Just Another Woman Chapter 17 "Friendship, ang daya mo 'di mo sinabi sa akin na pumunta ka sa birthday party ni Alonzo Lopez." inggit na inggit si Monica, sa kanyang kaibigan na si Veronica. Nalaman niya kasi na pumunta ito sa birthday party ni Alonzo Lopez, kagabi. Nakita rin niya kaninang umaga sa social media ang mga larawan ng kanyang kaibigan kasama si Matteo Gue. "Nagtanong ka ba sa akin? Hindi diba?" pagbibirong sabi ni Veronica, nasa canteen silang dalawa ni Monica, buti nga nagkasabay sila ng lunch break time. "Buti nakapunta ka sa party? Close pala kayo ng mga Lopez?" tanong ni Monica. Ikinuwento na lang ni Veronica, ang lahat-lahat sa kanyang kaibigan. Magsimula sa pagtanggap niya ng imbitasyon hanggang sa pagkauwi nila kagabi. Para 'di na ito masyado magtanong sa kanya.

