Chapter 13

1172 Words
Ilang araw na walang ganang kumain si Margot. Mula noong dinala siya ni Axel sa condo, hindi na niya nasilayan ang mukha nito. Halos araw-araw siyang nagsusuka, walang pagkain na nais pumasok sa kanyang sikmura ang resulta malaki ang kanyang ipinayat. Tinawagan siya ni Trisha upang kumustahin. Nahihiya siyang sabihin dito ang totoo niyang kalagayan. Dahil kahit siya ay sobra ang kanyang pagsisisi sa daang tinahak. Hindi siya naniwala sa kanyang kaibigan na tanging nagmalasakit sa kanya. Sa tuwing nararamdaman niyang dumating na si Axel agad-agad siyang nahiga at kunwaring natutulog. Hindi niya alam kung ano ang balak ng lalaki pagkatapos niyang manganak. Kaya ngayon pa lang ay nababahala na siya. Hindi siya lumalabas nang kwarto. Hinahanda lang ni Aling Amelia ang mga pagkain sa mesa bago ito uuwi. Alas onse nang gabi, ginising siya ng kanyang sikmura. Nakaramdam si Margot nang gutom, kaya lumabas siya at nagtungo sa kusina upang maghanap ng pagkain. Tatlong buwan na ang kanyang tiyan. Pagdating niya sa kusina kanyang napansin ang mga tinakpang pagkain sa mesa. Ngunit sa hitsura palang ng pagkain para nang lalabas ang kanyang sikmura. Binuksan niya ang ref, nakakita siya ng isang buo na cauliflower. Kinuha niya ito saka dinala sa lababo upang hiwain at pakuluan. Ayaw niya nang mabahong amoy kaya mas gusto niya ang pakuluan lang. Dahil sa gutom ay nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinihiwa niya ang gulay. Mayamaya hindi niya napansin pati kamay na niya ang nahiwa. Isang ilaw lang ang bukas, kaya para siyang magnanakaw na dahan-dahang gumagalaw. Ngunit dahil sa gulat niya sa dugo na lumabas mula sa kanyang daliri nabitiwan niya ang kutsilyo. Tumutulo ang kanyang mga luha dahil sa takot sa maraming dugo na pumatak mula sa kanyang kamay. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Binalot niya ng tissue ang daliring may sugat, ngunit dahil medyo malaki ito wala pa ring humpay ang daloy ng dugo. Umiiyak na siya sa takot. Mabilis siyang lumakad patungo sa kanyang kwarto. Subalit bago pa siya nakarating sa bungad ng kanyang kwarto nakasalubong niya si Axel. Huli na bago pa niya tinago sa kanyang likuran ang kamay na duguan nakita na ng lalaki. " What happened? Bakit may dugo ang kamay mo?" nagtatakang tanong nito. Napatingin siya rito. " W-wala naipit lang. Excuse me sir." sagot niya saka nagtuloy-tuloy sa loob ng kwarto niya. Ngunit habang naglalakad si Margot nakita ni Axel ang mga patak ng dugo sa sahig. " May sugat ka? " dali-dali niyang sinundan ang babae na mukhang nataranta. Hinablot niya ang kamay nito. Saka niya nakita ang malaking hiwa sa hintuturo nito. " Damn it! What did you do!" bulyaw niya sa babae habang mabilis na nagtungo sa kinaroroonan nang first aid kit. Hindi sumagot si Margot sa kanya. Nakaupo lang ito sa kubeta habang tulala na nakatingin sa daliri nito na ginagamot niya. Kahit natapos na niya ang paglilinis sa sugat nito, hindi pa rin ito natinag. Ngayon lang niya napansin ang malaking ipinayat nito. Nakaramdam siya nang kirot sa kanyang puso habang minamasdan si Margot. Malayo sa hitsura nito noon na napakaaliwalas. Ngayon mugto ang mata at kitang-kita ang collarbone. Lumiit din pati ang mukha nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari kung bakit ganoon nalang kabilis ang pagpayat nito. Dumako ang kanyang tingin sa tiyan nito na bahagya nang lumaki. Sinabi sa kanya ni Aling Amelia noong nakaraang linggo na may pre-natal check up si Margot ngunit hindi niya ito sinamahan. " My food!" napukaw ang kanyang atensiyon dahil biglang tumayo si Margot. Nagmamadali itong lumakad patungo sa kusina habang nakayapak lang. Sinundan niya ito sa kusina. Nakita niyang nagkalat ang cauliflower sa lababo at maraming dugo sa sink. Nakita niyang hinuhugasan nito ang mga dugong nagkalat bago nagpatuloy sa paghiwa. Nagtaka siya dahil maraming pagkain sa mesa na gawa ni Aling Amelia, bakit kailangan pa nitong magluto. Lumapit si Axel sa mesa saka kinuha ang isang pot na may lamang kare-kare. Lumapit siya kay Margot saka binuksan ito at pinakita ang laman. " Nagpapagod ka pa at nag-aaksaya ng pagkain. Hindi mo ba nakita ang mga pagkain dito sa mesa? Niluto iyan para saiyo! Anong drama na naman ba ito?" nilapag niya ang pagkain sa harapan ni Margot. Napatingin si Margot sa pagkain na nasa kanyang harapan, bigla niyang naamoy ang kare-kare. Nakaramdam siya nang pag-alsa ng kanyang sikmura. Napatakbo siya sa banyo. Dahil walang laman ang kanyang sikmura tubig ang lumabas sa kanyang bibig. " Please lang, nagugutom na ako. Kung balak mo akong patayin, saksakin muna ako dahil ako'y napapagod na sir!" umiiyak na saad niya. Halos manlupaypay na siya sa gutom. " Maraming pagkain sa mesa, hindi mo ba nakita? Hindi uubra sa akin yang ka-dramahan mo Margot. " singhal ni Axel sa kanya. Napahagulgol si Margot nang iyak. Ang buong akala niya, maaawa ito sa kanya dahil nasa sinapupunan niya ang anak nito. Ngunit nagkakamali siya. " I'm sorry, babayaran ko nalang lahat nang nasirang pagkain. " aniya sabay tayo at nagtungong muli sa kusina. Hinawakan ni Axel ang braso niya. " What did you just say?" " Hindi mo narinig? I will pay you everything. Kahit lahat pa nang pinakain mo sa akin dito sa pamamahay mo. Dahil ayaw ko na magkakautang saiyo bago ako umalis dito." saad niya saka tinalikuran ito. Pinakuluan niya saglit ang cauliflower saka nilagay sa plato. Kahit si Margot ay nagtaka kung bakit gano'n takam na takam na siyang kumain kahit walang timpla. Umupo siya sa dulo ng mesa. Pinapanood lang siya ni Axel habang kumakain. " Sarap na sarap ka riyan sa kinakain mo kahit walang lasa?" narinig niyang sabi nito. Inirapan niya lang ito. " Matulog ka na. Huwag mo na akong pakialaman dito." Kumuha si Axel ng tubig sa ref. " Akala ko ba babayaran mo ako! Bakit mo ako pinapaalis." Umupo siya sa upuan na nasa harap nito. " Alam mo namang wala pa akong trabaho sa ngayon. Pero huwag kang mag-alala may kaunti pa naman akong ipon. Bukas at bukas din babayaran kita." malungkot nitong saad. Nakonsensya naman siya. Alam niyang takot na takot ito kanina dahil parang papel na ang mukha nito. Nagawa niya pa itong pagalitan. " I'm sorry, " " No need to say that. Ako ang dapat humingi nang pasensya sa'yo dahil sa panggugulo ko sa buhay mo." Bahagyang ngumiti si Margot, ngunit andoon pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata. " Nagpakabaliw ako sa'yo noon. Iniwan ko ang aking magandang trabaho sa kompanya mo upang mag-apply bilang housemaid. Nakakatawa hindi ba? Para lang mapalapit sa'yo, masilayan ka araw-araw. Nagawa ko pa nga na ialay ang sarili ko sa'yo! Sa tuwing naiisip ko ang mga kalokohang iyon naisip ko nalang kung gaano ako katanga. Ngayon unti-unti na akong nagising sa katotohanan sir. Ngunit huli na, dahil hindi ko na maibalik pa ang lahat." A wry smile came out from her delicate face. Nagulat si Axel sa inamin ni Margot sa kanya. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit siya nasaktan sa sinabi nitong nagising na ito sa katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD