Chapter 3 4.1

2063 Words
Just Another Woman Chapter 3 4.1 "Matteo Gue"  "S-salamat sa pagtulong mo sa akin!" Ang naluluhang sabi ni Veronica, 'di na niya mapigilan na mapaiyak dahil akala niya 'di na niya makukuha ang kanyang cellphone. Sobrang mahalaga ang cellphone niya dahil nandito ang mga mahahalagang contacts number at lalo na meron dito mga sobrang pribadong larawan at videos.  "Sobrang salamat talaga sa'yo! Dexter" ang naluluhang sabi ni Veronica.  "Kailangan mo talaga umiyak sa harapan ko? Its okay Veronica" ang seryosong sabi ni Dexter, nakanuot noo siyang nakatingin sa umiiyak na magandang binibini sa kanyang harapan. "Sige na alis na ako" ang paalam na sabi ni Dexter, ngunit pinigilan siya ni Veronica, sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang braso. 'Di alam ni Veronica, kung paano niya sisimulan ang gusto niyang sabihin kay Dexter. Nag-aalala kasi siya na baka makalat o ipagsabi ni Dexter, ang nalalaman niya tungkol sa kanya at kay Joven. "Wag kang mag-alala walang  makakaalam." ang sabi ni Dexter, habang seryosong siyang nakatingin ngayon ay Veronica. Alam naman niya ang pinag-aalala ng magandang binibini sa harap niya. 'Di naman siya ganun kasamang tao para gawin 'yun. Oo, masungit siya pero 'di siya masamang tao.  "S-salamat Dexter" ang nahihiyang sabi ni Veronica, sa chinitong lalaking kasama niya ngayon.  "Welcome" ang simpleng tugon ni Dexter, iniwan na niya si Veronica, sa lounge area dahil siguradong hinahanap na naman siya ni Miggy.  Samantala, napaupo na lang si Veronica, sa sofa kung saan nasa lounge area pa rin siya. 'Di niya napigilan ang sarili niyang yakapin ang kanyang cellphone. 'Di pa rin talaga siya makapaniwala na hawak-hawak na niya ang kanyang cellphone. At lalong-lalo 'di pa rin siya makapaniwala na si Dexter, ang tumulong sa kanya. Kung sino pa talaga ang 'di niya inaasahang taong tutulong sa kanyang problema, 'yun pala ang tutulong sa kanya.  ____________________________ Tuliro na si Veronica, kakaisip kung paano niya makukuha ang kanyang cellphone. Bigla niyang nakita ang isang matangkad na chinitong lalaki na naghihintay sa tapat ng elevator. Naisip niya na humingin ng tulong dito. Kaso nagdadalawang isip siya 'di naman niya lubusan kilala si Dexter, para pagkatiwalaan at humingi ng tulong. Si Dexter, ang matangkad na chinitong lalaki tinitignan ngayon ni Veronica. Wala na talaga siyang maisip na ibang paraan kundi humingi na lang siya ng tulong kay Dexter. Desperada na kung desperada ma siya. Nagmamadali na siya lumapit kay Dexter, dahil pasakay na ito ng elevator.  "D-dexter?"  "Huh? Veronica?"  'Di alam ni Veronica, kung paano sasabihin kay Dexter, ang kailangan niya.  "Ano Veronica? May kailangan ka ba?" ang tanong ni Dexter, 'di na muna siya sumakay ng elevator. Naghihintay siya sa sagot sa kanya ni Veronica.  "A-ano kasi Dexter, p-puwede ba…" 'di masabi-sabi ni Veronica, ang gustong sabibin niya kay Dexter, dahil nahihiya siya dito. "Veronica, mukhang may kailangan ka sa akin? 'Di mo naman siguro kakapalan ang mukha mo lumapit para lang sa wala. Now  tell me? Talk!" ang seryosong sabi ni Dexter, nauubos na ang pasensya niya sa babaeng kaharap niya ngayon. Sigurado siyang kanina pang naghihintay si Miggy, sa kanya. Nagpaalam lang siyang bibili ng pagkain sa labas.  Nainis si Veronica, sa sinabi sa kanya ni Dexter, pero 'di niya ito puwedeng tarayan o sungitan ngayon dahil kailangan niyang humingi ng tulong dito. Napabuntong hininga na lang siya. Bahala na kung ano ang kalalabasan ng kanyang gagawin. 'Di niya maiwasan na matakot at kabahan sa kanyang gagawin ngayon.  "Ok sa totoo lang nagdadalawang isip talaga ako lumapit sa'yo Dexter. Wala na talaga ako maisip na ibang paraan. K-kundi humingi ng tulong sa'yo" naglakas loob na si Veronica, na sabihin ang gusto niyang sabihin kay Dexter.  "Mukhang desperada ka na yata Veronica, para lumapit sa akin? At hihingi ka pa talaga ng tulong sa akin?" 'di makapaniwala si Dexter, na kaya pala lumapit sa kanya si Veronica, ay para humingi ng tulong sa kanya.  "W-wala na nga ako maisip na ibang paraan kundi lumapit sa'yo" nilunok na ni Veronica, ang kanyang pride para lang lumapit at humingi ng tulong kay Dexter.  "Tsk! Desperada ka na talaga Veronica. Bakit sigurado ka bang tutulungan kita?" ang ngising sabi ni Dexter. Napaisip si Veronica, sa sinabi sa kanya ni Dexter. 'Di nga siya sigurado kung tutulungan nga siya nito. "Parang awa mo na tulungan mo ako." nagmamakaawang sabi Veronica, kahit nahihiya at labag sa kalooban niya na magmakaawa kay Dexter, ay gagawin niya. Wala na talaga siyang maisip na ibang paraan kundi humingi ng tulong kay Dexter.  "Desperada ka na talaga Veronica" ang natatawang sabi ni Dexter, 'di na niya mapigilan na matawa dahil sa itsura ngayon ni Veronica, na para bang wala na itong magagawa kundi lumapit sa kanya. Para bang siya lang ang solusyon sa problema magandang binibining kaharap niya ngayon. "Puwede ba Dexter. Nakakasakit 'yang mga sinasabi mo. Please, tulungan mo na lang ako" ang paki-usap ulit ni Veronica.  "Ok! Sobrang problemado ka? Ano bang maipaglilingkod ko sa'yo Veronica?" ang tanong ni Dexter, wala naman masama kung tutulungan niya si Veronica, 'di naman siya masamang tao. Lagi niyang sinasabi sa kanyang sarili na masungit lang siya ngunit mabuti siyang tao.  "T-tulungan mo ko makuha ang cellphone ko s-sa kuwarto nila Monica" ang nahihiyang sabi ni Veronica, 'di siya makatingin ngayon kay Dexter, dahil nakayuko siya at nahihiya siyang tumingin sa chinitong lalaking nasa harapan niya ngayon. Hinahanda na niya ang sarili sa mga tanong ni Dexter, sa kanya. Ilang minuto rin niyang hinihintay ang pagsagot ni Dexter sa kanyang paki-usap ngunit hanggang ngayon ay wala siyang narinig na anumang salita mula sa chinitong lalaki. Kaya napatingin na lang siya dito. "Ok sige 'yun lang pala. Ano pala ang cellphone mo? Iphone ba?" ang tanong ni Dexter, 'di na siya magtatanong kung bakit napunta ang cellphone ni Veronica, sa mismong kuwarto nila Joven at Monica. Tama nga siya ng hinala na nagsingungaling sa pagsagot si Veronica, sa tanong niya kanina na kung ano ang ginawa nito sa hotel.  "Oo, Iphone" ang pagkumpirmang sagot ni Veronica.  "Kay Joven, ko ba itatanong 'yung cellphone mo?" ang tanong ni Dexter, habang seryosong siyang nakatingin kay Veronica.  "O-oo" ang nahihiyang pagsagot ni Veronica.  "Hintayin mo na lang ako sa lounge area. Ayaw mo naman siguro gumawa ng eksena sa taas? Tama ba?" ang tanong ni Dexter, na tinanguan naman ni Veronica.  Bumukas na ulit ang elevator at sumakay na si Dexter, sa loob ng elevator.  "D-dexter…" ang pagtawag ni Veronica, sa chinitong lalaki nasa loob ng elevator. 'Di niya alam kung pipigilan ba niya si Dexter, ngunit heto na lang ang naisip niyang paraan. Kahit 'di niya kilala ng lubusan si Dexter ay ibibigay niya ang buong tiwala niya dito.  "Trust me" ang seryosong sabi ni Dexter, sa kanya. Bago tuluyang magsara ang pintuan ng elevator.  Habang naghihintay si Veronica, na makabalik si Dexter, bumalik ulit siya sa lounge area at doon na siya maghihintay sa pagbabalik ni Dexter. Sa paglipas ng bawat minuto ay 'di siya mapakali sa kanyang upuan. Nandyan na tatayo siya at titingin siya sa elevator kung sino ang lumalabas doon. Minsan naman ay uupo nga siya pero patingin-tingin sa mga dumaraan. 'Di niya maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano. Nagtataka lang siya dahil 'di man lang nagtanong si Dexter, kung bakit naiwan ang cellphone niya sa mismong kuwarto nila Monica, at Joven. Napabuntong hininga siya ng malalim. Napatingin siya sa isang malaking orasan na nakalagay sa lounge area ng hotel. 'Di niya namalayan na lumipas na pala ang isang oras. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Dexter, 'di pa rin ito bumabalik. Baka niloloko lang na tutulungan siya pero 'di naman pala. Baka nag-aaway na sila Joven, at Monica, dahil sinabi na ni Dexter, ang nalaman niya. 'Di naman siguro mang-mang ang chinitong lalaki na 'yun para 'di malaman ang dahilan kung bakit nandoon sa kuwarto ng bagong kasal ang kanyang cellphone. Napailing na lang siya sa kanyang mga naiisip. "Jusko, lord! Sana bumalik na si Dexter, at dala na sana niya ang cellphone ko" ang dasal ni Veronica, pinipigilan niya na wag mapa-iyak dahil nakakahiya sa mga makakakita baka kung ano pang sabihin ng mga ito sa kanya. Napapaisip din siya baka pumunta dito si Monica, at pagsasampalin at sabunutan siya dahil nalaman nito na may nangyari sa kanila ng asawa nito. Napailing na lang ulit siya sa naisip niya. Lalo ng siyang naprapraning. Tumingin siya ulit sa orasan ang tagal na pala niya naghihintay. Gusto na niya puntahan mismo sa kuwarto sila Joven, at Monica. Ngunit 'di maari sigurado siyang lalo lang gugulo.  "Excuse me, Ma'am?"  Nagulat naman si Veronica, sa pagsulpot ng isang lalaki na mukhang staff ng hotel dahil sa suot na uniporme na pang hotel at may name plate pa ito. "Ano yun?" ang takang tanong ni Veronica, habang nakatingin siya sa isang hotel staff sa kanyang harapan.  "Ayos lang po ba kayo Mam?" ang tanong ng hotel staff sa kanya  "Ah? oo naman" nakanuot na sagot ni Veronica, 'di niya alam kung bakit siya tinatanong nito na kung ok ba siya? 'Di naman niya ito kilala.  "May maitutulong po ba kami sa inyo? Kasi po kanina pa po namin kayo napapansin na parang may nawawala kayong gamit? Puwede po namin kayo tulungan" ang alok ng hotel staff. "Ganun na ba ako halata? Sorry… hindi, ok na. Hinihintay ko lang 'yung kasama ko salamat" ang ngiting sabi ni Veronica.  "Ok po Mam. Have a nice day" Nagpaalam na sa kanya ang hotel staff. Natuwa siya dahil ang babait pala ng mga hotel staff dito. Naghintay pa siya ng isa pang oras ngunit wala pa rin si Dexter. Nawawalan na talaga siya ng pag-asa. 'Di na niya napigilan na mapaiyak dahil sa pagkadismaya at kalungkutan.  "Veronica"  Nanlaki ang kanyang mga mata ng marinig niya ang familiar na boses. Tumingin agad si Veronica, sa tumawag sa kanyang pangalan. Para siyang nabuhayan ng loob dahil hawak-hawak na ng chinitong lalaki ang kanyang cellphone. Napatayo siya at agad siyang lumapit sa chinitong lalaki, 'di na niya napigilan ang kanyang sarili na yumakap kay Dexter.  "Veronica, tumigil ka nga dyan sa kadramahan mo. Nakakahiya ka! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao" ang inis na bulong ni Dexter, sa magandang binibini na nakaakap sa kanya ngayon.  Kumalas sa pagkakayakap si Veronica, kay Dexter, pinunasan niya ang kanyang ng luha gamit ang kanyang puting panyo.  "Sorry! Haha! Salamat! Salamat! Sobrang salamat! Dexter! P-paano mo pala nakuha itong cellphone ko" ang sabi ni Veronica. Inabot na sa kanya ni Dexter, ang cellphone niya.  "Pumunta ako sa kuwarto nila Monica, at Joven. Tinanong ako ni Monica, kung ano kailangan ko. Sinabihan ko lang siya na gusto kong makausap si Joven." ang simpleng sagot ni Dexter.  "Tapos ano sabi ni Joven? 'Di ba nagduda si Monica? Hawak ba ni Joven, ang cellphone ko? Ano?!" gustong-gusto malaman ni Veronica, kung ano ang nangyari sa pag-uusap nila Joven, at Dexter. 'Di niya maiwasan na kabahan. "Puwede bang patapusin mo muna ako Veronica." ang seryosong sabi ni Dexter.  "Ah! Sorry. Gusto ko lang malaman ang nangyari" usisa ni Veronica. "Nagtataka si Joven, kung bakit ko siya gusto makausap. 'Di naman kami masyado close. Sinabi ko na sa kanya ang pakay ko. Ayun hawak pala niya ang cellphone mo." ang sabi ni Dexter, seryoso siyang nakatingin kay Veronica.  "A-ano sinabi mo sa kanya? N-na kukunin mo lang yung cellphone ko sa kanya?" ang tanong ni Veronica. "Tinanong ko lang kung nasa kanya ang cellphone mo. Ayun nga hawak pala niya. Ayaw pa nga niya ibigay sa akin" ang sabi ni Dexter. "B-buti binigay niya sayo?" ang takang tanong ni Veronica.  "Wala na ako nagawa kundi sabihin sa kanya na alam ko na ang nangyari sa inyo dalawa" ang casual na sabi ni Dexter, napangisi siya habang nakatingin kay Veronica. 'Di naman siya tanga para 'di niya maintindi ang nangyayari ngayon.  "A-alam mo?" ang gulat na tanong ni Veronica.  "'Di naman ako mangmang Veronica." ang ngising sabi ni Dexter.  "Bat ang tagal mo bumaba. Ang bilis mo lang pala nakuha ang cellphone ko" ang takang tanong ni Veronica.  "Dahil nag-away kami ni Miggy. Nagselos siya ng makita niya kami ni Joven, na nag-uusap sa labas ng kuwarto" ang inis na sagot ni Joven, masyadong seloso ang kanyang boyfriend kaya nag-iingat siya sa mga kilos niya. 'Di naman niya akalain na pati si Joven, ay pagseselosan niya.  "Sorry dahil sa akin nag-away pa kayo. T-teka sinabi mo ba kay Miggy, ang dahilan kung bakit kayo magkausap ni Joven?" ang tanong ni Veronica.  "Sinabi ko kay Miggy, na pinag-uusapan lang namin ni Joven, ang pagpunta sa Japan. Syempre 'di naman tanga si Miggy, para kumagat sa palusot ko." ang sabi ni Dexter. "Edi, sinabi mo nga?" ang pagpupumilit ni Veronica, kay Joven.  "Hindi. Sinuyo ko lang siya. Naglambing hanggang mauwi kami sa s*x" ang kaswal na sabi ni Dexter. Napatango na lang si Veronica, sa kanyang narinig.  _________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD