Chapter 4

1168 Words
Chapter 4 Ang Kasiyahan sa Sentro Arithrea’s POV May problema ba kami? May nagawa ba akong masama? Mga huling inisip ko bago pa man ako sumunod sa kanila sa Sentro. Umiling nalang ako sa pinag-iisip at baka guni-gini ko lang ang lahat at nag-ooverthink. Nang makarating ako sa Sentro ay masayang nag iinuman ang mga tao at nag-uusap. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapi si Arthur at sina Mama at Papa. “Treya! Halika at sumayaw tayo!” aya sa akin ni Charice ng magkatama ang mga mata naming dalawa. Ngumiti lamang ako at umiling ngunit mapilit ito at lumapit sa akin, bitbit ang alak na iniinom n’ya sabay hawak sa braso ko. “Ano ka ba, magsaya tayo!” dagdag pa nito. Naamoy ko ang tapang ng alak sa kanyang bibig habang nag sasalita. “Lasing ka na Charice. Dahandahan lang sap ag laklak ng alak.” Sagot ko dito. Pinapadyak pa nito ang mga paa sabay sabing … “Inom ka!” sabi nito sabay alay sa akin ng bason a bitbit n’ya. “Oo, babalik ako sayo mamaya. Hinahanap ko pa si Arthur. Nakita mo ba s’ya?” Tanong ko rito. Tumango ito sabay turo sa direksyon ng simbahan. “Dun, kausap ata si Esther.” Huling sabi nito bago kinalas ang kanyang mga kamay sa aking braso at umupo sa lames ana kaharap namin. Nagpasalamat ako sabay alis at tumungo sa direksyon na tinuro ni Charice… sa may simbahan. Medyo may kalakasan ang tugtog ng musika at ang mga boses ng mga tao na nagsasaya. Ng malapit na ako sa pintuan ng simbahan ay may narining akong dalawang boses na nag uusap pero hindi ko eto masyadong maintindihan. Naisip ko at baka si Arthur ikaya tinawag ko ang kanyang pangalan. “Arthur,” sabi ko. Naglakad ako palapit pa at tinawag muling ang kanyang pangalan. “Arthur!” Ngunit walang sumasagot. Bigla din natahimik ang mga nagbubulungan na narinig ko kanina. Pumasok na ako sa pinto at nakitang wala namang tao. Napakamot nalang ako sa ulo at umalis. Nasaan na kaya si Arthur? “Treya!” rinig kong tawag s aakin kaya mabilis akong lumingon dahil kilala ko ang boses na iyon. “Arthur! Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap.” Bungad ko sa kanya ng makalapit na ito. “Ahh, dun lang, hinanap ko mga kaibigan ko.” Sabi pa nito at nginitian ako. Sandali akong napa-isip at nakitang galing ito sa direksyon ng simbahan. Baka guni-guni ko nga lang. Isinawalang bahala ko nalang ito at tinignan s’ya sabay ngiti ng malapad. “Tara, sayaw tayo!” aya ko dito sabay hila patungo sa sentro ng mga nag sasayawan. Halos nagpupumiglas pa ito ng ayain ko kaya naman natatawa ko s’yang hinihila dahil ayaw n’ya talaga ang sumayaw. Ng marating naka pwesto na kami ay sumayaw at tumatalon ako sa tugtog ng musika. Masiglang inaya ko s’yang galawin ang kanyang mga kamay at saka naman ito tumalon talon at saka napatawa. Nakangiti na ngayon si Arthur kaya napatitig lang ako dito habang sumasayaw kaming dalawa. Eto ang isa sa mga bagay na nakapagpahulog ng loob ko sa kanya noon pa man. Mga ngiting nakakalunod. “Arthur, Treya!” rinig kong sigaw sa may kanan. Napatingin kami dito pareho at nakita sina nanay at tatay na masayang nag aaya sa amin na pumunta sa kanila. Tumigil kami sa pagsasayaw at sabay na naglakad patungo sa direksyon nila. “Kumain muna tayo mga anak,” aya ni mama. "Nakita ko si Krado lasing na lasing na," komento pa ni papa na nakingiting umiiling. "Nako hayaan mo na at pansamantala lamang ang kasiyahan na ganito," sabat naman ni mama kay papa. "Oo nga pa, baka ikaw din mamaya eh ma lasing din ah," nakangiting dagdag pa ni Arthur. "Nako, edi talagang bubuhatin mo ako pauwi kung gayon nga," natatawang sabi pa ni papa sabay tapik sa braso ni Arthur bago umupo. napa iling nalang din s'ya sa sagot ng papa. umupo naman ito sa tabi ko at kami ay nag salo-salo. “Balita ko kasama sa mga mandirigma ang prinsipe! Sana naman ay dumaan sila dito sa ating bayan!” kilig na kilig na sabi ng babaeng katabi ko, si Anne. Sumabay na kasi sina mama at papa sa mga kaibigan nila at umiinom. Si Arthur naman ay nasa unahan, masayang nag tatawanan kasama ang mga kaibigan n’ya. “Ano ka ba, kung nasaaan sila, andun ang digmaan! Gusto moa ta na may gyerang mangyari dito sa atin.” Sagot ko naman sa kanyang pantasya. “Nako ang sungit! Kj mo naman Treya,” nakangusong sabi ni Anne. Kaming dalawa lang ang magkatabi ngayon dahil ang ibang kaibigan naming ay sumasayaw at ang mga lalaki naman ay nag hahanap ng Kapuso. Kilala naman naming lahat ng tao dito sa bayan, mas konti lang ang mga babae dito at mas marami ang mga matatanda. “Kamusta na ba kayo ni Arthur?” tanong nito, pag-iiba ng topic. “Okay lang naman kami,” sagot makalipas ang ilang minuto. Napa-isip kasi ako, para kasi talagang nag iba ang pag trato ni Arthur sa akin ngayon at parang may mabigat na problema itong dinadala. “Nako, kung wala ka pang jowa ngayon eh malamang, pagpapantasyahan mo din ang prinsipe!” sagot nito muli. Pinagpapantasyahan na naman niyo ang mukha ng prinsipe na hindi naman naming nakita simula pa ng nabuhay kami sa mundong ito. Medyo may kalayuan ang lugar ng Kapitolyo, ilang araw din na byahe iyon at hindi naman safe ang daan dahil na sa mga balitang nagsisilabasan na mga bandits ko magical creatures na itim. Mga alagad ng demonyo. Mas hindi ito safe lalo na sa mga walang kapangyarihan gaya ng ibang tao dito sa Black Hollow. “Alam mo, kung may kapangyarihan ako kagaya mo, nasa kapitolyo siguro ako ngayon,” naka tingin sa langit na sabi ni Anne. Napa tingin din ako sa taas… Umaambon, isip-isip ko. Ilang oras nalang ay mapuputol na ang kasiyahan dito sa sentro sa nagbabagang ulan. “Hindi naman kailangan ng kapangyarihan para makpunta sa kapitolyo, isa ka namang artistic individual, im sure may trabaho kang makukuha doon. Masyadong delikado ang napakalaking responsibilidad.” Sagot ko dito. Totoo naman kasi, pag ikaw pupunta sa kapitolyo at may kapangyarihan, matatahasan kang maging isang sundalo. “Ay nako ewan ko na talaga! Oh, si Arthur ay lasing na yata!” sabi ni Anne sabay turo sa direksyon ni Arthur na nakatayo pero tila matutumba naman. Tumayo na ako at nagpa-alam kay Anne na pupuntahan muna si Arthur. Inalalayan ko s’ya hanggang sa makuwi kami. Naka akbay naman ito sa akin at nakapikit ang mga mata. Narating na naming ang bahay at pinahiga s’ya sa sofa… Umupo ako sa tabi nya saka hinimas ang kanyang gwapong mukha na mahimbing na natutulog. Masaya ako na nakilala ko sila ni mama at papa, pati s’ya. Hindi man nila ako kadugo ay tinuring parin akong totoong pamilya. I love you, Arthur… Mahal na mahal kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD