22. Horseback Riding Club

1360 Words
DAHIL sa school violation ni Suzie na magtrabaho sa labas ng eskuwelahan ay kailangan niyang doblehin ang extra-curricular activity. Kapag scholar ka kasi sa SJU ay kailangang focus ka sa pag-aaral. Hindi puwedeng bumaba ang grado mo kaya hanggat maari ay kailangang wala kang ibang iniisip kundi ang mag-aral. Nakapili na ng isang club si Suzie, ang math club. Ayaw niyang pumili ng outdoor club dahil baka ma-energy drain siya pagdating sa trabaho niya. Ang problema na lang niya ay ang isa. Ang math club ay every Tuesday and Thursday lang at kung may mga mahahalagang activity ay may Saturday. Ayaw naman niyang sumali sa iba pang academic club dahil madali lang naman siyang natututo. Ang math lang talaga ang medyo kailangan niya ng ulong. Isa pa, kadalasan sa mga club ay araw-araw. Paano siya makakapasok sa Math club kung makakasagabal ang isa pang club na sasalihan niya? Bumuntong-hininga siya. Wala talagang madali sa mundong ibabaw. “Ang lalim no’n ah.” Napakislot siya nang marinig ang boses na iyon. Nilingon niya si Lance na nakangiting nakatingin sa kanya. Signature talaga nito ang ngiti, bagay na bagay dito. “How are you, Miss Suzie? Matagal-tagal din tayong hindi nagkita ah.” “Oo nga eh.” Tiningnan niya ito. Wala namang kakaiba sa ikinikilos nito kaya baka imahinasyon lang niya ang nakita niya noong basketball kasama sina Luis. “Ah, Lance?” “Hmm?” “Kumusta ka na?” tanong niya rito. Nag-aalala rin kasi talaga siya rito, hindi naman na niya ito nakumusta dahil hindi na nga sila nagkita uli. Ngayon lang. Tumaas ang isang kilay nito. Halatang nagulat ito sa tanong niya. “What I mean is, ‘di ba nadisgrasya ka noong naglaro kayo ng basketball last week? Nakita kitang natumba, wala naman bang nabali sa `yo?” Napatanga siya rito nang ngumiti ito. It was a genuine smile. Oo nga at palaging nakangiti si Lance pero ngayon lang niya nakita ang klase ng ngiting iyon na para bang galing talaga sa puso nito ang pagngiti. It also made his eyes shine. Mas lalo lang bumagay rito ang pagngiti, kung posible man iyon. “I’m fine. Salamat sa pag-aalala, Suzie.” Hindi niya magawang sagutin ito dahil nakatanga pa rin siya rito. No wonder Angela fell in love with this Casanova. Lance is charming in every way lalo na kung totoo ang ipinapakita nito sa isang tao. “Hey, Suzie!” sabi nito saka ginulo ang buhok niya. Doon siya natauhan. Inilayo niya ang kamay nitong gumugulo sa buhok niya. Masamang tiningnan niya ito. Hindi ba nito alam na bawal guluhin ang buhok ng mga babae? Imbes na matakot ito sa sama ng tingin niya ay inakbayan pa siya nito. “I’m handsome, aren’t I?” He winked at her. Flaunting his charm. She rolled her eyes at him. “Stop flirting with me, Lance.” Inosenteng tiningnan siya nito. “Wala akong ginagawa, babe.” “Ang landi mo, pare.” sabi niya, kinikilabutan siya sa pagfi-flirt nito sa kanya. Yes, she found Lance charming, but he’s… just thinking about him beyond a “bro” is making her skin crawl. Malakas na tumawa ito dahilan upang mapatingin sa kanila ang mga estudyante. Inakbayan siya nito na para bang walang ibang taong nakatingin sa kanila saka muling ginulo ang buhok niya. Siya tuloy ang nailing sa sitwasyon nila. Sigurado kasing pagkatapos niyon ay ta-target-in na naman siya ng mga fans nito. “Maaari ko bang malaman ang dahilan ng malalim na buntong hininga ng aking babe?” nakangising tanong nito sa kanya. Napasimangot siya. “Babe ka r’yan. Sipain kaya kita?” “Ang sungit mo naman babe.” Nakangusong sabi nito pero hindi pa rin inaalis ang braso sa mga balikat niya. Natatakot naman siyang kunin ang braso nito dahil alam niyang napuruhan ito sa basketball. Hindi na lang niya ito pinansin para ma-bored ito at umalis na. Baka kung anong tsismis na naman ang kumalat na nakasabit ang pangalan niya. Nang hindi siya magsalita ay pinisil nito ang dulo ng ilong niya. “Magsalita ka na r’yan babe. Malay mo, matulungan kita.” Hinayaan na lang niya itong tawagin siyang “babe.” Ang tigas din kasi ng ulo eh. Bakit ba babe ang tawag nito sa kanya? Ang rindi kayang pakinggan. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. “Kapalit ng pananatili kong scholar sa SJU kahit nagtatrabaho sa labas ay kailangang sumali ako sa dalawang club. Iyong math club na nasalihan ko ay TTh lang ang meeting pero ang iba namang club ay halos araw-araw ang meeting kaya hindi ako makahanap ng ibang sasalihan na club.” “Hmm…” Napayakap siya rito nang hilahin siya nito palapit pa rito. Halos sumiksik na siya sa kilikili nito. Imbes na maasiwa ay parang natural na iyon sa kanya at isa pa ay ang bango ng damuho. “How about you join the horseback riding club? MW lang naman ang meeting every week.” suhestiyon nito. “Talaga?” nasisiyahang panigurado niya. “Yup. So ano? Sali ka?” “Hmm… baka may biglang meeting ‘yan sa ibang araw, ah.” “Sus, wala ‘yan.” confident na sabi ni Lance. “At kapag may biglaang meeting man, akong bahala sa ‘yo.” This should solve her problem, right? Madali lang naman sigurong mag-horseback riding? Wala siyang experience pero hindi naman siya natatakot matuto. At excited din siyang matuto. Tiyak na exciting iyon. “Okay!” pagpayag niya. “Pero tutulungan mo talaga ako kapag may biglaang meeting ah,” “Yup, sure. Malakas ka sa president ng club eh.” Tiningnan niya ito. “Ikaw ba ang president ng club?” “Nuh-uh, secret ‘yon. Saka muna malalaman kapag nagsimula na tayo sa club activities.” Inismaran niya ito. “May pa-secret-secret ka pang nalalaman diyan.” Tumawa ito ng malakas. “It’s settled then. You’re now a member of the horseback riding club.” Nagtatakang nilingon niya ito. “Ha? Hindi ba ako pupunta sa horseback riding club?” “No need, babe. Ako ang instructor do’n. Ako’ng bahala sa `yo.” Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito. “Ikaw ang instructor pero hindi ba ang bata mo pa para doon?” He chuckled. “Babe, ang kadalasang instructor ng mga club sa high school ay ang mga college students sa SJU. Iyon ang patakaran ng principal. May kakaibang uri ng pag-iisip din kasi ang principal natin. At medyo may kunting damage sa ulo.” Nagulat at natawa siya sa sinabi nito, kinurot niya ito sa tagiliran dahilan para mapaigik ito at lumayo sa kanya.. “Lagot ka sa kanya kapag narinig niya ang sinabi mo.” “Don’t worry. Walang mangyayaring masama sa napakaguwapo mong kapatid na ito.” pagbubuhat nito ng bangko. Napapantastikuhang tiningnan niya ito. “Kapatid?” Tumangu-tango ito. “Yup. Kapatid. As in brother. I’ll be your brother and you’ll be my little sister.” Ano ba ang pumasok sa utak nito? Bored na nga siguro ito sa buhay at kung anu-ano na ang naiisip. “Bakit?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Dahil…I feel like it. Magaan din ang pakiramdam ko sa `yo. Ang cute mo kasi eh. `Tsaka wala rin akong kapatid na babae.” Nagkibit-balikat ito. “And I feel like you’d be a really great younger sister.” “Pero may kapatid kang lalaki?” nakataas ang isang kilay na tanong niya rito. Tumangu-tango ulit ito. “Oo. Sina Dave.” Tiningnan niya ito. May kakaibang kislap ang mga mata nito. Siguro nga ay naghahanap lang ito ng kapatid. Ang sabi kasi ni Angela ay nag-iisang anak lang ito. Kaya siguro kapatid na rin ang turing nito sa mga kaibigan. Nagkibit-balikat siya. Wala namang masama sa pagiging kapatid nito. “Okay. Kapatid.” Ngumiti na naman ito. Iyong totoong ngiti. “So, Sis babe, how’s Angela?” Napasimangot siya. Sabi na nga ba at may hidden agenda ang isang ito. But somehow, she finds it cute. Lance makes her his sister just to get information about Angela. Kinurot niya ito sa tagiliran na siyang nagpahalakhak dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD