Chapter 3

1310 Words
Magkahawak ang kamay na nagtungo sina Aaron at Trisha sa beranda kung saan naroroon sina Margot at Axel. Ngunit nagulat sila sa nasaksihan, dahil seryoso ang dalawa at magkatabi pa ang mga ito. " Guys! Ba't di na kayo bumalik sa loob?" untag ni Trisha sa dalawa. " Haaaa! Ahmm, andito pala kayo." sagot ni Margot sa kanya. Napangiti naman si Trisha dahil napansin niya ang kakaibang galaw ng kaibigan, para bang ito'y nahihiya sa lalaking katabi nito. Napansin ni Margot ang sumilay na ngiti sa mga labi nang kaibigan. Pinandilatan niya ito ng mata, saka binalingan si Aaron. " Kumusta! Success ba?" biro niya dito, para mabaling sa iba ang topic nila. Nanatiling tahimik si Axel at nakikinig sa kanila, um-order ito nang dalawang inumin sa waiter na dumaan. Binalingan siya nito at tinanong habang nakatitig sa kanya. " You want more drinks?" " Yes please dalawang margarita, thank you." saka ngumiti sa waiter. " Kahit kanino ka na lang ba ngingiti?" seryosong tanong ni Axel sa kanya. Nagtaka siya sa inaasal nito, bakit ayaw nito na ngumiti siya sa iba? Natahimik si Margot bigla, at iniiwas ang tingin sa lalaki. " What happened to both of you? Bro, share naman diyan ba't parang biglang nagbago ang ihip ng hangin." biro ni Aaron sa kanila. " Masama bang makipag-usap kay Margot?" he replied, while looking at her. " Ano bang nangyayari sayo, ba't ka ganyan napaka-seryoso mo!" nagtataka siya dito masyadong seryoso. Nananatili itong nakakatitig sa kanya." Why are you looking at me like that? Hindi naman ako yung nagtatanong!" tumatawang sagot ni Margot. Halatang may tama na siya sa nainom. " Kasi kung makangiti ka sa waiter wagas, akala palang niya inaakit mo siya." napailing na sagot ni Axel. " Bakit ano bang masama sa ngiti ko, bes ganito na talaga ako diba! " hingi niya ng tulong sa kaibigan. " Hay nako, nagseselos lang yan bes!" napangiting sagot ng kaibigan. Pinagmamasdan kasi sila nito habang nag-aasaran. "Sayaw tayo!" maya-maya aya ni Trisha sa kanila saka tumayo at hinila ang nobyo pababa sa dance floor. Napailing si Margot. " Ayaw ko, hindi ako marunong sumayaw." tanggi niya habang inuubos ang tirang inumin sa baso niya. " Bes, uwi nalang kaya tayo, kasi parang naliliyo na a....." napalinga siya, biglang nawala sa paningin niya ang kaibigan. "Asan na yun ang bilis naman lumayas agad?" Napatawa si Axel sa sinabi niya. " Akala ko ba fighter ka, susuko ka na agad?" biro nito sa kanya. " Oi fighter 'to no! " ganti niya dito. " Okay! Ikaw may sabi ha, let's go downstairs." sabay lahad ng kamay nito sa harap niya. " What do you want?" kunwaring tanong niya. " Can you dance with me? " sumilay ang mapang-akit na ngiti nito. Ngiting nagpa-ibig kay Margot nang napakatagal na panahon. Ramdam na kasi niya ang kalasingan, kaya nahihiya s'yang sumayaw kasi baka makagawa pa siya nang mga bagay na hindi magugustuhan ni Axel. Ngunit tinanggap pa rin niya ang kamay nang binata upang hindi ito mapahiya. " Sir Axel baka mapahiya kayo hindi ako marunong sumayaw." bulong niya dito habang naglalakad sila patungong hagdan,napatingin ito sa kanya saka sumagot. " Just call me Axel, and don't worry saglit lang tayo doon kasi hindi din ako marunong." Lihim siyang kinikilig, maghunos-dili ka babae saway niya sa sarili. " Gosh si Axel Soriano yan diba?" narinig n'yang sabi nang nakasalubong nila na dalawang babae. " Oo nga ang gwapo sobra, sino yang kasama niya ang ganda artista ba yan?" napangiti si Margot sabay pisil sa braso ni Axel, kaya napatingin sa kanya ang lalaki. " Nakakakilig lang, hindi nila alam ngayon lang to bukas gising na ulit ako sa katotohanan " bulong niya sa lalaki bigla siyang nakaramdam nang konting kirot sa dibdib. Para hindi mahalata nito, hinila niya si Axel patungo sa gitna. " Dahil ngayon lang 'to samantalahin ko na ang pagkakataon." paglalambing niya sa lalaki. Napatawa nalang si Axel sa tinuran ng dalaga. " Bakit mo naman nasabi na ngayon lang 'to?" tanong ni Axel sa dalaga,hindi ito kumibo. Saktong pagdating nila sa gitna biglang nagpalit ng kanta, nagulat si Margot nang marinig ang paboritong kanta ni Axel Soriano. " Ikaw ang nag-iisang bituin sa kalangitan, Nagniningning tuwing ika'y namasdan, Pilit mang ika'y aabutin, Ngunit tadhana'y mapaglaro Pilit kang iniiwas sa akin" " Why? Ayaw mo ba nang kanta ko?" nakangiting biro ni Axel sa natigilan na dalaga. " No! I like this song so much!" sagot nito na umiiwas ang paningin. Biglang hinapit ni Axel ang baywang ng dalaga. Napatitig ito sa kanya, dahil halos dikit na dikit ang kanilang mga katawan. May ibang nakapansin sa kanila, kaya minabuti ni Margot na itago sa balikat ni Axel ang kanyang mukha. Halos magkayakap na sila habang sumasayaw, kaya damang-dama niya ang matipunong katawan nito " Nakatingin pa ba sila sa atin?" tanong niya sa lalaki. "Nope! Ba't ka kasi nahihiya?" tumatawang sagot nito sa kanya. " Kailangan mo pa bang itanong yan? Sikat kang artista, mayaman, CEO nang isang malaking kompanya, hindi pa ba yun sapat na rason?" sagot nang dalaga. " So what?" " Axel naman ehhh, hindi mo ak.... " hindi niya naituloy ang sasabihin dahil siniil nito nang halik ang kanyang mga labi. " Enough, okay? " " Okay!" maikling sagot niya, saka napatingin dito." Wag mo akong titigan dahil naiilang ako, kanina ka pa hmm." biro niya sa lalaki. Napa-smirk lang ito bilang sagot sa kanya. Natapos ang tugtog, magkahawak ang kamay na umalis sila sa dance floor. Hinanap nang kanyang mga mata si Trisha at Aaron. " Sinong hinahanap mo? " tanong nito sa kanya. " Yung lovebirds, kasi late na kailangan na naming umuwi." sagot niya rito. "Hatid nalang kita!" offer nito sa kanya. " Wag na maabala pa kita, makisabay na lang ako sa kanila." ngunit ilang minuto na ang nakalipas, hindi niya mahanap ang kaibigan, kaya tinanggap nalang niya ang offer ng lalaki. Habang nasa daan, nagtatanong si Axel tungkol sa kanya, kung ilang taon na ba s'yang nagtatrabaho sa kompanya. " Matagal ka nang nagtatrabaho sa kompanya, pero hindi kita napansin, first time lang kanina." saad nito. " Sa pagka laki-laki po ng kompanya ninyo, posible po talaga sir at saka thousand po ang empleyado ninyo hindi po hundreds, kaya wag ka na pong magtaka." mahabang paliwanag niya rito. Tumawa lang ito bilang sagot. Panaka-naka'y napasulyap siya sa lalaki habang nagmamaneho ito sa black Porsche na sasakyan nito. Ang gwapo kahit saang anggulo tingnan hayy. Bawal bang hilingin na sana wag nang matapos ang gabing ito? Sigaw ng isipan niya. Maya-maya nakarating na sila sa tapat ng apartment niya. "Thank you for tonight Sir Axel Soriano." habang nakangiti na saad niya. " It's my pleasure, nag-enjoy din naman ako na kasama ka." sagot ng lalaki, bigla itong napatingin sa labi niya. Dahil sa liit nang space sa loob ng sasakyan, madali lang nitong naangkin ang kanyang mga labi. Napapikit siya dahil sa sarap at kiliting dulot nito." Oh s'ya sige na, kasi baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko, idi-deretso kita sa bahay ko." biro nito sabay halik sa noo niya. Parang lumulutang sa alapaap na bumaba si Margot sa sasakyan nito. Nakangiting kumaway s'ya rito saka pumasok sa loob ng building. Pagdating niya sa apartment, wala pa ang kanyang kaibigan, napangiti nalang siya. Nagpabiling-biling sa higaan dahil hindi man lang siya dinalaw ng antok. Kinikilig na inaalala ang nangyari sa kanya ngayong gabi, at ang mga halik na pinagsaluhan nila. Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala ang sinabi nito, tungkol sa paghahanap nang katulong. Napangiti siya dahil sa kalokohang nasa isipan, alam niya na tutol dito ang kaibigan pero susubukan pa rin n'yang gawin. Bukas na bukas din mag-apply siya bilang kasambahay nito. Nakatulog siya habang iniisip ang plano kung paano siya makapasok bilang kasambahay ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD