Chapter 18 Day off ko ngayon kaya wala akong tarabo, siyempre kaya nga day off e. Si self din talaga minsan hirap ipaglaban e. So ayon nga, gusto kong ipasyal ang mga kapatid ko since wala din naman silang pasok. Gusto ko din silang bilhan ng mga bagong damit. Luma na din kasi yung mga damit nila e, matagal na nung huli ko silang bilhan. Tsaka si tatay din, pansin ko na maluwag na sa kaniya yung mga damit niya kasi nga pumayat siya kaya balak ko din siyang bilhan. Lumabas na ako ng kwarto para bumaba. Naririnig ko na agad ang boses nung dalawang bulilit sa kusina. Dun na ako dumiretso, nakita ko si tatay na nagluluto habang nagtatalo yung dalawa kung kanino yung pancake na luto na. Pancake pala amg niluluto ni tatay para sa almusal, siguro request na naman nung dalawa. "Kapag hindi kay

