Chapter 15

1323 Words
6 months later, Nag-aalburuto ang isipan ni Axel habang papasok siya sa sliding door ng A&S Building. Papano kulang siya sa tulog dahil sa ingay na naririnig niya mula sa kwarto ni Margot. Hindi niya alam kung gising ba ito magdamag. Hindi niya ito binisita dahil baka mauwi na naman sa pagtatalo ang kanilang pag-haharap. Kahapon nilibot niya ang factory na pag-aari ng A&S, kung saan ginagawa ang lahat ng mga damit na dinisenyo ng mga sikat na designer ng kompanya. Ito rin ang pinu-promote ng mga model na katulad ni Margot noon. Meron ding sariling online shop ang kompanya. Kilala na, maging sa ibang bansa ang kanilang brand kaya mas lalong lumaki ang produksiyon ng mga damit nila lalo na sa mga pang-export sa ibang bansa. Isa sa nagpapasikat sa kanilang brand ay dahil siya mismo ang isa sa mga pangunahing model ng kompanya. Hindi niya namalayan dahil sa maraming iniisip nakarating na sila sa kanyang opisina. Pagkatapos niyang isabit ang leather jacket sa sabitan agad siyang nagtungo sa kinaroroonan ng maliit na aquarium. Habang pinapakain niya ang mga isda nilapitan siya ni Nikko. "Sir! May bagong pinasa na picture si Victor, kuha daw iyon kanina." pagbabalita nito. Umagang-umaga meron na namang masamang balita. Napakuyom siya ng kanyang kamao habang ibinabalik ang hawak na pagkain ng isda sa ilalim ng aquarium. "Kung hindi man lang yan importante Nik, huwag mo na akong disturbuhin pa para lang d'yan. Matagal ko nang sinabihan si Victor na huwag ng mag-send ng mga pictures niya. Hayaan na natin siya mas pinili niya ang lalaking iyon." mariing sagot niya habang hindi natitinag sa kinatatayuan. Umupo si Nikko sa kanyang harapan at iniharap sa kanya ang iPad na hawak nito. Umupo siya't kinuha ang kape at humigop dito saka inangat ang tingin kay Nikko. Nahuli ng kanyang mga mata ang larawan ng babae na maraming pasa sa katawan at duguan ang bibig. Biglang umakyat ang dugo sa kanyang ulo. "Fvck!" Mura niya sabay bato ng hawak na baso ng kape na ginawa ng kanyang secretary na si Alma. "You want me to do something, sir?" Napatingin siya kay Nikko. "No! She deserves it, Nik." matuwid niyang sagot. Ngunit hindi pa siya nakatayo mula sa kinauupuan niyang sofa, tumunog ang kanyang private number. Napatingin siya kay Nikko. Walang ibang nakakaalam nitong number niya kundi mga importanteng tao sa buhay niya, including Millie. Tumayo siya at kinuha ang cellphone na nasa kanyang mesa. Unknown number. "Thank you for answering your phone, babe." Umiiyak na hiyaw ni Millie mula sa kabilang linya. Napahaplos siya sa kanyang baba dahil sa naghahalong nararamdaman. Nais niya itong bulyawan at sumbatan sa lahat ng ginawa nito sa kanya. "What do you want?" "Babe, please help me! Maawa ka sa akin sinasaktan niya ako. Axel, pleaseee..." nagmamakaawa nitong sambit. Napapikit siya. "Where the h*ll on earth are you right now?" sigaw niya rito. Nakarinig siya ng malakas na putok. "Millie...!" Hindi na niya narinig ang sagot nito, dahil biglang nawala ito sa kabilang linya. "D*mn!" Lumapit si Nikko sa kanya at binigay ang iPad sa kanya. "Maybe this is the location, sir." "Let's go!" Walang pag-aatubiling lumabas siya sa kanyang opisina. Mag-isang naglalakad si Margot sa tabi ng park. Halos araw-araw niyang ginagawa iyon dahil nalalapit na ang araw ng kanyang panganganak. Halos hindi siya makatulog ilang gabi na, dahil sa laging pagsakit ng kanyang tiyan. Wala siyang ginawa kundi palakad-lakad sa loob ng kwarto hanggang madaling araw. Kung hindi pa niya pinakiusapan si Axel na payagan siyang lumabas upang maglakad, hindi pa siya makakalanghap ng sariwang hangin. Habang nasa kalagitnaan ng daan nakaramdam siya ng matinding sakit ng kanyang puson. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Tagaktak ang kanyang pawis dahil sa sakit at takot na naramdaman. Mabilis niyang kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan si Manang Amelia. Nakailang ring ang cellphone nito ngunit walang sumasagot. Umupo siya sa naroong upuan sa tabi ng puno. "Miss, anong nangyari saiyo?" Puna ng isang magandang babae na tantiya niya nasa 50's na ito sakto na dumaan ito sa kanyang tabi. "Manganganak na ata ako, madam." sagot niya na nalukot ang mukha dahil sa sakit. Nag-alalang hinaplos ng babae ang kanyang likod. "Nasaan ba ang asawa mo iha! Tinawagan mo na ba? Dapat hindi ka naglalakad ng mag-isa kapag kabuwanan mo na!" sambit nito habang walang humpay ang paghaplos sa kanyang likod. Lalo siyang napangiwi sa sakit nang bigla nalang tumigas ang bata sa loob ng kanyang tiyan. "Madam, ang sakit po!" impit niyang usal. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman dahil mag-isa pa rin siya kahit sa kanyang panganganak. Kinuha ng babae ang cellphone nito at may tinawagan. "Rey, dalhin mo rito sa park ang sasakyan, bilis!" utos nito sa kausap sa kabilang linya. Nang oras na iyon, wala na gaanong tao sa park kasi medyo mataas na ang araw. Enhale, exhale ang kanyang ginawa upang maibsan kunti ang sakit. Maging ang magandang babae ay pinagpapawisan na sa pag-aalala sa kanya. Mayamaya, isang magarang sasakyan ang pumarada sa kanilang harapan. Lumabas mula roon ang isang matandang lalaki na nakauniporme ng puti. "Madam, ano pong nangyari!" Napatingin ito sa kanya. "Dalhin natin siya sa hospital, dali...!" Pinagtulungan siyang akayin ng dalawa papasok sa sasakyan. May ilang nakatingin sa kanila na nakiusyuso. Ilang sandali lang ay nakarating din sila sa malapit na San Lucas Medical Hospital. Mabilis naman siyang inasikaso ng mga nurse doon, dahil mukhang kilala nila ang babaeng tumulong sa kanya. Halos isang oras nang nasa loob ng delivery room si Margot. Hindi pa rin lumalabas ang bata sa kanyang sinapupunan dahil hindi siya marunong umiri. Samantalang ang babaeng tumulong sa kanya ay balisang naghihintay sa labas. Hindi rin siya nito iniwanan. Mayamaya tumunog ang cellphone nito. "Son, where are you?" tanong nito sa kausap sa kabilang linya. "Okay, good! Mabuti naman kung ganun dahil nandito pa ako sa hospital. See you, next day son. Mag-iingat ka riyan." saad nito. Dalawang oras rin bago lumabas ang bata. Isang malusog na batang babae. Kahit nanghihina man si Margot, nagawa pa rin niyang ngumiti sa saya nang makita niya ang anak na kalong-kalong ng isang nurse. Halos lahat sila ay napatingin sa pintuan ng bigla itong bumukas. Sumingaw mula roon ang nag-aalalang mukha ng babae na tumulong sa kanya at ang driver nito. Agad itong lumapit sa kanya at hinaplos ang kanyang noo. "Brave woman! Are you okay, dear?" malumanay nitong tanong sa kanya. Ngumiti siya rito. "Maraming salamat po, madam!" isang butil ng luha ang pumatak mula sa kanyang mga mata. Pinahiran ito ng babae. "Don't cry baka mabinat ka. Walang anuman iyon. Ang importante ay ligtas na kayong dalawa ng anak mo. But wait, gusto mo bang tawagan ang asawa mo? Hindi ko pa siya nakitang dumarating, iha!" nagtatakang tanong nito kapagkuwan. Mabilis siyang napailing. "No, madam! Baka po busy siya, ayaw ko po siyang abalahin." isang malungkot na ngiti ang sumilay mula sa kanyang maliit na mukha. Tinitigan siya ng babae. "Hindi ba tanggap ng ama ang bata? Bakit mas importante pa sa kanya ang trabaho kesa sa makita ang pagsilang ng kanyang napakagandang angel? Naku iha, hindi maganda yang ganyan. Tanghali na kahit sumaglit man lang siya rito?" saad nito sa boses na halatang disappointed. Napailing ito saka inayos ang kumot niya."O siya sige iha, magpahinga kana, magpapaalam na rin ako dahil may appointment pa akong puntahan. Ingatan mo ang sarili mo, iha." paalam nito sa kanya. "Madam maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo." maluha-luhang sagot niya rito. Ngumiti lang ito saka lumapit sa nurse na nag-alaga sa kanyang anak bago ito nagtungo sa pintuan. She's lucky enough to met her in this very difficult situation she was in. Sana lang dumating ang araw na muli niya itong makita at mapasalamatan. Hindi niya masabi-sabi rito na hindi puwedeng pumunta ang ama ng bata dahil siguradong pagkakaguluhan ito ng mga media at maging mga netizens.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD