HINDI mapigil ni Suzie ang sarili sa pagtawa. Nasasabik na siyang makita na sumayaw si Luis. Hindi kasi niya maisip kung ano ang magiging hitsura nito kapag nag-macho dance.
Napakamot sa ulo ang binata. May pa kindat-kindat pa ito sa kanya kanina pero ngayon naman ay gustong umatras.
“Puwede bang iba na lang? Nakakadiri eh.”
“Sige, kahit ano,” sabi ni Dave.
“Ganito lang iyan, Luis,” sabi ni Lance saka sumayaw ng macho dance. “Woo..oh, yeah.”
Palihim na pinasa ni Dave sa kanya ang camera na naka-on na pala sa video. Pumalakpak ito at nagsimulang kumanta. “O ang galing, galing mong sumayaw, galing mong sumayaw…bibong-bibo ang galaw.”
Nakisabay na rin sila sa pagkanta ni Dave.
Luis was shy at first pero mukhang nakapag-adjust na ito. Grabe na rin ito kung sumayaw. Nag-show down pa ito at si Lance.
“Spaghetti pababa, pababa nang pababa…” pag-iiba niya sa sinasayaw ng mga ito.
Ang saya ng game ng dalawa. Ginaya pa ang steps ng sexbomb. Hindi tuloy niya mapigilang tumawa ng malakas. Pinagtitinginan na rin sila ng ilang guests na nasa beach na ng mga oras na iyon. Pati ang iilang staffs ng resort ay nanonood na rin.
Pero mukhang tuluyan ng natunaw ang hiya ni Luis dahil game lang ito sa paggiliw. Lalo na’t hinahamon pa ni Lance.
Si Angela rin ay hindi na nakayanan at napatawa na rin ng malakas. Si Gelo naman ay hawak ang tiyan sa kakatawa.
“Unfair!” sabi ni Lance. “Sumali rin kayo.”
Hinila nito si Dave. Si Luis naman ang humila kay Keith. “Sayaw na tayo!”
Si Keith ay game sumayaw pero si Dave…
“Ayoko!”
Hinila ng mga ito si Dave, si Keith sa kaliwang kamay at si Lance sa kanan.
“Ayoko sabi. Ang kukulit ninyo.” Namumulang sabi ni Dave. “Bitiwan ninyo ako! Ayokong sumayaw!”
“Napaka-unfair mo Dave.” Nakapamaywang na sabi ni Luis.
“Hindi ba kayo nakakaintindi? Ayoko!” Nagpumiglas si Dave pero hindi ito binitiwan nina Lance at Keith. Natawa na lang din si Suzie dahil ang lakas nitong mang-asar eh pero kapag ito naman ang inaasar ay ayaw makisama.
“Pabayaan n’yo na nga ang kj na iyan, Lance, Keith.” Nakahalukipkip na sabi ni Luis.
“Fine.” sabi ni Lance saka biglang binitiwan si Dave.
Dahil sa biglaang pagbitiw na iyon ay nawalan ng balance si Dave. Nang aapak sana ito ay wala na itong lupa na naapakan dahil pampang na ang nasa likod nito.
At dahil nakahawak pa rin si Keith kay Dave, nadamay ito pero hindi naman patalo si Keith, hinawakan pa rin si Keith kay Dave, nadamay ito pero hindi naman patalo si Keith, hinawakan nito si Lance. Hinawakan din ni Lance si Luis. Domino effect lang eh. Nahulog ang apat sa dagat. Nasa mataas kasi sila na bahagi ng beach. Agad nilang siniguro kung maayos ba ang apat.
“Mukha namang maayos sila,” sabi niya.
Angela smiled. “They even drown each other.”
Patuloy pa rin siya sa pagkuha ng video sa mga ito. Lumapit sila sa mas mababang bahagi para makunan nila ng maayos ang bangayan ng mga ito.
Sumampa sa balikat ni Luis si Lance. Si Dave naman sa likod ni Keith.
Lumusong na rin sa dagat si Gelo para maging referee. “Tunghayan ninyo ang labanan nina Luis-Lance at Keith-Dave. Start!” sigaw ni Gelo.
Nagsimula na ang laban. Ayaw patalo ng apat pero sa kalaunan ay nahulog si Dave. Hanggang five round ang laban at 3 to 2 ang laban.
Nagtatatalon si Lance. “Yehey! Panalo kami. Panalo kami. Talo kayo. Talo kayo.”
“Paulit-ulit? Paulit-ulit?” naaasar na sabi ni Dave.
*****
NATAWA na lang si Suzie sa reaksiyon ni Luis nang i-upload niya ang video na kinunan niya nang mag-macho dance ang knights of love. Nagkataon kasi na iniwan ni Dave na nakabukas ang laptop kaya sinamantala niya ang pagkakataon.
Nilapitan niya si Luis at tinapik sa balikat. “Hey, ano’ng seni-senti mo r’yan?”
Nakasimangot na tiningnan lang siya nito.
Natatawang hinimas niya ang mukha nito sa marahas na paraan. “Para ka namang namatayan ng lagay na iyan.”
“Bakit mo naman kasi in-upload ang video na iyon? Nakakahiya kaya. Paano na lang kapag nakita iyon ng mga estudyante sa SJU? Siguradong mababawasan ang pogi points ko.”
Tumawa siya ng malakas. “Asus! Astig nga eh. Hayaan mo naman na malaman nila na marunong ka palang sumayaw. Cool!”
Hindi pa rin nawawala ang pagkakasimangot nito.
Inakbayan niya ito. “Ayos lang iyan. Para sa `kin, ikaw pa rin si Luis Alvarez. Iyong sinusuklay ang buhok gamit ang kamay habang nakapamaywang. Iyong taong minahal ko.”
Napatakip siya sa bibig nang pumasok sa isip niya kung ano iyong sinabi niya. Namula ang buo niyang mukha. Hindi nakatulong na pinakatitigan siya ni Luis. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso niya.
“Ah…ano kasi…umm…”
“Mahal mo ako?”
“Ha? Ah…a-ano…”
Ano ba ang gagawin niya? Itanggi at sabihing pinapagaan lang niya ang loob nito? Na mahal niya ito bilang kaibigan? Pero…
Napalingon siya rito nang bigla itong tumawa. Humugot siya ng malalim na hininga saka marahas na tumayo at namaywang.
“Hoy, ano’ng tinatawa-tawa mo r’yan? Walang hiya ka! Dahil lang nalaman mong mahal kita, pagtatawanan mo na ako. Nakakainis ka, Luis.”
Tumayo ito saka walang pasabi na niyakap siya. “Huli ka.”
Nabigla siya dahil sa ginawa nito kaya hindi kaagad siya nakakilos.
“Huwag ka nang tumanggi pa r’yan. Alam ko ang iniisip mo. Paano kung itanggi ko iyong sinabi ko? Na pinapagaan ko lang ang kalooban niya?”
Tinitigan niya ito sa mga mata. “Paano mo nalaman ang iniisip ko?”
He shrugged. “Madali ka kasing basahin.”
Ngumuso siya.
“Pakiulit nga `yong sinabi mo kanina,” It’s more like a command than a request.
Nag-init ang mga pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin. “Ayoko nga. Narinig mo na. Hindi mo na ako kailangang ipahiya.”
Isa pa, para siyang naso-suffocate dahil sa tindi ng kabog ng puso niya.
“Ulitin mo na kasi.” pangungulit ni Luis.
“Ayoko sabi.”
“Itatapon kita sa dagat kapag hindi mo sinabi.” pananakot nito.
“Hindi mo `yon magagawa,” kampanteng sabi niya.
Napasigaw siya nang bigla siya nitong buhatin at akmang itatapon sa dagat. Napayakap siya nang mahigpit sa leeg nito.
“Mahal kita!” sigaw niya sa takot.
“Mahal din kita.” ganting sigaw ni Luis.
Natigilan at napatitig siya rito. Tama ba iyong narinig niya? Para kasing guni-guni lang niya iyon. Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas.
Ngumiti ito. “You heard it right. I love you.”
“Pero…”
“My life has been nothing for the past years. You suddenly came into my life and gave color to it. You made me smile, you made me realize the things I’ve never noticed before. My life is you, Suzie.”
Ngumiti siya. “And I you, my silent prince.”
Niyakap siya nito nang mahigpit. “Will you be my girl?”
Hindi mapagsidlan ang saya ni Suzie ng mga oras na iyon pero hindi pa rin niya maiwasang biruin si Luis. “Kung makakapaghintay ka ng four years, why not?”
Tumaas ang kilay nito pero hindi nagsalita.
Natawa siya sa reaksyon nito. Kinurot niya ang pisngi nito. “Joke lang. Siyempre naman. Yes, Luis. I want to be your girl.”
Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Napalunok tuloy siya dahil sa sobrang lapit ng mga labi nila sa isa’t-isa.
“I’ll claim my free kiss now,” he said while grinning.
Namula ang pisngi niya at itinulak ito palayo. “Hindi ako pumayag doon.”
“Pero sumayaw ako. May premyo dapat `yon.”
“Tumahimik ka nga!”
Akmang hahalikan siya nito kaya mabilis na ibinaling niya sa kabilang direksyon ang mukha kaya sa pisngi lang niya tumama ang labi nito.
“Tayo na nga. Baka iwan pa nila tayo.”
Hindi na niya hinintay pa na makasagot ito. Tumakbo na siya palayo rito pero hinabol agad siya nito. Masaya na siya. Totoo nga ang sinabi ni Lance noon at dahil doon, masaya na siya.
“Kung langit siya at lupa ka, bababa siya para makapiling ka.”