Chapter 02

1366 Words
The Powerful Princess Chapter 02 : Creatures ______________________________________ Anica POV Isang panibagong araw para sa aking buhay. Katatapos ko lang kumain at maligo kaya ngayon, nandito ako sa aking kwarto, naghahanap ng aking isusuot. Kinuha ko na lamang ang aking pantalon at isang t-shirt na may tatak na DEATH sa likod at ito'y isinuot. Kinuha ko ang aking salamin at ito'y isinuot. Isang salamin na tanging ako ang gumawa. Tinatawag ko itong M-Glasses dahil may kakayahan itong itago ang aking buhok at mata na may kulay lila. Hindi lamang iyan ang kayang gawin ng M-Glasses, kaya rin nitong makita ang ano mang bagay na nasa loob na parang X-ray. Kaya rin nitong magrecord sa pamamagitan ng pagpindot sa may bandang dulo ng salamin at kaya rin nitong alamin ang totoong bagay na hinahanap mo, gaano man ito kaliit at kalaki. Inayos ko ang aking mahabang buhok na nakalugay at ang aking bangs. Kinuha ko ang aking shoulder bag at malalim na huminga habang nakaharap sa malaking salamin. Handa na akong lumabas sa ganitong ayos. Hindi ko rin masisisi ang mga tao sa labas dahil totoong ang weird ko talaga. May malaking salamin akong suot pero may bangs naman akong nagtatakip sa aking salamin. Napagdesisyunan ko ng lumabas ng bahay. Hindi ko rin naman alam kung saan ako pupunta basta makalabas lang ako. Sa aking paglalakad, mahigpit kong hinahawakan ang aking bag. Hindi ko talaga maiwasang mag-isip dahil sa mga tingin na pinapakita saakin ng mga taong nakakakita saakin. Hindi ba sila sanay na makita akong ganito? Para naman silang hindi tao kung makatingin saakin na animo'y nandidiri at natatakot. Wala naman akong ginagawa sakanila '-_-' Naalala ko palang may bully ako. Queenie, sana hindi kita makasalubong. Isang mortal na bully ko si Queenie. Isa siyang babaeng may tinatagong baho, malandi, mataray at mapang-api. Sa tuwing nakakasalubong ko sya, palagi niya akong inaapi. Hindi ko siya magawang labanan dahil ayokong magkaroon ng g**o kaya minabuti ko nalamang na umiiwas sa kanya. Dating gawi, hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila. Mabuti nang wag pansinin dahil wala namang magagawa ang mga tingin nila saakin. Nakarating din ako sa hantungan ko, ang parke. Umupo ako sa isa sa mga upuan dito at tahimik na pinagmamasdan ang paligid. May pamilyang masayang sama-sama, mga batang masayang naglalaro ang mga nakikita ko dito. Bukod sa upuan, d**o, palaruan at ano pang bagay basta hindi tao. Sa ganitong senaryo, tanging pag-iwas nalang ng tingin ang kaya kong gawin. Hindi ko kayang pagmasdan ang ganitong sitwasyon. Hindi naman ako magluluksa dito kung may kasama ako pero dahil nga tanging mag-isa nalamang ako, wala na akong magagawa. Nakakalungkot dahil mag-isa nalamang ako, wala akong magagawa kung ganun ang buhay na itinadhana saakin. Matagal na akong nag-iisa simula noong ako'y pitong taong gulang. Maagang nawala ang aking mga magulang saakin dahil sila ay pinatay. Napailing na ako dahil sa mga iniisip ko. Nandito ako para mabuhay ng tahimik hindi para alalahanin ang madilim na nakaraan. Naisipan ko nang tumayo at maglakadlakad dito sa parke. Nakarating ako sa isang malawak na lugar kung saan sa tingin ko'y may laban na nagaganap. Dahil sa curiosity ko, nakipagsiksikan ako sa mga tao para makita ko kung ano ang nangyayari. Dalawang tao ang naglalaban habang may mga gloves sa kanilang dalawang kamay. Napailing na lamang ako dahil sa nakikita ko at naririnig kong nagtatayaan ang mga tao dito. Sa aking pagkakaalam, bawal iyan dito. Pinagmasdan ko ang paligid hanggang sa makuha ng aking atensyon ang isang taong halos itim na lahat ang kanyang kulay, maliban sa kulay pula nyang mata. Nakatayo lamang sya habang nanonood ng laban tulad ng ibang tao. Naisipan kong umalis sa aking pwesto at pumatong sa isang upuan na hindi kalayuan. Sapat lamang para makita ko ang lalake at ang labanan. Napaseryoso ako ng makita kong sinusuri niya ang paligid. Hindi ko gusto ang kanyang ginagawa. Tahimik ko lamang binabantayan ang kilos ng lalakeng ito. Hindi nagtagal, umalis siya sa kanyang pwesto habang lumilinga-linga. Matapos niya siguraduhing walang nakatingin sakanya, bigla siyang nawala. Hindi. Hindi siya nawala, nag-invisible lang. Gaya ng ginawa niya, sinigurado ko ding walang makakakita saakin bago nag-invisible. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya paparoon. Nakita kong huminto sya sa tapat ng gubat bago niya itaas ang kanyang kamay. Nagdilim ang kalangitan dahilan para mapatigil ang lahat ng tao. Isang pangyayari ang hindi inaasahan. Kasabay ng pagdilim ng langit ay ang kasabay din ng paglabas ng dalawang uri ng nilalang. Walang duda, isa itong dark magician. Agad akong nagteleport sa likod ng lalakeng ito at mabilis na sinaksak gamit ang Worcyds na kanina ko pang hawak. Kasabay ng kanyang paglaho ay ang paglaho din ng iba pang dark magicians na sa tingin ko'y isa lamang clone. Isa na lamang uri ng nilalang ang natitira. Kailangan kong hanapin ang pinuno ng mga nilalang na ito dahil sa tingin ko'y konektado ang mga ito. Pumikit ako at dinaramdam ang paligid. Kailangan kong mahanap ang pinuno nilang may malakas na aura kasya sa iba. Mabilis akong napadilat at nagteleport sa kanilang pinuno na nahanap ko. Walang pagdadalawang-isip ko itong pinatay. Agad kong pinaglaho ang aking sandata kasabay ng paglaho ng mga nilalang. Kalahating lobo at kalahating ahas na kilala sa tawag na wolfake ang mga nilalang na iyon. Agad na napakuyom ang aking mga kamay nang pagmasdan ko ang paligid. Hindi man malala ang kondisyon ng iba pero may kaunti pa ring nawalan ng buhay. Napagdesisyunan ko nang bumalik sa upuan. Pinagmasdan ko muna ang paligid bakasakaling may makakita saakin bago ako naging visible. Kasabay ng pagvisible ko ay syang paglitaw ng ibang mga tao na tinatawag silang, Royalties. Sila ang mga anak ng hari at reyna sa aming mundo. Ang mundo ng mahika. Sa aking pagkakatanda, pito lamang sila. Mukhang may ideya na ako kung bakit sila nandito. Hindi naman nila malalaman na ako'y katulad sa kanilang may mahikang tinataglay dahil ito'y nakaseal. Pinapanood ko lang silang pinagmamasdan ang paligid at animo'y nagtataka kung bakit walang mga dark magicians at wolfakes. Kahit malayo, naririnig kong nag-uusap sila. "Diba kakasugod lang ng mga dark magicians at wolfakes? Eh bakit wala na?" takang tanong ng lalakeng may kulay itim na lila ang buhok. Hindi ako nagkakamali, sya ang prinsipe ng Zardous Kingdom. "Nakakapagtaka. Kung wala na sila, ibig sabihin may pumatay sa kanila?" sabi naman ng babaeng may kulay asul ang buhok. Ang prinsesa ng Serines Kingdom. "Sino naman kaya? Dapat mahanap natin sya at dalhin sa Magical World" sabi naman ng babaeng may kulay puting lila ang buhok. Ang prinsesa ng Twitchy Kingdom. "Hanapin natin sya" sabi naman ng babaeng may kulay luntian ang buhok. Ang prinsesa ng Gardenous Kingdom. "Madali lang natin siya mahahanap marahil ay hindi pa sya nakakalayo" sabi ng lalakeng may kulay puting asul ang buhok. Ang prinsepe ng Winces Kingdom. Nakakapagtaka diba dahil may mga kulay ang aming mga buhok? Iyon ay dahil simbolo ng kulay ng buhok at mata mo ang kulay at mahikang mayroon ka. Hindi ko na pinagpatuloy pang pakinggan ang usapan nila. Tumingin nalang ako sa mga taong naglalakad sa parke. Kung titingnan mo sila, parang walang nangyari kanina. Dahil na rin wala na dito ang mga taong sugatan at patay, idagdag mo pang tinanggalan ko sila ng alaala tungkol sa mga nangyari kanina. Nakaramdam ako na may papalapit sa kinaroroonan ko. Mukhang dito ang tungo nila. "Hhmm miss pwede ba magtanong?" Napalingon naman ako sa nagtanong. Isang lalakeng may kulay abo ang buhok. Ang prinsepe ng Aero Kingdom. "Sure" sagot ko sa kanila. Nagsi-upo muna sila sa mga upuan na malapit dito. "Bago muna iyon, magpapakilala muna kami" sabi ng babaeng may kulay luntian ang buhok. Tumango ako bilang sang-ayon. "Ako si Maxenne Davis" pakilala ng babaeng may puting lila ang buhok "Lyra Macarov" pakilala ng babaeng may kulay luntian ang buhok. "Sabelle Aqua" pakilala ng babaeng may kulay asul ang buhok. "Christian Luis" pakilala ng lalakeng may kulay itim na lila ang buhok. "Stevan Ice" pakilala ng lalakeng may kulay puting asul ang buhok. "Arron Grey" pakilala ng lalakeng may kulay abo ang buhok. "Delixean Forester" pakilala ng lalakeng may kulay pula ang buhok. Ang prinsepe ng Fierdous Kingdom "Anica Scientele" pakilala ko sa kanila. "Nagpakulay ba kayo o inborn na?" tanong ko sa kanila. "Nagpakulay" sabi ni Stevan at napakamot sa batok. "Ano nga pala tanong niyo?" tanong ko sa kanila kahit may ideya na ako kung ano. "Nakita mo ba kung sino ang pumatay sa mga dark magicians at creatures?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD