5 months later
Nakagamayan na ni Margot ang trabaho sa bahay ni Axel. Pakiramdam niya isa siyang asawa na naghihintay sa lalaki pauwi galing sa opisina. Paminsan-minsan naalala niya ang dating trabaho, ang kanyang mga kasamahan. Ngunit dahil ito ang kanyang pinili, isinasaisip nalang niya na panindigan ang nagawang desisyon. Sa edad na beinte-sais, minsan lang niya naranasang magka-boyfriend. Hindi rin sila nagtagal dahil nakahanap kaagad ito ng iba. Kaya hindi niya inaasahan na isang araw ang kanyang hinahangaan na tao sa tanang buhay niya ay siya pang maging unang halik niya. Kabaliwan man, ngunit naging buhay na ni Margot ang paghanga sa kanyang amo. Kaya habang narito siya sa tabi nito pagsilbihan niya ito ng tagos sa puso at may pagmamahal.
Naalimpungatan si Margot nang makarinig ng kaluskos sa may pintuan. Nakatulog na pala siya sa sala. Dali-dali siyang bumangon at tumakbo sa pintuan, hindi niya namalayan na naiwan niya ang suot-suot na salamin sa kanyang mga mata. Nagulat siya nang makitang nakaupo si Axel sa tabi ng pinto.
" Si-sir? Anong nangyari sayo?" Dali-dali niya itong tinulungan tumayo. Inakay niya ito papunta sa sala at pinaupo.
" Margot?" narinig niyang tawag nito sa kanya.
" Y-yes sir!" nauutal niyang sagot, dahil napatingin siya sa dibdib nitong bukas. Kitang-kita niya ang matipuno nitong dibdib.
Napalunok si Margot bigla, kaya ibinaling nalang niya ang tingin sa mukha nito.
Nagtaka naman si Axel kung bakit hawig na hawig ni Margot ang babaeng hinahanap niya, ngayong nakita niya itong walang salamin. Kahit lasing siya ay nasa maayos pa rin ang kanyang pag-iisip. Tinaas niya ang kanyang kamay upang hawakan ang mukha nito. Napatitig si Margot sa kanya nang hapitin niya ang mukha nito palapit sa kanya.
" Si-sir!" sambit nito. Walang ano-anu'y hinila niya ito at hinalikan. Napayakap ito sa kanya, habang nakahilay siya sa sofa. Kahit ang malambot na labi, ang hininga ay magkapareho coincidence nga lang ba talaga ito? Napansin niyang napapikit ito. Niyakap niya ito at naging mapusok ang kanyang mga labi sa pag-angkin sa labi ng dalaga. Naging malikot ang mga kamay ni Axel, at unti-unting bumaba ang kanyang mga halik sa leeg ng dalaga. Nagulat ito napahawak sa kanyang braso, kaya napatigil siya bigla sa kanyang ginagawa.
" I'm sorry, nadala ako, " sambit niya.
" Pa-pasensya na rin po sir, nakainom po kayo kaya ako po ang may kasalanan." nakayukong sagot nito.
" Bakit gising ka pa?" tanong niya rito. Nakaupo silang pareho sa sofa.
" Hinintay po kita, pero nakatulog ako sa sofa. Nagising ako nang maramdaman kong dumating ka na. " paliwanag nito sa kanya.
" I'm fine Margot, sa susunod wag mo na akong hintayin okay? You can go back to sleep now. I can manage myself." saad niya rito.
" Gagawa lang po ako ng honey water saglit lang po." wika nito sabay tayo at pumunta sa kusina.
Napatingin si Axel sa likuran ng dalaga. Ang liit lang din ng katawan nito, katulad kay Margot Alcantara. Hindi siguro nito napansin na hindi ito nakasuot ng salamin.
Hindi maintindihan ni Margot ang nararamdaman. Sobrang hiyang-hiya siya sa nangyari. Bakit hindi niya nagawang manlaban, bagkos tinugon niya pa. Napailing siya habang gumagawa ng honey water.
Pagbalik sa sala naabutan niya ang amo na nakapikit habang nakapatong ang kanang kamay sa ulo nito.
" Sir! Inumin niyo po ito." alok niya sa isang basong honey water. Bahagya naman itong dumilat. Inalalayan niya itong makabangon upang hindi mabuhos ang tubig.
" Thank you!" sagot nito pagkatapos nitong inumin.
" Sige po papasok na po ako sa kwarto. " paalam ni Margot sa lalaki.
Nakita niya itong nakayuko. Saka bahagya nitong iniangat ang mukha. Nakatitig ito sa kanya.
" Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako naglasing ngayong gabi?" sabi nito, saka bumalik sa pagkahiga sa sofa. Binigyan niya ito ng isang unan.
" Hindi po, may problema po ba kayo sir?" tanong niya rito.
" Mayro'n," nakita niyang napabuntong-hininga ito saka nagpatuloy.
" Ipinagkasundo ako nina Mommy at Daddy sa isang babae na ayaw ko. Dahil gusto lang nila magkaapo." malungkot na sabi nito.
" Hindi naman po siguro pangit yung babae sir kasi impossible na magugustuhan siya ng Mommy mo." sagot ni Margot sa lalaki.
" You don't know her, gagawin niya ang lahat masunod lang ang gusto niya. Matagal na nila akong hinihingian ng apo. Hindi ko lang pinansin, ngunit hindi ko inakala na hahantong sa ganito." paliwanag nito sa kanya.
" So, ano po ang balak n'yo ngayon? " tanong niya habang nakatingin sa lalaki. Nakahiga ito samantalang nakaupo naman siya sa may paanan nito.
" Napag-isipan ko dahil ayaw kong matali sa kahit sinong babae, lalo na't hindi ko mahal. Bibigyan ko sila ng apo kung yun ang gusto nila. Hahanap ako ng babae na willing sa lahat ng conditions ko. Yan na ang trend ngayon hindi ba? I already ask my Doctor friend, and he said, it's a good idea for the people like me. " hindi alam ni Margot kung magugulat siya sa sinabi ng amo o dahil tinititigan siya nito." Ang ganda mo pala pagwala yang salamin sa mga mata mo." biglang saad nito na nagpabilis ng t***k ng kanyang puso.
" Hindi naman po sir, " nahihiyang sagot niya.
Bigla itong tumawa, habang nakapikit ang mga mata. Para na namang lumulutang si Margot dahil sa nakaka-akit nitong ngiti.
" Kumusta po ang paghahanap n'yo sir, may nahanap na po ba kayo?" minabuti niyang ilihis ang topic upang maiwasan ang awkward na sitwasyon. Hindi niya alam kung bakit parang may kung anong tinig ang bumulong sa kanya na mag-prisinta.
" Not yet, maingat ang paghahanap namin. Dahil ang gusto ko yung mapagkatiwalaan ng sekreto, mahirap na baka malaman pa ng media." sabi nito.
" Tama po kayo sir ."
" Mauna ka nang matulog, maya-maya pa ako papasok sa kwarto." utos nito sa kanya habang nakapikit ang mga mata.
" Okay po, goodnight sir! " sagot niya at lumakad na papasok sa kanyang kwarto.
Hindi makapaniwala si Margot sa nangyari kanina. Kaya sa sobrang tuwa niya hindi na siya dinalaw ng antok. Hanggang sa madaling araw na. Naisip niya ang sinabi nito tungkol sa surrogate mother." Ano kaya kung try kong mag-apply?" nakangiti niyang bulong sa sarili. Pag-ito gagawin niya, mababatukan na siya nang kanyang kaibigan.
Kinabukasan maaga siyang nagising, paglabas niya sa kwarto wala na si Axel sa sofa. Naisip niya nalang, siguro lumipat na ito sa kwarto kagabi. Habang naghahanda ng agahan, hindi niya maiwasan na maalala ang nangyari kagabi. Ngunit nakaramdam siya nang hiya sa sarili. Masyado kang assuming girl bulong niya sa sarili. Sa hitsura mong yan magugustuhan ka niya? Isinantabi niya ang isiping iyon para hindi masisira ang araw niya.
Saktong alas siyete lumabas si Axel sa kwarto nito. Nakaligo na ito at nakapalit na rin ng damit. Amoy na amoy niya ang mabangong pabango nito, ngunit pinigilan niya ang sarili upang hindi siya nito mahalata. Ang hirap ng buhay fangirl kailangan mong magpigil, kulang nalang aakitin niya si Axel. Pero kung sa ganyang usapan malayong magagawa ni Margot iyan, dahil kahit papaano may respeto pa siyang natira sa sarili. Liban lang kong ito mismo ang papayag na maging surrogate mother siya nang magiging anak nito charottt....
" Hello sir, good morning!" bati niya rito.
" Good morning!" maikling sagot nito, saka inilapag ang attache case sa isang upuan sa tabi at umupo ito upang kumain.
Tatalikod na sana siya nang magsalita ito.
" I'm sorry for what I did last night. May kamukha ka kasi, kaya napagkamalan kitang siya." paliwanag nito. Para namang hiniwa ang puso ni Margot sa narinig. Ilang beses na itong humingi ng pasensya tungkol sa nangyari kagabi.
" Okay lang po yun sir, naiintindihan ko po kasi lasing na lasing kayo kagabi, " sagot niya.
" Excuse me po, may gagawin lang po ako sa kusina." tumalikod na siya kahit hindi niya narinig kung sumagot ba ito o hindi.
Pagdating niya sa kusina, biglang tumulo ang kanyang mga luha." Masakit pala pag yung tao na gustong-gusto mo inayawan ka! Shunga, emotera, assuming ka lang kasi kaya iyan ang napala mo!" maluha-luhang napangiti siya sa naiisip.
Ginugol nalang niya ang kanyang oras sa paglilinis ng buong bahay para hindi niya lang maalala ang mga sinabi nito.