Chapter 01

1394 Words
The Powerful Princess Chapter 01 : Anica Scientele ______________________________________ Anica POV Isang babaeng naiiba sa lahat. Matangkad na may makinis at maputing balat. Mahaba ang maitim na buhok at mayroong bangs na animo'y tatakpan ang mata. May malaking itim na salamin na tumatakip sa kulay lila na mata. Mag-isang naninirahan sa isang bahay dahil ulila na at hindi nakikisalimuha sa ibang tao. Yan ang status ng buhay ko. No one recognized me because of my appearance. Unfortunately, there are some people who know me but only my name and my wierd appearance. I am Anica Scientele, 18 years old. Right now, nandito ako sa aking kwarto katapat ng bintana. Gawain ko nang tanawin ang labas kapag ako'y walang ginagawa. Lagi kong iniisip kung ganito nalang ang magiging takbo ng buhay ko. Sabagay, this is my choice. Dapat panindigan ko. Walang mangyayari kong ganito nalang ang gagawin ko. Napagdesisyunan kong pumunta ng sala at manood nalang ng T.V, ang isa ko pang laging ginagawa. Wala akong niisang nagandahan sa mga palabas na pinapanood ko ngayon kaya nagsisimula na naman akong mabored. I decided to turn off my T.V. Tila pagod na sinandal ko ang aking likod sa tandayan ng sofa na kinauupuan ko. Sinuri kong mabuti ang loob ng bahay bakasakaling mabawasan ang pagkabored ko. Sa pagkakaalala ko, hindi ko ito tunay na bahay. That's right, hindi ko ito bahay pero dito ako nakatira. Naalala kong naglalakad lakad lang ako sa paligid habang naghahanap ng matitirhan. Nakuha ng bahay na ito ang aking atensyon. Its kinda weird pero naramdaman kong hindi ito ordinaryong bahay lang. Nakita ko nalang ang sarili kong naglalakad papasok ng bahay. May hula na ako kung ano ito pero mas lalong napapatunayan ang hula ko ng makapasok ako sa loob. Naramdaman kong may enerhiya ang bahay na ito, at alam kong isa iyong proteksyon dito. Napagdesisyunan ko that time na dito tumira dahil nararamdaman kong dito ako nababagay. Natawa nalang ako at napag-isipang tumayo na. Oras na para sa isa ko pang ginagawa. Bumalik ako sa aking kwarto at sinigurado kong nakasarado ang pinto. Lumapit ako sa aking kama at tinulak ito papunta sa kaliwang gilid. Naglakad ako papunta sa kanang gilid at hinawakan ang pader hanggang sa makapa ko ang hinahanap ko at tinulak ito. Sabihin na nating, isang push button ang hinanap ko. Napangiti na lamang ako dahil sa nangyari. Sa bandang gitna ng aking kwarto kung saan orihinal na nakapwesto ang aking kama, nagkaroon ng isang hagdan na patungo sa ibaba. Ito ang resulta ng pagtulak ko sa pader. Weird ang bahay na ito pero para saakin, hindi. Dahil sa mga bagay na meron dito, gusto ko tuloy malaman kung kaninong bahay ito at bakit niya ito iniwan. Naalala kong nagulat ako nung may nakapa ako sa pader at aksidente kong natulak. Pero nawala lahat ang gulat ko nang makita ko ang kinalabasan ng nangyari. Simula ng araw na iyon, lagi ko na itong binubuksan. Naglakad ako pababa dahilan para kusang magsarado ang nagsisilbing harang nito o ang pinto. Pinindot ko ang switch na nakita ko noong nakaraang araw, dahilan para magkaroon ng ilaw na nagsisilbing gabay patungo sa hantungan. Pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad. Mahaba haba rin ang aking nilakad bago ako makarating sa lugar na paborito ko. Ang Training Room. Tinawag ko lang itong training room dahil napakalawak ng lugar na ito na pwede ko nang gamiting pangtraining sa sarili ko kahit nasa ilalim ito. Nakapapagtaka diba? Bakit ako nagtratraining? Hindi naman ako lumalaban. That's true. Hindi ako lumalaban, sa ngayon. Pero kailangan ko magtraining for some reason at malalaman niyo din. Anyway, isa rin sa rason kung bakit ako nagtratraining dahil hindi ako papayag na hindi ako marunong lumaban. Pumunta ako sa favorite spot ko, ang center. I cross my legs and close my eyes. Kailangan kong maramdaman ang aking enerhiya para makapagsimula na. Naramdaman kong may nakapalibot saakin. Probably, my aura. Nagfocus ako sa aking aura hanggang sa tuluyan ko nang magawa o maipalabas ang aking enerhiya. Ang aking mahika. It's true. May mahika ako. Hindi man kapanipaniwala pero that's the truth. Hindi lang basta ordinaryo ang aking mahika bagkus ito'y naiiba. Alam kong alam niyong ang tanging may mga mahika lamang ay ang mga immortal kaya common sense, isa rin akong immortal at hindi mortal o ordinary person. Binuksan ko ang aking mga mata at tumayo. Isang snap ko lang ng aking daliri, may kasama na akong limang nilalang. Hindi pangkaraniwang nilalang bagkus ito ay kakaiba. Kalahating tao at kalahating lobo. Wolfal, ang tawag ko sa nilalang na ito. Gumawa ako ng apoy na hugis bola. Ito'y tinatawag na fire ball. Naghanda na ako ng makita kong susugod sa akin ang limang wolfal. Agad akong umiwas at nagteleport sa likod ng isang wolfal na unang sumugod saakin at walang alinlangan kong ibinato sa kanyang likod ang fire ball na ginawa ko. Dahil sa ginawa ko, napaungol ito sa sakit. Napangiti ako dahil sa gagawin ko. Sinummon ko ang aking paboritong sandata, ang Bysclader (Bis-clay-der). Hindi ito karaniwang sandata lamang dahil ang Bysclader, ay isang uri ng sandata na nagbabago o nag-iiba ang anyo. Lahat ng sandata ay pwedeng gawin nito. In short, isa itong makapangyarihang sandata dahil may kakayahan itong magbago at mayroon itong enerhiya, aura o mahika. Hawak hawak ko sa aking kanan ang sandata ko ng mapag-isipan kong gawin itong Worcyds (Wor-sids) o gawing espada. Hinanda ko ang aking mga paa ng makita kong susugod ang isang wolfal. Ayoko naman siya lang ang susugod kaya sasalubungin ko siya. Napangisi na lamang ako nang malapit na kami sa isa't isa. Agad akong tumalon at mabilis na hiniwa ang kanyang likod dahilan ng kanyang pagkalaho. Masyado ko atang napalakas ang enerhiya na nasa sandata ko at masyado ring atang malalim at mahaba ang hiwang nagawa ko. Nakangising humarap ako sa apat. Mabilis na sumugod saakin ang dalawang wolfal dahilan agad kong ginawang Dacygers (Daisy-gers) ang sandata ko. Tulad ng kanina, sinalubong ko rin ang dalawa at tumalon sa ere habang umiikot. Sa aking pag-ikot, sinabay kong hinagis ang dalawang daggers na ginawa ko. Agad kong tinukod ang aking tuhod at humawak sa sahig nang ako'y bumaba. Umayos ako ng tayo at pinagpagan ang aking damit. Napasmirk nalang ako ng makita ko ang nangyari sa dalawang wolfal. May isang daggers ang nakatusok sa kanilang katawan dahilan para sila'y maglaho. Hindi ko na kailangan pang hagisan sila ng dalawa o higit pang daggers. Sapat na isa lang na dagger dahil isang malakas na sandata ang Bysclader ko. Dalawa nalang ang natitira. Humarap ako sa dalawa at natawa nalang ako sa tuwa. Mukhang madali na lamang ito para saakin. Isang naghihinalo at isang nakakatakot ang mukha na animo'y handang handa nang pumatay. Napaatras ako agad ng muntikan na akong kagatin ng isa. Mabilis kong ginawang Worcyds ang sandata ko. Mabilis ang aking mga galaw habang iniiwasan ang kanyang mga atake. Napangisi ako nang makakita ako ng butas. Mabilis kong iniwasan ang kanyang atake at agad kong sinaksak ang kanyang tyan dahilan ng kanyang paglaho. Isa nalang. Tiningnan ko ang nag-iisang wolfal na sa tingin ko'y ano mang-oras, maglalaho na. Hinawakan ko ang sandata ko saaking kaliwa at ito'y ginawang Yslarch (Es-l-arch) o pana. Itinaas ko ang aking kaliwang kamay at niready para panain ang natitirang wolfal. Napansin na man niya ang ginagawa ko dahilan para siya'y mataranta. "Easy. Hindi naman ito masakit" sabi ko at biglang ngumisi. Mabilis kong binitawan ang arrow na tumama sa may sugat ng wolfal na naging dahilan ng pagbato ko ng fire ball. Agad kong nilaho ang aking sandata ng makita kong naglaho na ang wolfal. Nakapag-exercise din ako. Naisipan ko nang bumalik sa aking kwarto. Agad kong ibinalik sa dating pwesto ang aking kama at lumabas ng kwarto para kumain na. Kung ano nalang ang aking nakitang pagkain sa aking ref ang kinuha ko at kinain. Nakakatuwa nga dahil ang ref ko ay laging may laman. Hindi naman kasi iyon nauubusan dahil lagi iyon may laman kaya hindi na ako bumibili pa. Pati na rin ang mga damit, hindi nauubos. Hindi naman ako mabagal kumain kaya mabilis ako natapos at iniligpit ang aking pinagkainan. Dahil na rin sa pagod, bumalik ako sa kwarto at agad na napasalampak sa kama. Inaantok na rin ako kaya umayos na ako ng higa. Naramdaman ko nalang, nilalamon na ako ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD