Hindi pa rin nagpahatid pauwi si Allison kay Carter dahil maaga pa naman. Hindi na nawala ang ngiti niya sa labi hanggang sa makarating siya ng kanilang bahay. "Kumusta, anak, natapos ba?" usisa sa kanya ni Aling Laura habang inihahanda nila ang kanilang hapunan. "Hindi, Inay," tugon niya. "Wala pa nga hong nasimulan. Nagkaroon lang ng kaunting problema." "Anong problema, anak?" Halata sa mukha nito ang biglang pag-aalala. "Wala, Inay. Huwag kayong mag-alala, okay kami ni Carter." "Carter? Hindi na Mr. Davis?" Nanunukso ang mga ngiti at tingin ni Aling Laura. "Oo, Inay. Masyado naman kasing pormal ang Mr. Davis. Siya na ang nagsabi sa akin na tawagin ko siyang Carter," saad ng dalaga. "Sa ibang araw ko na raw ituloy ang project." Tumango si Aling Laura. "Mukhang mabait ang ba

