Chapter 17 Maaga akong pumasok sa opisina. Kailangan kong ilubog ang katawan ko sa tambak na trabaho para di na ako mag isip ng mga bagay bagay. Kaya kahit yung mga gawain na nakalaan para next week pa ay ginawa ko na din. Maaga ding pumasok si boss, kanina bago siya pumasok sa kaniyang opisina ay tinanong niya muna kung okay lang daw ba ako. Pinapatanong din daw nina tita kaya sumagot ako na okay naman. Sinabi niya din na nasa kaniya yung mga damit na pinamili ni tita kahapon para sakin, nakalimutan niya lang daw dalhin ngayon kaya baka bukas niya na lang ibigay. Sabi ko naman ay walang problema at kahit kelan niya ibigay tutal ay hindi ko pa naman magagamit ang mga yon. Puro mamahalin kasi, tapos alangan namang gawin kong pang bahay jusko nakakahiya naman sa mga chismosa naming kapitbah

