Akala ni Margot, ay ihahatid siya ni Axel sa kaniyang apartment. Ngunit nagulat siya paggising niya kinabukasan nasa condo na siya ng lalaki. Dahil sa matinding pagod kaya siya nakatulog sa kanilang biyahe. Napabalikwas siya nang bangon.
" Nasaan ako?" bulalas niya. Napalinga siya sa kanyang paligid. Pamilyar sa kanya ang kwartong ito. Napadako ang tingin niya sa picture frame sa ibabaw ng mesa. " Oh my goodness! Bakit ako narito!"
Mabilis ang galaw na tumayo siya mula sa higaan ng lalaki. Inayos niya ang kanyang sarili saka mabilis na humakbang patungo sa pinatuan. Dahan-dahan siyang lumabas sa kwarto ng lalaki habang nakatihin upang walang mabuong ingay Walang tao sa sala kaya tuwang-tuwa si Margot. Mabilis niyang tinungo ang pintuan at dahan-dahang pinihit ang seradura.
" Where are you going?" Nagulat siya at saglit na napatigil sa ginagawa. Nanatili sa seradura ang kanyang kanang kamay. Para siyang istatwa na nakatayo sa tabi ng pinatuan.
Napangiti naman si Axel sa reaction ng dalaga. Dahan-dahan siyang lumapit rito. Napatayo ito nang matuwid saka tumitig sa kanya. " U-uwi ako k-kasi may trabaho pa ako."
" At sinong may sabi saiyo na magtatrabaho ka?" tanong niya habang patuloy sa paglapit rito. Ilang dangkal nalang ang pagitan nilang dalawa.
" Ako! Siyempre, saan ako kukuha nang pambili ko ng pagkain." she looks so adorable. Napangiti siya nang tuluyang makalapit kay Margot.
Hinaplos niya ang makinis nitong mukha, habang tinitigan ito. " Darling, gaano ba karami ang kinakain mo, hindi ba sapat ang lahat ng savings ko? "
Napalunok si Margot nang dumako sa kanyang labi ang mga mata nito. Pilit niyang nilalabanan ang nanunuksong titig ng lalaki. " Ayaw kong umasa saiyo!" saad niya.
" Really? At ano ang balak mong gawin? " biglang nagbago ang templa ng mukha ni Axel.
Nakipagtagisan nang titig si Margot sa lalaki. Kung noon baliw na baliw siya rito. Pero ngayon hindi na siya papayag na manaig ulit ang kanyang puso.
" Kung ano man ang binabalak ko, wala ka na roon! " sagot niya sabay bukas ng pintuan. Ngunit kahit anong pihit niya hindi ito mabuksan. " Buksan mo ang pinto Sir Axel please. I want to go home." pakiusap niya rito.
Tinalikuran siya nito. " Mula ngayon, ito na ang bahay mo hanggang sa manganak ka. Wag na wag mong tangkaing tumakas dahil kahit saan ka pa magtago, mahahanap pa rin kita tandaan mo 'yan." Kinilabutan si Margot sa narinig.
Ito na nga ang kinatatakotan niya. Hindi niya alam kung paano malulusutan ang sitwasyong ito. Sabi nga nila, palaging nasa huli ang pagsisisi. Kaya ito ang nangyari sa kanya ngayon. Dahil sa kalandian niya makukulong siya sa bahay na'to na hindi niya alam kung anong estado ang meron sila. Napahawak siya sa kanyang puson. Alam niyang ang bata lang ang habol nito sa kanya.
" Can I talk to you?" aniya sa lalaki habang sumusunod rito patungong kwarto nito. Hindi niya napansin na nakapasok na pala siya sa loob.
" What do you want to talk about?" sagot nito habang namimili ito ng damit sa closet.
Huminga muna siya nang malalim bago sumagot.
" Gusto kong pag-usapan kung ano ang plano mo. Hindi kita pinipilit na panagutan ang anak ko." Nanatili siyang nakatayo sa tabi nito habang magkadaop ang kanyang mga kamay upang maibsan ang kabang naramdaman.
Sinulyapan siya nito.
" Bakit ayaw mo bang panagutan kita?"
" Yes!.. I mean, okay lang kahit hindi. Kasi alam ko namang ang bata lang ang habol mo sa akin. " napahinto ito sa pagsuot ng dark blue suit nito.
" Mabuti't alam mo! Anak ko iyang dinadala mo. Kaya hindi ako papayag na isilang mo yan na wala ako!" singhal nito sa kanya.
Biglang nanghina si Margot sa narinig. Paano pala pagkatapos niyang manganak, kukunin nito ang bata sa kanya?
" Pagkatapos kong manganak, anong balak mo? Kukunin mo sa akin ang bata? " kinakabahang tanong niya sa lalaki.
Natigilan naman si Axel sa tanong niya, hindi kaagad siya nakasagot.
" How much do you want?" namutawi sa bibig niya.
Biglang nawalan nang lakas si Margot. Mabilis naman siyang nahawakan ni Axel, dahil muntikan na siyang matumba. Hindi niya inaasahan ang mga salitang 'yon na lalabas sa bibig nito. Para siyang sinampal nang paulit-ulit. Biglang tumulo ang kanyang mga luha. " H-how much? Kung sasabihin ko bang ibigay mo sa akin lahat nang pag-aari mo papayag ka ba?"
Mataman siyang tinitigan ni Axel. Hindi niya rin inalis ang kanyang mga mata sa lalaki. "Hindi ba ikaw ang nag-offer ng sarili mo sa akin?" nakakainsultong tingin ang pinukol nito sa kanya.
Bahagyang napaatras si Margot. Inani na niya ang lahat nang kabobahan niyang ginawa noon. Matamlay na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. " Oo nga pala, ano! I'm sorry, I forgot Mr. Soriano! " iyon lang at walang ano-ano'y tinalikuran niya ang lalaki. Dumiretso siya sa dating kwarto na inuukupa niya noon saka ini-lock ang pinto. Umiiyak siyang nakadapa sa malaking kama. Saka paulit-ulit na isinisigaw sa kanyang isipan ang salitang," I hate you! ". Nang mahimasmasan, tumayo siya saka nagtungo sa bintana.
Ilang beses siyang tinawag ni Axel mula sa labas ng pintuan. Hindi siya nag-abalang pagbuksan ito. Mayamaya narinig niyang tumunog ang lock ng pinto, kasunod ang pagbukas nito. Nanatili siyang nakatayo sa tabi ng bintana habang walang humpay ang pag-agos ng kanyang mga luha. Narinig niya ang yapak na papalapit sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin.
" This is your personal needs. Tawagan mo lang ako pag mayroon kang kailangan. Huwag ka nang maglinis dito sa bahay dahil may katulong na naglilinis dito araw-araw. Tanggalin mo sa iyong isipan ang tumakas dahil hindi yan uubra sa akin." wika nito sa kanya.
Nilingon niya si Axel." Are you done? Makakaalis ka na! I don't want to see your ugly face. " sagot niya sabay turo sa pintuan na bukas. Mabibigat ang hakbang na tinungo ni Axel ang pintuan saka binalibag.
Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili. Bakit siya nakakaramdam nang awa sa babae. Buo na ang kanyang desisyon na ang bata lang ang kanyang tatangapin. Ngunit hindi siya nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin. Sa ngayon hindi pa siya handang makipagrelasyon. Kahit na alam niya sa kanyang sarili na malapit sa puso niya si Margot. Bakit nahihirapan pa rin siyang magsimulang muli. Naihampas niya sa manibela ang kanyang kamay. " Dammit!"