"Bro, naninibago ako sa kanya. Imagine, pinakuluan niya ang cauliflower na walang timpla kinain niya iyon kahit walang lasa." sumbong niya sa kaibigan na parang bata. Tinawanan lang siya ni Aaron.
"Bro, sa pagkakaalam ko ganun talaga ang mga naglilihi. Kahit walang lasa para sa atin pero sa kanila masarap. Bakit hindi mo man lang ba siya tinatanong kung ano ang naramdaman niya?" mahabang pahayag ng kanyang kaibigan.
Umiling siya.
"For what na tanungin ko siya? Manang Amelia is there everyday." Sagot niya at ibinalik ang tingin sa monitor ng kanyang computer.
Tumayo si Aaron mula sa sofa at dahan-dahang humakbang paglapit sa kanya. "Akala ko ba masaya ka dahil sa wakas matutupad na ang matagal mo ng binabalak na magkaanak. Ngunit bakit parang iniiwasan mo siya ngayon. Noon hinanap mo siya dahil hindi mo na siya nasilayan dito sa kompanya mo. Ngayong kasama mo na siya at magiging ina pa ng anak mo ikaw naman tong pilit na layuan siya. What's that drama, Bro?! Remember, hindi na yan role sa pelikula na pinagbibidahan mo!" may halong dismaya ang tunog ng boses ng kanyang kaibigan.
Matagal na niyang kaibigan si Aaron Sebastian, ngunit ngayon lang ito nakapagsalita ng ganito sa kanya. Napaangat ang kanyang mukha at tinitigan ang kaibigan. Nakatukod ang dalawang kamay nito sa kanyang mesa habang nakatingin sa kanya.
"Saan mo natutunan ang mga salitang iyan? Himala ata na lumabas yan mismo sa bibig mo." tumatawang sagot niya rito. "O, dahil sa girlfriend mong kaibigan niya?!" tumayo siya at nilapitan ang kaibigan.
"I don't care kung ano ang iisipin mo. But for me, she's still a woman, Axel. At magiging ina siya ng anak mo!" paalala nito sa kanya.
"And she lie to me. She hide her real identity. She pretend to be nerd and try to seduced me. She's my stalker, and what else? Bro, don't you know that? Sino ang makakalimot sa ginawa niya sa akin? Akala ko siya na, ngunit parang Cinderella lang pala yun, isang gabing kaligayahan." puno ng poot na sambit niya.
Si Margot ang ikalawang babae na nagsinungaling sa kanya. Ginawa siya nitong tanga. Halos laging laman ng kanyang isipan ang masayang mukha nito, ngunit hindi niya alam na ang babaeng hinahanap niya ay nasa loob lang pala ng kanyang tahanan at lagi niyang kasama?!
"Okay, It's up to you then. You already heard my opinion. Sana, huwag mo lang siya masyadong pahirapan dahil hindi madali ang buhay ng isang buntis. I'll better leave. Bye, bro!" Aaron said before he open the door and left.
Matagal siyang nakatitig sa kawalan habang nakaupo sa kanyang swivel chair. Naalala niya ang ginawa ni Margot kagabi sa kusina. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang number sa kanyang bahay. Halos dalawang minuto rin bago may sumagot sa telepono.
"Hello!"
Narinig niyang sagot ni Manang Amelia mula sa kabilang linya.
"Bakit matagal na walang sumagot manang?" tanong niya sa matanda.
Narinig niyang huminga ito ng malalim sa kabilang linya.
"Kasi po sir, kanina pa po ako kumakatok sa kwarto ni Margot wala pong sumasagot. Nag-aalala kasi ako dahil hindi man lang siya lumalabas ng kwarto niya. Hindi pa ho siya kumakain hapon na po e." puno ng pag-aalalang sumbong ng matandang kasambahay niya.
"Okay manang, you can go home now. Pauwi na rin naman ako. Ako na ang bahala sa kanya. Salamat."
Iyon lang at binaba na niya ang telepono. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Mayamaya tumayo siya at mabilis niyang kinuha ang nakasabit na suit sa sabitan na nasa kanyang likuran. Agad namang lumapit sa kanya si Nikko nang matunugan nitong paalis na siya.
"Let's go, Nik!"
"Okay."
Samantalang hindi mapakali si Margot sa loob ng kanyang kwarto. Kahit ano nalang ang kanyang maisipang gawin. Kahapon nagbigay siya ng pera kay manang upang magpabili ng sinulid at karayom. Noon kasing nalaman niya na buntis siya. Pagdaan niya sa isang establishment, nakita niya ang tindang mga damit na pangbata bumili siya ng ilang piraso niyon kaya iyon ang nais niyang burdahan. Natuto siyang magburda noong nasa bahay-ampunan pa lamang siya. Kaya ngayon ay magagamit na niya iyon para sa kanyang anak. Napatingin siya sa labas ng bintana. Hapon na naman, mayamaya darating na naman si Axel. Daig pa niya ang isang preso, na oras lang ang binabantayan.
Abala siya sa pagbuburda buong tanghali. Hindi rin siya nakaramdam ng gutom kahit ilang beses na siyang bumalik sa banyo dahil sa walang tigil na pagsusuka. Narinig niya ang mga katok sa pinto ni manang ngunit wala siya sa mood na pagbuksan ang matanda.
Malapit na sana niyang matapos ang isang damit ngunit nakaramdam siya ng pag-alsa ng kanyang sikmura kaya agad siyang napatakbong muli sa loob ng banyo. Pinusod niya paitaas ang kanyang lampas balikat na buhok. Kitang-kita ang kanyang kapayatan dahil sa suot niyang loose na t-shirt na tinanggalan niya ng manggas.
Halos nakaupo na si Margot sa tabi ng kubeta. Dahil walang laman ang kanyang sikmura, kaya puro tubig ang kanyang naisuka. Iyon ang kanyang sitwasyon na nabungaran ni Axel. Hindi niya namalayan ang papasok nito sa kwarto niya. Nagulat nalang siya dahil may malapad na kamay na humahagod sa kanyang likod. Nilingon niya ito. Hindi na siya nagtaka kung paano ito nakapasok.
"What happened to you?"
"As you see! I'm playing here inside the toilet, Mr. Soriano." pabalibag niyang sagot dito.
"Margot Alcantara!"
Napaangat ang kanyang mukha at tiningnan ng masama ang lalaki.
Tumayo siya at nagtungo sa lababo ng banyo upang magmumog.
"Hindi mo ba nakikita ang ginagawa ko? Alangan namang sabihin kong tumatae ako e, bunganga ko ang nasa bungad ng kubeta hindi ang puwet." matapang niyang sagot dito habang pinahiran ang kanyang bibig ng towel saka diretso siyang lumabas ng banyo. Iniwan niya doon ang lalaking nag-abot ang kilay sa galit. Ewan nga ba niya kahit pinapahirapan na nga siya nito kinikilig pa rin ang kanyang sugatang puso. Sumunod ito sa kanya saka binalibag ang pinto ng banyo na ikinagulat niya.
"Ano ba! Papatayin mo ba ako sa gulat ha!" singhal niya sa lalaki.
Nilapitan siya nito saka hinawakan ang kanyang mukha.
"Are you seeking my attention, huh!" saad nito na ikinagulat niya.
Ano na naman ang problema nito?! Sigaw ng kanyang isipan.
"Excuse me, Mr. Soriano. Makakalabas kana! I don't need your attention. Mas gustuhin ko pang makaalis dito nungka maghahabol sa attention mo. Hindi ko iyon kailangan, para alam mo! Get out of here, now! I don't want to see your ugly face!" sigaw niya niya rito.
Hindi na niya mapigilan pa ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mga mata. Mabilis ang hakbang na tinalikuran niya ito at nagtungo sa paborito niyang spot sa kwarto, ang bintana. Agad siyang nagtago sa ilalim ng malaking kurtina. Noong kabataan niya tuwing siya ay nalulungkot sa tabi ng bintana ang kanyang tambayan. Habang nakatingin sa labas ng bintana unti-unting napapawi ang poot sa kanyang dibdib.
Akala niya lumabas na si Axel sa kanyang kwarto. Dahil paghupa ng kanyang galit dahan-dahan siyang lumabas mula sa pagkakatago sa malaking kurtina, nakita niya ang lalaki na nakaupo sa harap ng salamin.
"Why don't you eat the food that Manang Amelia cook for you?" malumanay nitong tanong.
Tiningnan niya sa mga mata ang lalaki.
"Hindi mo ba nakita ang nangyari kagabi? Ilang beses ko bang sabihin saiyo na ayaw kong kumain ng luto niya." sagot niya sa kalmadong boses.
"Okay, from now on, bahala kana sa buhay mo! Kakain kaman o hindi wala akong pakialam!" bulyaw nito sa kanya saka mabilis na tumayo at lumabas ng kanyang kwarto.
Naiwan siyang natulala at parang sasabog ang dibdib sa sobrang sama ng loob. Akala niya nagbago na ito dahil sa pinaramdam nito sa kanya noong araw na nagkita sila ngunit nagkakamali pala siya.