Chapter 2

1307 Words
Biglang bumukas ang pinto nang VIP room na kinaroroonan nina Axel at ng tropa niya, bumungad si Aaron at may kasamang dalawang magagandang babae. Napatingin si Axel sa pinakahuling babae saglit na nagtama ang kanilang mga mata, dahil agad namang ibinaling ng dalaga ang tingin sa iba. Siya yung babae na naka bangga sa akin kanina sa kompanya. Parang may magnet ang dalaga, dahil pilit na dumako sa kinaroroonan nito ang kanyang mga mata. Napansin ni Axel ang kakaibang titig nang kanyang kaibigan sa babae. " Matutunaw yan!" bulong niya sa kaibigan. " Ang ganda niya bro! Kakaiba ang ganda niya hindi nakakasawa." sagot nito, napatingin naman ang mga babaeng katabi nila. " Guys, please meet my soon to be girlfriend, Trisha Marquez, at ang kaibigan niya si Margot Alcantara." pakilala ni Aaron sa mga kasama niya. Napatingin ang dalawang babae sa kanila, saka ngumiti at nag wave ng kamay. Napansin ni Axel ang napakagandang ngiti nito, kaya napatungga siya sa baso ng beer na may lamang halos lampas kalahati. Napatingin sa kanya ang lahat sa gulat. " What?" " Anong iniisip mo, yun pa rin ba? Kalimutan mo na yun marami pang babae diyan na mas deserving pa brod, tulad ni Margot, single pa yan." nakangiting biro ni Aaron sa kanila. " Really?" sagot niya, saka biglang tumayo at kumuha nang isang baso na may laman na beer." Pwede ko ba s'yang maalok ng beer? " sabay abot sa dalaga na nakaupo sa sulok at hawak-hawak ang cellphone nito, mukhang natetense. Napilitan itong tanggapin ang inabot n'yang beer, saka sinuklian siya ng ngiting nakakatunaw ng puso dahil sa sobrang nakakaakit. " Thank you sir!" " Ohhh sir, kilala mo ba si Margot, bro?" tanong ni Robert sa kanya. " She's a model in my company." " Ohhhhhhhh!" sabay-sabay na bigkas nang mga ito, at nakatingin sa akin, halatang nang-aasar. Kulang na lang magtago si Margot sa ilalim ng mesa, dahil hindi niya inaasahan na ganito ang madatnan. Nagpaalam siya sa kaibigan niya na pupunta ng restroom. Pagtalikod niya, ramdam niya ang mga mata sa kan'yang likuran na nakatingin, maya-maya nakarinig siya nang tuksuan. Wala nang balak bumalik si Margot sa loob, pagkatapos n'yang nagtungo sa restroom. Nag message siya sa kaibigan na sa terrace ng club na muna siya magtambay. Naiintindihan naman nang kanyang kaibigan, dahil ito ang mas nakakakilala sa kanya. Nag order siya nang isang baso ng beer saka tumayo sa may terrace at pinanood ang mga nagsasayawan sa baba. Maya-maya may lalaking lumapit sa kanya inaalok s'yang sumayaw ngunit tumanggi siya. Tahimik na nagmamasid si Axel sa mga kasama habang nakikipagharutan ang mga ito sa mga katabing babae. Samantalang seryoso namang nag-uusap sina Aaron at Trisha sa tabi hindi mahulaan ni Axel kong mag jowa na ba ang dalawa. Napansin n'yang hindi pa bumabalik si Margot, kaya napataas ang kilay niya. Saan kaya pumunta ang babaeng yun, o baka may ibang ka date, sigaw nang isip niya. Kaya nagpaalam muna siya na lumabas. Halos walang katao-tao sa pasilyo paglabas niya mula sa VIP room, kaya dumeretso siya sa beranda nang club. Pagdating niya namataan niya ang dalaga nakatayo nanonood sa baba, maya-maya may lumapit dito na lalaki siguro inaaya itong sumayaw ngunit tumanggi ito. Lihim s'yang napangiti sa nakita. Dahan-dahan niya itong nilapitan, nabigla naman ito nang makita siya. " Hi!" " Hello sir, ba't andito po kayo sa labas?" tanong nito sa kanya. " How about you? Bakit hindi ka bumalik sa loob, boring ba doon?" sagot niya habang nakaupo sa bakanteng upuan sa likuran nito. " Nope! Hindi ko lang kasi inaasahan na kaibigan pala kayo ni Aaron, nakakahiya po na maki join sa inyo." pilit ang ngiti na saad nito. " Or else iniisip mo na naa- out of place ka?" biro niya dito. Biglang napatingin sa kanya ang dalaga na namumula ang pisngi. " Your blushing am I right hmmm? " " Sir Axel nagpapatawa kayo! " nahihiyang sagot nito sabay kuha ng baso at nilagok yung tirang beer. Napasandal si Axel sa upuan habang pinagmasdan ang mga galaw ng dalaga. Hindi niya alam dahil siguro sa marami silang model sa kompanya, kaya hindi niya napansin na mayroon palang katulad ni Margot. Kung tutuusin mas maganda pa ito kay Millie, pwede din itong maging artista kung gustohin nito. " Margot!" tawag niya dito. Napalingon naman ito sa kanya. " Hmmmm?" maikling sagot nito sabay taas nang isang kilay. Nagustuhan ni Axel ang reaction ng dalaga, kaya napangiti siya saka nagsalita. " Can you sit down please? I want to talk to you. " Nag-aalangang umupo si Margot sa upuang nasa harapan ni Axel. Nanatili itong nakatitig sa kanya, di naman makagalaw si Margot dahil naaasiwa na may mga matang nakatingin sa kanya. " Sir ano po ang sasabihin ninyo? " tanong ni Margot dito. " I can't hear you, come sit next to me." utos nito sa kanya. Napalinga-linga siya baka kasi may makakita sa kanila. " Why? Takot ka ba na makatabi ako?" nakangiting biro ni Axel, habang tinungga ang natitirang beer sa baso nito. " Hindi naman po sa ganun, ehh sikat po kayo maraming babae naghahabol sa inyo, baka anong iisipin nila." sagot niya sa lalaki. Nakita n'yang tinapik-tapik nito ang upuan sa tabi, hudyat na paupuin siya doon. Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod. Para s'yang pinako sa kinauupuan, dahil saglit na nagkadikit ang kanilang mga balat. " So now, can you tell me about yourself Miss Margot Alcantara. " nakatingin ito sa kanya habang nagsasalita. " But why sir? Hindi po ako importanteng tao." saad niya habang nakangiti, dahil may epekto na sa kanya ang beer na nainom. " Don't smile at me like that , dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko...." ngiting nakakaakit ang sumilay sa gwapo nitong mukha. Ngunit mas lalong nag ningning ang mga mata ni Margot, dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya mas lalo itong naging gwapo sa paningin niya. " Bakit? Anong gagawin mo? " panghahamon niya sa lalaki. Dahil sa ginawa ng dalaga, hindi mapigilan ni Axel ang sarili. Napatingin siya sa mapang-akit na labi nito. Saka walang pag aalinlangan na siniil niya nang mainit na halik ang mga labi nito. Naramdaman niya na nanatili itong nakadilat at nakatikom ang bibig. Dahil sa nakitang reaction ng dalaga napangiti siya, saka hinawakan ang mukha nito at unti-unting gumalaw ang kanyang mga labi. Mariing binuksan ng dalaga ang kanyang mga labi upang tuluyan itong makapasok, napapikit ito sa sarap na nararamdaman. Napakatamis na halik na tumagal nang ilang segundo ang pinagsaluhan nang dalawang tao na ngayon lang nagkasama. Habol ang hiningang binitawan ni Axel ang labi ng dalaga nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Si Nikko ang tumawag. " Nik! What's the problem?" " Sir! Nahihirapan akong maghanap ng housemaid mo,di ba pwedeng sa agency tayo kukuha ?" sagot nito sa kabilang linya. " You call me because of this? Ganun ba kahirap maghanap ng housemaid ngayon? Hindi naman mahirap yung requirements na hinihingi ko, as long as mapagkatiwalaan yung tao na kukunin mo! I will give you until tomorrow bye!" naiinis na pinatay ni Axel ang tawag, dahil disturbo ito sa ginagawa niya. " May problema ba sir ?" tanong ni Margot sa kanya. " It's a simple problem, nagpahanap kasi ako ng katulong kasi aalis na sa bahay ko si Manang, pinapauwi na kasi siya nang mga anak niya sa probinsya kaya ayun nagdesisyon s'yang hihinto." sagot niya sa dalaga. Biglang napamulagat si Margot sa narinig, naisip niya kung siya nalang kaya mag apply, kung sa paglilinis magaling din siya kasi lumaki siya sa hirap. " Ibig sabihin wala ka pang nahanap na bago? " tanong niya, " Nope!" sagot nito at biglang humilay sa upuan at tumitig sa kanya. May namumuong balak ang isipan ni Margot kaya biglang sumilay ang mga ngiti sa labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD