16. Punishment

1300 Words
“SUMAMA ka muna sa akin.” Hindi na nakatutol pa si Suzie dahil nahila na siya ni Luis. Halos makaladkad na nga siya dahil sa haba ng pagitan ng bawat hakbang nito. Saka lang din niya napansin na nasa gilid na lang ang mga estudyante at hindi na nakatanaw sa bulletin board. Pero ngayon ay sila naman ang tinititigan ng mga ito. Kung hindi lang hawak ni Luis ang kamay niya at baka nasapak na niya ang sarili. Mas lalo lang kakalat ang tsismis dahil sa pinaggagawa nito. “Pwede bang bitiwan mo na ako?” tanong niya rito. “Sasama naman ako sa ‘yo, kaso hinihingal na talaga ako.” Bigla itong huminto sa paglalakad kaya muntik na siyang sumubsob sa likod nito. Mabuti na lang at medyo mabilis din ang reflex reaction niya. Nilingon siya nito. “Sorry.” Nang bitiwan siya nito ay nakahinga siya ng maluwang. Mabuti naman at tinigilan na nito ang pagkaladkad sa kanya. “Don’t worry, I’ll protect you.” saad nito. “Ipinagpaalam na rin kita sa guro mo.” Touch naman siya sa sinabi nito. Para bang iba ang ipinapahiwatig nito. Dinala siya nito sa college building. Sa SCR-C. Present lahat ng members. Even Charmien was there. Hula niya ay dahil siya ang sangkot. At hindi niya gusto ang klase ng pagtitig sa kanya ni Charmien. Nasa kanilang dalawa ni Luis ang atensiyon ng lahat ng nasa loob ng SCR-C. “Ano ba ang pag-uusapan natin Mr. President?” tanong ni Cris. “I’ll give you a chance to confess that you are the one who secretly took mine and Suzie’s pictures.” diretsong sabi ni Luis. Nagulat siya sa sinabing iyon ni Luis. Bakit naman gagawin iyon ni Cris? “A-Ako?” nagtatakang itinuro ni Cris ang sarili. “You are now expelled from this university.” Huh? Ano raw? Ano’ng nangyayari? Bakit ma-e-expel ng eskuwelahan si Cris? Ganoon lang kadali? Expel agad? Wala bang imbestigasyon muna? “Ano bang ginawa ko?” protesta ni Cris nang makabawi ito sa pagkagulat dahil sa narinig. “Don’t play innocent Cris.” sabi ni Lance. Napatingin siya sa binata. Hindi na kasi ito nagulat sa sinabi ni Luis. Si Cris at siya lang yata ang nagulat. Luis turned his laptop to them. Nakita roon ang lahat. Kung saan nakapuwesto si Cris nang kunin nito ang mga litrato nila ni Luis. At totoo ngang sinusundan nga sila nito kahapon ng patago. Ni hindi man lang niya naramdaman na meron palang nakasunod at nakasubaybay sa bawat kilos nila ni Luis. Alam niyang gusto siyang protektahan ni Luis pero kung ang kapalit naman ay ang makaagrabyado siya ng tao, huwag na lang. Pwede naman siguro itong parusahan ng ibang penalty, expulsion is too much. “Luis, huwag ka namang magpadalos-dalos,” sabi niya. Tinitigan siya ni Luis. “That’s the University President’s order.” “She’s your mother, can you please talk to her? Na huwag na lang niyang ipa-expel si Cris?” “Hiwalay ang trabaho sa pamilya at personal Suzie.” Luis said with a grim expression, yari bang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Nang makita niya ang mukha nito ay parang gusto niyang pawiin ang kung anumang ikinakasama ng loob nito. But her inner mind is at war on what should be done. Wala bang ibang parusa na hindi hahantong sa pagpapatalsik kay Cris? “But…” “You can do nothing about this Ms. Cruz,” Charmien said, masama na naman ang tingin nito sa kanya. “You need to apologize to Suzie, Cris.” sabi ni Luis. Hindi man lang gumalaw si Cris o nagsalita, hindi niya mabasa kung ano ang iniisip ni Cris ng mga sandaling iyon habang nakatitig ito kay Luis. Pero alam niyang galit ito. Sino ba naman ang hindi magagalit kung mapapatalsik ka lang kaagad sa iyong paaralan dahil sa isang pagkakamali. “President Luis, pakinggan mo muna kaya ang paliwanag ni Cris bago ka magdesisiyon ng ganyan?” suhestiyon niya. Hindi kasi madaling makapasok sa SJU. Mahirap ang process kaya kung matatanggal man si Cris dahil lang sa walang kwentang bagay na pagkuha ng mga litrato nito sa kanila, malaking kaparusahan pa rin ang pag-e-expel kay Cris. Sa lumalabas, kinakampihan ng University President ang anak nito dahil nasangkot ito sa isang eskandalo. Kung ganyan din naman ito mag-isip ay sana hindi na lang siya sa eskuwelahan na iyon pumasok. Inuuna kasi nito ang kapakanan ng anak. “Alam ni Cris na ipinagbabawal ang pagkuha ng larawan ng walang pahintulot sa loob ng eskuwelahang ito.” sabi ni Luis. “Everyone inside this campus knows that. Have you read your student’s manual, Ms. Cruz?” Napahiya siya. “Hindi pa.” “It’s written in Article II section 8.” Ibinuka niya ang bibig pero kaagad ding isinara. Hindi kasi niya alam kung ano ang sasabihin. At saka isa pa, pakiramdam niya back to zero sila ni Luis. Iyong tinig nito at pananalita ay parehong-pareho noong una nilang pagkikita. Iyong panahong inakusahan niya itong m************k sa loob ng museum. “Tss… ano ka ngayon?” narinig niyang bulong ni Charmien. “Tumahimik ka.” saway ni Dave kay Charmien. * * * * * IT’S BEEN a week and the gossip about her flirting with Luis is still on fire. And it’s been a week since she last saw him. She missed him. Hindi naging maganda ang huli nilang pagkikita. Pakiramdam niya ay hindi na sila magkikita pa. But she is still the b***h in everyone’s eyes. Maybe she could avoid him for the rest of her life. When she met him, it felt so right but everyone became her enemy. “I guess this is goodbye, Luis.” she whispered. “You look sad.” Napaigking siya. Nilingon niya ang nagsalitang iyon and wore a small smile when she saw who it was. Bigla-bigla na lang talagang sumusulpot ang kaibigan niyang ito. Lalo na kapag mag malalim siyang iniisip. “Angela.” “You can always count on me,” sabi nito. “This isn’t serious but thank you.” Angela looked at her and smiled. “Okay. But if you have problems, you can count on me.” “Sinabi mo iyan, ha,” nangingiting sagot niya rito. They were standing on the balcony when they heard girl students begin screaming. They looked down and saw the Knights of Love walking in the garden. Bagamat halos lahat ng estudyanteng naroon ay gustong lumapit sa mga ito, wala ni isa man ang gumawa. “Lance,” Angela whispered. Tama nga siguro ang hinala niya. “Tinamaan ka rin ng karisma ng grupong iyan, ano?” she smiled at Angela teasingly. Angela didn’t deny the fact that she fell in love with Lance. “Yeah. I know what those girls feel.” She saw sadness crept into her eyes. “Pero hanggang tingin na lang ako.” Her voice was full of misery but when Angela turned to her, her smile was already plastered. “Since they were young, they have already been the best of friends. Luis and Lance’s mother are best friends so they grew up together.” As she heard Luis’s name, her heart skipped a beat. Why did she feel a sudden pain when she heard his name? “Lance met Dave in a horror house. Dave was the one who helped him get out of that place because he had a phobia for the unseen creatures.” “Kalalaki niyang tao, nakakadismaya naman siya.” Angela just smiled. “Hindi ka na-discourage sa kanya?” she asked. Angela’s smile remained plastered on her lips nang umiling ito. “I am not. I found it cute.” “`Nga naman. Kapag in love, walang kadiska-discourage iyan.” Angela laughed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD