Chapter 9

1138 Words
Mabigat ang pakiramdam ni Margot paggising niya kinabukasan. Nanlaki ang kanyang mga mata, dahil nasa ibang kwarto siya. Napatutop siya sa kanyang bibig nang makita ang katawan na hubot-hubad. Naipilig niya ang kanyang ulo, at pilit inaalala ang nangyari kagabi. " Oh my god!" bulalas niya. Hindi siya makapaniwala sa nagawa niya. Ano ang mukha na ihaharap niya kay Axel. Narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Dali-dali siyang tumayo at nagbihis saka lumabas sa kwarto ng lalaki. Naghilamos at nag toothbrush siya nang mabilisan upang maihanda ang agahan ni Axel. Hindi magkanda-ugaga si Margot, dahil naghalong panginginig ang kanyang bawat galaw. Napa-inat siya habang nasa harapan ng oven. Simpleng breakfast lang ang kanyang inihanda. Tuna with vegetable sandwich paresan ng orange juice. Naghanda rin siya nang kaunting prutas. Pagkalapag niya sa mesa inayos niya ito saka nagmamadaling umalis ngunit laking gulat niya nang makasalubong ang lalaki. " G-good m-morning Sir Axel!" nakayukong bati niya rito. " Bakit ka nakayuko?" tanong nito sa kanya. " Po? Wala po Sir!" sagot niya na hindi makatingin sa mga mata ni Axel. Tatalikod na sana siya nang magsalita ito. " Margot Alcantara?" " Po?" nagulat siya sa sinabi nito. Saka niya na-realize ang pangalan na binigkas nito, huli na ang lahat. Namutla siyang bigla, dahil alam niya ito na ang kanyang kataposan. Tumayo si Axel saka nilapitan ang dalaga. Nakita niyang umaatras ito, ngunit pader na ang nasa likuran nito. " Don't make fun of me. I know that you are Margot Alcantara! Remove your fake hair now! " utos niya sa dalaga. Biglang tumulo ang mga luha sa mga mata nito. Nakaramdam man nang awa si Axel sa dalaga. Ngunit masama ang loob niya rito. Hindi niya maintindihan kung ano ang intensyon nito. Kaya hindi siya masisisi kung pagdududahan niya ang dalaga. " I'm sorry sir! " wika nito sabay pahid sa mga luha sa kanyang pisngi. " Why? Why did you do this?" tanong niya rito. " Wala po akong masamang intensyon sir." tinitigan ito ni Axel. " Are you sure? Akala ko iba ka sa mga babaeng nakilala ko! Hinanap kita sa company, pero hindi na kita mahagilap. Kaya pala, dahil kasama lang kita dito sa bahay ko! You make fun of me Margot, you know that? You think, I'm stupid? Bakit nga ba hindi ko naisip na ikaw lang naman ang napagsabihan ko tungkol sa paghahanap ko ng kasambahay. " nanggagalaiti siya sa galit. Hindi niya maintindihan kung bakit sobrang galit siya sa ginawa nito. Dahil ba na-disappoint siya sa dalaga? " I'm so sorry Sir Axel! Please forgive me? " nagmamakaawa ito sa kanya. " Ayaw kong makita ang pagmumukha mo rito, when I get back home. My assistant will send your salary to your account." yun lang at walang ano-anu'y kinuha niya ang kanyang gamit at umalis. Iniwan niya ang dalaga na natulala. Tinawagan niya si Nikko. " Nik, find me kahit cleaners nalang ng bahay. I want twice a week. And then you'll be the in-charge of my meal every day. Dahil kasalanan mo ang lahat nang ito. Dagdagan ko ang trabaho mo. And one more thing, I want you to send Margot salary on her account. " halatang natigilan ito sa kabilang linya. " Wait sir, I don't understand. What happen to Margot, nag-resign ba siya? " tanong nito sa kabilang linya. " No, I fire her period! " hindi na nagawang magreact ng kanyang assistant dahil pinatay na niya ang cellphone. Samantala hindi makapaniwala si Margot sa bilis ng mga pangyayari. Naiwan siyang parang istatwa na nakatayo sa gilid ng mesa. Nanginginig ang kanyang mga kamay na humawak sa mesa. Dumating na ang kanyang kinatatakutan. Huli na ang lahat dahil ayaw na siya nitong makita. Matagal bago siya nahimasmasan mula sa pag-iyak. Tumayo siya at nagligpit sa buong bahay. Sa sala, kusina maging sa kwarto nito. Napaiyak siya nang makita ang pulang mantsa sa higaan nito. Pagkatapos nang lahat, siya pa rin ang talunan. Dahil naisuko na niya ang kanyang pinaka-iningatang kapurihan. Napaupo siya sa tabi nang malaking kama. Sabi nga nila nasa huli talaga ang pagsisisi. Kung nakinig siya sa kanyang kaibigan, hindi mangyayari ang ganito sa buhay niya. Hindi alam ni Margot kung paano niya natapos ang ligpitin, nakapaglaba na rin siya ng mga bed covers nito. Pagkatapos nang lahat nagtungo na siya sa kanyang kwarto saka niligpit ang kanyang mga gamit. Ayaw niya ring maabutan siya ni Axel sa pag-uwi nito. Halos mag-alas tres na nang hapon. Paalis na siya nang makita ang ballpen sa may lamesita. Kinuha niya ito saka nagsulat. SIR AXEL, MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT. I'M SORRY FOR EVERYTHING! PLEASE DON'T FORGIVE ME. MARGOT, pinatungan niya ito ng remote. Mabigat ang kanyang mga paa, parang ayaw umalis. Habang naglalakad palabas nang building, walang tigil din ang kanyang mga luha sa pagpatak. Nahihiya man ngunit wala na siyang matatawagan pang iba. " Trish!" Napahagugol siya nang iyak. Nasa tabi siya ng daan, nakaupo sa upuan na nasa tabi. " What the h*ll is happening, why are you crying?" tanong nito sa kanya. " I'm done!" " What?" bulalas nitong saad sa kabilang linya. "You mean, nahuli ka niya?" " Yes!" " Oh my god! Where are you?" " I'm still here in the front of his condo. Can you pick me up please, hindi ako makagalaw Trish." nagmamakaawa siya sa kaibigan. Alam nito ang sakit niya. May heart failure siya, mula pa raw ito noong bata pa siya. Palagi na siyang bumabalik sa hospital. Naging okay lang siya mula noong nagka-isip na at kaya niya nang ma-control ang sariling emotion. Kaya ganun na lamang ang pag-alala ng kanyang kaibigan sa kanya. Against man ito sa mga kalokohan niya, ngunit pinapabayaan siya nito, dahil alam nitong masaya siya. Nakaupo siya sa tabi habang hilam sa luha ang kanyang mga mata. Unti-unti siyang nakaramdam nang kirot sa kanyang dibdib. Maya-maya may humintong sasakyan sa harapan niya. Napatingin siya sa pag-aakalang si Axel, ngunit lalo lamang siyang nasaktan nang hindi ang mukha nito ang kanyang nasilayan. " Margot, enough okay? Let's go home, wag ka na munang mag-isip please." nag-aalala nitong saad. Inakay siya nito patungo sa sasakyan nitong naka-parking sa tabi. " Thank you!" aniya sa kaibigan. " Thank me later, let's go home first okay?" sagot nito. Hindi nila napansin ang isang sasakyan na nakaparada sa may 'di kalayuan. Nakonsensya si Axel sa ginawa niya sa dalaga, kaya nagmamadali siyang umuwi, nagbabakasakali na maabutan pa ito. Ngunit pagdating niya sa labas ng condo. Nakita niya itong umiiyak na nakaupo sa tabi nang daan. Lalapitan niya sana ito, ngunit nakita niyang parating si Trisha ang kaibigan nito. Kaya minabuti nalang niya na panoorin ito sa may 'di kalayuan. Alam niyang nasaktan ito sa mga sinabi niya. Hindi niya man lang ito binigyan nang pagkakataon na mag paliwanag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD