Chapter 11

1246 Words
" Lily, pwede bang ikaw muna rito magbanyo lang ako saglit." pakisuyo ni Margot sa isa niyang kasamahan. " Okay no problem!" Mabilis siyang nagtungo sa bathroom dahil pakiramdam niya lalabas na ang kanyang kinain. Halos isinuka niya lahat nang laman ng kanyang sikmura. Naramdaman na niya ang unti-unting pag-umbok ng kanyang tiyan. Tinitigan niya sa harap ng salamin ang kanyang mukha. Medyo pumayat siya. Dahilan na rin siguro sa stress at kawalan nang ganang kumain. Pabalik na siya ng mapansin ang nagkakagulong mga costumer. Dali-dali siyang lumapit sa pag-aakalang nag-aaway ang mga ito. Ngunit ikinabigla niya ang paglitaw nang pamilyar na mukha. " Sir Axel?" Agad-agad siyang tumalikod upang magtago sa loob ngunit huli na ang lahat. " Margot! Wala ka bang balak magtago?" narinig niyang sabi nito. " S-sir hindi po sa gano'n. Babalik po ako sa loob." sagot niya. Hindi niya maiwasang mataranta. " Bakit nga ba siya matatakot gayong ito ang nagpalayas sa kanya?" sigaw ng isipan niya. " Can I talk to you? " Nagulat siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa mga tao sa kanilang paligid maraming nakatingin sa kanila. Sigurado siyang narinig ng mga ito ang kanilang pinag-usapan. Hindi niya alam kung ano na naman ang naisipan nito at pinuntahan siya rito. Bigla niyang naalala ang pagpalayas nito sa kanya. Simula nang araw na iyon pinangako niya na hindi siya muling magpakabaliw sa lalaking ito. " I'm sorry, may trabaho pa po ako! " sagot niya rito saka tumalikod at iniwan ang lalaki. Pinilit niyang mag-concentrate sa trabaho. Buti na lang at matatapos na ang shift niya. Nagmamadali siyang lumakad palabas nang pinapasukang fast food chain. Nagmasid muna siya sa paligid kung wala ba ang lalaki. Nakahinga siya nang maluwag kapagkuwan. Habang naglalakad sa daan patungo sa sakayan. Biglang huminto sa kanyang tabi ang isang Rolls-Royce na itim. Agad siyang tumabi, dahil sa gulat ang lakas nang kabog ng kanyang dibdib. " Ano ba ayaw ko pang mamatay no!" sigaw niya sa may-ari ng sasakyan. Bigla bumukas ang bintana ng sasakyan at iniluwa nang gwapo mukha ni Axel. " Get in, we need to talk!" " No, wala na tayong dapat na pag-usapan." sagot niya sa lalaki. Aakma siyang tatalikod nang magsalita ito. " Gusto mo bang lumabas pa ako rito. Maraming tao rito, pag nakita tayong magkasama sigurado ako sikat ka na bukas." nakangising saad nito. Hinahamon niya ba ako? Bulong niya, napataas ang kanyang kilay. Pero ayaw niya ring mangyari iyon. Dahil sa dami ng fans nito paniguradong bash ang aabutin niya. Napatingin siya sa lalaki. " Ngayon lamang 'to Axel Soriano! " saad niya saka pumasok sa loob ng sasakyan nito. " Hindi na kita amo kaya wala nang dahilan para mag-usap pa tayo." nakasimangot niyang wika. Mabilis nilang nilisan ang lugar na iyon. Humantong sila sa tabing dagat. Malayo sa karamihan. Dahil gabi na hindi nila makikila si Axel. " Sabihin mo sa akin kung ano ang sadya mo. Dahil ito na ang huling pakikipag-usap ko sa'yo!" saad niya habang nakatingin sa malawak ng karagatan. " Wala nga bang dahilan ha Margot? Baka mayroon kang itinatago sa akin." sagot nito na ikinagulat niya. May alam kaya ang lalaking 'to? Napatingin siya rito. " At ano naman sa tingin mo ang tinatago ko?" tanong niya. Para siyang natutunaw na ice sa titig nito. Hindi niya malaman kung galit ba o hindi. " Are you sure Margot?" " Yes!" mabilis na sagot niya. Inuubos talaga ng babaeng 'to ang pasensya niya. Bigla niya itong hinila palapit sa kanya. Hindi niya maaalis ang tingin sa dalaga. Dahil bumalik na ulit ang mukha nito sa dati. Walang braces, wala ring salamin sa mata at saka wig. Ngunit dahil sa pagmamatigas nito napilitan siyang magalit. " Huwag mong subukan na ubusin ang pasensya ko Margot." saad niya sabay binitiwan niya ito. Muntikan na itong matumba dahil sa ginawa niya. " Ano ba kasing problema mo!" sigaw nito sa kanya. Nag-umpisang pumatak ang mga luha nito sa pisngi. " Lumayo na ako sayo! Pero bakit andito ka na naman nanggugulo!" " I'm sorry!" sagot niya. Hahawakan niya sana ito ngunit agad nitong iwinaksi ang kanyang kamay. " Don't touch me! Tapos na ang kahibangan ko sa'yo!" pinahid nito ang mga luha sa pisngi saka humakbang palayo. " We are not done yet Margot! Nasa sinapupunan mo ang anak ko, right?" tanong niya sa dalaga. Natigilan ito at biglang napahinto. Ngunit nanatiling nakatalikod sa kanya. " Hindi ko alam yang mga pinagsasabi mo. Nahihibang ka lang Sir Axel. Kalimutan muna ang sinabi ko noon sa'yo. Goodnight! " hindi siya nakagalaw sa kanyang kinatatayuan. Mabilis ang mga hakbang niya upang mahabol ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay nito saka hinila paharap sa kanya. " You are lying to me!" malumanay niyang wika." Margot please tell me the truth! " " Mula noong lumabas ako sa pintuan ng bahay mo. Isinumpa ko na sa sarili ko. Ano man ang mangyari ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo!" bulyaw nito sa kanya. " Okay, I understand you. But, what about our baby? " tanong niya. Pinilit niyang maging mahinahon dahil alam niyang hindi nakakatulong kung pati siya ay galit. Biglang tumahimik ang dalaga. Ibinaling nito ang tingin sa kadiliman ng karagatan. " My child is only mine. Tapos na tayo 1 month ago Sir." hindi niya papayagan ang nais nito. Hinarap niya ang dalaga at hinawakan ang mukha nito. " You mean, buntis ka talaga?" tinitigan siya nito. " Buntis ako pero hindi ko ibibigay sayo ang anak ko. Wala akong pinirmahang kasunduan sayo. I have my right Sir!" Niyakap niya nang mahigpit ang dalaga. " Thank you so much Margot. For giving me a child." Pilit kumawala ni Margot sa kanya. " I told you, anak ko lang ito. Tapos na ang ugnayan natin mula noong umalis ako sa bahay mo Axel! " mariing tanggi nito. " Don't be selfish Margot!" " Paano kung sabihin ko saiyo na hindi ikaw ang ama ng dinadala ko. Papanagutan mo pa rin ba?" biglang sumeryoso ang mukha nito. Natigilan siya at hindi kaagad naka sagot." You are playing with me, woman! Alam kong ako ang ama niyang dinadala mo! " " Paano ka nakakasiguro? " tanong nito sa kanya. " Oh! Hinahamon mo talaga ako? Okay let's go! I will prove to you na nagkakamali ka nang hinahamon." galit na sagot niya. Hinila niya ito papunta sa sasakyan. Hinawakan nito ang kamay niya. " No! Wait, Axel listen to me first. " biglang tutol nito. Nilingon niya ang dalaga. Hindi maipinta ang mukha nito sa takot. " Mag-deny ka pa? Don't challenge my ability Margot. Dahil baka maubusan ako nang pasensya saiyo." aniya sa dalaga. Biglang nakaramdam nang takot si Margot sa narinig mula sa lalaki. Hindi naman sa ayaw niyang panagutan nito ang bata. Kundi dahil unti-unti na niyang natanggap ang kanyang sitwasyon. Takot siya na baka paglabas ng bata kukunin nito sa kanya. Sobrang pinagsisisihan niya ang kanyang desisyon noon. Na-realize niya lately na madali lang sabihin na ayaw niya sa bata. Pero kapag andyan na mahirap palang pakawalan. " I'm sorry, hindi ko magagawa ang sinabi mo noon na maging surrogate mother. Hindi pala madali mag desisyon pag andiyan na." nanginginig ang mga luhang sagot niya. Bahagya namang lumambot ang mukha ng lalaki. " Okay, kung ano man ang balak mo we will discuss it tomorrow. Gabi na, kanina pa tayo nakatayo rito. Baka magkasakit ka pa." inakay siya nito patungo sa nakaparadang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD