Chapter 6

399 Words
Particular Friday Night. Nakahiga ako sa higaan at nakasaksak ang Earphones, listening to the music. Mas feel ko kasi yung Hindi rock. Nakisabay na ako sa pag kanta hanggang matapos ito. Bumangon na ako sa higaan at umupo sa tapat ng study table ko. Sinimulan ko na magsulat ng Thesis ko sa history. Ako yung tao na ginagawa ang dapat pwedeng gawin sa araw nato at Hindi na ipinapabukas pa. "Anica! Bumaba ka muna at tayoy maghahapunan na." Tawag nang tita ko galing sa kusina. "Opo ! Bababa na ako pagkatapos nito! " sigaw ko mula sa taas. Minadali ko ang pagsulat ng aking Thesis at agad bumaba para kumain. Ako at ang tita ko lamang ang nakatira sa bahay namin, Patay na ang aking mga magulang noong 8 yrs old palang ako. Sabi ng tiyahin ko Ay may business trip daw sila noon pero na aksidente ang sinasakyan nilang barko. Yan lamang ang tanging impormasyon na aking nalaman. Natapos ang kainan ng walang imikan sa aming dalawa,ganito kami palagi,Hindi kasi kami close ng tiyahin Kong ito pero mabait naman siya at inaalagaan at tinuturing ako na tunay na anak. Wala kasi siyang anak dahil baog siya at pumanaw na ang kanyang asawa. Enough Story telling. Ako pala si Veronica, Veronica Hastings. My tita and friends call me 'anica' nickname ko. I'm 19 yrs old. Nasa Average lang ang pamumuhay namin at nakakapag shopping din naman . Mabait, pranka pero Hindi naman masama ang ugali, kaya nga marami din akong kaibigan pero isa lang ang tinuring Kong bestfriend. "Anica, matulog kana at maaga ka pa bukas sa trabaho." "Opo tita" sagot ko naman You heard it right. May trabaho ako tuwing walang pasok, tulong nadin para sa ibang gastusin sa bahay. Nakakain naman kami 3 times a day pero gusto ko lang talaga mag trabaho para pampalipas oras na din. Isa akong cook sa isang sikat na restaurant kaya malaki-laki din ang sweldo ko, magaling kasi ako magluto, namana ko siguro sa nanay ko. "Kahit Hindi tayo masyadong nag uusap Alam mo naman na proud ako sayo diba? Napakagaling at talented mong bata anica.tandaan mo yan ha?" Saglit akong natigilan sa sinabi ni tita. "Oo naman tita,alam na Alam ko po iyon" sabi ko sabay ngiti sa kanya. "At alam Kong proud na proud din sayo ang mama at papa mo." Siguro nga .. Kung nasan man sila ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD