Carter and Allison decided to start the project right away. Si Carter na ang sumagot sa lahat ng gagamitin ni Allison. Kasama sa kondisyon ni Carter ang gawin iyon sa kanyang condo unit. Pabor din iyon kay Allison dahil hindi naman pwedeng malaman ni Aling Laura na maghuhubad si Carter para ipinta niya. Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Allison. Para siyang ginigisa sa higaan. Sunod sunod ang kanyang mga paghinga at nanakit ang kanyang sikmura sa kaba sa kakaisip sa mangyayari kinabukasan. Makakilos kaya siya nang normal kapag naroroon na sila sa condo unit ni Carter at sila na lamang dalawa? Magawa rin kaya niya nang maayos ang painting? Alas tres na siya ng madaling araw nakatulog. Kinabukasan, kung hindi pa siya ginising ng ina ay pihong tanghali na siya nakabangon. Habang na

