Chapter 13 Nauna na akong nagpaalam kay boss na uuwi na ako dahil tapos ko na din naman ang mga dapat kong gawin ngayong araw. Ewan ko lang sa kaniya kasi ang dami pa niyang kailangang pirmahan na documents, tambak pa nga sa lamesa niya. Pumayag na lang siguro siya kahit na pansin kong may gusto pa siyang sabihin. Pumara ako ng jeep pagkalabas ng building. Ilang minuto lang an nakarating na din ako sa bahay namin. As usual, nakaabang na naman ang mga kapatid ko. Naghahanap na naman sila ng donut kaya lang hindi na ako nakabili. Tsaka baka mamaya tumaas na ang sugar nila dahil sa kakakain ng matamis. May lahi pa naman kami ng diabetes kaya kailangan talaga na mag ingat. "Oh anak, ang aga mo yatang nakauwi ngayon?" bungad sakin ni tatay nang makapasok ako ng bahay. Binaba ko ang bag ko

