21. Hidden Injury

1301 Words
LUIS WAS walking in the hallway. Galing siya sa opisina ng kanyang ina dahil sa pagbalik ni Cris sa SJU. Pinaulanan na naman siya nito ng pagkarami-raming sermon kahit na nga siya pa ang nanalo sa larong basketball na ito rin ang dahilan. Kung ang kapalit ng pagkapanalo nila ay maibabalik si Cris sa eskuwelahang iyon, ang kapalit naman ng pagkatalo nila ni Dave at Keith ay ang pagkasuspende ng huli sa loob ng isang linggo. Nasuspende ito sa kadahilanang hindi sumusunod sa tamang dress code sa loob ng eskuwelahan. Proper uniform and all. Ngayon lang niya iyon nalaman at mula pa sa mismong bibig ng kanyang ina. His mother is really a pain in the ass sometimes. Marahas na napabuga siya ng hangin. Maaaring naibalik nga niya si Cris sa eskuwelahang iyon pero hindi pa rin siya kinakausap hanggang ngayon ni Suzie. Makasarili na kung makasarili, ang gusto lang naman niya ay ang makita at makasama ang dalaga. Hindi niya maatim na galit ito sa kanya. Alam niyang sandaling panahon pa lang simula nang magkakilala sila ni Suzie pero naagaw kaagad nito ang atensiyon niya. Wala naman siyang pakialam sa mga babae noon pero the woman wasn’t the type of person na nagpapaapi. He liked it about her. Kunti lang kasi ang kilala niyang babae na lumalaban. Well, he knew someone near him. Charmien. But Charmien is another type of palaban na hindi gusto ni Luis na makahalubilo. Matagal na niyang alam ang nararamdaman nito sa kanya. Charmien made sure he noticed it, but she just isn’t it for him. Mas bagay ito sa kaibigan niyang si Dave. Ewan ba niya kung bakit hindi pa rin ito nililigawan ng kaibigan niya. Bumuntong-hininga siya. Kung anu-ano na naman ang iniisip niya. “Mr. Alvarez.” Nagtaas siya ng mukha at nakita niya ang doctor ng SJU, may sarili naman itong clinic pero kapag Thursday and Friday ay nasa eskwelahan ito, o kaya naman ay ipinapatawag ito kapag may mga estudyanteng grabe ang injury. Kadalasang mga estudyante na bumibisita sa clinic nito ay mga athletes na nagte-training. “Dr. Guzman,” bati niya rito. Ngumiti naman ang butihing doctor. “Mukhang marami kang iniisip ah.” Tumango lang siya sa sinabi nito. Ayaw niyang sabihin dito ang ano mang problema niya. “How’s Mr. Villanueva, anyway?” sabi nito. “I told him to see me today but he didn’t show up.” Kumunot ang noo niya. “What about Lance?” Halatang nagulat ang doctor sa tanong niya. “Hindi ba nasabi sa `yo ng kaibigan mo na nabalian siya ng buto?” Mas lalong lumalim ang gatla sa gitna ng noo niya. Wala siyang maalalang may sinabi si Lance na nabali ang buto nito. Kung nagulat ito na hindi niya alam, mas lalo naman siya. Bakit walang sinabi sa kanya ang kumag na iyon? May alam kaya sina Keith at Dave tungkol dito? “Kailan po?” ang ibig niyang sabihin ay kung kailan nagka-injury ang kaibigan. “Noong naglaro kayo ng basketball noong nakaraang linggo. Pinapabalik ko siya rito para ma-monitor ko ang progress niya. Isa siya sa mga athlete kaya kailangan siyang subaybayan.” Sumimangot siya. Wala man lang sinabi ang isang iyon na nasaktan pala ito. Humanda sa kanya ang isang iyon. “Salamat sa pagsasabi sa `kin, Doc. Ako na mismo ang magdadala sa kanya rito.” Kung kailangan niyang kaladkarin ang isang iyon para lang mapapunta sa doktor ay gagawin niya. Nagmamadaling tinungo niya ang silid ng student council kung saan sigurado siya na naroon si Lance. Pagpasok niya sa SCR-C ay kaagad na hinanap ng mga mata niya si Lance. Nakita niya itong kaharap ang cellphone nito habang padahiling nakaupo sa sofa. Malapit ng mahulog ang pwet nito sa inuupuan.. Paniguradong naglalaro na naman ito. “Lance.” tawag niya rito. “Yes?” tanong ni Lance na hindi man lang nagtaas ng tingin mula sa paglalaro sa cellphone nito. Sa lahat ng mga kaibigan niya, masasabi niyang ito ang pinakamanhid dahil hindi man lang nito narinig ang babala sa boses niya. “Uh-huh.” Narinig niyang sambit ni Dave. Alam na nito kung anong mood mayroon siya ngayong araw. Tila kalmado siyang naglakad palapit dito. Huminto lang siya nang nasa harap na siya nito mismo. Pero hindi pa rin ito nagtataas ng tingin. “May dapat ka bang aminin sa `kin?” seryosong tanong niya. “Huh? Ahhh…” sabi nito at nag-isip pero hindi pa rin nilulubayan ng mata nito ang cellphone. Tila nag-isip ito ng ilang sandali. “I love you, Luis.” Narinig niyang may sumipol sa likod niya dahil sa sinabi ni Lance pero wala siyang pakialam. He had a sudden urge to pinch his friend’s ears and drag him that way to the clinic. Kumunot ang noo nito, nasa cellphone pa rin ang atensiyon. “What? Hindi ako late ah. Ikaw `yon, hindi ako.” “I know.” Sumimangot ito, sinulyapan siya ng isang segundo saka ibinalik ang mga mata sa nilalaro nito sa cellphone. Huminga muna siya ng malalim. Hinaklit niya ang braso ni Lance dahilan para mapaigik ito sa sakit at mabitawan ang cellphone nito. Alam niyang masakit talaga ang ginawa niya. But eh, his friend will live. Binitiwan lang niya ang braso nito nang makatayo na ito. “Explain that. Now!” Tumingin ito sa kanya. Pain was on his eyes when their eyes met, but Lance was also angry. “The hell, Luis?! Malapit na akong mag-victory.” They heard the low sound of defeat from his phone. Lance wilted and took a seat again, looking at his phone miserably while Luis only raised both his brows up. Nagkamot sa batok si Lance habang nanghihinayang pa rin na nakatingin sa cellphone nito. Saka lang siya nito tiningnan nang ma-exit nito ang laro. “I’m sorry if I hid this injury.” “Why did you do it?” he asked grimly. At mukhang wala nga itong balak na sabihin sa kanya o sa kanila, both on Keith and Dave’s attentiveness to them, wala ring alam ang mga ito. “Because you wanted to win.” Lance stared up at him. “I’m sorry.” “Apology not accepted,” sabi ni Keith na lumapit sa kanila. Nakatitig ito kay Lance, nag-iwas naman ng tingin ang huli, halatang guilty. May talim ang tingin ni Keith na yari bang may binabalak itong masama. “Joke lang. Masyado naman kasi kayong seryoso.” “How’s your injury?” tanong niya rito. Wala pa rin kasi itong sinasabi tungkol sa injury nito. Lance frowned. “Kung hindi mo hinila ang braso ko, gagaling na ito bukas na bukas din!” He laughed. Well, that’s it. Mukhang ayos lang naman pala ang damuho. Pero ayaw talaga niyang may nililihim ang mga kaibigan niya sa kanya lalo pa’t konektado iyon sa kanya. “At tumawa ang bruha!” Inismaran niya ito. “Anong tingin mo sa akin, babae?” Lance smirked. “Hindi ba?” Tumalim ang tingin niya rito at dumapo sa braso nito. “Tama na iyan,” sabi ni Dave. “Halika, Lance.” “Bakit? Saan mo ako dadalhin? Naku, Dave, huwag mo akong imo-motel.” “Over my dead body!” Dave exclaimed and grabbed Lance’s right arm. Napasigaw naman sa sakit si Lance. Carla stood up. “Ako na lang Dave.” Sumama ang timpla ng mukha ni Lance. “Huwag mong sabihin na gusto mo rin ako? Carla, para na kitang kapatid.” “Excuse me, hindi umabot sa kalingkingan ng paa mo ang type ko sa isang lalaki. What I am saying is, ako ang sasama sa `yo sa clinic.” “You wounded my pride, Carla.” “Serves you right.” Luis, Dave, Keith and Vergel burst out laughing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD