Chapter 10

1270 Words
Balik sa simpleng buhay si Margot. Tatlong linggo na rin ang nakalipas mula noong umalis siya sa bahay ni Axel. Naghahanap ulit siya nang mapasukan na trabaho. Umaga pa lang nang umalis siya sa apartment nila ng kanyang kaibigan na si Trisha. Iniwan siya nito sa may kanto malapit sa Mall. Habang naglalakad, bigla siyang nakaramdam nang pagkahilo. Kaya minabuti niyang maupo muna sa tabi. Bitbit niya ang kanyang shoulder bag at envelope na naglalaman nang resume. Ilang araw nang masama ang kanyang pakiramdam, para siyang lalagnatin pero hindi naman. Nagpatuloy siya sa paglalakad, pagdaan niya sa isang fastfood chain nakita niya ang karatula na nakadisplay sa labas. Pumasok siya rito at nagtanong sa cashier. " Excuse me miss, pwede bang magtanong kung hiring pa rin ba kayo?" tanong niya rito. Nabasa niya sa name tag nito ang Crislyn. " Yes po, inquire ka nalang po d'yan sa tabi." tinuro nito ang may nakapilang mga aplikante. " Thank you!" Nag-apply si Margot doon at natanggap naman kahit papaano. Hindi man kasing-laki nang sinasahod niya bilang model. Ngunit laking tulong na ito sa kanyang pang araw-araw. Dahil urgent hiring, pinag-umpisa sila kaagad kinabukasan. Masaya niyang binabati ang mga naging costumer niya. Tinuruan siya bilang trainee kung paano gamitin ang PoS ( Point of Sale ) machine. Madali naman niyang natutunan. Ilang araw ang nakalipas. Nakagamayan na niya ang trabaho rito. Maraming costumer ang pumupuri sa kanya, dahil sa angking ganda niya. Ngiti lamang at simpleng "Thank you po!" ang sagot niya rito. Masaya na si Margot sa ganoong sitwasyon. Ngunit isang araw hindi niya inaakala na ang nararamdamang pagkahilo ay mas lalong lumala. Paggising niya bigla na lamang siyang natumba, buti na lamang at nandoon pa sa Trisha ng mga oras na iyon. Narinig niya itong sumigaw bago tuluyang nilamon nang karimlan ang kanyang katinuan. Paggising niya, mukha nang nag-aalalang si Trisha ang nabungaran niya. " Bes, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. " Okay lang naman bes, anong nangyari bakit ako nandito?" saad niya, habang palinga-linga. Saka bigla niyang naalala, " Oh my god! I'm late Trish, anong oras na ba?" Hindi tumitinag ang kanyang kaibigan, bagkos tinitigan lamang siya nito. " Why are you looking at me, my problema ba? " tanong niya rito. " Margot, your pregnant!" Para siyang sinakluban nang langit sa narinig. " Me? Pregnant? " bulalas niya. She can't believe, " Trish, you're kidding me!" " How could I? This is not a funny thing! You don't believe me? I will call the Doctor, wait a minute." seryosong sagot nito. Tumayo ito saka lumabas nang kwarto. Napatitig siya sa kawalan. If this is true, okay I'm doomed, mariing sigaw nang isipan niya. Nang araw ding iyon, kinumpirma sa kanya ng Doctor na 4 weeks na siyang buntis. Hindi makapaniwala si Margot sa narinig. Nagbunga ang isang gabing kabaliwan niya. Umuwi sila sa apartment at nagpahinga nang buong araw. Hindi na rin pumasok si Trisha sa trabaho nito sa isang bangko. Manager ang kaibigan niya sa bangko na pag-aari ng pamilya ni Aaron ang nobyo nito. Pareho silang nakatitig sa screen ng tv habang nakahilata silang dalawa sa sofa. " Margot, me too, I can't believe it!" nagulat siya dahil bigla itong nagsalita. " Ito na ang resulta nang kabobahan mo!" bigla itong umupo at tumingin sa kanya. " Yahh, I admit it Trish. Kahit ako, hindi ko matanggap ang nangyari. I didn't expect this to happened. I decided to be his surrogate because, I'm thinking that it's an easy thing to do. I can stay with him. And I have a memorable gift for him. But now, this is the reality. I'm alone facing this situation, my child will become an orphan like me." bigla siyang napaiyak dahil sa iniisip niya. " No! Your child is not like you! We are here, I am here! Hindi ko kayo pababayaan, just promise me one thing Margot. Wag na wag mong ilagay sa kapahamakan ang buhay mo at ng anak mo okay? " umiiyak na niyakap niya ang kanyang kaibigan. Sobrang thankful siya, dahil nagkaroon siya ng isang kaibigan na katulad ni Trisha. Dahil hindi pa halata ang tiyan ni Margot minabuti niyang magpatuloy sa trabaho. Laking pasasalamat niya dahil hindi siya maselan sa mga amoy. Antok lamang ang tanging kalaban niya sa araw-araw na trabaho. Samantala, nagulat si Axel dahil pag open niya ng message ni Aaron, mukha ni Margot ang nakita niya. Maya-maya tumawag ito sa kanya. " Dude, this is Margot right?" tanong nito sa kanya. " Yeah!" maikling sagot niya. Top trending ito sa Pinas dahil sa pagpuri ng isang Netizens sa kagandahan nito. Million kaagad ang views ng video. Halatang isa sa mga costumer ng fast food ang nag-upload nito. Hindi niya alam kung bakit parang iba ang naramdaman niya habang pinapanood ng video nito. Masaya itong nagtatanong sa mga costumer. Ngunit napansin niya ang bahagyang pangangayayat nang katawan ng dalaga. " Hindi mo pa rin ba siya napapatawad?" biglang tanong ng kanyang kaibigan sa kabilang linya. " Kailangan pa ba 'yon bro? She's out of my life now!" he answered. " Are you sure!" pang-aasar nito sa kanya. " Of course!" " O, baka si Millie pa rin ang reason? " saad nito. " Never mind," tumawa ito nang malakas dahil sa sagot niya. " See you later bro! " wika nito saka nagpaalam na. Schedule nilang magkita sa Parkon club ngayong gabi. At the Parkon club. As usual kanya-kanyang babae ang mga tropa niya. Mga dating kasamahan niya sa Entertainment Industry ang iba niyang tropa walo silang lahat. Namataan niya si Aaron kasama ang girlfriend nito na kaibigan ni Margot. Tumingin ito sa kanya ngunit halatang may galit. Agad itong umiwas at nag-focus sa cellphone nito. Umupo siya sa tabi ni Tristan, isang businessman din tulad niya. " Wala ka atang chiks." puna ni Tristan sa kanya. " Wala sa mood bro! " sagot niya rito sabay lagok sa hawak na basong may laman na whiskey. Nanatili lang siyang nakatingin sa mesa na punong-puno nang iba't-ibang pagkain. Wala siyang pakialam sa mga kaibigan na naglalampungan sa tabi niya. Inubos niya ang laman ng baso saka tumayo at lumabas sa VIP room na kinaroroonan nila. Pagliko niya sa hallway, nakilala niya ang boses na nagtatalo sa tabi. Habang palapit siya ay nakilala niya ito sina Aaron at Trisha. " No! Hindi niya pwedeng malaman ang kalagayan ni Margot. Inabanduna niya ang kaibigan ko. I hate him, kaya naming buhayin ang bata kahit wala siya. Please, Aaron if you really love me. We need to respect Margot's decision. Ayaw niya na maging pabigat sa kahit sino." nagitla siya sa narinig. " But, my friend needs to know also! " narinig niyang sagot ni Aaron sa girlfriend nito. " It's up to you then! " yun lang at tinalikuran nito ang kanyang kaibigan. Para siyang ipinako sa kanyang kinatatayuan. Noon gustong-gusto niyang magka-anak kaya nga niya nagawa iyon kay Margot. Pero bakit parang natatakot siya na hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Pero karapatan niyang malaman at makita ang bata. Naguguluhang isinandal niya ang kanyang likod sa pader. Nagulat naman siya nang dumaan si Aaron sa tapat niya. " How long, have you been there bro?" gulat na tanong nito. " It's been a while, why?" he asked. " Nothing, wala ka bang narinig?" he didn't give him an answer. " Silence, means yes?" Nakita niyang napakamot ito sa ulo. " If you already know about Margot. I'm doomed bro, Trisha wants to break up with me." naiintindihan niya ang nararamdaman ng kanyang kaibigan. Alam niyang mahal na mahal nito ang girlfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD