Chapter 7

1579 Words
Nakatitig si Axel sa ballpen na hawak habang pinapaikot-ikot ito sa kanyang mga daliri. Iniisip niya ang nangyari kagabi. Ang mukha ni Margot na katulong niya at ang Margot na minsan niyang nakasama at na halikan. Halos magkatulad sila sa lahat. Ngunit magkaibang katauhan. Ayaw niyang panghimasokan ang buhay ng dalaga dahil maayos naman ang trabaho nito. Sa loob nang ilang buwan na nakasama niya ito, wala pa siyang naging problema rito. Ang problema naman niya ngayon ay ang kanyang ina. Saan siya hahanap ng babaeng papayag sa mga gusto niya. Ayaw niyang kahit sino nalang ang kukunin kasi baka magka-problema pa siya sa susunod na araw. Habang abala sa mga papeles sa kanyang mesa, may message na dumating sa kanyang cellphone. Pag-open niya bumungad sa kanya ang masayang mukha ni Millie. Naka-swimsuit lang ito habang kayakap ang nobyo nito. Tinawagan niya ang kaibigan na nagpasa ng picture. " Ian, from now on wag kanang magpasa ng pictures niya. Pabayaan na natin siya. Ayaw kong isipin niya na hanggang ngayon naghahabol pa rin ako sa kanya." sabi niya sa kaibigan. " Okay, no problem!" sagot naman nito. " Thanks bro!" Samantalang nagpaalam si Margot na lumabas upang makipagkita kay Trisha. Nais niyang hingiin ang permission nito, bago niya gawin ang kanyang binabalak. Nagkita sila sa paborito nilang restaurant. " Ohhh ano bruha, masaya ba ang buhay mo na kasama siya?" bungad nito sa kanya. " Teka nga muna paupuin mo po muna ako, marites ka talaga noh! Hmm," aniya habang hinihila ang ang upuan. Napansin niyang nakatitig ito sa kanya. Kinakabahan na siya kung ano ang tanong na lalabas sa bunganga nito. " Bakit hindi mo suot ang wig mo?" tumawa siya dahil sa sinabi nito. Tumaas naman ang isang kilay ni Trisha saka nagsalita. " May nakakatawa ba sa sinabi ko Margot?" Bigla siyang napatigil sa pagtawa, tinakpan niya ang kanyang bibig. Kaya niya mahal na mahal si Trisha dahil sa pagiging strict nito sa kanya tinalo pa ang totoong mga magulang. " Nanay ko, tumawa po ako dahil hindi ka na naawa sa akin. Mahirap po kaya magsuot no'n, pakiramdam ko ang init-init ng ulo ko." sagot niya rito, sabay pinaikot niya ang kanyang eyeballs. Inirapan lang siya nito. " Sino ang may kasalanan aber, wala po nag-utos sa inyo na pasukin ang ganyang kabaliwan. Ka ganda-ganda ng trabaho mo iniwan mo lang dahil sa kabaliwan mo d'yan sa lalaking yan!" mahabang sermon nito sa kanya. " Kumain na muna tayo dahil baka aatakihin ka ng high blood pag marinig mo ang sasabihin ko. " nakangiti niyang biro sa kaibigan. " Siguraduhin mo lang na magugustuhan ko yang klase ng biro mo. Kasi kung hindi ay nako Margx babatukan talaga kita." saad nito habang nag-uumpisang kumain. " Inaasahan ko na yan!" sagot niya rito. Tahimik silang kumakain, pareho nilang paborito ang bulalo. Specialty ito ng Sharra restaurant na suki nilang pinupuntahan mula pa noong college days nila. Siyempre dahil anak ng may-ari ang ex ni Margot. " Siya nga pala ano yung sasabihin mo sa akin?" tanong ni Trisha habang nagpupunas ng bibig. " Promise me, hindi ka magagalit!" lambing ni Margot sa kaibigan. Mataman siya nitong tinitigan. " Parang may kalokohan na namang pumasok sa isipan mo babae ka!" saad nito bigla. Biglang sumeryoso ang mukha ni Margot. " Gusto ko sanang mag-apply bilang surrogate mother sa magiging anak ni Axel." diretsahang sagot niya. " Ikaw? Gusto mo maging surrogate mother ng anak niya?" gulat na tanong ni Trisha. Hindi maipinta ang mukha nito. " Calm down, okay? Wag ka nang magalit please! " nagmamakaawa siya sa kaibigan. " Baliw kana talaga sa lalaking yan." sagot nito. "Alalahanin mo bes, hindi mo siya makakasama forever, and then ibibigay mo ang sarili mo sa kanya? Pagkatapos ay ano? Iiyak ka sa tabi, tandaan mo yang sinasabi ko. Pagmabuntis ka ibigay mo sa kanya ang bata, titiisin mong hindi makita at makasama ang anak mo! Makakaya mo ba yun?" Hindi siya nakaimik, dahil tama naman ito. Pero kahit siya hindi niya pinangarap magkaroon ng anak, kaya okay lang. " Okay lang sa akin at least mayaman naman sila, maibigay naman nila ang kailangan ng bata, kaya why not di ba! " saad ni Margot sa kaibigan. " Bahala ka na nga, basta pag ano man ang mangyari, wag kang iiyak-iyak ha! Nako pag nangyari yan ewan ko na lang anong gagawin ko sayo Margot Alcantara. " niyakap niya ang kaibigan sa tuwa. Magaan ang pakiramdam na umuwi si Margot ng gabing 'yon. Papasok na siya ng building nang namataan niya si Axel na paparating. Kinabahang pinindot niya ang button ng elevator. Dahil sa excitement nakalimutan niyang hindi pala siya naka disguise. Nakahinga lang siya ng maluwag ng nakapasok na siya sa kanyang kwarto. Maya-maya nakarinig siya ng tunog nang bumukas na pinto. Inayos niya ang kanyang sarili saka nag lakas ng loob lumabas ng kwarto. Papasok na sana si Axel sa kanyang kwarto ng lumabas si Margot sa kabilang kwarto. " Good evening sir! Nag hapunan na po ba kayo?" tanong nito sa kanya. " Yes! Akala ko nasa labas ka pa?" Napansin niyang blooming ang mukha nito ngayon, lumilitaw ang maputi nitong balat. Napakurap siya sa iniisip, dumiretso na lamang siya sa kanyang kwarto. Hindi na niya hinintay ang sagot ng dalaga. Wala siya sa mood buong maghapon dahil sa mga ka blind-date na pakana ng kanyang ina. Dahil umayaw siya sa ipinagkasundo na babae sa kanya. Wala pa rin siyang nakikitang babae na papayag sa kanyang gusto. Habang nasa balcony ng kanyang kwarto, nakatanaw siya sa magagandang view sa labas ng condominium niya. Naalala niya ang mga pangako ni Millie sa kanya noon, na siya lang ang mamahalin nito hanggang sa huli. Kaya ngayon dahil sa buong tiwala na binigay niya sa babae siya ang naiwang luhaan. Halos isang buwan din silang laman ng social media noon. Kaya ngayon parang nahihirapan siyang tumanggap ulit ng babae sa buhay niya. Ngunit nagbago na sana ang linyang yan ng makilala niya si Margot Alcantara sa club. Pero bigla din itong nawala na parang bula. Humakbang siya palabas ng kwarto upang pumunta ng sala. Naabutan niya si Margot na nakaupo sa sala habang nanonood ng movie. " You like this movie too?" tanong niya sa dalaga, habang nanonood ito ng Pride and Prejudice. " Yes sir, kahit ang libro nito gustong-gusto ko." nakangiti nitong sagot. Bakit ba parang ang sarap kasama nitong babaeng 'to. Nag-eenjoy si Axel habang kasama si Margot, nalaman niya na magkatulad sila sa maraming bagay. Magkatabi sila na nakaupo sa sofa. Paminsan-minsan ninanakawan niya ito ng sulyap. "Kung baguhin lang ang fashion niya sigurado siya na maganda ito," naisip ni Axel. " Margot, hmm wala ka bang balak na ayusin kunti kahit ang buhok mo lang? I'm sure maganda ka, konting ayos lang." suhestiyon niya rito. " Okay na po ako sa ganito sir," sagot nito sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya," Okay, It's up to you!" " Nakahanap na po ba kayo no'ng binabalak niyong magiging surrogate mother sir? " biglang tanong nito sa kanya. " Hindi pa nga ehh, nawawalan na ako ng pag-asa." bahagya itong nalungkot sa sinabi niya. " Paano kung mag-apply ako sir, okay lang ba saiyo? " nabigla siya sa sinabi nito, hindi siya kaagad nakapagreact. Naalala ni Axel ang panaginip niya na nagpresinta itong maging surrogate mother. " Are you kidding me?" seryosong tanong niya rito. Napaharap siya bigla sa dalaga. Matagal-tagal na rin niya itong nakasama sa bahay. Kaya parang komportable siya pagkaharap ito. " Nope! I'm being serious here, kasi naman ang hirap humanap ngayon ng babaeng papayag sa mga conditions na gusto niyo. Kaya naisip ko magpresinta kung okay lang sa inyo." hindi siya makapaniwala sa narinig. Napailing siya habang nakatitig dito. "Margot, I want you to think about it again. Baka nabibigla ka lang. It's not an easy task you know! " sagot niya. " I know sir, because I'm ugly kaya ayaw niyo. Okay lang naman po sa akin." pilit nitong ngumiti sa harap niya. " Hindi sa ganoon, kailangan mong mabuntis. Ano nalang ang sasabihin ng pamilya mo, how about your boyfriend?" tanong niya rito. " First of all, I'm an Orphan, second I don't have a boyfriend. " nabigla siya sa sinabi nito. " I'm sorry, I didn't mean to - - - No problem sir. " pinutol ni Margot ang iba pang sasabihin ng kanyang amo. Sino ba naman kasi siya, ang lakas ng loob niya na magpresinta. Hindi naman siya kagandahan haler! Nasasaktan siya sa kanyang naiisip. " Sige po sir, kalimutan niyo nalang po yung sinabi ko. Goodnight Sir Axel." tumayo na siya upang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi pa siya nakakalayo nang magsalita ito. " Willing ka ba talaga? Hindi ito madali, kailangan mong ibigay sa akin ang bata. " saad nito. Dahan-dahan siyang humarap dito. " Okay lang po sa akin sir kasi wala po akong balak mag-asawa o magka-anak." nabigla ito sa sinabi niya. " Injection lang naman yan hindi po ba? " " No! I don't have plan to undergo Artificial Insemination. I want to do it normal, we need to spend our night together. That's why naghahanap ako nang umaayon sa conditions ko. But, I want to keep it confidentially, you know my status Margot." paliwanag nito sa kanya ngunit nagulat siya sa sinabi nitong..... Wait, what? Magsiping silang dalawa? Yung virginity niya, Ohh my goodness. Napasapo siya sa kanyang bibig dahil sa gulat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD