Just Another Woman
Chapter 3 4.3
Napabuntong hininga na lang siya sa kanyang nabasa. Napagpasyahan na lang niya na siya na ang tatawag kay Joven. Nakailang ring lang ay may sumagot na.
"Hello?"
"Veronica bat ikaw tumawag!" ang galit na boses ni Joven
"So? Kasalanan ko pa talaga na tumawag ako sa'yo?"
"Hindi, naman sa ganun. Alam mo naman, baka si Monica, ang makasagot. Buti na lang hawak-hawak ko ang cellphone ko."
"Kung alam ko lang na ganyan pala ugali mo? Sana pala 'di na ako nakipagsex sa'yo! Masyado kang praning!" ang inis na sabi ni Veronica.
"'Di ako naprapraning nag-aalala lang ako dahil alam ni Dexter tungkol sa atin."
"Oo, alam nga niya. Pero makakapagkatiwalaan 'yun. Dahil siya ang tumulong sa akin. Hawak mo pala ang cellphone ko kanina bat 'di mo agad binigay sa akin" naiinis pa rin si Veronica, sa kanyang kausap ngayon.
"Sa totoo lang ay tatawagin na sana kita noong nakasakay ka sa elevator kaso nakita kong humabol pasakay si Dexter. Sinundan pa rin kita sa baba. Ngunit nakita ko naman na kausap mo si Monica, kaya bumalik na lang ulit ako sa kuwarto" ang mahabang paliwanag ni Joven, kay Veronica.
"Ganun ba. Ang mahalaga ok na! Nakuha ko na ulit ang cellphone ko. Ano pala sabi sa'yo ni Dexter, noong kunin niya sa'yo ang cellphone ko? 'Di ba nagtaka si Monica?" usisa ni Veronica.
"Nagulat ako noong kinukuha niya ang cellphone mo sa akin. Nagtaka rin ako bat alam niya na naiwan mo ang cellphone mo. Kung alam mo lang Veronica, sobrang takot at kinabahan ako. Sa una tinatanggi ko pa na nasa akin ang cellphone mo. Pero sinabi niya sa akin na alam niya ang nangyari sa ating dalawa at nasa baba ka raw at nahhihintay. Sa labas kami ng kuwarto nag-usap nakita pa nga kami ni Miggy." Mahabang salaysay ni Joven
"'Di ba nagtanong sa'yo si Monica? Nagselos pa nga raw si Miggy, sabi ni Dexter" gustong malaman ni Veronica, kung nagtanong o nagduda si Monica, noong nag-usap sila Dexter, at Joven.
"Tinanong lang ni Monica, kung bakit ako kinausap at sa llabas pa kami nag-usap ni Dexter. Si Miggy, naman ayun nagselos ang loko. Seloso ang gago na 'yun!" ang natatawang sabi Joven.
"Buti na lang talaga tinulungan ako ni Dexter." ang nasabi na lang ni Veronica.
"Veronica miss na kita!"
Nabigla naman si Veronica, sa kanyang narinig. Napaisip siya kung bakit nasabi 'yun ni Joven, sa kanya.
"Ano to? Biglang segway? Miss mo ko? Dahil?" tanong ni Veronica, gusto niya malaman ang dahilan. Napapangiti na siya sa nangyayari ngayon.
"H-hindi ko alam! Basta miss kita"
"So? Ano gusto mong gawin ko?"
"Puwede ba tayo magkita bago kami umalis papuntang Japan?" pakiusap ni Joven.
Napangiti na lang si Veronica, sa kanyang narinig. Sigurado na siyang nahulog na si Joven, sa kamandag ng kagandahan niya. Gusto niya na mabaliw ito sa kanya at mukhang nangyayari na ito ngayon.
"Pagkabalik ninyo na lang. Alam mong ayoko ng makulit Joven! Sige bye!" paalam na sabi ni Veronica. Napahiga na lang siya sa kanyang kama. Nakatulala sa kisame ng kanyang kuwarto. Naistorbo ang kanyang pagmuni-muni ng makarinig siya ng katok sa labas ng kanyang pintuan.
"Bukas yan!" sigaw ni Veronica.
"Veronica, tara shot tayo nila Vincent, at Ate Vanessa, mo" ang sabi ni Richard, nag-aya siyang uminom dahil miss na niya makipagkwentuhan sa tinuturing niyang pamilya bukod sa kanyang asawa na si Vanessa. Ulilang lubos na kasi siya. Wala naman siyang kapatid, o kamag-anak sa lugar kung saan siya nakatira ngayon. Kaya sobrang nagpapasalamat siya kay Vanessa, na siya ang naging asawa nito. At nagkaroon siya tinatawag na pamilya kina Veronica, at Vincent. Pinagdarasal niya na makabuo na rin silang mag-asawa ng isang sanggol para mabuo na talaga ang pangarap niyang pamilya.
"Ikaw pala Kuya Richard! Sige sunod ako" ang ngiting sabi ni Veronica.
"Ah! Pakitawagan mo na rin si Pareng Matteo, para marami tayo" ang masayang sabi ni Richard.
"Sige text ko na lang si Matteo." ang sagot naman ni Veronica.
"Sige Veronica, pasensya na sa istorbo" sinara na ni Richard, ang pintuan sa kuwarto ni Veronica.
Nagtext na lang si Veronica, kay Matteo. Malapit lang naman ang bahay nila Matteo. Bago lumabas ng kanyang kuwarto ay tumingin muna siya sa salamin. Tinignan niya ang kanyang sarili. Nakita niyang medyo magulo ang kanyang buhok ay kinuha niya ang hair brush na nakapatong sa lamesita at maingat niyang sinuklay ang kanyang medyo kahabaan na itim na buhok. Nang masigurado niyang ayos na ang kanyang itsura ay napagpasyahan na niyang lumabas ng kanyang kuwarto. Akala niya ay sa sala sila mag-iinuman 'yun pala sa labas ng bahay.
"Ano naman naisipan ninyo bat kayo mag-iinuman?" maarteng tanong ni Veronica.
"Alam mo naman 'yang ang Kuya Richard, ninyo. Samahan mo muna si Vincent, bili kayo ng ihaw-ihaw sa may kanto" utos sa kanya ng Ate Vanessa, niya.
"Ate samahan mo muna ako bumili ng ihaw-ihaw sa kanto" pakiusap na sabi ni Vincent.
"Talagang isasama mo pa talaga ako. Ganito pa naman suot ko" ang inis na sabi ni Veronica, wala na siyang magagawa kundi samahan ang kanyang bunsong kapatid. Palabas na sana sila ng gate ng bahay ng makita nila ang kotse ni Matteo. 'Di na nagtataka si Veronica, kung bakit nandito na agad si Matteo. Malapit lang naman ang bahay nila dito.
"Oh! Saan kayo pupunta?" gulat na tanong ni Matteo, suot ang black muscle sando at gray jogger shorts. Litaw na litaw ang bunga ng pag-ggym niya araw-araw.
Kitang-kita ni Veronica, ang gandang katawan na pinagpaguran ni Matteo, sa araw-araw na pag-ggym nito. 'Di pa rin niya maalis sa kanyang sarili na maakit siya kay Matteo. Sino ba naman babae ang 'di maakit sa isang Matteo Gue, sa guwapong mukha, sa ganda ng katawan, mayaman at higit sa lahat ay gentleman pa ito.
"Bibili lang kami ng ihaw-ihaw sa kanto" ang simpleng sagot ni Veronica, nakatingin siya ngayon kay Matteo. Pasimple niyang tinignan ang biceps nito.
"Vincent, kami na lang ng Ate Veronica, mo ang bibili" ang ngiting sabi ni Matteo.
"Ok! Buti na lang dumating ka Kuya Matteo. Makakapaglaro na ulit ako ng ML, sige ingat kayo" ang sabi ni Vincent, bumalik na siya sa loob ng bahay.
Natuwa naman si Veronica, dahil 'di siya sinita ni Matteo, sa kanyang suot at safe naman siya 'di siya nag-aalala kung may mambastos sa kanya dahil kasama niya ito. Wala pa rin pagbabago sa ugali ni Matteo, ni minsan yata 'di siya sinita o pinagsabihan ni Matteo, sa mga sinusuot niya. Lagi kasi sinasabi sa kanya ng makisig na lalaking kasama niya ngayon na wala itong pakialam sa sinusuot niya dahil nirerespeto siya nito. Nagsimula na silang maglakad papunta sa kanto kung saan meron doon nag-ihaw-ihaw. Wala na masyadong dumaraan na sasakyan ngayon sa kalsada. Meron din silang nakitang naglalarong mga bata sa tabi ng kalsada.
"Naka-uwi na pala si Kuya Richard. Edi, ang saya-saya ni Ate Vanessa?" ang ngiting sabi ni Matteo, napatingin siya sa magandang binibining kasama niya ngayon.
"Naman! Kilala mo naman 'yun. Ikaw ah! Ang bilis mo dumating parang alam mo na mag-iinuman ah?" pabirong sabi ni Veronica, tinignan niya si Matteo, na nakatingin din sa kanya.
"Syempre basta ikaw! Mabilis pa ako kay Superman." pabirong sabi ni Matteo, nagpose pa siya na parang lumilipad tulad ni Superman.
"Ay naku! Ewan ko sa'yo Matteo?" napailing na lang siya sa sagot ni Matteo, sa tanong niya.
"Mas hot at guwapo pa nga ako kay Superman!" ang ngising sabi ni Matteo, tumigil siya sa paglalakad at nagflex siya ng kanyang pinagmamalaking biceps.
"Oo, ikaw na! Ikaw na winner!" natatawang sabi ni Veronica. Nakarating sila sa kanto kung saan madami na nakatambay sa ihaw-ihaw ni Mang Tando.
"Oh! Nandito pala ang magjowa! Kamusta kayo!" masayang sabi ni Roy, isa sa nakatambay sa ihaw-ihaw at kaibigan ni Matteo.
"Alam ninyo perfect couple sana kayo. Kaso si Veronica, 'di pa rin niya sinasagot hanggang ngayon si Boss Matteo, ano pa ba hinihintay mo! Sagutin mo na si Boss Matteo." sabi naman ni Kokoy, isa sa mga natratrabaho sa shop ni Matteo.
"Mga loko kayo! Tumigil nga kayo!" Ang natatawang sabi naman ni Matteo.
"Totoo naman Boss Matteo! Ano pa ba hahanapin sa'yo ni Veronica. Guwapo check! Mayaman check! Sobrang gandang katawan check! Mabait check na check! At higit sa lahat gentleman" pagmamalaking sabi ni Kokoy.
"Oo, nga naman Veronica! Tagal na rin nanliligaw sa'yo ni Matteo." ang biglang singit ni Mang Tando, ang may ari ng ihaw-ihaw.
Napapangiti lang si Veronica, sa kanyang naririnig. 'Di naman siya nakukulitan o naiinis dahil sanay naman siya sa mga sinasabi ng mga tao tungkol sa panliligaw ni Matteo, sa kanya. Kilala sila sa lugar nila. Wala yatang hindi nakakakilala sa kanilang dalawa.
"Baka matulad kayo sa kanta" ang babalang sabi ni Kokoy, na napapailing na lang siya habang nakatingin kina Matteo at Veronica.
Nagkatinginan naman sila Veronica, at Matteo. 'Di nila alam kung anong kanta ang tinutukoy ni Kokoy, sa kanila.
"'Yung kantang pinagtagpo pero 'di tinadhana. Imahe song by Magnus Haven." ang pagmamalaking sabi ni Kokoy.
"Tumpak ka dyan! Pareng Kokoy! Isang bagsak nga dyan pare!" ang sang-ayon naman ni Roy. Nakipag-apir pa siya kay Kokoy.
"Wag na! Baka umulan! Ang linis pa naman ng kalangitan at full moon ngayon" ang sabi ni Kokoy, habang nakatingin siya sa kalangitan.
"Sige na pareng Kokoy, isang bagsak lang" pagpupumilit ni Roy, alam naman niya kasi na maganda ang boses ng kaibigan niya.
"Sige na Kokoy! Kantahin mo nga 'yung sinasabi mong kanta. Wag ka ng mag-inarte dyan! Sige na" ang sabi naman ni Veronica, 'di niya kasi alam 'yung sinasabi ni Kokoy na kanta.
"Hmm… Ikaw boss Matteo, 'di mo ba ako pipilitin kumanta?" ngising sabi ni Kokoy.
"Sige na! Kanta ka na. Gusto mo yan eh!" natatawang sabi ni Matteo.
Isang katahimikan ang naganap sa ihaw-ihaw ni Mang Tando. Naghihintay ang mga taong nakatambay sa pwesto ni Mang Tando, sa pagkanta ni Kokoy.
"Teka! Set ko lang 'yung cellphone ko! May minus one kasi ako dito" nagmamadaling kinuha ni Kokoy, ang kanyang cellphone sa bulsa.
"'Di ka naman handa Kokoy no?" ang natatawang sabi ni Veronica.
"Ang tagal naman pare! Kanina pa kami naghihintay sa pagkanta mo!" ang sabi ni Roy, napatingin siya sa paligid marami na palang tao na nakapalibot sa kanila. "Oh! Madlang pipol! Isa naman malakas na palakpak dyan! Para ganahan naman ang kaibigan namin!" masayang sabi ni Roy, pinagmamalaki niya talaga ang kanyang kaibigan na marunong sa mga tao ngayon. Alam niyang 'di siya ipapahiya ni Kokoy.
"Ok na! Ehem! Ehem!" biglang sabi ni Kokoy. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago siya magsimula sa pagkanta.
Inilabas naman ni Roy, ang kanyang cellphone para videohan niya ang matalik na kaibigan niya.