakbo siya papasok sa gym dahil sigurado siyang nagsisimula na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD