Just Another Woman Chapter 18 "Veronica, may regla ba ang guwapo nating boss?" tanong ni Leni, nandito na naman siya sa table ni Veronica, para makasagap ng balita. "Regla?" kunot noo tanong ni Veronica, abala siya sa pinapagawa ngayon ng kanyang guwapong boss na si Rayfield. 'Di na siya nag-abala pang tumingin sa kausap niyang si Leni. Nakafocus lang ang tingin niya sa monitor ng computer niya para agad siyang matapos. "Oo, regla. Baka may regla siguro si Sir Rayfield, dahil ilang araw na siyang mainit ang ulo." pagbibirong sabi ni Leni. Binuksan na niya ang dala niyang chippy. Kampante kasi siyang makipagkwentuhan ngayon ay Veronica, dahil nakita niya kanina na umalis ang guwapo nilang boss kasama ang napakaganda ngunit masungit na asawa nito na si Julia. "Ikaw kapag narinig ka n

