Chapter 3 4.2

3261 Words
Just Another Woman Chapter 3 4.2 Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Veronica, sa nangyari. Nagdesisyon na siyang umuwi na sa bahay. Gusto lang niya ngayon ay magpahinga. 'Di pa rin talaga siya makapaniwala na nakuha niya ang kanyang cellphone. Buti na lang may password ang cellphone niya. Sobra siyang nagpapasalamat kay Dexter. Napapaisip siya na wag dapat husgahan ang isang tao kapag 'di mo talaga ito kilala. Tulad na lang ni Dexter, oo, mukhang suplado at masungit ito pero mabuting palang tao si Dexter. Nagbook siya ng grab at 'di nagtagal ay nakarating na siya sa bahay nila. Nadatnan ni Veronica, sa kanilang bahay ang kanyang bayaw na si Richard Cruz, ang asawa ng kanyang Ate Vanessa. 'Di niya inaasahan na uuwi pala ito ngayon. 'Di rin naman kasi nito pinapaalam kung kailan ito uuwi.  "Oh? Nandyan ka na pala Veronica. Ang aga na naman yata ng uwi mo ngayon" ang takang tanong ng kanyang Ate Vanessa.  "Ah? oo. Alam mo naman ang boss ko. Oh! K-kuya Richard, Welcome back" ang ngiting sabi ni Veronica, medyo ilang pa rin siya sa kanyang bayaw.  "Salamat Veronica. Kakauwi ko lang din. Kamusta ka na?" ang ngiting sabi ni Richard. "Heto maganda at sexy pa rin." ang pabirong sabi ni Veronica, pasimple siyang lumapit sa Ate Vanessa, niya.  "Ate yung pasalubong ko ah! Yung chanel blue bag" ang bulong na sabi ni Veronica, natatawa siya dahil sinisiko siya ng Ate Vanessa, niya. Napansin niyang nakatingin sa kanila si Richard.  "Gaga ka! Kararating lang ng tao. Tsaka nakakahiya baka marinig niya tayo" ang bulong na sagot ng Ate Vanessa, niya.  "Sige na! Pasok na muna ako sa kuwarto. Bye" nagpaalam na muna siya sa Ate Vanessa, niya at sa kanyang bayaw. "Kumain ka na ba? May pagkain sa lamesa." ang sabi ng Ate Vanessa, niya.  "Mamaya na lang busog pa naman ako" sagot ni Veronica, gusto lang niya na makapagpahinga. Sobrang stress siya dahil maraming nangyari sa araw na ito 'di niya inaasahan na mangyayari. Una na roon ang eksena kanina sa meeting of the heads. 'Di niya talaga inaasahan na ganun ang mangyayari. Sobra siyang nagulat sa pagsampal ni Rayburn, sa bunsong kapatid nitong si Rayfield. Pangalawa ang 'di inaasahang pagtext at pagtawag sa kanya ni Joven, na nauwi sa isang mainit na pagtatalik. Sobra siyang nag-enjoy sa naging tagpo nila ni Joven. Masakit pa rin ang kanyang lagusan kaya kailangan niyang magpahinga. Napasabak siya sa alaga ni Joven. At ang panghuli ang pagkaiwan ng kanyang cellphone. Sobra talaga siyang nagpapasalamat kay Dexter, sa pagtulong sa kanya. Nakalimutan niyang kunin ang cellphone number ng chinitong lalaki. Gusto niyang maging kaibigan si Dexter. 'Di niya nalamayan na nakatulog siya sa sobrang pagod at stress. Naalingpungatan siya dahil sa nararamdaman niyang init at sobrang pagpapawis ng kanyang katawan. Nakalimutan pala niya buksan ang aircon ng kanyang kuwarto. Sobrang naglalagkit na ang kanyang buong katawan. Gusto niya ngayon na maligo para mapreskuhan siya. Napagpasyahan niya na maligo. Lumabas na siya sa kanyang kuwarto at nakita niya agad ang kanyang Kuya Richard, na abala sa panunuod ng telebisyon sa sala. Napalunok siya ng laway dahil sa suot ng kanyang bayaw. Naka-boxer short lang ito at walang suot na pang-itaas. Kitang-kita niya ang magandang katawan ng Kuya Richard, niya.  "Ang swerte talaga ni Ate Vanessa" ang nasabi ni Veronica, sa kanyang sarili.  "Oh! K-Kuya Richard, kamusta? 'Di ka yata nakapagpahinga o natulog man lang? 'Di ka ba napagod sa biyahe?" ang tanong ni Veronica.  "Ikaw pala Veronica. Nag-aadjust pa ako, alam mo na. Umalis pala si Vanessa, naggrocery siya 'di na niya ako sinama para daw makapagpahinga ako" ang ngiting sabi ni Richard. "Ah. Ganun ba Kuya. Sige ligo na muna ako. Ang init ng panahon ngayon." ang sabi ni Veronica, pinunasan niya ang pawis sa kanyang leeg. 'Di pa rin siya nakapagpalit ng damit. Suot niya pa rin ang damit nung pumasok siya sa trabaho kanina. Lumabas na muna siya ng bahay para kunin ang kanyang bath towel na nakasampay sa labas ng bahay nila. Napatingin siya sa kalangitan, pagabi na pero maalingsagan pa rin. Bigla siyang nakaramdam ng uhaw, kaya pumasok na siya sa loob ng bahay at pumunta siya sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Habang umiinom siya ng malamig na tubig ay 'di niya maiwasan na pagmasdan niya ang kanyang bayaw mula sa sala na abala sa panonuod ng basketball sa telebisyon. 'Di niya maipagkakaila na sobrang guwapo at maganda ang katawan ng kanyang bayaw. Napapailing na lang si Veronica, sanay naman siyang ganun ang suot ng kanyang Kuya Richard. Lagi itong nakaboxer brief at hindi mahilig magsuot ng t-shirt o sando man lang kapag nasa loob ito ng bahay. 'Di pa rin niya maiwasan na mamangha sa kaguwapuhan at ganda ng katawan ng bayaw niya.  "Kuya Richard, baka nagugutom ka meron pala pagkain dito. Mamaya pa darating si Ate Vanessa, kupad maggrocery 'yun" ang sabi ni Veronica.  Napatingin si Richard, kay Veronica, na nasa kusina at umiinom. Napangiti siya sa sinabi ng kanyang bayaw na babae, pinuntahan niya ito sa kusina.  "Sa totoo lang bigla akong nagutom." ang ngiting sabi ni Richard, habang nakatingin kay Veronica.  "Talaga? Ano ba pinabili mo ulam kay Ate Vanessa?" ang tanong ni Veronica sa kanyang bayaw. Ngayon ay malapitan na niya nakikita ang gwapong mukha at magandang katawan ng Kuya Richard, niya.  "Kahit ano basta masarap" ang ngiti sabi ni Richard, 'di pa rin niya inaalis ang kanyang tingin kay Veronica.  "Ah! Sige Kuya Richard, ligo lang muna ako. Naiinitan kasi ako! Sobrang init kasi ng panahon at summer ngayon." 'di niya makayanan ang mga titig ng bayaw niya. Aminado siya sa kanyang sarili na sobrang lakas ng s*x appeal ng Kuya Richard, niya. 'Di niya maiwasan na maapektuhan siya sa mga titig ng bayaw niya. Habang naglalakad siya papunta sa banyo. Ramdam niya na sinusundan pa rin siya ng tingin ng kanyang bayaw. Napangiti na lang siya.  "Hay! Naku Kuya Richard! Bakit kasi asawa ka ng Ate Vanessa, ko" ang panghihinayang na sabi ni Veronica, sa kanyang sarili.  Ninamnam ni Veronica, ang pagliligo. Sobrang nagtagal talaga siya sa banyo dahil matagal talaga siyang maligo. Kaya nagagalit sa kanya ang dalawang kapatid niya. Lalo na ang bunsong kapatid niyang si Vincent. 'Di pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kanina. Ang mainit na tagpo nilang dalawa ni Joven. 'Di niya alam bat pinatulan niya ang asawa ng kaibigan niya na si Monica. Sino ba naman babaeng 'di papatol kay Joven, guwapo, matangkad, magandang ang katawan at higit sa lahat ay ang pinagmamalaki nitong malaking alaga. Pati siguro mga bakla at tomboy ay pinagpapantasyahan si Joven. Napapangiti na lang si Veronica, dahil napapalibutan siya ng mga ibat-ibang adonis na lalaki. 'Di lang basta guwapo at magandang katawan kundi malalaki rin ang mga alaga ng mga lalaking nakakasama niya. Kasarapan niyang maligo ng bigla na lang may narinig siyang kumakatok sa pintuan ng banyo. Pinatay na muna niya ang shower para marinig niya kung sinong taong umistorbo sa kanyang pagliligo. "Veronica, tapos ka na ba maligo? Naiihi na kasi ako eh" boses 'yun ng Kuya Richard, niya.  "Sandali na lang Kuya Richard. Patapos na ako." sagot ni Veronica, napakamot na lang siya sa ulo. Ayaw na ayaw niyang na iistorbo ang kanyang pagliligo. Wala naman siyang magawa kundi magbanlaw dahil patapos na rin naman siya. Pinunasan niyang mabuti ang kanyang katawan ng tuyong bath towel lalo na ang kanyang buhok. Nagtapis na siya ng bath towel hanggang sa dibdib niya. Pagkabukas pa lang niya ng pinto ay naghihintay na pala ang kanyang bayaw sa paglabas niya. "Tapos ka na ba Veronica? Sorry, naiihi na kase talaga ako" ang sabi ni Richard, 'di pa man nakakalabas ng banyo si Veronica, ay pumasok na siya sa loob ng banyo. At sa 'di inaasahan 'di niya sinasadya na masagi niya ang kanyang bayaw na babae na dahilan sa pagkakatanggal ng tapis ni Veronica. "Aaaayyyy!!" Napatili na lang si Veronica, dahil naalis ang tapis niya na agad niyang kinuha ang bath towel at mabilis na tinakip sa katawan niya.  "Sorry Veronica! Sorry! 'Di ko sinasadya!" ang paumanhin na sabi ni Richard, 'di naman niya talaga sinasadya ang nangyari. Ihing-ihi na talaga siya.  "Ok lang Kuya Richard, sige ihi ka na dyan" ang sabi ni Veronica, tuluyan na siyang lumabas ng banyo. Nagmadali siyang pumasok sa kanyang kuwarto. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. 'Di lang ang kanyang bayaw ang nakasagi sa kanya. Kundi pati siya ay nasagi niya ang harapan ng kanyang bayaw, matigas ito. Napatawa na lang siya sa nangyari kanina. Buti na lang wala ang kanyang Ate Vanessa. Binuksan na niya muna ang aircon. Umupo muna siya sa kama, habang nagcheck siya ng kanyang cellphone. Marami siyang natanggap na mga messages at meron pang 5 missed calls.  "Veronica, alam ni Dexter, ang tungkol sa atin!"  - Joven "Sagutin mo tawag ko!" - Joven Magrereply sana siya ng biglang may tumawag sa kanya.  _"Hello"  _"Kanina pa ako tumatawag sayo Veronica! Bat ngayon mo lang sinagot?"  _"Naliligo ako pasensya na"  _"s**t! Naiimagine ko na naliligo ka!" Ang natatawang sabi ng boses ng lalaki.  _"Sira ka talaga! Oh! bat ka napatawag?"  _"Bawal ba ako tumawag sa'yo? Miss na miss na kita Veronica. Gusto kitang mayakap ng mahigpit at mahalikan ang mapula mong labi."  Napangiti naman si Veronica, sa kanyang narinig. Kagabi lang ay nagsama sila pero 'di sapat 'yun.  "Ikaw lang naman ang hinihintay ko eh" ang malanding sabi ni Veronica.  "s**t ka! Veronica! Nangigigil ako sayo. Gusto kitang kainin"  "Gutom ka ba? Kakaligo ko pa naman. Kaya super fresh ako ngayon" ang mapang-akit na sabi ni Veronica.  "s*x on the phone ba tayo ngayon?"  "'Di pa ba sapat na nagkasama tayo kagabi?" ang tanong ni Veronica.  "Nagpapatawa ka ba? Hinding-hindi magiging sapat ang mga ganun pagsasama nating dalawa. Sige na s*x on the phone na muna tayo."  "Ayoko gusto ko personal. Sige na bye!" ang sabi ni Veronica.  "Teka! Teka! Alam mo naman na busy ako sa trabaho. Kaya 'di ako makagawa ng paraan para makasama tayong dalawa."  "Lagi ka naman ganyan. Kapag libog ka doon mo lang ako tinatawag o naalala" ang tampong sabi ni Veronica.  "Wag mo nga sabihin yan. Alam mong importante ka sa akin Veronica."  "Ewan ko sa'yo? Sa totoo lang gusto kita makasama araw-araw. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Sige na bye!" ang inis na sabi ni Veronica, 'di na niya hinintay na sumagot ang kausap niya dahil binabaan na niya ito ng tawag. Napapaisip na lang siya kung lagi na lang ba ganito ang sitwasyon nilang dalawa? Kailangan kaya sila makakalaya? Kung tipong walang maghuhusga o walang masasabi ang mga tao sa kanilang dalawa. Siguro sobrang tagal o 'di na mangyayari 'yun? Sa ngayon ay sapat na muna ang ganitong sitwasyon nilang dalawa. Magtitiis siya hangga't kaya niya. Isang malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan niya. Bigla niyang naalala na kailangan niya pala magreply kay Joven.  "Call me" - Veronica Iniwan na muna ni Veronica, ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kama niya. Lumapit siya sa aircon para buksan niya ito. Naglakad siya papunta sa cabinet kung saan nakalagay ang kanyang mga damit. Kumuha siya ng isang puting sando at isa rin puting short. Kumuha rin siya ng kanyang isusuot na kulay royal blue na panty at bra na magkapares na kulay. Gusto kasi niya na terni lagi ang kanyang sinusuot na panty at bra. Umupo siya sa harap ng salamin para kunin ang lotion at para na rin maglagay ng lotion sa kanyang buong katawan. Naglagay siya ng konting lotion sa kanyang kamay at dahan-dahan niya itong ipinahid sa kanyang kutis mala-porselana. Pantay ang kaputian niya at walang makikitang anumang 'di kanais-nais maitim na kulay ultimong kasingit-singitan niya ay maputi at makinis. Siya ang tinaguriang "flawless queen" sa kanilang lugar. Namana niya ang kaputian niya sa kanyang amerikano ama niya. Samantalang ang kanyang ina ay isang filipina. Nakarinig siya ng ingay mula labas. Sigurdo siyang nakauwi na ang kanyang ate galing sa paggrogrocery. Sinuot na niya ang kanyang panty at bra. Tinignan na niya muna ang kanyang sarili sa salamin bago niya sinuot ang kanyang kinuhang puting sando at puting short. Palabas na siya ng kanyang kuwarto 'di pa rin tumatawag sa kanya si Joven. Gusto rin niya kausap ang makisig na lalaki at ipaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari kanina. 'Di na rin siya nakatawag kanina kay Joven, dahil na rin sa sobrang pagod niya. Lumabas na muna siya ng kanyang kuwarto at totoong nga nakauwi na ang Ate Vanessa, niya kasama nito ang kanilang bunsong kapatid.  Samantala…  "Kuya Richard, 'yung pasalubong ko!?" excited na si Vincent, na makita ang kanyang pasalubong bigay ng Kuya Richard niya.  "Oo, 'di ko nakalimutan. Kunin mo na lang sa kuwarto 'yung itim na bag." ngiting sabi ni Richard. "Yes!" nagmamadaling pumasok si Vincent, sa kuwarto nila Richard at Ate Vanessa, niya para kunin ang pasalubong na sinasabi ng bayaw niya.  "Wow! Vincent, mahiya ka naman kay Kuya Richard." ang asar ni Veronica, sa bunsong kapatid niya. Habang hinihintay niyang lumabas si Vincent, pumunta muna siya sa kusina kung saan abalang nagluluto ang kanyang Ate. "Ate, ano iluluto mo. Ang tagal mo talaga mag-grocery" ang sabi ni Veronica, tinignan niya ang nilulutong ulam ng Ate Vanessa niya.  "Gaga! Hinintay ko pa si Vincent. Nagpasundo ako sa kanya sa SM. Ang dami ko kasi pinamili. Ang ulam natin tinolang manok" ang sabi ni Vanessa.  "Ok! Gusto mo tulungan kita dyan?" ang tanong ni Veronica, alam naman niyang malapit na maluto ang niluluto ng kanyang ate kaya nagprisinta siyang tumulong. Alam din niyang tatanggi ang kanyang Ate Vanessa, sa alok. "Naku! Wag na patapos na rin naman ako. Ayusin mo na lang yung lamesa" ang utos ng kanyang Ate Vanessa. Napatawa na lang si Veronica, sa sinabi ng kanyang ate. Inaasahan na niya na ganun ang magiging sagot ng Ate Vanessa, niya.  "Bat ka tumatawa dyan? Alam ko na yang modus mo! Kung kailan malapit na ako matapos tsaka ka tutulong sa akin." ang natatawang sabi ni Vanessa, sa kanyang nakakabatang kapatid.  "Sige na! Ako na mag-aayos ng lamesa." ang sabi ni Veronica, kumuha siya ng mga plato, mga kutsara at tinidor inilagay niya ito sa lamesa. Habang abala siya paglalagay ng mga plato at kutsara sa lamesa ay nakita niya ang kanyang bunsong kapatid na may hawak-hawak na bagong cellphone. Gusto niyang asarin ito. Kaya dahan-dahan siyang lumapit mula sa likod nito at bigla niyang inagaw ang bagong cellphone ni Vincent.  "Ate naman oh! Ano? Bastusan ate?" inis na sabi ni Vincent, sa kanyang Ate Vanessa.  "Wow! Iphone 6 ah! Sana all. Palit tayo!" 'di akalain ni Veronica, na Iphone 6 pala ang pinabili ng kanyang bunsong kapatid kay Kuya Richard. Tinignan niya ito ng mabuti. Nagandahan siya sa cellphone na hawak niya. Ito kasi ang latest at sikat na cellphone ngayon.  "Ano sinuswerte ka ate? Nasaan nga yan!" inis na sabi ni Vincent. "Loko ka ah! Wag kang hihingi ng baon sa akin! Ano sinuswerte ka Vincent?" ang natatawang sabi ni Veronica, ibinigay na niya ang cellphone ng kapatid niya.  "Ang oa mo ate! Itanong mo na kasi 'yung pasalubong mo kay Kuya Richard" ang sabi ni Vincent, sa kanyang Ate Veronica, niya.  Nahiya tuloy si Veronica, sa sinabi ni Vincent, sa kanya. Siguradong narinig ng Kuya Richard, nila. Dahil sobrang lakas ng pagkakasabi ng bunsong kapatid niya.   "Nakakahiya ka Vincent, 'yung bibig mo" ang inis na sabi ni Veronica, napatingin siya sa Kuya Richard, niya.  "Ah! P-pasensya na Veronica, late na kasi nasabi ng Ate Vanessa, mo na bag pala ang gusto mo." ang nahihiyang sabi ni Richard, 'di niya talaga nabili ang gustong pasalubong ng kanyang magandang bayaw. Late na kasi nasabi sa kanya ni Vanessa, ang gustong pasalubong ni Veronica. Napatingin naman si Veronica, sa kanyang Ate Vanessa, na nasa kusina. Sobra siyang nahihiya sa sinabi ng Kuya Richard, niya. Una kasi ang gusto niya ay blue shoes. Pero nag-iba ang isip niya dahil luma na rin naman ang kanyang ginagamit na shoulder bag ay sinabi niya sa kanyang Ate Vanessa, na imbes na shoes ang gusto niyang pasalubong ay shoulder bag na lang.  "Wag kang oa Veronica. Susunod ka na lang daw ibibili ng bag sabi ng Kuya Richard mo." ang sabi ni Vanessa, tapos na niya lutuin ang kanyang specialty na tinola.  "Wow ate! Bag pala ang gusto mo!" Ang asar na sabi ni Vincent, pinapakita pa niya sa Ate Vanessa, niya ang kanyang bagong cellphone.  "Tumigil ka nga dyan Vincent! Wag kang hihingi ng baon sa akin! Tandaan mo yan!" ang inis na sabi ni Veronica, pumunta na siya sa lamesa at umupo na siya para kumain.  "Ate Vanessa, mas mahal pala ang pinapabili mo kay Kuya Richard. Sige ate palit tayo ng cellphone basta magiging one thousand ang baon ko bawat araw!" ang ngising sabi ni Vincent, hinihintay niya ang sagot ng Ate Veronica, niya.  "Ano 'yun? Araw-araw isang libo? Kung ako nga noong college ako one thousand pinagkakasya ko na sa isa o dalawang linggo." ang seryosong sabi ni Veronica, seryoso din siyang nakatingin kay Vincent.  "Oa mo Ate Veronica, binibiro lang kita. Alam ko naman na kuripot ka" ang natatawang sabi ni Vincent. Tumabi na siya sa kanyang Ate Veronica, para kumain.  "Makakuripot ka naman! Kung makahingi ka sa akin ng pang-school project mo sobra-sobra. Mag-ipon ka Vincent! Puro ka kasi date sa mga babaeng nakikilala mo!"  "Alam ninyo nakakatuwa kayong magkapatid! 'Di pa rin kayo nagbabago sa asaran ninyo" ang ngiting sabi ni Richard, aliw na aliw siya sa panonoud sa dalawa niyang bayaw.  "Oh! tama na yan! Kain na tayo. Kanina pa ako nagugutom!" ang sabi ni Vanessa.  "Naku! Ate Vanessa, baka buntis ka na?!" ang pagbibirong sabi ni Veronica. "Gaga! Nagugutom lang buntis agad! Tsaka kararating lang ni Richard, ahaha" natatawang sagot ni Vanessa, sabay kindat sa kanyang asawa.  "Aayyy naku! Puwede bang kumain na muna tayo." ang inis na sabi ni Vincent.  "Arte mo! Oh? Kumusta pala 'yung mga nililigawan mong mga babae?" ang tanong ni Veronica, nagsimula na silang kumain. "Ate Veronica, focus ako sa pag-aaral. Wala munang babae." ang pagmamalaking sagot ng kanilang bunsong kapatid.  "Vincent, ingat ka sa mga babae baka mapikot ka. Mahirapa na" ang payo naman ni Richard, sa kanyang bayaw na lalaki. "Kuya Richard, naman mukha ba akong pakboy?" ang takang tanong ni Vincent, aminado siyang mahilig siya sa mga magagandang babae pero nirerespeto naman niya ang mga ito tulad sa pagrespeto niya sa kanyang dalawang ate. Kahit nakakahiyang sabihin ay virigin pa siya. Maraming nag-aayang makipagsex sa kanyang magagandang babae pati nga mga tomboy lalo na mga binabae ngunit tumatanggi siya. Kaya minsan ay napagkakamalan siyang bakla. Wala naman siyang pakialam kung tinatawag siyang bakla.  "Di' naman sa ganun. Alam mo naman sa panahon ngayon. Alam ko naman na good boy ka. Mukha ka nga lang pakboy hahaha" natatawang sabi ni Richard, kilala naman niya si Vincent, alam niyang lapitin talaga ng mga babae ang kanyang bayaw ngunit pag-aaral pa rin ang inaatupag niya. Madalas silang magkwentuhan sa mga bagay-bagay lalo na sa babae kapag nauwi siya sa Pinas  Nasabi rin sa kanya ni Vincent, na 'di pa rin ito nakakaranas ng s*x. Minsan biniro niya ito na isasama aa kabaret minsan.  "Oh! Tandaan mo 'yang sinabi ng Kuya Richard, mo" ang sabi ni Vanessa, tumingin naman siya sa kanyang asawa "Ano hon, masarap ba ang tinola ko?" ang malanding tanong ni Vanessa. "Naku! Wala ka pa rin kupas hon" ang ngiting sagot ni Richard.  "Ay! Sa harap talaga namin kayo maglalandian?" nakanuot na tanong ni Veronica, pinagpatuloy na niya ang kanyang pagkain. Talaga naman masarap magluto ang kanyang ate. 'Di tulad niya marunong naman siya kaso mas magaling at masarap magluto ang Ate Vanessa, niya.  Natawa na lang sila Richard, at Vanessa, sa sinabi sa kanila ni Veronica. Natapos na silang maghapunan at pumasok na muna sa kuwarto si Veronica, para tignan kung nagreply o tumawag na sa kanya si Joven. Kinuha niya ang cellphone at nakita niyang may dalawang missed called at limang text messages. Ang dalawang text message ay galing kay Joven. _"Veronica sagutin mo tawag ko!"  _"Veronica ano na?!" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD