CHAPTER 3

1333 Words
Arithrea’s Pov: "Sa kanan!" sigaw ko kay Arthur.    Mabilis s'yang tumakbo sa direksyong sinabi ko. Nakakita kami ng baboy-ramo at nais namin iyong hulihin para sa darating na taglamig. Sinubukan namin iyong kornerin ngunit mabilis iyong nakatakbo palayo sa amin.   Bago pa tuluyang makalayo sa amin ang hayop ay mabilis na akong gumamit ng kapangyarihan. I started chanting. "Let the wind be thy weapon, and help me catch thy prey." Habang sinasabi iyon ay humahabol ako sa baboy-ramo.    Namuo ang hangin at inutusan ko iyon, komorte iyong bilang bow. Isang hanging palaso rin ang binuo ko at gamit ang sandatang iyon ay inatake ko ang hayop. Buong lakas na binitiwan ko ang palaso sa direksyon ng baboy-ramo. Ramdam ko pa ang paghiwa ng palaso sa hangin at mabilis iyong tumama sa katawan ng baboy-ramo.   Kahit paano ay nakaramdam ako ng awa nang tumumba sa lupa ang baboy-ramo. Mabilis na tinakbo ni Arthur ang kinaroroonan ng hayop, masayang nilapitan n'ya ang nahuli namin.   "Pang-ilang araw na pagkain din natin ito, Trey!" masayang bulalas ni Arthur. Hindi mawala ang ngiti n'ya nang buhatin ang baboy-ramo.   "Tama ka," sagot ko. "Hindi na natin kailangang makipagsapalaran dito sa gubay kapag dumating ang panahong iyon."   Masiglang naglakad kami pabalik sa kinalalagyan ng mga gamit namin. Kinuha ni Arthur ang malaking tela at ibinalot doon ang nahuling hayop. May kalakihan ang baboy-ramo at hindi ko pa rin mapaniwalaan na nahuli namin ang hayop. Minsan lang naman may nagagawing baboy-ramo rito sa kagubatan ng Black Hollow, kadalasan ay kailangan pa naming tumawid sa kabila ng ilog para makahuli ng mga tulad niyon.    Nang maiayos ang pagkakabalot sa baboy-ramo ay sinimulan naman naming maghanap ng mga kahoy na panggatong na talagang pakay namin sa pagbalik dito sa kagubatan.   "Sapat na kaya ito?" tanong ni Arthur at itinuro ang mga kahoy na nakuha namin. Tumango ako. "Oo, sapat na iyan para sa darating na tag-lamig."   Magkatulong na isinalansan namin ang mga kahoy sa dalang kariton. Madami rin iyon kaya inabot kami ng ilang minuto. Napuno rin namin ang kariton kaya siguradong mabigat iyon at mahihirapan kaming itulak iyon.   Nag-aalalang tiningnan ako ni Arthur. "Siguradong mabigat ang kariton, mahihirapan tayo, ayos lang ba sa 'yo?"   Mabilis na tumango ako. "Oo naman!"   Maaliwalas ang mukhang tumango rin s'ya. Luminga s'ya sa paligid. "May gusto ka pa bang dalhin mula rito sa gubat? Matatagalan rin bago tayo bumalik rito."   Sandaling napaisip ako. "Ah, oo nga pala. Kailangan nating manguha ng mga halamang-gamot," pahayag ko. Walang manggagamot sa bayan ng Black Hollow kaya umaasa kami sa mga halamang-gamot na makikita rin dito sa gubat.   "Makakakita kaya agad tayo ng mga iyon?" tanong ni Arthur.   "Oo, may nakita akong malapit lang dito. Ako na lang ang kukuha niyon, hintayin mo na lang ako rito," kaagad na sabi ko.   Tumango ang lalaki. "Kung ganoon ay magpapahinga muna ako habang hinihintay ka."   Tumango ako at mabilis na tumalikod. Tinungo ko ang direksyon kung saan ay nakakita ako ng halamang-gamot. Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad ay natagpuan ko rin ang hinahanap ko.   Isa iyong puno ng Alder. Tumutubo ang mga ito sa mga basang bahagi ng lupa o kaya ay malapit sa mga ilog o sapa. Alder trees produce small, slim, cylindrical flowers which are edible, though they are bitter. Isa ito sa mga kilalang survival food ng mga mangangaso. Bukod pa rito, ang mga sanga nito ay pinagkukunan din ng katas na ginagamit pampatamis at preserbatibo.   Nagtataglay din ito ng mga sangkap na nakakalunas sa pamamaga, at abnormal na pagtaas ng temperature ng katawan.   Umayos ako sa pagkakatayo at naglabas ng kapangyarihan. Gamit ang hangin, nakakuha ako ng mga dahon mula sa puno. May karamihan din ang mga nakuha ko at saka ko inilagay ang mga iyon sa dalang basket.   Muli akong naglakad at natanaw ko naman ang mga namumulaklak na Echinacea. Natutuwang nilapitan ko iyon.   Napakaganda ng mga bulaklak niyon. Noon pa man, Malaki na ang pakinabang ditto bilang halamang gamot. Pinagkukunan din ito ng katas at ginagawa ang mga tuyong bulaklak nito bilang tsaa. Sa mga maunlad na bayan, ito ay ginagawang pulbos na nakagagamot ng ubo, at nakakapagpalakas ng katawan ng isang tao.   Kumuha lang ako ng sapat para sa pangangailangan namin at matapos iyon ay nagdesisyon na akong bumalik. Kaagad kong natanaw si Arthur na sa sobrang pagod yata ay nakatulog na habang nakasandal sa katawan ng isang malaking puno.    Lumapit ako sa lalaki at marahan s'yang tinapik sa braso. "Arthur, gising na."   Dahan-dahan s'yang nagmulat ng mga mata. Kaagad s'yang tumayo nang makita ako. "Nakatulog pala ako. Nakuha mo na ba ang mga kailangan mo?"   Tumango ako at ipinakita ang basket. "Oo, hindi na natin kailangang mag-alala kung sakali."   "Kung ganoon ay lumakad na tayo para hindi tayo abutan ng takip-silim," pahayag n'ya at kinuha ang basket na dala ko. Ipinatong n'ya iyon sa tambak ng mga kahoy na nasa kariton na sinimulan naming itulak.   Magkatulong kami sa pagtutulak pero pakiramdam ko ay kaunti lang ang naiitulong ko dahil sa halos si Arthur na lang ang nagtutulak ng kariton. Kahit isang ordinaryong tao lang si Arthur ay aminado akong malakas s'ya.   Habang pabalik sa Black Hollow ay napapasulyap ako sa lalaki. Alam ko sa sarili kong mahal ko s'ya, sabay kaming lumaki at nagka-isip. Nasa edad na rin kami ng pag-aasawa ngunit kahit minsan ay hindi pa n'ya iyon nababanggit sa akin.   Nang malapit na kami sa entrada ng bayan ay napatigil ako.   "Arthur..."  mahinang tawag ko na ikinatigil n'ya.   Nilingon n'ya ako. "Ano 'yon, Treya?" tanong n'ya, nakakunot ang noo.   "Mahal mo ako, hindi ba?" tanong ko. Ikinabigla ko rin ang mga salitang lumabas sa bibig ko.   There was a long pause. Natahimik s'ya at bahagyang natigilan.   "Oo naman, ano ba iniisip mo at naitanong mo ang bagay na iyan?" balik-tanong n'ya sa akin. Bakas sa mukha n'ya ang kalituhan.   "Ah, wala naman," sabi ko at tipid na ngumiti.    Gusto ko lang makasiguro. Ilang taon na rin ang relasyon namin at naging mabuti s'yang kasintahan sa akin.   "Bigla ko lang naisip itanong," dagdag ko pa.   Hinawakan n'ya ako sa kamay. "Huwag ka nang mag isip ng kung ano-ano. Mabuti pa ay magmadali na tayo para makauwi na agad tayo." Pagkasabi niyon ay muling itinulak n'ya ang kariton.   Napatitig ako sa malapad n'yang likod at napatigil sa paglalakad. Magandang lalaki si Arthur at bago pa man kami nagkaroon ng relasyon ay madami na ang nagkakagusto sa kanya. Halos lahat ng kababaihan sa bayan namin ay natitipuhan s'ya, pasensya na nga lang sila at ako ang pinili. Napangiti ako sa naisip, ramdam ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko.   "Arithrea, may ibang oras para sa mga ganyang bagay!" kastigo ko sa sarili.   Mabilis na humabol ako kay Arthur at nakitulak sa kariton. Mabilis na nakapasok kami sa Black Hollow. Ilang tao rin ang nakasalubong namin na bihis na bihis, lahat siguro sila ay imbitado sa kaarawan ng ina ni Esther.   Naging kaugalian na sa Black Hollow na kapag may kaarawan ang isang tao, idinaraos iyon sa Sentro. Iyon ang nagsisilbing plaza ng bayan at ang bawat pagdiriwang ay may musika, kainan at sayawan. Hindi rin mawawala ang alak na gustong-gusto ng mga matatanda at kalalakihan.    Mapayapa ang bayan ng Black Hollow kaya lahat ng tao ay magkakaibigan. Nagkakaisa kami at maayos ang pamumuhay. Madami mang magical creatures na minsan ay naliligaw sa bayan, ngunit ni kahit minsan ay hindi naghatid ng kaguluhan ang mga iyon.   Nang makarating kami sa tahanan namin ay kaagad kaming sinalubong ng ama ni Arthur.   "Mabuti at nakauwi na kayo," turan ng ama n'ya. "Magbihis na kayo at sumunod na kayo sa Sentro."   Pagkasabi niyon ay sabay na sila ng ina ni Arthur na lumabas ng bahay para magtungo roon. Magkatulong na inayos namin ang mga dala bago pumasok sa kani-kaniyang silid para magpalit ng kasuotan.   Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang ilang araw na ring gumugulo sa akin. Alam ko sa sarili kong may nangyayaring pagbabago kay Arthur.   May problema ba kami? May nagawa ba akong masama?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD