"Bro!" Tila nagising mula sa isang panaginip si Carter nang maramdaman ang marahang pagyugyog ni Kevin sa kanyang balikat. "Are you okay?" nag-aakalang tanong pa nito sa kanya. "Yeah, bro. May naalala lang ako," tugon ni Carter. "You wanna share it to me?" "Pasensya na, bro. Maybe next time," wika ng binata. "How about you tell me kung ano ang nangyari kahapon sa confrontation ninyo ni Miss Amazona girl?" Nawala ang seryosong rehistro sa mukha ng binata at sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi nito. "What the fvck, Carter! That smile is unfamiliar!" maanuksong saad ni Kevin. "Anong nangyari? Parang kahapon lang naghuhurumintado ka at parang wala kang papatawarin, tapos ngayon ngingiti ngiti ka na nang ganyan. What is it? Tell me." "I think I found her, bro." "Of cour

