Chapter 1

1184 Words
" Ang ganda mo talaga teh!" puri ni Rica ( Ricky) ang baklang make-up artist nang mga model sa A&S Clothing Brand. " Thank you Rica!" sagot niya habang pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin. Naghahanda ang team para sa photo shot, dahil may bagong release na summer collection ang kompanya. Halos dalawang taon na ding model si Margot sa A&S Company. Lingid sa kaalaman nang lahat na pumasok siya sa kompanya para lang ma meet ang kanyang hinahangaang si Axel Soriano na dating sikat na actor at ngayon ay CEO nang kompanya. Dahil sa magandang hubog ng katawan, may height na 5'7 ft. at beauty ni Margot kaya agad-agad siyang natanggap bilang model nang kompanya. " Next, Margot ready ka na ba?" tanong nang photographer sa kanya. " Yes po!" Agad namang pumunta si Margot sa gitna at nag-umpisang pum'westo sa harap ng camera. Hindi lang siya maganda kundi magaling din sa harap ng camera. Kaya madaling natapos ang photo shot, kung kaya maaga din siyang naka-uwi. Nakasalapak ang kanyang headphone sa tainga habang naglalakad patungong elevator. Music is life ang kanyang motto sa buhay kaya wala na siyang pakialam sa nangyayari sa paligid. Maya-maya nakatanggap siya nang tawag mula sa kaibigang si Trisha. "Asan kana?" " Palabas palang po ako ng kompanya inday Trisha, bakit po anong kailangan nila? " tanong niya dito. " Kasi naman, namumuti na ang mga mata ko kakahintay sayo!" nagmamaktol nitong sagot. " Oo nga pala, hala sorry nakalimutan ko ang usapan natin bes. " may usapan silang magkita sa mall ngayong hapon. Kaya mabilis siyang lumabas sa elevator nang bumukas ito. Hindi niya napansin ang dumaang tatlong lalaki, kaya nabunggo niya ang isa. " I'm sorry, di'ko sinasadya." she apologize to the man, pero laking gulat niya nang pagtingin sa lalaki, OMG! Lumaki ang mga mata niya sa gulat nang makita si Axel Soriano. " Next time, pay attention to your way!" paalala nito saka umalis. Naiwang natulala si Margot, dahil hindi niya inaasahan na maging ganun ang first encounter nila nang matagal n'yang hinahangaang lalaki. Nakatingin naman sa kanya ang mga dumaang empleyado. " Who's that girl? " tanong ni Axel sa assistant niyang si Nikko. " She's a model sir!" Nasa loob na sila ng opisina, nang magsalita si Axel. " Nakahanap ka na ba ng bagong kasambahay?" he ask. " Sorry sir, nag back out kasi yung napili ko kasi may family problem daw kaya umuwi sa probinsya nila." sagot ni Nikko sa kanya. " Pakibilis nalang sa paghahanap kasi nagmamadali na si Manang Rose na aalis. " sagot niya. " Okay sir, understood!" inayos muna ni Nikko ang mga papeles sa mesa nito saka mabilis na lumabas ng opisina. Alam niya na wala sa mood si Axel, dahil sa balitang nalaman nito tungkol sa dating nobya. Nagsindi si Axel nang isang stick ng sigarilyo, habang ang isang kamay niya ay nasa loob ng bulsa. Hindi mawala sa isip niya ang nakitang picture na pinasa ng kanyang kaibigan. Masaya na ito sa lalaking kinakasama nito. Mabilis itong naka move-on sa halos anim na taong pinagsamahan nila. Napatingin si Axel sa magandang view sa labas ng kanyang opisina, na nasa ikalimang palapag. Si Millie ang pinaka-unang babae na minahal ni Axel at buong akala niya na mauuwi sila sa kasalan. Balak na sana niyang mag propose sa darating na birthday nito, ngunit sumama ito sa isang lalaki na nakilala lang nito sa bar. Kaya ngayon halos sila ang laman nang mga balita sa mga tabloid at television. Kaya sobrang galit ng kanya ama dahil sa nangyari. Tunog nang cell phone ang pumukaw sa naglalakbay niyang isip. " Brad! Kumusta?" bungad ng kaibigan niyang si Carl. " May gana ka pang magtanong?" naiinis na sagot niya. " Hahaha okay, kita tayo mamaya sa Parkon club, hintayin ka ng tropa." saad nito at hindi na siya nakatanggi. " Okay, I'll be there at seven. " " Bes! Sama ka mamaya? Inimbitahan ako ni Aaron sa Parkon Club." anyaya ni Trisha kay Margot. " Oohhh, again? Ba't hindi mo pa kasi yan sagutin, bukod sa gwapo na at mayaman mabait pa!" biro niya dito na may halong katotohanan. Naaawa kasi siya sa lalaki dahil, halos isang taon nang nanliligaw sa kanya eh, hindi niya alam kung pinapaasa lang ba nito ang lalaki o wala s'yang nararamdaman dito. " Baka mamaya, sasagutin ko na siya bes!" sagot nito. " Buti naman, at nakapag desisyon kana kesa paasahin mo yung tao." mabining saad ni Margot. " Kung sasama ka, pero kung hindi..... Hmm it depends on my mood, kung kailan ko siya sasagutin." isang malakas na boom sa tainga ni Margot ang sinabi nito. Pinandilatan niya ito saka nagmartsang umalis, nakasunod naman ito sa kanya habang tawa ng tawa. Kinagabihan nakasuot si Margot nang simpleng plain white pleated shirt, at isang chiffon floral print blouse. Kitang-kita ang kagandahan ng kanyang maputing legs at pinarisan niya nang isang flat white shoes. Casual dress naman ang suot nang kanyang kaibigan na si Trisha. Sinundo sila nang manliligaw ng kaibigan na si Aaron. Parang tinadhana silang maging magkaibigan, dahil sa parehong angking kagandahan, halos napapalingon ang mga lalaking nadadaanan nila. Paglabas nila ng apartment naghihintay naman si Aaron sa labas nakatayo ito sa tapat ng Mercedes Benz na sasakyan nito. Bigla kong siniko si Trisha. " Oi ang gwapo besh! Maaatim mo pa bang i reject yan?" sabay kindat sa kaibigan, inirapan lang siya nito. " Hi girls!" bati sa kanila ni Aaron. " Hello Aaron! Hmmm hindi ba ako makakaabala sa inyo ngayong gabi?" tanong ko. " Margot don't worry! Meron tayong makakasama doon mga tropa ko, mababait yun sila at gwapo malay mo may matipuhan ka isa sa kanila. " birong sagot sa kanya. " Hay, asa ka pa diyan, buong buhay niyan ilalaan niya lang sa pagpantasya kay Axel Soriano." sagot nang bruha niyang kaibigan, kinurot ko siya sa tagiliran. " Really? You like Axel? " tanong nito. Napakunot ang noo ni Margot sa reaction ng lalaki. Kaya minabuti n'yang tanungin ito. " You know him? " " Hmmm not really! " maikling sagot nito na kaduda-duda. " Hay nako, tara na nga manitili lang ba tayong nakatayo dito. " naiinip na saad ni Trisha. Habang nasa daan, di maiwasan ni Margot na ma tense, pakiramdam niya nagpapawis ang mga kamay niya nang wala sa oras. Pilit niyang pinakalma ang sarili, sinikap niyang maniwala kay Aaron upang maibsan ang kabang nararamdaman. Dahil weekend maraming tao ang pumupunta dito, kaya siksikan maging sa parking lot. Ngunit dahil VIP si Aaron madali lang kaming nakapasok sa loob. Hindi naman bago kay Margot ang pumasok sa club, dahil nasubukan na nilang mag kaibigan na pumasok sa club ngunit hindi ganito ka elegante. Dinala sila ni Aaron sa taas kung nasaan ang mga private room. Pagdating nila sa dulo, binuksan ni Aaron ang pinto at bumungad sa kanila ang limang lalaki na may kanya-kanyang katabi na babae. Ngunit napako ang mga mata niya sa isang lalaki sa gitna na may katabing babae na nakapulupot ang braso nito sa katawan ni Axel Soriano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD